06

1584 Words
  “Subukan niyong lumapit!” bulalas ko habang itinututok sa kanila ang kutsilyo. Ngunit tulad ng inaasahan ko ay hindi sila natinag.    Humalakhak iyong pinaka matabang may stick sa parteng gilid ng bibig niya. May tinanguan siya sa bandang likod ko, kaya nilingon ko iyon. Ngunit bago ko pa magawa ang nasa isip ay may braso ng humapit sa’kin. “Let me go!” inapakan ko ang paa niya at saka siya siniko. Pinadausdos ko ang kutsilyo ko sa braso niya at saka paspasang tumakbo.   Kaagad kong hinanap si Whistley, naging mahirap ‘yon dahil madilim na. Naramdaman ko ang pagsunod sa’kin no’ng mga caballero kaya mas binilisan ko ang paghahanap. Nang makita ko siyang nahihimlay kasama ang iba pang kabayo ay mas binilisan ko pa lalo dahil naririnig ko na ang mabibigat na yapak no’ng mga kawal. Akmang tatakbo ako patungo doon nang may humigit sa mahaba kong buhok. Parang maaalis ang anit ko sa sobrang paghatak niya sa buhok ko kaya itinarak ko sa kaniya ang punyal ko. He screeched in pain.   Kinalas ko ang tali ni Whistley sa puno. Kaagad ko siyang sinakyan at saka pinihit ang tali niya papakanan. Narinig ko naman ang paghalinghing ng mga kabayo sa likod ko na siyang nag-udyok sa’kin para bilisan pa ang pagmamaniobra kay Whistley.   Nagitla ako nang may tumarak na palaso sa punong nadaanan ko. They started releasing their shafts. “Habulin niyo!” hiyaw ng isa sa kanila. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang dalawang caballero na nakapantay ko na.   “Hi-yah!” paghataw ko kay Whistley. Naramdaman ko ang pagtagas ng dugo ko sa braso. Iyong telang inilagay ni Iwa sa sugat ko ay nagkulay dugo na. Napahawak ako rito. Hindi ko alam kung ilang oras na kaming naghahabulan sa kalagitnaan ng gabi.   Naliligo na ako sa sariling pawis, idagdag mo pang paminsan-minsa’y umaambon. Naririnig ko pa rin ang yapak ng mga kabayo nila kaya hindi ko magawang huminto sa isang tabi. Nanghihina na ako, pero hindi ako titigil. Halos matigilan ako nang may palasong lumipad sa gilid ko. Sinundan pa iyon ng isa pa . . . ng isa pa. . . hanggang sa halos mapangiwi ako nang tamaan ako sa braso ko. Hindi pa nga gumagaling ang kanang braso ko ay ‘yong kaliwa naman ang napuruhan.   Nararamdaman ko na rin ang pagod ni Whistley. Yumuko ako at saka hinaplos ang ulo niya. “We can do this.”   “Hindi ba siya napapagod?” narinig kong sigaw no’ng isa sa kanila. Humigpit ang hawak ko sa tali ni Whistley nang bigla itong humalinghing kasabay ng pag-angat ng dalawa niyang paa na ikinahulog ko. Kaagad akong tumayo at saka hinawakan ang palasong tumama sa kaniya. “Oh my God, Whistley.”   “Huli ka!” nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong ilang metro na lamang ang layo sa’kin ng mga taksil na caballero. Kaagad akong bumangon at saka kumaripas ng takbo. Gusto kong pagsisihan ang pagsusuot ng mahabang kasuotan. Ilang beses akong nadapa habang tumatakbo.   Umusbong ang pag-asa sa’kin nang may mamataang iilang tao sa partikular na parte no’ng lugar na iyon. Hindi ko alam kung mabuti sila o masama, kung kalaban o hindi basta ang gusto ko lang ay makatakas. “TULONG!” itinaas ko ang dalawa kong braso habang sumisigaw. Kaagad namang lumingon ang kumpol ng mg lalaking may mga bagahe sa kani-kanilang likuran. Kaagad nilang inilabas ang kanilang mga sandata. Sumenyas iyong nasa pinakaharap na lalaki na sa tingin ko ay kanilang pinuno na puntahan ako.   “Anong nangyari?” ani no’ng lalaking lumapit sa’kin. Nang makita niya ang mga caballerong nakasunod sa’kin ay naintindihan niya na rin kung bakit ako humihingi ng tulong. Inakay niya ako patungo sa ‘di kalakihang tent at saka ginamot ang mga natamo kong sugat. “Ayos ka lang ba?” tanong niya habang binabalutan ng panibagong tela ang sugat ko.   Tumango ako. “O-Oo.”   “Bakit ka ba nila hinahabol?” muli niyang tanong na siyang nagpaangat ng ulo ko. Sasabihin ko ba ang dahilan? Tinulungan nila ako pero hindi ko pa rin batid ang totoo nilang kulay. “Ayos lang sa’kin kung hindi mo sagutin.”   Tumango ako at saka tumayo. “Pwede ba akong lumabas?”   Ngumiti siya. “Pwede naman. Walang bawal, binibini.”   Nasa bukana na ako ng tent nang bigla ko siyang harapin. “Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?”   “Tulad ng sinabi ko. Walang bawal,” tumayo siya at saka naglahad ng kamay. “Santi, ikaw?”   Tinanggap ko ang kaniyang palad. “Mecca,” nang lumabas ako ay naroroon na ang ibang kasamahan niyang lalaki. Tantya ko ay nasa walo silang lahat. I approached the guy with a long hair. “Anong nangyari doon sa mga humahabol sa’kin?”   Ibinaba niya ang baso na kasalukuyan niyang hawak at saka ngumiti sa’kin. “Gusto mo ba talagang malaman?” alanganin akong tumango, they’re weird. “Tignan mo ‘yon,” itinuro niya ang isang masukal na daan. Halos malaglag ang panga ko nang makita ang mga nakahandusay na katawan no’ng mga caballero, maging ang mga kabayo ay hindi nila pinalagpas! May hiwa ang mga leeg nila at tila walang kahirap-hirap na kinitilan sila ng buhay ng mga lalaking ito.   “A-Ah,” tanging naiusal ko na lamang. I’m speechless.     Nang sumapit ang umaga ay tila nabunutan ako ng tinik. “Kumain ka pa ng marami. Huwag kang mahiya,” sabi ni Santi sa’kin habang nasa hapag kami at kumakain. Naghain ng isang kakaibang putahe ang isa nilang kasamahan. Masasabi kong kakaiba dahil ngayon lang ako nakakain no’n.   “Salamat,” I feel uncomfortable and I don’t know why.   Pagkatapos naming kumain ay bumalik ako sa loob ng tent upang umidlip. I was running and being chased by those jackasses for the whole night, paano ako makakatulog? Pero kahit na ganoon ay hindi ko pa rin magawang maidlip. Pakiramdam ko’y may itim na kabayo pa ring nakasunod sa’kin. I really hate this feeling.   Bumangon ako at saka akmang lalabas nang may marinig na mga yapak. “Sigurado ka ba d’yan sa mga pinagsasabi mo?” boses iyon no’ng isa sa mga lalaki.   “I’m sure with that, Julio,” napatayo ako ng tuwid nang marinig ang boses ni Santi. “Hindi lang basta Vespertillian ang babaeng ‘yon,” they were obviously referring to me.   “Hmm? Paano mo nasabi?”   “The pin. May royal pin na nakalagay sa kuwelyo niya. Nakita ko ‘yon kanina habang ginagamot ko ang sugat niya,” nanlaki ang mga mata ko.   “Oh, anong balak mo?”   Humalakhak si Santi. “Ano pa nga ba? Ano bang ginagawa sa mga kalaban? Edi, dinedespatya,” ibigsabihin . . . nagmula sila sa Arietes?   Napalunok ako ng mariin. Kaagad akong nag-isip ng gagawin. Nang matanggap ng sistema ko ang mga ganap ay kaagad akong kumilos. Kinuha ko ang cloak ko at saka ito isinuot. Kumikirot pa rin ang mga pasa at sugat ko ngunit wala na ako sa posisyon upang intindihin pa ang mga ‘yon.   “Oh, Mecca? Saan ka pupunta?” tanong ni Santi pagkalabas ko sa tent. Naramdaman ko naman kaagad ang pagwawala ng mga kalamnan ko.   “U-Uuwi na ako,” sinubukan kong huwag mautal ngunit nabigo ako. Awtomatikong umangat ang mga kilay nila.   “Uuwi? Anong sasakyan mo?” tanong no’ng Julio na kausap kanina ni Santi.   “Uh. . . m-maglalakad ako,” alanganin akong ngumiti. “Maglalakad ako,” nag-aaway na ang mga daliri ko sa sobrang kabang nararamdaman. Tingin ko’y nawiwirduhan na sila sa ginagawa ko, pero wala na akong ibang maisip na paraan.   “Okay, you’re free to leave,” ani Santi habang nakangiti, ikinumpas pa nito ang kamay niya. Dali-daling gumalaw ang mga paa ko papaalis sa lugar na iyon. Ngunit pagkatalikod ko ay halos matigilan ako. Lahat sila ay nakaabang doon. Parang gustong lumabas ng puso ko sa sobrang lakas ng tambol nito. Awtomatikong umatras ang mga paa ko. Kaagad kong hinarap si Santi ng may alanganing mukha. “Or not?”   Hindi pa nga ako nakakabawi sa nangyari kanina ay may panibago na naman akong kahaharapin. Sabi nila pagkatapos ng bagyo ay may bahaghari. Pero hindi pa nga lumilitaw ang bahaghari sa kalangitan ay panibagong bagyo na naman ang dumadating. Bakit kailangang ako ang makaranas nito?   Naramdaman ko na lang na may humawak sa magkabila kong braso. My father is right, I’m weak. “Maganda ka sana. . . kaso. . . kailangan mong mawala,” ani Santi habang itinututok ang matulis na bahagi ng kutsilyo sa leeg ko.   “Kung d’yan ka masaya, edi gawin mo,” kung sino mang espiritu ang sumanib sa’kin ngayon upang hindi ako matinag, sana ay ‘wag na siyang umalis sa katawan ko.   “Oh, hindi ka takot? I’m impressed,” inalis niya ang kutsilyo at saka sarkastikong pumalakpak. May tinanguan siya sa likod ko at saka siya pumihit patalikod. Ang huli kong naramdaman no’ng araw na iyon ay ang p*******t ng batok ko, pagkatapos ay. . . dilim na ang lahat.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD