Six

2110 Words
Hindi ko napigilan ang dalawang paa na hindi maglakad patungo sa pwesto nila. Ayaw ko mag-cause ng eksena pero Friday na ngayon at ngayon lang din ang free time namin pareho ni Gino. I can't just watch here and waste the chance. Isa pa, wala rin namang sense ang sinasabi ni Aira. Ibinaba ko ang mga gamit sa ibabaw ng mesa. Aira glanced at me. Ngumiti ako sa kanya. "Hi!" I greeted. "May kailangan ka?" Her lips twitched in annoyance. Umugong ang bulungan sa buong paligid. Damn. I don't wanna cause a scene, I said. "What are you doing here?" mataray na tanong niya, handang makipag-away. "Go find your own seat, Francheska!" I cracked a laugher. "My name is nicer when said in full, 'no?" Lalong sumama ang tingin niya sa akin. Pikon talaga siya noon pa, napansin ko lang. "Ha! Ha! Funny," sarkastikong sabi niya. "You can leave now." "Bakit hindi ikaw ang umalis?" Nag-puppy eyes ito kay Gino. I almost puked with it. Hindi niya bagay, her personality and character is not as cute nor as childish as what she did. Gino sighed. Para bang gusto niya magsalita pero gusto na lang din manahimik. "It's not funny, Cheska. Don't flirt around here." Humalukipkip ako. Ito na naman ang sinasabi niyang nilalandi ko si Gino. Kung hindi lang dahil sa proyektong in-assign sa amin ay kahit hindi na magsalubong ang landas namin ay ayos lang. Kaso wala rin akong choice. Sumulyap ako kay Gino. He raised a brow at me as if he's waiting for my response. Alam ko rin naman na naiinis na siya sa kakulitan ni Aira. At naaasar na rin ako dahil umaandar ang oras. We can't just keep talking here until the end of the lunch break. "May gagawin kami ni Gino. Find a much comfortable seat out there." "What?" Halatang nainis siya sa sinabi ko. "Pinapaalis mo ako? Do you even know what that means?" "Kung pinapaalis, eh, 'di umalis. Ano pa ba ang ibang meaning no'n?" Hindi ko na naitago pa ang iritasyon sa boses. Fourth year college na kami pero kung umasta siya ay para siyang bata. "Bakit hindi mo na lang aminin sa lahat na nilalandi mo si Gino? Masyado kang feeling mabait." My lips parted with what she has said. Ano bang problema ng babaeng ito? Para lang sa upuan? Inirapan ko siya. Nauubos ang pasensya ko sa ugali niya. Can't she be more considerate? Sino kaya ang pabida sa aming dalawa? "I have a project with Mr. Sanderson and if you have a problem with that, talk to Ma'am Garcia and to the school officials for giving us this project." Napalunok siya. "And a piece of advice, stop being possessive with someone who isn't yours." Umupo ako at hindi na siya pinansin pa kahit nararamdaman ko ang talim ng pagkakatitig niya sa akin. Nag-angat ako ng tingin kay Gino. Bahagyang gumalaw ang magkabilang sulok ng labi niya, pinipigilang mangiti. "You'll regret everything about this day, Francheska," aniya sa tonong nanunumpa. Kunot-noo ko siyang binalingan. "U-huh. Can't wait for that day." Padabog siyang umalis at sinipa pa ang upuan. What a temper! Pagkaalis niya ay saktong dumating sina Justin at Alyanna. O baka kanina pa sila nandiyan at nanonood. "Hindi ka pa rin tinitigilan?" Justin asked Gino. "Tss," ang tanging sagot ng isa. Maski pala sa kaibigan ay hindi siya marunong makipag-communicate ng maayos? Hindi na mahiyain ang tawag do'n. May attitude problem talaga siya. "Buti pinaalis mo, Cheska, ang sakit sa tainga ng boses nun." Natawa kami pareho ni Alyanna sa sinabi ni Justin. Halos lahat naman kasi ng students sa department namin ay naiinis kay Aira. She's a warfreak and a bully. "Patay na patay iyon kay Gino. Pilit ng pilit sa sarili. Tsk tsk." Sinipa ko sa ilalim ng mesa si Alyanna. She shouldn't say her thoughts out loud like Gino isn't here. Ako ang nahihiya sa mga pagbanggit banggit niya ng pangalan. At dahil sa mga nangyari ay hindi kami nakapag-usap ni Gino tungkol sa proyekto kaya nagkasundo na lang kami na mag-usap after our last class. Mas maaga ang uwian niya kaya siya ang maghihintay. "Galit daw sa'yo si Aira?" tanong ni Monica. Nag-aayos na kami ng gamit dahil kaaalis nung prof. Uwian na at hinihintay ko ang reply ni Gino kung nasaan siya, ni hindi man lang kasi mag-update. Nagbuga ako ng hininga. Nakakapagod na marinig ang pangalan ni Aira, mukhang hindi magandang pangitain ang pakikinig sa mga usapan tungkol sa kanya noong first day. "Akala niya inaagawan ko siya kay Gino." "The guy doesn't like her, she keeps on insisting." "True." I shrugged. "I'll tell her next time." Humalakhak siya. "Una na ako." Tumango ako at inayos na rin ang mga gamit. Sumunod din naman agad ako palabas. I texted Alyanna na hindi ko siya maisasabay at male-late ako ng uwi dahil may usapan kami ni Gino. Nag-reply naman agad ito na pauwi na raw siya. Oo nga pala, she has a suitor that sends her home. Sa tabi ng sasakyan ko ay ang sasakyan ni Gino. Magkakrus ang dalawang braso habang nakasandal sa kanyang kotse. Damn. He really looks cool. Umayos siya ng tayo at nagtaas ng kilay nang mamataan ako. "So, saan tayo?" tanong ko na medyo hinihingal pa dahil binilisan kong maglakad nang makita siyang naghihintay. Tumingin siya sa kanyang relo. "I know a place." Inilipat niya ang mata sa akin. "You have a car, right?" I nodded. "Okay, follow me." Hindi niya na hinintay pa ang sagot ko at agad sumakay sa kanyang sasakyan. Ngumiwi ako. What an attitude, what a gentleman. Hindi ko na lang pinatulan pa iyon at sumakay na lang sa sasakyan. Mabilis niyang iniliko ang sasakyan at pinaandar. Nakasunod naman ako sa kanya agad. Hindi naman traffic at hindi rin naman mahirap mawala sa paningin ang sasakyan niya. It's a black, matte car. Hindi ako sure kung anong sasakyan iyon, I'm not that expert when it comes to cars. He parked the car in a restaurant. One of the best in the town. Kumain na ako dito, mga tatlong beses. They cater different cuisines, go-to restaurant talaga siya dahil kahit magkakaiba kayo ng type na pagkain ay ayos lang dahil nga madaming cuisine na available. Dire-diretso siya sa loob. Ngumiwi ako, ni hindi man lang ako hinintay. Sinundan ko siya, maski nang pumasok ito sa may parang kwarto. Yun nga lang, hindi ako nakapasok dahil may humarang agad. "This is the VIP room, Ma'am," the lady said in a gentle way. Yung hindi ka ma-o-offend sa paraan ng pagkakasabi. "May I know if you have a reservation?" Anong sasabihin ko? Bakit si Gino ay hindi man lang hinarang? Bumuka na ang bibig ko para magsalita pero nauna si Gino. He opened the door again. "I'm with her." Umatras yung babae at ngumiti. "Oh, I'm sorry, Ma'am." Ngumiti ako at hindi na ginawang big deal pa iyon. It's part of her job. Ngayon lang ako nakapasok sa VIP room nila. The design is very exquisite but still looks customer-friendly. Black and gold interiors with a very nice lightning. Mayroong mesa, good for two people. Mayroong water dispenser sa gilid na kulay black din. Umupo siya at inilapag ang listahan ng mga available na pagkain sa harap ko. Nanatili akong nakatayo at nagmamasid sa paligid, sa labas kasi ay may pagka-vintage ang style. I wonder if lahat ng VIP room ay ganito ang design? "Should we start?" "Oh..." Lumunok ako at medyo nahiya. Bakit ba kasi masyadong pormal ang lalaking ito? Parang mag-business partner lang kami, ah? He, sure, is a bit more matured than normal with his age. Umupo ako. Magkatapat kami at dahil nakatingin siya ay medyo nahiya ako. Kinuha ko yung menu at naghanap ng pamilyar sa akin, karamihan naman doon ay natikman ko na. I ordered a Japanese food and a milk tea. Tumango siya at may pinindot sa kung saan. Akala ko kung ano pero nang may pumasok na waitress ay alam ko na agad kung para saan ang button na iyon. Wow, the restaurant is really cool. Asian kaya ang may-ari nito? Pagkasabi niya ng order sa waitress ay natahimik na kaming dalawa. Now, this is awkward. Sasabihin niya na kaya ngayon yung tungkol sa letter? O ako ba dapat ang magbukas ng topic na iyon? "Aren't you going to say anything? May mga kailangan pa akong gawin." I hate how he's so arrogant. Feeling niya ba ay siya lang ang busy sa mundo? "Nothing specific but how about we sell a product? Hindi ko pa alam kung ano dahil nag-iisip pa ako kung ano ang mabenta. I supposed you have an idea in mind?" Ipinatong niya ang isang binti sa isa saka sumandal sa upuan. He clasped his hands together. "I'm still weighing if this will be effective or not." Umayos ako ng upo at nakinig sa kanya. "Balak ko na ang mga produkto na ibebenta ay yung mga locally made. We can use that information for our campaign. It's like hitting two birds with one stone, we'll help the patients, we'll help the local sellers." "Locally made items?" Napaisip ako. "Like bags, furnitures, foods...?" "Wala pa akong naisip na product. But yeah, like that." Napalakas ang hampas ko sa mesa nang may maisip na ideya. Nagulat ito at napaatras, he glared at me afterwards. Nag-peace sign naman ako para makabawi. "Hindi ko alam kung kakayanin natin pero paano kung mag-rent tayo ng space tapos gumawa tayo ng coffee shop? Ang mga ilalagay nating table and chairs ay yung mga gawa ng mga pilipino. Gagamitin na rin natin iyon for promotion at s'yempre magbebenta rin tayo no'n. Ang gagamitin natin for coffee and breads ay mga ground coffee from Baguio, Kalinga, mga ganoon, and breads na gawa ng mga underrated bakery shops. We can also add other products. And we can use our social--" He raised a palm to stop me from talking. "Okay, okay. How about listing every single thing so we won't forget it?" "Sa dami ng sinabi ko, bakit hindi na lang ikaw ang maglista?" He sighed. Ibinaba niya ang cellphone. Naka-open ang recorder nito. "I think this is a better idea so we won't miss anything." I parted my lips. Hindi talaga kami magkakasundo kung ganito siya. Pasimple kong pinikit ng mariin ang mata para pigilan ang inis. I think it's better na magkaiba na lang kami ng gagawin. If only I could ask for that. Tss. Ako na ang nagkusa na maglabas ng papel at ballpen. I lists all the ideas down in a bullet form. Iyon ang ginagawa ko nang dumating ang pagkain na in-order namin. "Makakahanap kaya tayo agad ng mga supplier?" tanong ko. He's texting which made my mood worse. Hindi niya yata ako narinig. Hinampas ko ng medyo malakas ang mesa at agad akong nagsisi. Damn, that hurts. Kunot-noo niya akong binalingan. "Do you have an anger-management issue?" Humalukipkip ako at harap-harapan siyang inirapan. Sabi ko gusto ko siyang bigyan ng chance na patunayang mali ang iniisip ko. That he's not as jerk as I thought he is but now I am fully convinced that he is the worse! "Baka nakakalimutan mong dalawa tayo sa proyektong ito?" Hindi ko na naitago pa ang iritasyon sa boses. "Hindi kita boss, teacher, at mas lalong hindi ka mas mataas sa akin para bastosin ako ng harap-harapan. Let me remind you, you are soon to be a professional. Try practicing good manners." Tumayo ako. Wala sa plano ko ang pag-wa-walk out pero sobrang naiinis ako sa taong ito. Padabog kong kinuha ang mga gamit. "Hindi pa tayo tapos--" I glared at him. Tumahimik naman siya. "I-e-email ko na lang sa'yo ang mga ideas ko. Magreply ka kung gusto mo. Ayaw ko sa lahat ay yung sinasayang yung oras ko tapos hindi rin naman makiki-cooperate." "I'm listening. May ni-reply-an lang ako na importante--" "Gaano kaimportante? Was that a life and death situation--" "Someone was rushed into the hospital because he's sick." Tumayo siya at pinantayan ang tindig ko. "Was that enough reason for you now?" "S... someone?" "Wala akong plano na tumuloy sa usapang ito dahil sa emergency sa bahay pero dahil alam kong may maghihintay at may naglaan ng oras ay tinuloy ko pa rin. You see, Miss, yes this is a life and death situation but I chose to hear your ideas, listening and worrying are two different tasks that is hard to mixed." "I'm sorry, I didn't know," agad na bawi ko. "You should have just told me--" "And you'll think that's another excuse for a jerk like me?" He gave me a sad and also mad laughter. "Okay, you may go."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD