bc

Black Calla Lily

book_age12+
2
FOLLOW
1K
READ
revenge
prince
princess
royalty/noble
king
queen
drama
tragedy
royal
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Mecca was ordered by the ruler of Vespertillo Realm to meet the crystal gazer whose home was behind the colossal mountains and expanded oceans. Due to the difficulties that she encountered during her voyage to the borderline of the two realms--Arietes and Vespertillo-- she later on ended up falling on a cliff and waking up in the meadows. There she met the count in disguise.

chap-preview
Free preview
00
". . . Vespertillo realm always does the first step; initiate the war. For two consecutive centuries the empire was possessed by the mind of it all, Nasser. Indeed, an evil's offspring is evil. Though—" hindi ko naituloy ang binabasa nang biglang lumabo ang mga letra sa libro. Napakamot ako sa sariling mata dahil muli na namang itong nanlalabo. "Sumasakit na naman ba?" napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Kahit hindi ko tignan ay alam kong si Suzy iyon. We meet every single day, how can I forget her high-pitch s***h a bit amorous voice? Kaagad akong umiling at saka isinara ang history book. "Lumalabo lang," tumayo ako nang maging klaro na ang paningin ko. Nakakrus ang mga braso ni Suzy habang pinapasadahan ng tingin ang buo kong mukha. "Bakit ka nga ba nandito?" I asked referring to the library. She shrugged her shoulders. Inginuso niya ang kabilang mesa kung nasaan nakaupo ang katulad niya ring doktor na si Tyrell. "Sinamahan ko lang si Ty," tumango ako at saka ibinalik na sa shelves ang libro na kasalukuyang hawak ko. "Wanna go for a walk, your highness?" Itinuro ko si Ty. "Pa'no 'yan? Iiwan mo?" "He's old. Kaya na niya ang sarili niya," pinangunahan niya ang paglalakad palabas ng silid-aklatan. Sinenyasan ko naman ang mga caballero na akmang susunod sa'min. "Everyone is preparing for the war," ngumisi ako. "I can't wait to sanitize my palms with blood," nagpamulsa ako at saka siya hinarap. "Hindi ka ba kinakabahan? Medic ka. Frontliner. Nagawa mo pang maglakad kaysa magdasal." She chuckled. "What do you expect from me? Join those exaggerating barons?" "You're talking to a countess, doctor. Do you want me to slit your neck to death?" mukhang hindi siya natinag sa sinabi ko. She even flashed a naughty smile. Ano pa nga ba? It's Suzy for heaven's sake. Wala siyang sinasanto. "I'm a doctor, your highness. I can mend my wound," at talagang nagawa niya pang magbiro. I was about to hold the hilt of my sword when a loud thud caught our attention. Kaagad kong nilingon ang babaeng nadapa sa gilid ng rancho. Nagkalat ang mga maruming damit sa sahig. Mukhang napuruhan ang paa niya dahil hawak niya ito habang nakalukot ang mukha. No one dared to help the filthy woman. "People are panicking. Hindi naman sila ang susugod sa digmaan." Kinalog ko na lamang ang ulo. "Anyway, wala bang nagbago sa diagnosis mo?" I changed the topic. Umiling siya. "You will still go blind." I tsked. "Kung makapagsalita ka parang sinabi mo lang na uubuhin ako ng isang araw." "It's your fate," ngumuso siya. "What's the point of sugarcoating words?" Napapabuntong hininga kong nilingon ang malaking estatwa ng paniki sa malayo, the symbol of Vespertillo Realm. 'Vespertillo' is 'Bat' in Latin. Bat symbolizes cult, darkness, and evil and so the empire. "Paano ko pa magagawang tignan ng ganito iyong estatwa kapag nabulag na ako?" "Are you fantasizing that statue?" Kunot-noo ko siyang nilingon. "That statue? Seriously? It's the symbol of our realm!" "I know," humalakhak siya. Umirap ako at saka muling ibinalik ang mata sa estatwa. Nanliit ang mga mata ko nang may mamataang babaeng patakbong lumalapit sa amin. Kumakaway pa ito at kahit minsan ay hindi klaro ang paningin ko ay alam kong malawak ang ngiti niya. "Mecca! I mean. . . AH!" halos mapapikit ako ng mariin nang muntik pa siyang madapa. May flower crown ang ulo niya na bahagya niya pang hinawakan upang hindi mahulog. Nang makalapit na siya sa amin ay hinihingal niyang sinapo ang dibdib. "Weilan," tawag ko. "M-Mecca," hinihingal pa rin siya. "Bakit wala ka sa. . . sa a-arena?" hapong-hapo niyang tanong. "Galing ako sa lib, nagpalipas lang ng oras. Pabalik na rin ako." Itinuro niya ang palasyo kaya napatingin din ako doon. "My father will announce your designated tasks for the upcoming feud. You should be there!" gulat ko siyang nilingon. Then I remember Weilan is a child of a duke. "Ngayon na?" Kinamot niya ang sintido. That move! Hindi siya sigurado. "Mamaya pa. . . ata," napapikit ako ng mariin. Nang makita niya 'yon ay kaagad niya ring binawi ang sinabi. "Mamaya na 'yon sigurado ako do'n." "Parang hindi naman," puna ko. Kaagad niya namang dinepensahan ang sarili. This girl is impossible. Napailing-iling na lamang ako. "You're a countess! Dapat alam mo 'yon!" Nginiwian ko na lamang siya. Pare-pareho kaming napalingon sa rancho nang may kabayong humalinghing. "Iwa!" kaagad na tumakbo si Weilan patungo sa kapatid kong kabababa lang sa kabayo. "Your twin," ani Suzy sa tabi ko. "May advantage rin pala kung mabubulag ako," nakita ko ang paspasang paglingon ni Suzy sa akin. "Kung siya lang din naman ang makikita ko araw-araw, mas magandang mabulag na lang nga ako." "You really hate your sister, don't you?" inignora ko na lamang ang sinabi niya at saka ako naglakad palayo doon. Ngunit bago ko pa magawa 'yon ay narinig ko na ang pagtawag ng kakambal ko sa'kin. "Mecca!" iritado ko siyang nilingon. Kasalukuyan niyang tinutulungan iyong babaeng kanina pa nakasalampak sa sahig. Kunwaring defender of the poor. I arched a brow. "Papunta ka na rin ba sa arena?" "Sa tingin mo?" kaagad akong siniko ni Suzy dahil sa mapait kong pakikitungo sa kapatid ko. "Sabay na tayo. Kung. . . kung ayos lang sa'yo." "Pumayag ka na," bulong sa'kin ni Suzy na kaagad namang kinontra ng sistema ko. Weilan and Suzy were gawking at me as if I killed their countess. "Bahala ka," I was about to take a step when she called me for the second time. "What now?" "I'll just send her home," she said referring to the filthy s***h imprudent woman. Tumango ako at saka nakakrus ang mga brasong hinintay siya sa rancho. Nagpaalam na si Suzy na babalikan niya si Tyrell sa lib. Si Weilan naman ay nakikipag heart-to-heart talk sa mga makikisig na lalaki na nangangalaga ng mga kabayo. Hindi ko na halos mabilang kung ilang lalaki ang hinahangaan niya sa isang linggo. Sa sobrang dami niyang naging lalaki ay pwede na siyang gumawa ng football team. Nang makarating ang kambal ko ay nakahinga na ako ng maluwag. Kanina pa ako nilalangaw dito. "Pasensya na, medyo natagalan," ani Iwa pagkababa niya sa kabayo. Pinasadahan ko ang buo niyang katawan. . . she's so grimy as if she bathe in mud. "Akala ko nga ay hindi mo na kami sisiputin—" I guess, Weilan has sensed the rudeness in my voice because she swiftly entered the frame. "AY! Malabong na po pala 'yong mga d**o doon sa talon ng tranquillo. We can bring the horses there!" pagputol sa'kin ni Weilan. Ngumiti lang sa kaniya si Iwa. Binilisan ko ang paglalakad hanggang sa makapasok sa loob ng palasyo. The vespertillo knights were spread around the colossal hall. We're look like a microscopic mouse walking around. The black aura inside the fortress is suffocating. Idagdag mo pa 'yong pare-parehong black armor ng mga kawal. "We're here," my twin announced. Pinagbuksan kami ng higanteng pinto no'ng dalawang caballero na nakaparada sa harap ng pinto. The stadium was filled with aristocrats. My father, the ruler of Vespertillo, wasn't here. Sa sobrang laki ng stadium ay parang kakarampot na paminta lang kaming nakakumpol sa tabi. Hindi ko alam kung bakit dito pa nila naisipang magtipon. "The countesses are here," duke Ismail announced. The peers turned their heads to see us. They even bowed their heads to give respect. "Do the honor, Duke Ismail," my sister ordered him to start the assembly. Nakita ko ang paglapit ni Weilan sa kapatid niyang si Galdwin. Tikom ang bibig niya at tila iniiwasang gumalaw ng sobra. May iilang sinabi ang duke, may mga terminolohiyang pangprosyunal pa nga siyang sinabi na hindi ko maintindihan. Nang lingunin ko ang kakambal ko ay para kong nakita ang ibang Iwa. She's serious and menacing. Patango-tango ito sa mga sinasabi ng duke sa harap. Nang lingunin ko ang mga anak ng duke sa gilid ko ay nakita ko si Weilan na pahikab-hikab lang doon na mukhang wala ring maintindihan sa pinagsasabi ng ama niya. Halos magdikit ang dalawang kilay ko nang may mga kumpol ng mga caballerong pumasok sa stadium. Ngayon ay nakuha ko na kung bakit sa stadium ginawa ang pagtitipon. Duke Ismail wanted us to prove our strength through sparring. Biglang umangat ang dibdib ko, malakas ang loob. I trained for almost a year for the war, they're just a bunch of typical cavaliers, imposibleng hindi ko 'to malagpasan. "You're confident," puna no'ng may katandaang babaeng parte ng peer of the realm sa akin. Inignora ko lamang ito. Nang lingunin ko si Iwa ay wala itong ipinakitang emosyon. Ngunit nang mapansin niyang nakalingon ako sa kaniya ay nginitian niya ako. Kaagad akong umiwas ng tingin at saka nag pokus sa harap. Bumaba ang tingin ko sa braso ko nang may humaplos dito. "We can do it!" she said.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
77.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
85.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
175.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
133.3K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
26.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook