Seven

2133 Words
Bumalik siya sa upuan. Na-guilty ako nang sobra sa mga nasabi ko. I was selfish, I admit. Dahan-dahan akong umupo sa kaninang pwesto ko. He did not look at me. He's looking at the food. Yung pagkain na hindi man lang namin nagalaw. "I'm really sorry. I'll try to filter my words next time." Bumaling siya sa akin at dahan-dahang tumango. "Hindi ka ba aalis?" "Ayaw ko na sinasayang ang oras ko at ganoon din sa iba. Ayaw kong masayang ang pagpunta mo rito. But you can go if you wish to. Mas importante ang pamilya. Pero kung ayos lang din naman sa'yo at hindi ka naman aalis ay p'wede na rin nating ituloy ang pagpa-plano para hindi naman sayang ang oras natin pareho. Since nandito na rin tayong dalawa." "Okay. Grab a bite first." Hindi ko inalis ang tingin sa kanya. I didn't know he's also a man of principle. Sa tingin ko ay na-judge ko siya ng sobra sa mga nauna naming pagkikita at pag-uusap. Base sa nangyari ngayon, I think he treasures his family a lot. And no one is as charming and as lovely as a man who is family-oriented. "Iniisip ko kung gagawa na lang tayo ng booth tapos doon magbebenta pero kung may budget naman, okay din yung coffee shop tapos ang mga ise-serve ay mga local products." He nodded. "I'll find a cheap place for that. Mas okay kung mas malapit sa school." "Gagawa ako ng website para sa project na gagawin." I checked the time. Baka kailangan na siya sa hospital. "Titingin ako ng mga supplier na pwede. I'll send you the list this evening." "I'll do the same," anito. "So...? Should we end this meeting already?" He looks indecisive. Kaya ako na ang naunang tumayo. "I'll go now." Tiningnan niya lang ako. He did not stand up nor did anything. Pakiramdam ko tuloy ako pa ang naging kontrabida sa meeting namin. Eh, siya nga ang may emergency kaya gusto ko ng umuwi. Stone cold. Inayos niya ang lukot sa shirt niya at sumunod sa aking tumayo. He looks like a professional and we're in a business meeting. Masyado siyang matured kumpara sa normal na maturity ng mga ka-edad niya. I wonder what's his story behind? "By the way..." Humarap siya sa akin, naghihintay ng mga sasabihin ko. Napalunok ako. Hindi ko alam kung dapat ko ba itong i-bring up ngayon lalo na't... "What?" Mas lalo akong na-pressure. "Do you think it's better for us to be friends?" Hindi siya agad sumagot kaya dinugtungan ko bago pa man siya mag-isip ng kung ano. "I mean, ilang buwan din tayong magkakasama sa project na ito. Mas maganda kung maging magkaibigan tayo para mas open tayo na mag-share ng mga ideas natin. Isa pa, may--" "Wala ka bang kaibigan?" "M-meron naman..." Nagtaas siya ng kilay, hindi nagugustuhan ang mga sinasabi ko. "Then stop offering friendship like you're just giving a candy." His jaw moved arrogantly. "I'm sorry but I choose my friends wisely." Tumalikod siya at dire-diretsong naglakad palabas ng VIP room. Kinuyom ko ang dalawang kamao, labis-labis ang inis at pagkainsulto na nararamdaman ko. He's the most arrogant man I've ever met! Kanina ay nagbago na ang impression ko sa kanya pero ngayon... Ha! Ang feeling niya. Akala niya ba gustong-gusto ko siya maging kaibigan? Kung hindi lang naman dahil sa proyektong ito ay wala naman akong pakielam sa kanya at kung anong trip niya sa buhay. I swallowed the lump in my throat. Padabog akong umupo. Sayang naman ang pagkain... Speaking of.... Hindi siya nagbayad! Well, ako na lang din naman ang magbabayad, lulubos-lubosin ko na. I ate my food and played some calming music. Bahala na yung Gino na iyon sa buhay niya. I won't offer him friendship anymore. Kung hindi related sa project namin ay hindi ko na siya kakausapin. But a part of me is still curious... Why is he like that? Hindi naman iyon normal sa mga ka-edad niyang lalaki. Akala ko noon mahiyain lang siya pero hindi eh. He says whatever runs in his mind so I doubt if it's about shyness. Hindi talaga. Paano kaya sila naging magkaibigan ni Justin? Sobrang magkaiba sila ng personality. Justin's lively while that guy, Gino, is the coldest, most boring man I've ever met. Bakit naman kaya siya crush ng mga kababaihan sa school? Patay na patay pa si Aira sa kanya. Weird. Bukod sa looks, wala ng iba pang maganda sa kanya. Well, the brains, too. "Magkano lahat?" tanong ko sa waitress na pumasok matapos kong pindutin yung button na pinindot ni Gino kanina. She gave me a sweet smile. I love the customer service here. Very friendly sila. Iba ito sa waitress kanina. "Binayaran na po ni Sir Gino, Ma'am." "Huh?" Nagbayad siya? Talaga ba? Pagkauwi ay naghanap na agad ako ng mga pwedeng supplier. Balak ko mag-rattan chairs na lang and wood tables. May mga kilala akong painter. Sana ay may mahanap na na place para maging mabilis ang takbo ng proyekto. I messaged a lot of local sellers near us. For coffee beans, breads, at balak ko rin maglagay pa ng ibang products. Jams, chocolates, and other products na made locally. I messaged especially the ones who aren't known yet. Alas onse na nang matapos ako maghanap. Kulang pa pero bukas ko na itutuloy. Saka ko na isesend ang list kay Gino kapag nag-reply na sila para madali na lang namin magagawa o mapipili ang mga possible na maging partners namin for this. Pagpatak ng alas dos ay natapos din akong gumawa ng website. Gumawa pa kasi ako ng mga logo, header, overall theme... Marahas akong nagbuga ng hininga nang matapos lahat iyon. Ibinaba ko ang laptop at kinuha ko naman ang iPad. Now, it's time for my studies. Damn. Mas mahirap pa yata ang mga pinapagawa nila sa foundation kaysa sa school. I woke up the next day hugging my iPad and my apple pencil is nowhere my sight. Tumayo ako at hinanap ang apple pen. Nang mahanap iyon ay kinuha ko at agad na ring bumangon. I should be at the place at eight. Past five na. Masakit ang ulo ko marahil ay sa puyat. I grabbed all the essentials needed before leaving my room at seven thirty. Idinala ko na rin ang iPad at camera. iPad just in case may time ako para makapag-study roon, at camera for documentaries. "Ngayon na ba ang start niyo?" Dad asked. Inabutan niya ako ng pagkain. "Napuyat ka ba?" "Halata, dad?" Tumango siya at nanlumo ako. "May tinapos kasi ako. Wait, I should bring my sunglasses, then." Tumayo ako at hindi na hinintay ang sasabihin niya. Bumalik ako sa kwarto at kinuha ang sunglasses na hindi ko pa nagagamit. "Do you want us to come with you?" Umiling ako. "Kaya ko naman, mom. But thanks for the offer." Hindi na ako nagtagal doon dahil baka biglang magtanong si Ma'am kung nandoon na kami. Nandoon na kaya si Gino? Should I text him? Bahala na nga. "Punta na ako, mom, dad." "Mag-iingat ka." Dad kissed my cheeks. "Text me when you need something." "I will." Kumaway ako sa kanila at tinakbo ang distansya ng bahay at ng sasakyan. Mabilis akong nagpatakbo dahil hindi ko sigurado kung saan nga ba banda yung facility. Dumadagdag pa sa iniisip ko yung mga school works na kailangan kong tapusin. Ugh! Hindi naman pala mahirap hanapin yung lugar dahil medyo malaki ang building. Parang hospital din iyon. Three storey, I think. May maluwang na garden sa labas which is very nice para makalabas-labas naman sila sa medyo magandang place and fresh air. Not so fresh but still better than the pollution coming from the cars and factories. "Good morning, po," bati ko sa guard. "May bibisitahin kayo, Ma'am?" "Ah, estudyante po ako. Na-i-assign po ako rito." "Ma'am Francheska Guerrero po ba?" I nodded. "Nandito na po si Sir Gino." "Saan po banda?" Tinuro niya sa akin yung way patungo sa garden. "Nandoon po sila, Ma'am." "Salamat po." Balak ko magdala ng pagkain na pwede sa kanila pero baka kasi kulangin kaya mag-o-order na lang ako mamaya. Pagkapasok ay ang una kong napansin ay ang mga pasyente na naka-wheelchair. Karamihan sa kanila ay may edad na. May mga bonet ang ilan... But what makes my heart break in millions of pieces is when I see lots of kids out there. Cancer patients, in their hospital dresses, smiling at each other like there's nothing wrong with their situation. I gulped. Nag-iwas ako ng tingin dahil naiiyak ako. These kids doesn't deserve this. Ni hindi pa nila nagagawa ang mga gusto nilang gawin. Ni hindi pa nila nabubuo ang mga pangarap nila. Why are they locked in this place? "You're here." Hindi ko na kailangang lingonin pa iyon. It's Gino for sure. Tumango ako nang hindi siya tinitingnan. Kumurap-kurap ako upang pawiin ang namumuong luha sa aking mga mata. Why am I hurting so much? "Pinapatawag tayo ni Miss Carlota, siya ang naka-assign na mag-assist sa atin," dagdag niya. Sinundan ko siya. Pumasok kami sa loob ng facility. Mistulang hospital talaga ang loob, machines, the scent if alcohol and medicines. Dumiretso kami sa opisina na nandoon. "Gino and Francheska, right?" the lady in there, asked. "Yes po," magalang na sagot ko at umupo sa visitor's chair sa kanyang harapan nang senyasan kami nito. "I would love to welcome you two." Matamis ang ngiti na ipinamalas niya sa amin. "Honestly, alam ko na medyo magiging sagabal sa pag-aaral niyo ang proyektong ito pero nangako naman ang school na tutulungan kayong dalawa. Maski kami. Sabihin niyo lang kung ano ang kailangan niyo." "Thank you," Gino and I said in chorus. Nagkatinginan pa kami pero siya ang agad umiwas ng tingin. Bagaman may inis pa rin ako sa kanya, at alam kong siya ang pinaka-rude na weird na tao sa buong mundo na nakilala ko, gusto ko pa ring magtanong kung kumusta na yung na-hospital sa kanila kahapon. But I don't wanna stick my nose onto it anymore. Panigurado na mapapahiya lang ako. And about the letter, I guess I will just forget it. Mukha namang hindi siya ang nagsulat doon, at kung siya man, parang hindi naman siya sincere. Nag-attendance kami sa mismong office ni Miss Carlota at nagpaalam para makipag-usap sa mga pasyente sa labas. I took pictures all around the area. Smiling faces of old people and kids. Laughters. I love that they never lose hope. Umikot ako at sa mismong lens ng camera na naka-zoom ay nakita ko si Gino na may buhat-buhat na bata. He's smiling at the kid like he was his own. Hindi ko napigilan ang daliri na i-click ang camera dahil bagong-bago sa paningin ko ang ngiti niya. Walang halong ka-OA-an, ito ang unang beses na nakita ko siyang ngumiti. And he looks cute, actually gorgeous, when he smiles. Napatingin siya sa gawi ko at agad kong naibaba ang camera. Lumapit na lang ako sa kanya para hindi siya ma-weirdo-han. "May nakita ka na bang space na p'wede nating gamitin?" Ibinaba niya ang bata sa upuan. He patted the kid's head. "Kumain ka ng maraming gulay at yung mga vitamins 'wag kakalimutan inumin, ha?" I adore how he talks with the kid with so much concern. May kapatid kaya siya? "Aalis na ba tayo o hindi pa?" "A-ah?" Halos lumundag ang puso ko nang marinig ang boses ni Gino at pagtingin ko ay sobrang lapit niya sa akin. Nagsalubong ang kilay niya. He loves doing that. Umayos agad ako ng tindig at doon lang naintindihan ang sinabi niya. "Saan tayo pupunta?" He clicked something on his phone before turning at me again. "May nakita na ako na p'wedeng rentahan. Just make sure you won't sleep while driving." Naglakad na siya palabas. Alam kong insulto ang huling mga salitang sinabi niya kaya napangiwi ako. I rolled my eyes and eventually followed. Pagkaupo ko sa driver's seat ay nakatanggap agad ako ng text mula kay Alyanna. Nagtatanong kung kumusta ang lakad namin ni Gino. I badly wanna say all my rants to her but I choose to shut up. Sinundan ko ang sasakyan ni Gino, buti na lang talaga at may nahanap na siya agad na lugar. He must have a lot of connections to find a place in a short span of time, huh. Ano kayang trabaho ng parents niya? Honestly, wala naman talaga akong alam kay Gino bukod sa sikat siya sa mga kababaihan at sikat siya sa department namin dahil number one lagi sa acads. Damn. I feel dizzy. Bago pa mag-blur ang paningin ko ay inihinto ko na ang sasakyan sa gilid. Inabot ko ang phone ko pero hindi na rin nakahanap pa ng matatawagan. My eyes become so heavy that I have no choice but to close it. Damn shitty headache.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD