Three

2227 Words
Binuksan ko ang folder pagkarating ko ng bahay. I just finished changing my clothes. Sumampa ako sa kama at saka binasa ang laman ng folder. Medyo madaming intro ang nakalagay roon na nilagpasan na ng mata ko. At the bottom there is an address. Oh! So, foundation pala ito? It's for cancer patients and also cancer survivors that are still in the area and still recovering. Binasa kong muli ang content ng buong papel. We will raise a fund for them and it will be a major project of the school. Kaya naman pala. Bakit sa amin pa pinagawa? We're accountancy students and we are very busy. Ano naman kayang nasa isip ng prof na iyon? I mean, not that I don't wanna help, but there's a lot out there who have all the time in their hands. Or we can just do this as a class. Bakit dalawa lang kami? Are they even thinking? And you know what's worse? Mayroong amount na kailangang ma-meet by the end of the year which is also the end of our semester. The school will give us a small amount to help us deliver our plan. Wow! Just how we can do this? Bumuntong-hininga ako saka inilapag ang folder sa ibabaw ng mesa sa tabi ng kama. Pabagsak akong humiga at nakipagtitigan sa ceiling. Now, that's another thing to be stressed about. Wednesday morning, nagkasalubong kami ni Gino sa gate. Ang totoo ay medyo nag-assume ako na gagamitin niya itong way para maging malapit sa akin pero nagulat ako nang hindi niya ako pansinin. Dire-diretso lang siya suot ang masungit niyang mukha. "Ang gwapo, ano?" Naghagikhikan ang mga babae na nadaanan niya. Tss! Aanhin mo ang gwapo kung ubod ng sungit? Nadagdagan lang ang inis ko sa kanya dahil sa ginawa niyang panggagaya kahapon. Kung hindi dahil sa kanya, eh 'di, wala sana akong po-problemahin ngayon. Isa pa yung sulat niya. Bakit kailangan niya pang gawin iyon kung wala naman pala siyang pakielam? Is he toying with me? "Hi, Cheska!" Nilingon ko ang isang singkit na lalaki na kumaway sa akin. Malaki ang ngiting naka-plaster sa mukha na para bang nakatanggap ng napakagandang balita ngayong umaga. "Nalaman ko yung nangyari sa meeting niyo kahapon. Ginaya ni Gino yung sagot mo?"  Natawa pa siya pero hindi naman iyon nakakatawa. Who is this guy anyway? Oh! Okay. Siya pala yung kaibigan ni Gino, the only friend he has in this university. O baka only friend talaga even outside. "Okay?" alanganing sagot ko. Hindi ko kasi ma-gets kung ano ang point niya.  "Ano ang pinagawa sa inyo nung prof? Ayaw sabihin ni Gino, eh." I shrugged. Ayaw pala sabihin, so, bakit ako naman ang tatanungin niya? Tumingin ako sa relo ko at nagkunwari na nagulat sa oras. "I'm sorry, I have to go." Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at nagmamadaling umalis. Phew! Gino's friend is something. Ni hindi ko man lang maramdaman na nahihiya siyang lapitan o kausapin ako. He has the nerve! But he's someone I'd want to befriend, too. Alam ko kasi na hindi siya plastic o hindi niya ako nilalapitan para sa kasikatan o sa pera. That's rare. "Napagalitan kayo kahapon?" tanong ni Monica pagkaupo ko sa upuang katabi niya. "Hindi naman," sagot ko. Ang tinutukoy niya ay yung sa pinatawag kami. "May pinagawa lang." "Dalawa kayo ni Gino? Alam mo ba na usap-usapan kayong dalawa sa other courses." Umiling ako. "People and their drama." Pagdating ng teacher namin ay agad kaming nag-quiz. Next period is activity, next ay vacant dahil absent ang prof. Medyo pagod na ako nang dumating ang lunch break. Dumaan kami ni Alyanna sa cafeteria para sa pagkain namin.  Pagpasok pa lang ay namataan ko na agad ang pwesto ni Gino. Madali lang siya hanapin kahit madaming tao o siguro dahil alam naman talaga ng lahat kung saan sila laging nakapwesto. Dire-diretso lang siya sa pagkain at hindi nililingon ang paligid. He's really weird. Nakaabot siya ng fourth year na ganyan? Nagkatinginan kami ng kaibigan niya. Ngumiti ito at kumaway. I forced a smile and look away. Baka mamaya ay ayain niya pa kami sa table nila. Hindi ko yata kaya na makasama si Gino sa isang table. Naiinis din kasi ako sa kanya. Hindi ko alam kung ako lang ba o normal lang talaga sa babae na medyo mag-assume ng kung ano-ano kahit hindi niya gusto ang lalaki kapag umamin ito ng nararamdaman sa kanya.  Torpe lang ba siya? O baka naman may nang-prank lang sa akin? Damn. This is so annoying. "Huy, Ches, ikaw na." Hindi ko namalayan na ako na pala ang nasa counter. I ordered my usual meal before leaving the cafeteria with Alyanna. Ibinaba namin ang bag sa tabi namin dahil maluwang ang bench. Magkatapat kami at sa pagitan ang mesa. "Nice lip color," sabi ko rito.  Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis sa akin. "Thanks! Got it from Dior." Alyanna is my most kikay friend, well she's my bestfriend. May mangilan-ngilan din naman akong mga kaibigan pero nasa iba't ibang school na rin sila. Highschool friends. Nang mag-college ay si Alyanna na lang ang regular kong nakakasama. Sa room ay si Monica ang pinaka-close ko. "Nag-shopping ka?" "Hindi. Pinadala lang ito ni tita. Gift. Anyway, may narinig ako kahapon. Pinatawag daw kayo ni Gino sa office? Bakit?" Napairap ako nang marinig ang pangalan niya. "That stupid... ugh." I rolled my eyes again. "Pareho kaming nominees for the position of president." "Ah, nag-elections na kayo?" I nodded. "And then I object since, you know, not my thing. At masyado ng maraming schoolworks para dagdagan pa." "And then? Ano namang kinalaman ni Gino? Don't tell me sinabi mong siya na lang ang maging president instead of you?" "Duh! Bakit ko naman siya ituturo? I don't even know his capabilities. Pareho kaming nag-objection." "Ah, oo nga pala, pareho kayong na-nominate. And?"  Nagsalubong ang kilay ko dahil masyado siyang atat sa kwento. Hindi naman nakaka-excite na malaman iyon dahil nakaka-highblood. I felt like that Gino Sanderson is playing with my feelings. Porque gwapo at matalino, akala niya siguro ay madali akong mahuhulog sa kanya. Ha! I'll show to him that I don't care. Sinabi ko sa kanya yung nangyari. Kung paano ako nagpaliwanag at kung paano ginaya ni Gino ang mga sinabi ko, at kung paano kami nasermonan na dalawa sa harap ng mga kaklase namin. Humagalpak siya ng tawa matapos kong magkwento. "Did he really do that? Ginaya niya talaga?" Sinundan niyang muli ng tawa. "Oo nga," nakairap na sagot ko. Halos hindi pa nababawasan ang pagkain namin dahil sa pagkukwentuhan. "Wow! The nerve, huh?" "The guts. Tss." Naningkit ang mga mata niya at tiningnan ako ng mariin. "Girl, are you sure you don't like him? I mean, understandable naman kung crush mo siya. Gwapo naman kasi talaga, ang lakas ng dating tapos pinakamatalino pa sa batch at department niyo. Bagay naman kayo if ever pero baka mapaaway ka lang din lalo na at patay na patay si Aira doon." "Come on," naiiling na sabi ko. Hindi ako makapaniwala na iniisip niya iyon. Like, duh! Nangangati tuloy ang dila ko na sabihin sa kanya ang tungkol sa letter.  "So, hindi mo talaga gusto?" "Eh, kung kumain ka na lang? Gutom lang iyan." Ngumiti siya at sa halip na sumubo ng pagkain ay tinungko niya ang dalawang siko sa mesa at saka ako tinitigan habang ang ngiti ay patuloy na naglalaro sa kanyang labi. Dahil sa ginawa niya ay napansin ko rin na naka-mascara ito at double eyelashes dahil hindi naman ganyan kakapal ang lashes niya.  "What if manligaw sa'yo si Gino? Who knows, malay mo may gusto sa'yo yung tao." Napaubo ako at nasamid sa sinabi niya. Damn. Bakit ba naisipan ko pang sumubo ng kanin habang hinihintay ang sasabihin niya? Sometimes I cannot trust her tongue.  May gusto? Kung ibabase ko sa letter ay oo pero kung sa aksyon na pinapakita niya ay malabo. "Can we just cut that Gino topic? Nawawalan ako ng gana." She pressed her lips together and acted like zipping it. She smiled afterwards. "Oh, sige na nga. Back to your sister na lang. So, true yung event niya na magaganap next month?" Napunta na ng tuluyan doon ang usapan namin pero sandali lang din dahil baka may makarinig lalo't leaked source pa lang ang naglalabas at wala pang official announcement. Or meron na ba? Hindi ko sure dahil tulad ng sinabi ko, hindi ako ma-social media na tao kaya hindi ako updated sa mga ganyang bagay. Muli kaming pinatawag sa office ni Gino. Same prof na nagbigay sa amin nung task. Sabay kaming dumating sa pintuan ng office. Nagkatinginan kami at naghintayan kung sino ang magbubukas. He should just be a gentleman and open it, right? Ngingiti na sana ako nang binuksan niya iyon at magpapasalamat pero nauna siyang pumasok at iniwan ako sa labas. Napipikon akong nagbuga ng hininga. You know what, I really don't think he is the owner of the letter. Dahil kung siya iyon, ngayon pa lang ay alam niya ng wala na siyang pag-asa. He's the most annoying person I have ever encounter. Magsama sila ni Aira dahil pareho silang may attitude problems. "Nabasa niyo na ba?" tanong niya agad nang makaupo kaming dalawa ni Gino sa harap ng table niya. Hindi ko alam kung nakatingin ba sa akin si Gino o na kay Ma'am lang ang tingin niya. I don't wanna look at his way. Naiinis ako sa hindi malamang dahilan. Well, maraming dahilan, hindi ko na alam kung ano ba roon ang pinakanakakainis. "Yes, Ma'am," sagot ko. "Kaming dalawa lang po ba talaga ang gagawa no'n? Hindi ba pwede na buong department?" "You can ask for their help if they want to help." Ano namang klaseng sagot iyon. Pwede naman na i-require niya para tutulong ang lahat. "When are we going to start, Ma'am? Do we have to update you about our plans?" "Pwede at pwede rin namang hindi. Just send me a monthly status of the fund and also pictures of you two that you are really working together. Attendance, too. Kailangan every Saturday ay nandoon kayo. You can meet anytime you want for planning and all but the attendance every Saturday is mandatory." "Hindi po ba pwede na magkaroon na lang kami ng individual tasks?" I looked at Gino who is looking at me like he doesn't give a fvck for whatever suggestion I have. Ibinalik ko ang tingin kay Ma'am. "We have different schedules, Ma'am. Baka mahirapan kami mag-schedule ng meeting." "Two weeks pa naman bago ang start ng first Saturday niyo roon. I do think that's enough time for you two to plan things out. Isa pa, pwede naman kayo mag-plan using your social media accounts." "But..." "Any problems with that?" Tumaas na ang sulok ng isa niyang kilay kaya umiling na lang ako kahit ang dami ko pa sanang gusto sabihin. "How about you, Mr. Sanderson?" "I'm fine with it," pa-cool na sagot niya. Tumingin siya sa akin. Oh my gosh! How could I forget that it's an advantage on his part? Kung totoo na may gusto siya sa akin, of course he wants it! "Okay. So it's now settled. May mga tanong pa ba kayo?" "Wala na po," mahinang tugon ko. Hindi ko alam kung ano nga ba ang patutunguhan nitong ginagawa namin. Mahirap ang pinapagawa nila. I mean, yes, it's nice to help and I really want to help but can I just... oh, speaking of that... "Kapag po ba nabuo na ang fund na kailangan ay tapos na?" "Kayo ang bahala. Pero may isa pa pala, hindi niyo pwede gamitin ang pera niyo, ng family niyo, or sponsor sa mga malalaking tao." What!? I sighed exasperatedly. Kasalanan ito nitong lalaking ito, eh. Kung hindi niya ako ginaya sa sinabi ko, eh, 'di sana ay nakalusot na ako sa mga paganito ni Ma'am. Yes, passed na agad automatic sa subject niya pero bakit kailangan may kasama pa ako? I don't know why despite of my attitude, I am ashamed for some reason. Wow, nahihiya ako kasi alam kong may gusto siya sa akin? Weird, right, pero alam ko na kahit papaano ay may mga nakaka-relate sa akin. Yung sila ang may gusto pero ikaw ang nahihiya. And another, Gino is pretending like he doesn't know a thing and it's very annoying. Kung ayaw niya sa akin, kung nagbago ang isip niya, he could just say it to my face. He really makes me feel like he's annoyed whenever I am around. "Okay, you should go now. Study hard and good luck to your project." Tipid akong ngumiti saka tumayo at naunang lumabas kay Gino. Hindi ko siya pinansin bagaman nag-expect ako na tatawagin niya ako upang pag-usapan ang gagawin namin. He didn't do nor say anything though. Binagalan ko ang paglakad para doon pero nilagpasan niya lang ako dahil malalaki ang hakbang niya. From my position, my view is his back as he walks around like he owns the place. Naiirita ako sa hindi malamang dahilan. Was he really the owner of the letter? I swear, if it is not him, I'd punch whoever used his name and gave the letter to me on his face! Wala naman akong pinagsabihan maski si Alyanna, but still, it's shameful. I am ashamed even to myself. If ever it's not really him who wrote it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD