Hi Beautiful,
First and foremost, I'm not sure if this letter will even have a chance to be held by your beautiful hand but I'd still try to give it to you.
I like your smile. I like how you walk and talk to people, you are very genuine and kind. You might never remember me because I was just a tiny dot in your world, but I would like to confess now since it's our last year in the university and it's now or never.
I like you since second year college. Hindi ko alam kung may boyfriend ka ba o wala, nagbabaka-sakali lang naman. We're in the same school and building but unluckily, hindi tayo nagkakasama sa kahit anong activities. Ang hirap mo naman kasing lapitan kaya idadaan ko nalang sa sulat. Sorry nga pala, sa bag mo pa nailagay, baka kasi hindi mo mapansin kung sa locker ko ilalagay. I'll try to approach you but I'll try to earn confidence first. Thanks for inspiring me for some years now. Hoo! Kinakabahan ako.
Good luck to your life and continue being you. And oh, keep that wonderful smile on your lips always.
- Gino S.
Nahigit ko ang hininga hanggang sa kahuli-huliang sulat na nakalagay. Gino? As in Gino Sanderson?
Nakalagay ang letter sa bag ko. It's friday at naglilipat ako ng gamit sa ibang bag. Honestly, hindi ko alam kung kailan pa itong letter na ito rito. But when did I... OMG! Baka noong nagkabungguan kami? Iyon lang naman ang natatandaan ko.
So, Monday pa ito?
"Cheska, kain na!" sigaw ni mommy mula sa labas.
Tinitigan kong muli ang letter. Is Gino the type of guy who write letters to confess? Never ko na-imagine iyon. But...
Hindi kaya ito prank?
Sabi niya sa letter i-a-approach niya ako pero... he never did this week. Next week kaya?
Wait... why am I being paranoid over this? Ano naman kung sa kanya galing? Relationships aren't my thing for now. Maybe curious lang ako dahil si Gino talaga ang pinakamailap na lalaki sa campus namin. A lot of girls tried to flirt with him but none of them won.
Ang tanong... bakit ako?
Since second year? Bakit hindi ko napansin? Am I too immersed on studying at hindi ko napapansin sa tuwing tumitingin siya? But... if it's really Gino Sanderson, I think I'd notice him.
"Cheska!"
"Yes, mom, bababa na!"
Tinupi ko ulit iyon at ibinalik sa envelope. I put it on the drawer of my bedside table.
My parents are sitting side by side on our dining area when I went down. Umupo ako sa tapat nila at nanguha rin ng pagkain.
"May lakad ka bukas, anak?" Dad asked.
Inubos ko ang kanin sa bibig bago sumagot. "Baka sa Mall, Dad. Pero nothing important. Why?"
"Magpapasukat tayo ng damit para sa anniversary ng agency and let's eat outside after."
I nodded. "Sure thing."
"How's school?"
I shrugged. "Just fine, dad."
"May mga nanggugulo pa rin ba sa'yo?"
"Some days pero bihira nalang naman."
"Just don't mind those people."
Before lunch kami umalis kinabukasan. Wearing my red jumpsuit and a caramel-colored chanel bag, we went out. Sa car ni dad kami lahat sumakay patungo sa store ng kilalang local designer.
"Hi, Francheska," the designer greeted. Tiningnan niya ang katawan ko. "Wow! Still the same sexy one."
Namula ang pisngi ko at nahihiyang ngumiti nalang. Abala na sila mom at dad sa pagpili ng disenyo para sa suit and gown nila. The woman handed me a portfolio of different design. I love fashion as much as my family does kaya medyo naging mapili rin ako sa pagpili ng design ng dress ko.
"I'd like this kind of design but I want some light pink beads and different shades of pink glitters. Saka ito pong cut sa baba, yung makikita sana yung sandals ko. And the waistline, please add a belt-like design on it."
Nakatulala sa akin ang designer habang nagsasalita ako. She blinked twice and looked at me again.
"Wow," pabulong na saad niya. "You're actually more knowledgeable to these things than your mom and sister."
I know. Ang akala nga nila noong una ay sa mundo ako ng showbiz papasok pero hindi. I love fashion but not to the point to make it my work. I'd rather work in a corporate world. Fashion for me is just some sort of self-expression and nothing more.
Nag-usap pa sila mommy at yung designer, sinukatan kami, at pagkatapos ay dumiretso kami sa isang italian restaurant para mag-early dinner dahil snack lang ang kinain namin ng lunch.
"May offer ka pala from New York, ayaw mo ba?"
Tumingin ako kay daddy. He's talking about a modelling offer but I already rejected it.
"Not my thing, dad."
Tinawanan niya ako. "You know what, I've always been proud of you but choosing to be different has made me more proud. Thanks for being my daughter, sweetheart."
I pouted. "Dad naman. 'Wag mo akong paiyakin dito."
Niyakap niya ako. "When things goes out of hand, tell me, hmm?"
"I will."
Medyo nangangapa ako na umiba ng landas sa kanila dahil wala akong mapagtanungan sa mga gusto kong malaman. May mga pagkakataon na naisip kong mag-modelo nalang o mag-artista, hindi ko rin alam kung bakit sa dulo, corporate world pa rin ang pinili ko.
I assumed that it is really my destiny.
Nang makita ko si Alyanna sa school ay nilabanan ko ang sariling bibig na sabihin sa kanya ang tungkol sa letter ni Gino. I'm not sure yet about that thing, if prank ba iyon o totoo but if ever na its true, ano bang dapat kong gawin?
"Si Gino!" she shrieked.
Nanlaki ang mata ko at dala ng kaba ay iniwan ko siya sa hallway at nagmamadaling tumungo sa classroom ko.
Umayos ng upo ang mga kaklase ko at inakala yatang mayroon na si Ma'am dahil nagmamadali akong pumasok.
"Wala pa si Ma'am," anunsyo ko at tila nakahinga silang lahat ng maluwag. Bumalik sila sa kani-kanilang ginagawa at ako naman ay pumunta na sa upuan ko.
When lunch came, nag-text si Alyanna na male-late raw siya dahil overtime ang teacher niya kaya napilitan akong pumunta sa cafeteria. Some greeted me on the way and I only smiled at them. Um-order ako agad ng pagkain. May mga nakapila pero pinauna nila ako, hindi na ako nag-inarte dahil gusto ko ng makaalis dito.
After getting my food, umalis na ako roon pero sa may daan palabas ay nakasalubong ko si Gino at ang kaibigan niya. Oh my gosh! Muntik na akong matapilok sa gulat. Thank God, no one noticed.
Humakbang ako sa kaliwa pero nagkasabay kami. I step on the other side and he also did. Nagkatinginan kami. Should I go talk to him? Tiningnan niya lang ako sandali at habang tulala ako ay dumaan siya sa kabila at nilagpasan ako.
Naiwan ang isipan ko roon habang naglalakad patungo sa usual spot namin ni Alyanna. His eyes are cold and his face is blank. Hindi siya nagulat sa presensya ko, nagtaka, o nag-iba man lang ng reaksyon.
The question is... why?
"Bakit mukhang dismayado 'yang mukha mo?" Hindi ko pinansin si Alyanna at tulalang tiningnan ang pagkain.
Bakit parang wala naman siyang pakielam? Why would he send the letter, then? Why would he even write a thing?
I smiled sarcastically. Boys. That's why I don't trusts them giving confession letters but don't even show up in person. Tss.
"Powder room lang." Tumayo ako at iniwan si Alyanna roon.
Madadaanan ang cafeteria patungo sa powder room kaya pasimple kong sinilip si Gino. Why am I so interested with his whereabouts? So what if he likes me? So what if he wrote the letter? Baka naman trip lang iyon. He's not here. Walang nakaupo sa tapat o tabi ng kaibigan niya. I know his friend since he only have one- that's what everyone knows.
"Ouch!" Nabunggo ako sa isang tao dahil naglalakad habang nakatingin sa may fall completely. Tumikhim ako at umayos ng tayo. "Gino," banggit ko sa pangalan niya, nagbabaka-sakali na pansinin niya na ako this time.
He coldly stare at my eye before shutting me off with, "Next time, tumingin ka sa dinadaanan mo. This is the second time, Miss." Then he walked away just like that.
Second time? Ngayon lang naman kami nagkabungguan, ah? Hindi naman consider yung kanina, right?
OMG! Nabunggo ko nga siya last week. Yung time na hinala kong inilagay niya yung letter. Sinundan ko siya ng tingin. Pagpihit ko patalikod ay nagulat ako nang makita si Aira. She's glaring at me.
"Huh! I already know even before that you're a flirt."
I rolled my eyes. "Whatever."
Hinawakan niya ang braso ko at hinigpitan iyon. s*******n kong hinila iyon sa kanya.
"Stop flirting my boyfriend," mariing sambit niya. Nambabakod kahit hindi sa kanya. How pathetic!
"Hindi ko nilalandi so Gino, 'wag ka nga'ng OA."
"Ha!" she scoffed. Pinagkrus niya ang dalawang braso saka taas noo akong tiningnan. "Kitang-kita ko ang ginawa mo. 'Wag ka na nga'ng magmaang-maangan diyan. You should thank me or else I'll tell the world your true color, Francheska Gutierrez, the sweety-flirty-b***h!"
Sa halip na mainsulto ay natawa nalang ako sa kanya. Napaghahalataang kulang sa pansin ang isang ito. Umiling-iling ako saka nagmamadaling iniwan siya roon. Hindi na ako nagtatakang nandoon din siya dahil lagi naman siyang nakasunod kay Gino. Sino kayang flirt sa amin.
I wonder kung ano ang mararamdaman niya kapag nalaman niyang nagsulat ng love letter sa akin si Gino. I can imagine her face and it's so funny.
And speaking of Gino, kung magkukunwari lang siya lagi na walang pakielam, eh 'di fine! As if I like him naman.
Kwinento ko kay Alyanna ang nangyari, skipping the love letter thing. At namumula ang pisngi niya sa galit.
"Did she really told you that? Ang kapal ng mukha ng Aira na iyon, ha!"
"Chill. Ayos lang iyon. I'm not even offended."
"Kahit na! Eh, ano kung lawyer ang parents niya? Everyone in this school hates her!"
"Come on, 'wag mo na sayangin ang oras mo sa taong iyon."
The day ended the normal say, except sa mga nangyari kanina. Siguro naman hindi na mauulit.
But things didn't go according to what I imagined dahil the next day, nagkaroon ng meeting per department para sa new set of officers. And well, yeah, we're in the same department.
"I nominate Gino Sanderson for President," his classmate recited.
Puro accountancy students kami rito kaya kakaunti rin.
Then suddenly, one of my classmates raised her hand. Hindi ako nakikielam dahil wala naman ako talagang pakielam sa magiging kalalabasan nito. They should do their own thing and I'll do mine.
"I would like to nominate Francheska Gutierrez for the position of president."
Masyadong busy ang mga officers kaya hindi ko na mahaharap-- ano raw? Napatayo ako agad.
"I object!"
Gino on the other side, stood up, too. "I also object."
"Give three reasons why, Gino and Francheska."
Think, Ches...
"I'm bad at time management. I'm busy. And I don't think leadership is for me."
Tumingin si Ma'am kay Gino.
"Same," he said. Tumingin siya sa akin. "I'm bad at time management. I'm busy. And I don't think leadership is for me."
Nanlaki ang mata ko nang banggitin niya ang kaparehong-kaparehong salita na sinabi ko. s**t! Masesermonan kaming pareho rito.
"First of all, Miss Gutierrez and Mr. Sanderson, being an accountancy student, you should have a sense of leadership, a good time management, and a responsible students." Sabi na eh! "Because of these unreasonable excuses, I will give the both of you a special project. See me in my office after this." Tiningnan niya kami ng masama. "I'm disappointed knowing that you are actually top students in our department."
Nagpatuloy sila sa pag-elect at hindi na kami naisali pa. Nang magtama ang mata namin ni Gino ay inirapan niya ako. Ha! Siya pa ang may ganang umirap samantalang siya itong may kasalanan.
Nagkasalubong kami palabas ng classroom.
"Hey," tawag ko. Blanko ang mukha na tiningnan niya ako. "Ikaw ang may kasalanan kaya mag-isa kang gumawa ng kung ano mang parusang ipapagawa nila."
He raised a brow at me. "I thought you were her favorite student."
"So? Dapat manggaya?"
He shrugged like it doesn't matter. Napipikon na iniwan ko siya roon at dumiretso sa office. Kahit naman anong inis ko alam kong kailangan ko pa ring sumunod.
I knocked three times before opening the door of her office. Nakatayo siya sa tabi ng desk niya at mukhang may inaayos nang pumasok ako. Hindi ko pa naisasara ang pinto ay pumasok na rin si Gino.
"Ma'am," nahihiyang sambit ko.
Pinaupo niya kaming dalawa at tinapos ang ginagawa bago kami binalikan.
She gave us a folder. "Gusto ko kayong mag-work together sa project na ito. No objections. Every saturday ito, half day lang kaya wala akong maririnig na reklamo. Don't worry, you'll be exempted on your final exams on my subject if you finished this project well."
Exempted sa final? Seryoso ba siya? Her subject is one of the hardest one so kung totoo nga... OMG! I'll gladly accept it.
Hindi niya na in-explain pa isa-isa lahat ng nakalagay dahil marami pa raw siyang gagawin. Nakalagay naman sa folder lahat. Pagkalabas ay hindi na ako nagpaalam kay Gino at nagmamadaling nagtungo sa parking lot.
I'm not sure if sisisihin ko ba siya o magpapasalamat ako sa ginawa niya.
Well, he's still annoying for doing that.