Nagmamadali kong p-in-ark ang sasakyan at patakbong pumasok sa loob ng university. Damn. I'm already five minutes late. Baka patapos na mag-attendance yung prof.
Habang tumatakbo ay may nabunggo ako. I smell a feminine perfume so I'm sure it's a lady.
"What the fvck?"
Oh s**t! Bakit ngayon pa? I apologetically smiled at Aira who is very ready to pull my hair any second from now.
"Sorry," sambit ko. Nag-peace sign ako saka tumakbo dahil late na talaga ako.
Hinihingal akong huminto sa harap ng classroom. Great. Just great. Nandoon na nga si Ma'am at nagsasalita sa harap. She's done checking our attendance. Either mamarkahan ako ng late o absent. But at least I showed up, right?
"Good morning, Ma'am. I'm sorry I'm late."
She nodded and continued discussing.
Pagkaupo ay inilabas ko na agad ang mga gamit. Buti na lang at nag-a-advance reading ako kaya kahit late ay nasusundan ko pa naman ang sinasabi niya.
It's Thursday already. Kagabi kasi ay nag-iisip ako kung icha-chat ko ba si Gino o kakausapin na lang siya sa personal. Hindi naman pwede na magkita lang kami sa sabado na wala man lang kaplano-plano. Isa pa, baka bigla kaming ipatawag ni Ma'am at itanong kung ano ang napag-usapan namin.
I tried searching his name online. Wala siya gaanong kaibigan. Wala siya gaanong pictures doon at wala din masyadong mga impormasyon na nakalatag tungkol sa kanya. Mas na-curious tuloy ako. What's with that guy and why is he so mysterious? I have a strong feeling that he is something. He's not an ordinary student. I mean, come on, even the most shy and most arrogant student have friends, they talk to other students, they approached people...
May pagka-introvert ako pero yung kay Gino? Sobrang grabe no'n. At first, I just thought he's snob but even on social media? Like, really? Parang ang boring naman ng buhay niya.
Wait... He has a friend, right? Justin?
What if he's gay?
"Omg!" I shrieked loudly with my inner thoughts.
"Bakit?" tanong ni Monica na medyo naistorbo ko yata. Last period na namin para sa pang-umaga na klase at naghihintay kami ng teacher.
I smiled at her. "Wala. Sige, continue reading na."
Binuksan ko na rin ang libro ko pero ang nasa isip ko ay si Gino at ang project namin. Bakit ako lang namomroblema neto? Eh, kung hayaan ko na lang kaya? Bahala na kung mapagalitan kami pareho?
Argh!
After that class, dumiretso ako sa cafeteria. Bahala na. Kakapalan ko na ang mukha ko. Siguro hindi niya naman ako ipapahiya, 'di ba? Kaunti na lang talaga ay makukumbinsi na ako na hindi nga galing sa kanya ang letter. Bakit parang ang dating ako ang may gusto sa kanya at ako itong affected, eh siya itong umamin ng nararamdaman?
Malayo pa lang ay natanaw ko na agad siya na may hawak na tray at papunta sa usual nilang pwesto. I looked around to find Aira. Mukhang wala pa siya. Great.
Nag-order ako ng sisig at dumiretso sa pwesto nila Gino. He is with Justin again. Pati ba itong Justin ay walang kaibigan? I doubt. The last time we talk, he's so friendly. Baka sinasabayan niya lang ang trip ni Gino?
Ibinaba ko ang tray sa mesa nila at tumabi kay Gino.
"Hi!" I greeted both of them.
Kumunot ang noo ni Gino at bahagyang nagtaas ng kilay pero kalaunan ay nagbaba ng tingin sa pagkain niya at hindi na lang ako pinansin.
U-huh!? Sabi nila pinaalis niya si Aira rito noon? Ayon sa chismis na nasagap ko. Good news ba ang hindi niya pagsita sa akin?
"Hi, Cheska! Buti dito ka sa cafeteria nag-lunch ngayon?"
See? Justin is friendly. Si Gino lang talaga ang may attitude.
I smiled at him. "I have something to discuss with your friend."
"Oh, gusto niyo ba lumipat ako ng upuan?"
Umiling ako agad. Si Gino naman ay pinaningkitan ang kaibigan, para bang naiinis siya kay Justin dahil sa walang kwenta nitong suhestyon. Takot ba siya na maiwan na kaming dalawa lang? Is he really shy? Kaya ba ang dating ay sinusungitan niya ako?
I bite my lower lip to stopped myself from smiling.
"What's funny?" masungit na tanong niya.
"Huh? Hindi naman ako tumatawa, ah?" Humarap ako kay Justin. "Huwag ka na umalis."
"Oh, sige sige. Third wheel niyo na lang ako."
Napaubo ako sa sinabi niya. Inabutan ako agad ni Justin ng tubig. Nagpatuloy naman si Gino sa pagkain na tila walang pakielam kung anong mangyari sa akin.
"Girl, kanina pa ako nagte-text sa'yo. Nandito ka lang pala," bungad ni Alyanna. Ibinaba niya ang pagkain sa mesa.
Wala naman akong plano na makikain dito pero nandito na lang din, eh 'di hindi na ako aalis. I just want to discuss some things with Gino.
"So, ano ng plano?" tanong ko sa kanya. Maayos, ha. Maayos yung pagkakatanong ko kaya sana naman ay umayos din siya para hindi na kami mahirapan pareho.
Uminom siya ng tubig bago ako hinarap. "Send me your proposals. Re-review-hin ko kapag free time."
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. "Ano? Ako ang gagawa at mag-a-approve ka lang gano'n? Wow? Ikaw lang busy? Eh kung ikaw ang gumawa at ako ang mag-re-review sa proposal mo?"
"Tone down your voice." Napapahiya akong nag-iwas ng tingin lalo na't napansin ko rin ang mga mata ng mga kasama namin dito sa cafeteria.
Ngumuso ako at hininaan ang boses ko. "Kung hindi ba naman kasi nakakainis ang suggestion mo. Tss."
He sighed. "Okay. Ikaw ang magsabi ng gagawin kung ganoon."
"Let's plan together," suhestyon ko. Mas maganda iyon para kapag may sinabi ako at hindi okay sa kanya, matatanggal na agad o maiaayos yung part na hindi okay. Kaysa magkakanya-kanya kami tapos kapag magpapalitan na ay pareho kaming may masasabi sa gawa ng isa't isa.
"Okay."
"Okay? Anong okay?" napipikon kong tanong. "Maki-cooperate ka naman. Hindi lang ako ang may project dito."
He gave me a huge sigh. May kinuha ito sa kanyang bulsa at ibinaba ang bagay na iyon sa mesa. It's his phone. The newly released iPhone. Wow! Itinulak niya iyon patungo sa akin. I find his action a bit arrogant.
"Anong gagawin ko diyan? Magse-search? I also have my phone. Duh!"
Hindi naman ako usually mataray na ganito. Pero nakakainis na talaga siya. Malapit na rin ang preliminary exams kaya kailangan ko na mag-focus doon. I need to finish this project as soon as possible. Para hindi ko na poproblemahin pa.
"Ilagay mo ang number mo diyan."
Namula ang pisngi ko sa sinabi niya. Bigla ko kasing naalala ang letter. What if he's just using this tactic to get my number?
"We can just chat on messenger, you know," mahinang sagot ko dahil medyo nahihiya rin.
His gorgeous face is so near that my heart's beating becomes weird. Wala akong gusto sa kanya, pero mukha talaga siyang artista. The kind of man na kahit hindi magaling umarte o mag-host ay palagi mo pa ring aabangan? Gano'n. Ganoon katindi ang impact niya.
"Naku, Cheska, hindi kasi pala-f*******: iyan kaya bihira mag-online," sagot ng kaibigan niya.
Ngumuso ako at padabog na kinuha ang phone niya. His wallpaper is dark, it's a picture of a beautiful night. May moon na medyo kalakihan.
"Ikaw ba nag-picture nito?" Hindi ko napigilang hindi tanungin.
Again, kumunot na naman ang noo niya. Hindi ba siya pwede maging mabait kahit minsan?
"Put your number. Not check my wallpaper."
Humagikhik si Alyanna kaya napatingin ako sa kanya. Itinikom niya naman agad ang bibig pero natatawa pa rin talaga. What a friend!
Mabilis kong inilagay ang number ko sa phone niya at ibinaba ulit iyon sa mesa. Kumain na lang ako at hindi na sila pinansin.
Pagkatapos ng lunch at pagkalabas namin ng cafeteria ay agad kong sinabunutan si Alyanna, mahina lang naman.
"Aray! Gosh, my hair, Cheska!"
Ngumiwi ako at inirapan ito. "Napaka-supportive mo, ha?"
"Ah, yung kanina ba?" She laughed. "Hindi mo naman sinabi sa akin na may chemistry pala kayo ni Gino. In fairness ha, super bagay kayo."
"Shut that nonsense. Tss."
Akala ko ay magso-sorry siya pero nang-asar pa.
Later that day, I received a text from unknown number. Hindi nagpakilala pero base sa text ay alam ko na kung sino.
From: Unknown Number
Friday. Lunchtime. My only free time.
Oh, 'di ba. Maski sa text ay wala siyang kwenta kausap. Hindi ko na siya ni-reply-an at s-in-ave na lang ang number niya. Hindi ko alam kung makakapagplano kami bukas lalo't sa cafeteria kami mag-uusap. Kasama pa namin sina Justin at Alyanna.
Bahala na. Magta-try na lang ako mamaya mag-research ng mga pwedeng gawin.
"Hi, mom. Hi, dad." Humalik ako sa pisngi nilang dalawa. "Mag-shower lang po ako."
Umakyat na ako sa kwarto ko. I feel so tired today. Friday na ulit bukas at mas lalo akong naiirita kapag naaalala na sa sabado na ang first day namin ni Gino sa facility. Ni hindi ko pa nga alam kung saan ba banda iyon, I'm sure it's around here but I don't know specifically where.
Nag-shower ako at nagpalit ng terno na silk pajamas. Pagbaba ko ay nasa dining na sila mommy.
"Dito na raw tutuloy ang ate mo at hindi na maghohotel."
Para akong na-recharged sa sinabi ni mommy. Oo nga pala. Next week na ang uwi niya.
"Ilang days siya rito, mom?" I asked in hope that she'd at least spend a day with me.
"Binigyan naman siya ng tatlong araw for this event pero baka umuwi siya ng pasikreto ng mas maaga dahil naka-request din naman siya ng leave."
"Really?" Nawala na lahat ng inis ko sa buong araw. "Sana weekend para makalabas naman tayo. Can we spend a night in a private place or something?"
"Depende iyan sa magiging schedule ng ate mo, Cheska. But I'll try to coordinate with her sched and also to find private resorts nearby."
I smiled. "Thanks, dad."
Kumuha ako ng pagkain ko at nagsimula ng kumain.
"How about your schooling? Tumawag ang prof mo noong nakaraan, mayroon daw in-assign na project sa'yo? Was it a charity work?"
Inubos ko ang laman ng bibig bago nag-angat ng tingin kay daddy. Nasa amin din ang buong atensyon ni mommy. Sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang pagkuha nito ng baso at pag-inom ng tubig.
"We are asked to work for cancer patients and to raise fund to help them."
"That's pretty easy," ani daddy. "Pwede naman kami mag-sponsor, hindi ba? Tumutulong din naman tayo sa mga ganyan."
I gave him an awkward smile as I slowly shook my head to say no.
"Hindi raw pwede, dad. Nag-iisip nga rin ako ng pwedeng gawin doon."
"Ah, kung ganoon parang gagawa kayo ng event para doon? Like concert? Selling tickets?" Ibinaba ni mommy ang nahiwang mga prutas sa mesa. Hindi ko napansin na tumayo pala ito at nagtungo sa ref.
"Ganoon yata ang gusto nila. Yung mayroong kapalit dapat ang mga pera na ibibigay. Like giving service, selling products..."
"That's a good idea!" Bumaling ako kay dad. "You should provide people a service. Or pwede ka makipag-partner sa agency, we have a talent agency as you see, baby."
Umiling ako. "I don't think tatanggapin ni Ma'am kung gagamit ako ng connection, dad."
Hanggang magdilim ay hindi pa rin ako nakakaisip ng pwedeng gawin pero ngayon ay may ideya na rin ako sa kung ano ang gusto ni Ma'am. He wants us, Gino and I, to serve the people and use the profit for the program. Kung ganoon, ano naman kaya ang magandang produkto o serbisyo? At paano namin ima-market iyon? It's like building a business in a short period of time. Wala na kaming oras for formal planning.
Sinubukan ko mag-search online. Perfumes, bags, shoes, carwash, food... Actually, madami kang mase-search pero hindi rin naman kasi ganoon kadali magbenta ng ganoon.
Isa pa, maghahanap pa kami ng suppliers. At kung concert naman, sino naman ang kukunin namin? Eh, kung school concert na lang ang gawin? Like mga students ang magpe-perform?
Will it be effective though?
Pagpasok ko sa cafeteria ay nakita ko na agad si Gino. Nakatayo siya at sa harapan ay si Aira. Nag-uusap sila? Or nag-aaway? Some students are watching them like they are watching a live drama.
Nasaan si Justin?
Wala sa sarili na naglakad ako palapit sa pwesto nila.
"Bakit? May space pa naman, ah? Dalawa lang naman kayo ni Justin ang pupwesto rito, so, bakit hindi ako pwede?"
Awtomatikong umikot ang dalawang mata ko. Bakit ba ang desperada ng babaeng ito?
"There's a lot of vacant seats out there," sagot ni Gino na mababakas na ang inis bagaman medyo kalmado pa rin at hindi naninigaw.
"Eh, dito ko nga gusto. Mas okay ang lightning dito at medyo malayo ng kaunti sa may entrance."
Wow! Just wow.
"Go away, Miss. I have no time for your drama."