07

2108 Words
07   “Bakit kasi ako pa ang pinagbuhat nito?” nagising ako sa malakas na puwersang tumama sa pisngi ko.   “Gago! Bakit mo sinuntok?!”   Puting tela ang sumalubong sa paningin ko. Nakakasakal at ang hirap huminga, ‘yon ang nararamdaman ko bukod sa sari-saring pasa at sugat na unti-unting humahapdi. Tingin ko’y binalot nila ako sa sako. “Nakakainis e at saka . . . gigilitan din naman natin ‘to, kaya ayos lang ‘yon.”    “Lagot ka kay, Santi.”   Humalakhak iyong lalaking pinakamalapit sa’kin. Nasabi kong pinakamalapit dahil sa lakas ng boses niya. “Magalit? Kulang na nga lang ay gilitan niya na’to no’ng isang linggo.”   Napamulat ako bigla. Isang linggo? Ibigsabihin matagal na akong tulog? “Panakot niya lang ‘yon. Halata namang type niya ‘tong babae.”   Pareho silang nagpakawala ng nakakakilabot na halakhak. “Hindi na ako magtataka kung tirahin niya ‘to,” halos manlambot ako sa mga pinagsasabi nila.   “Parang patay na nga e. Tignan mo nga,” udyok no’ng isa. Kaagad akong pumikit at saka umaktong walang malay. Naramdaman ko sa talukap ng mga mata ko ang pag dapo ng liwanag, indikasyon na itinaas nila ‘yong tela o sakong nakatalukbong sa’kin. “Gago, parang patay na nga! Tignan mo ‘yong pulso!” naramdaman ko ang paghawak nila sa ilalim ng tainga ko pati na rin sa palapusuhan ko. I used the opportunity to pull his wrist. They both looked caught off guard. Sinipa ko iyong lalaking nasa likuran ko, kasalukuyan kasi kaming nakasakay sa kabayo. ‘Yong isang lalaking kausap niya ay nasa kahiwalay na kalesa. Tumalon ako at saka kumaripas ng takbo. Nakita ko sa gilid ng  mata ko ang paglingon ng mga kasamahan nila.   “Habulin niyo!”   Parang umuulit lang ang mga pangyayari, déjà vu. Pang-ilang beses na ba akong tumakbo sa magkaparehas na dahilan? At ilang beses ko na bang pinagsisihan ang pagsusuot ng mahabang damit? Gusto kong sapakin ang sarili ko nang maapakan ko ang hem ng damit ko na nagresulta sa pagkadapa ko. “Oh, akala ko ba tatakas ka?” kahit hindi ko tignan ay alam kong si Santi ‘yon. Nanlilisik ang mga matang tiningala ko siya. Napangiwi ako sa sakit nang hapitin niya ang buhok ko. “Kunin niyo na’to,” inilapit niya sa’kin ang mukha niya. “Ang pagtakas ay ang paglalagay ng sariling binti sa bangin. Nasa sa’yo ang desisyon kung gusto mo pang tumagal ang buhay mo, prinsesa.”   May dalawang kamay na humawak sa magkabila kong braso. Hinigit nila ako patayo habang nasa harapan ko pa rin si Santi. “Kung ikaw lang naman ang makikita ko, mas gugustuhin ko pang mahulog sa bangin.”   “Dapat ba akong mamangha?” ngumisi siya at saka hinawakan ang mukha ko. “. . . Prinsesa?”   Nanlaki ang mga mata ko. Hinigpitan niya ang pagpiga sa magkabila kong pisngi, nagpumiglas ako ngunit mas hinigpitan niya lalo. Hindi maganda ang mga planong tumatakbo sa utak ko pero kung ‘yon lang naman ang tanging paraan para makaganti. . .   Kinagat ko ang kamay niyang nasa mukha ko at saka siya dinuraan sa mukha. “Dapat ka talagang mamangha dahil nahahawakan mo ‘ko. Napaka swerte mo naman, hinihila-hila mo lang ang buhok ko kapag nanggigil ka.”   “Nakuha mo pa talagang magyabang,” halos mahalikan ko ang lupa nang dumapo ang palad niya sa kanang pisngi ko. Namanhid ang mukha ko dahil sa ginawa niyang ‘yon. Parang naiba ang postura ng utak ko dahil sa dagundong ng sampal niya. Akala ko’y ‘yon na ang pinakamalakas na matatamo ko sa araw na ‘yon nang paliparin niya ang paa niya sa sikmura ko. Halos lumabas ang baga ko sa sobrang pag-ubo dulot ng pagsipa niya. “Sa tingin mo’y  may laban ka?!”   Bumibigat na ang talukap ng mata ko. Hindi na ako magtataka kung bukas ay hindi na ako magising pang muli. “Duwag ka. Bakit hindi tayo maglaban ng tayong dalawa lang? Fair and square, Santi,” kahit na marami akong iniinda, there’s always a place for grinning.   “Babae ka, paano ka lalaban?” he lifted my chin a bit.   “Ang sabihin mo duwag ka,” ‘yon ang huli kong sinabi no’ng oras na iyon, bago mandilim ang paningin ko dahil sa muli niyang suntok.     “Mahusay, Mecca!” puri ng guro namin sa sining at musika pagkatapos kong ipasa ang iginuhit kong portrait ng emperor. Nakangiting tinatakan ng guro ko ang papel ko ng limang stars. Buong ngiti ko naman itong tinanggap pagkatapos niyang gawin iyon. “Mas maganda kung personal mong ibibigay mo ‘yan sa emperor nang sa gayon ay mapalitan na ang luma niyang litrato sa opisina niya.”   Buong galak naman akong tumango-tango. “Opo!” pagkatapos ng klase ay napagdesisyonan kong dumaretso kaagad sa opisina ng emperor. Paniguradong magiging proud siya sa’kin dahil sa edad kong walo ay nakagawa na ako ng perpektong portrait niya.   “Abala ang emperor sa pagtuturo kay Iwa,” bumagsak ang balikat ko nang mapagtantong wala ang hari sa opisina niya. “Panigurado ay patapos na rin sila.”   Nabuhayan ako sa sinabi ng duke. “Hihintayin ko na lang po sila dito,” Tumango ang duke at saka nagpaalam na may aasikasuhin lang daw siya sa HQ. Ilang oras pa akong naghintay doon bago dumating ang emperor. “Papa!” Pinag-angatan niya ako ng kilay. Halatang pagod ang emperor kaya perpektong oras ‘to para ibigay ang obra maestro ko sa kaniya. Nang mapansing walang Iwang nakasunod sa kaniya ay ako naman kumunot ang noo. “Nasa’n po si Iwa?”   “Anong ipinunta mo, Mecca?” tanong niya, iniignora ang sinabi ko.   Kaagad kong inilabas ang obra ko at saka ito ipinakita sa kaniya. “Charaan!” ngumiti ako. “Ginawa ko po ito para sa inyo. Tinatakan ako ni guro ng limang stars, dahil maganda at realistic daw ang pagkakaguhit ko!”   Umupo ito sa swivel chair niya at saka inayos ang bat figure na nakapatong doon, lagi niya itong ginagawa. “Ipatong mo na lang d’yan.”   “Opo!” ginawa ko ang sinabi niya at saka itinuro ang malaking painting na nakadikit sa muralya. “Mas maganda po kung ipapalit natin ito doon sa luma ninyong painting. Sasabihan ko po ang mga manggagawa na gawin ‘yon,” pagkatapos kong sabihin ‘yon ay lumabas na ako at saka nagtawag ng mga manggagawa upang gawin ang plano kong pagpapalit ng painting.   “Talaga?!” manghang tanong ni Iwa na kasalukuyang nakadapa sa kama niya. Kinuwento ko kasi sa kaniya ang nangyari kanina.   “Oo! Ipapakita ko sana sa’yo bago ko ibigay sa emperor, kaso nagpapahinga ka na ata no’n,” napapakamot sa ulong sambit ko.   “Sayang naman.”   Natigilan ako nang may maalala. “Ano pala ‘yong itinuro sa’yo ng emperor kanina? Paghawak ba ulit ng espada, pagsakay ng kabayo, pag titirador ng mga ibon, ano?”   “Uhm. . . tinuruan niya akong. . . gumuhit.”   Nanlaki ang mga mata ko. “Talaga?! Pwede ko bang makita ‘yong obra mo?”   “W-Wala naman. Pangit daw kasi ang gawa ko, kaya itinapon ko na lang.”   Ngumuso ako. “Weh? Sayang naman, gusto ko pa namang makita.”   “’Wag na lang, alam ko kasing hahagalpak ka sa katatawa kapag nakita mo ‘yon!” tumawa siya. Ilang oras pa kaming nagkuwentuhan bago ko pagpasiyahang bumalik sa kwarto ko.   Kinabukasan, Sabado, paniguradong nailagay na ang portrait na ginawa ko kahapon sa opisina ng hari. Excited na akong makita iyon!   Kasalukuyan akong nasa harap ng pinto ng opisina ng emperor nang biglang bumukas ito at bumukad sa’kin ang kapatid ko. “Ang aga mo naman ata, M-Mecca.”   “Mas maaga ka kaya! Nakita mo na ba ang iginuhit ko?” nakangiting tanong ko.   “O-Oo! Maganda! Maganda!”   “Bakit ka ba nauutal?” tanong kong muli at saka umambang bubuksan ang pinto nang bigla niya akong hinarangan. “Bakit?”   “Uh . . . nag-almusal ka na ba? Kumain muna tayo!”   “Mamaya na. At saka anong kakain? Kumain ka na e! Ang daya mo talaga, amoy buro ‘yang bibig mo,” Natutop niya naman ang bibig kaya napahagikhik ako. Akmang papasok na ako sa loob nang muli niya akong pigilan. “Bakit ba? Mamaya na tayo kumain.”   Pareho kaming napatabi sa gilid nang bumukas ang pinto ng opisina. May manggagawang lumabas doon habang may bitbit na malapad na bagay na nakabalot sa puting tela. “Nakabit na ba doon iyong portrait?” tanong ko sa manggagawa.   “Opo. Masaya nga po ang emperor e.”   “Talaga?!” masarap marinig na masaya ang emperor sa ginawa ko. Nakakalambot ng puso. Dumako ang mata ko sa dala niya. “Pwede ko bang malaman kung ano ‘yan?”   “Pwede naman po,” the guy was about to lift the white cloth when my sister stopped him.   “A-Ah, ‘yan ‘yong lumang painting ng emperor.”   Napatango ako. “Ah, sige, umalis ka na,” sabi ko do’n sa manggagawa pagkatapos ay pumasok na’ko sa loob ng opisina kahit panay ang pigil sa’kin ng kapatid ko. Nadatnan namin sa loob ang mga pinsan naming sina Weilan at Galdwin, maging ang ama nilang duke ay nandoon, pati na rin syempre ang hari.   Kaagad kong tinignan ang muralya kung nasaan nakasabit ang portrait na gawa ko, ngunit halos matigilan ako nang makitang hindi ko gawa ang nakasabit doon.   “M-Mecca. . .”   Inilibot ko ang mata ko sa paligid upang makita ang bakas ng obra ko, umaasa. “Nasaan po ‘yong portrait na ginawa ko?” Alanganin ang ngiting tanong ko sa emperor. “At saka. . . sinong gumawa nyan?”   “Mecca! Ang ganda ng ginawa ni Prinsesa Iwa ‘no?” nagniningning ang mga matang puri ni Weilan sa painting. Kaagad na dumako ang mata ko sa kapatid ko.   “Ikaw ang gumuhit niyan?” tanong ko habang nakaturo sa painting.   Napayuko si Iwa. “O-Oo.”   “Maganda,” ngumiti ako at saka hinarap ang emperor. “Saan niyo po dadalhin ang portrait na ginawa ko? Akala ko ay ‘yon ang ipapalit niyo sa luma niyong litrato.”   Awtomatikong umangat ang kilay ng hari. “Ginoong mabait ngunit hindi kagwapuhan at Ginoong may mabuting kalooban at may itsura. Kung papipiliin kita, anong pipiliin mo?” tanong niya sa’kin na nagpakunot ng noo ko. “Syempre pipiliin mo ay ‘yong lalaking perpekto.”   “A-Ano po ang ibig ninyong sabihin?” tanong ko.   “Kung mamimili na lang din ako sa kung ano ang ilalagay ko sa silid ko, syempre mas pipiliin ko iyong perpekto,” napayuko ako. “Maganda ang gawa mo, ngunit mas maganda ang gawa ni Iwa. Nagkulang ka sa ibang bagay, Mecca. Pagbutihin mo pa lalo.”    “O-Opo. . .”   “Ipinatapon ko na ang portrait na iyon. Gumawa ka na lang ulit ng bago,” sambit ng hari bago niya lisanin ang opisina. Sumunod sa kaniya ang mga pinsan ko, habang si Iwa naman ay nanatili sa tabi ko. Ang duke ay nakatitig pa rin sa painting habang nakakrus ang mga braso.   “Mecca, I’m sorry,” ani Iwa habang hinahagod ang likod ko.   “Ayos lang ako. . . mauna ka na.”   Hindi ko alam kung bakit, pero parang nakaramdam ako ng inis sa kapatid ko. Wala naman siyang ginawang masama, pero parang gusto ko siyang saktan. Nang lumabas ang kapatid ko ay siya namang paglapit ng duke sa’kin.   “Kung ayaw mong mangyari pa ulit ang nangyari ngayon, mas pagbutihin mo pa sa susunod,” humagikhik siya. “Huwag kang papayag na malamangan ka ng kapatid mo,” inilapit niya ang bibig niya sa tainga ko upang bumulong. “Lumaban ka, patunayan mong hindi ka mahina.”   Tiningala ko siya.   “In this world full of competitions, walang lugar ang mga mahihina,” tinapik niya ang balikat ko. “Sundin mo kung ano ang nararamdaman mo. Kung gusto mong gantihan ang kapatid mo. . . ‘yon ang gawin mo. Give and take lang ‘yan. ‘Yon lang ay kung ayaw mo talagang magmukhang kaawa-awa.”    

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD