05

2023 Words
[TW: s****l Assault]   “Maayos na ba ang lahat?” tanong ko habang nakatungtong sa isang malaking bato. Nagkatinginan sila, tila nag-aalangang magsabi ng problema. Pinag-angatan ko sila ng kilay. “Spill.”   “Natapon po kasi iyong mga tubig na karga ni Yulo kaya wala ng natira,” sambit no’ng pinakamalaki ang katawan. Napapikit ako ng mariin at saka nag-isip ng posibleng solusyon.   “P-Pero ayos lang po. Tingin ko ay makakakita naman tayo ng sapa habang—“   Umiling ako at saka itinuro ang gubat na tinakbuhan no’ng kabayong kumaripas kahapon. “May maliit na palaisdaan d’yan sa ‘di kalayuan. Ayos lang ba sa inyo ‘yon?”   “Opo!”   Tumango-tango ako at saka inalis ang pagkakagapos ni Whistley sa puno. “Kung gano’n. . . magsimula na tayong mag lakad.”   Hila-hila ko muna si Whistley dahil hindi pa maayos ang binti niya. “Kamahalan. . .” Napalingon ako nang magsalita si Yulo. “Dito muna po kayo sa kalesa ko sumakay. Ako na lang po ang hihila kay Whistley,” mas lalong kumunot ang noo ko nang mag hiyawan ang mga kasama niyang caballero. Sinundot-sundot pa no’ng isa ‘yong tagiliran niya.   “Ayos lang ako. Si Whistley ‘yong baldado, hindi ako.”   Nakita ko naman sa’king peripheral view ang pagkamot niya sa sariling batok. “Ah g-gano’n po ba.”   “Uy, binata na si Yulo!” hiyaw no’ng isa.   Kaagad namang tumalima si Yulo. “Sira.”   “Sus, pakipot ka pa.”   “Oo nga!” “Tirahin mo na. Minsan lang ‘to,” bulong no’ng isa na siyang nagpakulo ng dugo ko.   “PWEDE BA?!” bulalas ko. “Gusto ko ng tahimik na paligid kapag naglalakad. Hindi na kayo mga bata para pag-aksayahan ng oras ang mga ganyang bagay,” hinarap ko sila. “At ikaw naman, Yulo, inintindi mo pa ang pag-aasawa kaysa ang palakasin ang sarili mo. Naglalakbay ka pa lang hinihimatay ka na, pa’no pa kaya kung isa ka sa mga isinugod sa digmaan?” natahimik silang lahat.   “Sabi ko sa’yo e. Mas maganda pa ang ugali noong kapatid niya d’yan,” bulong no’ng katabi niyang payat.   Muli akong naglakad patungo sa palaisdaan, iniignora ang sinabi niya. Edi sana si Iwa na lang ‘yong pinasama nila. Wala akong pakeelam kahit halayin pa nila ‘yon.   Nang makarating kami doon ay kaagad na nagsalok ang mga ito ng tubig. Pagkatapos ay muli kaming nagpatuloy sa paglalakad.   It took us hours before we reach the south part of Vespertillo. Sa bukana pa lamang ng gubat ay mapapansin mo ng sagana sa pagkain at hayop ang lugar na ito. “Hahatiin ko kayo sa tatlo nang sa gayon ay maging mas madali ang pagkuha natin ng mga pagkain at paghuli ng mga hayop,” nagkatinginan silang lahat. Pagkatapos ko silang i-grupo ay nagtungo na sila sa kani-kanilang lugar habang bitbit ang mga lalagyan. Habang ako ay naghanap mag-isa. Ayaw ko ng may minion na pasunod-sunod sa akin, syempre bukod kay Whistley na siyang may bitbit ng basket.   Aakyat pa kami ng bundok at hindi ko alam kung buhay pa ba iyong manghuhula na ‘yon. Sa ngayon ay kailangan naming kumuha ng kakainin.   Mag tatakip-silim na ng makarating kami rito kaya medyo madilim na rin sa bahaging ito kung saan sagana ang mga prutas. Kumuha ako ng isang mansanas na nasa pinakaibabang parte ng puno at saka ito pinunasan gamit ang cloak ko. “Matamis kaya ‘to?” kinain ko iyon habang nagpipitas ng mga bunga hanggang sa wala ng matira. Nang makitang napuno ko na ng mansanas ang tatlong nag lalakihang basket ay lumipat naman ako sa ibang puno. May lamang mga d’yaryo at kung ano-anong bagay ang basket nang sa gayon ay hindi masira ang mga prutas habang nasa biyahe kami.   Ngunit napahinto ako sa pamimitas nang may gumalaw sa parteng kanan ko. Pinitas ko ang hawak kong mangga at saka marahang humila ng isang shaft na kasalukuyang nasa likod ko. I’m certainly sure that there’s a deer beyond those bushes.   Dahan-dahan kong itinali si Whistley sa puno at saka lumapit doon sa malabong na halaman kung saan nagtatago ang isang usa. Nang makalapit ako ay inihanda ko na ang pana kung sakaling lumabas ito. Napangisi ako nang makita ang tainga nitong sumisilip sa itaas na bahagi ng halaman. Kaagad kong iwinasiwas ang mga halaman at saka akmang titirahin siya ng palaso. Ngunit paspasan itong tumakbo, awtomatikong gumalaw ang mga paa ko upang habulin ang usa. Malusog ang usa, kaya mas lalo akong naudyok nitong hulihin siya.   Tumalon siya sa isang ‘di kataasang halaman, pagkatapos ay pumihit siya pakanan. Ilang segundo siyang nawala sa paningin ko ngunit nang lumipad ang mga tuyong dahon dahil sa mabilis niyang pagtakbo ay kaagad ko rin siyang natunton. Malalapad ang katawan ng mga puno ngunit magkakahiwalay din ang mga ito kaya kahit anong tago niya ay paniguradong mamamataan siya ng mga mata ko, partida, may diperensiya pa ang mga mata ko.   Pinaulanan ko siya ng mga palaso ngunit wala itong silbi dahil kung hindi sa puno ay sa kawalan ito tumatama dahil hindi na rin ganoon kalayo ang nakikita ng paningin ko. Halos mapamura ako nang umulan ng malakas, zero visibility. Idagdag mo pang binabalot na ng dilim ang buong timog.   Luckily, I saw its silhouette dancing in the dark. I changed my stance into a defensive one and aimed the shaft to its direction. And that’s it, the deer met its misery.   I was about to pick up the unconscious deer in the vicinity when a deviant creature blocked my view. I can feel my sweats gushing down the side of my head even though it’s raining. My heart is pounding aggressively because of the eerie feeling. “Damn it,” I hissed while holding the hilt of my sword, preparing for its sudden attack.   Nanliit ang mga mata ko at napagtantong isa ‘yong oso. He roared. Napapikit ako nang mariin nang halos dumagundong sa buong gubat ang lakas no’n. I pulled out my sword. Pagkatapos bumulalas ng oso ay awtomatiko na iyong pag-atake niya. Usually, being practical is an advantage.   It directed its claw to my current location. I jumped to the nearest branch in the vicinity and kicked its head. I think, I just triggered the starving bear. The bear was undeniably huge and strong. I raised my sword and wounded his left leg, he roared even more!   Nararamdaman ko ang pagtakip ng iilang basang hibla ng buhok ko sa mukha ko. Humihina na ang ulan ngunit pakiramdam ko ay mas lalo pa itong lumakas dahil sa tumatagaktak na pawis. Talon, takbo, mura, ‘yan ang ginagawa ko habang nakikipag laban sa pesteng oso. My face was all havoc, I can feel it!   Namamanhid na rin ang katawan ko sa ulit-ulit na pagkabagsak at pagkagalos. Maging ang natamo kong sugat no’ng sparring ay wala ng sakit. Umakyat ako sa isang puno sa malapit upang mapantayan ang taas no’ng oso. Nakaharap ang likod no’ng oso sa’kin. Nag palinga-linga ang oso na tila hinahanap ako. Aw, nakaka flutter naman, for the first time in history may naghanap sa presensiya ko. Kaso negative pa rin dahil alam kong gustong-gusto na akong kainin nitong oso. Tinalon ko ang balikat no’ng oso at saka umambang itatarak ang espada ko sa temple niya. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana dahil hinayaan nitong danggilin ako ng kalaban. Lumipad ang espada ko sa ibang direksyon, kasabay ng pagtilapon ko sa ere. Nabangga ang likod ko sa puno kaya namilipit ako sa sakit na natamo. Ilang metro na lang ang layo sa’kin ng oso at tila tigang na tigang na itong patayin ako. Sinubukan kong tumayo ngunit tila nabalian ata ako. Katapusan ko na ba?   Pumikit na lamang ako at saka hinintay na dumapo ang matutulis na kuko no’ng oso sa katawan ko. Ngunit napamulat ako bigla nang marinig ang pagkalansing ng espada. Bumungad sa’kin ang nakahandusay na katawan no’ng oso, sa likod nito ay nakatayo ang isang caballero. It’s Yulo.   Napabangon ako, tila nawala ang lahat ng sakit. Pinulot ko ang sandata ko sa hindi kalayuan at saka ang napatay kong usa. “Tara na, umalis na tayo.” I uttered while carrying the deer.   Naramdaman ko naman ang pagsunod niya sa’kin. Paunti-unting tumitila ang ulan kaya napanatag na ako. Nang makalapit ako kay Whistley ay kumuha ako ng sako at saka ipinasok dito ang usa. Nakaparada na rin doon ang mga kasama kong baguhan. “Umalis na tayo rito, masyadong mapanganib. Baka hindi niyo magawang lumaban kapag kayo ang inatake.”   Hinila ko na si Whistley at saka nagsimula muling maglakad. Ngunit nang mapansin kong walang sumusunod sa akin ay muli ko silang nilingon. “Ano pang ginagawa niyo d’yan? Lakad na!”   Nakangising lumapit sa’kin iyong may pinakamalaking katawan ngunit nasigiguro kong mahina kapag lumaban. “Iniligtas ka ng kasamahan namin. Mahina bang matatawag ‘yon?”   Umirap ako. “Nagawa niya lang patumbahin iyong oso dahil nakatalikod ito sa kaniya. Pero kung kayo ang nasa kalagayan ko ay baka naihi na kayo sa takot.”   Humalakhak siya na sinabayan naman no’ng iba. “Pagliligtas pa rin ang tawag do’n, prinsesa.”   Pagod na ako at wala na akong ganang mangatwiran pa. “Oh e anong gusto niyong gawin ko?” binitawan ko ang tali ni Whistley at saka lumapit kay Yulo. “Salamat sa pagliligtas sa’kin,” hinarap ko muli sila, “Nasabi ko na. ‘Yon naman ang gusto niyo ‘di ba?” inayos ko ang cloak ko at saka hinawakan muli ang tali ni Whistley. “Tara na,” muli akong naglakad. Ngunit bumaba ang tingin ko sa braso ko nang may humawak rito. Pagharap ko ay sinalubong ko siya ng malakas na sampal. “Sinong nagsabing pwede mo ‘kong hawakan? Lapastangan ka!” hinila ko ang braso ko sa kaniya ngunit mahigpit ang pagkakahawak niya rito.   “Hindi sapat ang salamat, prinsesa. Bakit hindi mo muna kami paligayahin?” ngisi niya na kaagad namang kinontra ng sistema ko.   “How dare you!” I was about to pull out my sword nang biglang may humawak sa magkabila kong braso. “Anong ibigsabihin nito--?!” kahit na madilim na ay nakikita ko ang nakakatindig balahibong ngiti niya. Nakita ko ang pagkahulog ng espada ko sa lupa.   “Tayo lang naman ang makakaalam, binibini,” hinila nila ako sa isang sulok.   “You! Bastards! Let me go!” pinilit kong magpumiglas pero sa tingin ko ay pagod na ang katawan ko. “Sino kayo para gawin ‘to sa’kin?! I’ll punish you!”   “Yulo, bakit hindi mo simulan?” lumingon iyong may malaking katawan kay Yulo. Halos mangarag ang buo kong sistema nang makitang isa-isang tinatanggal ni Yulo ang kaniyang saplot habang nakapaskil ang nakakalokong ngiti.   Gusto kong umiyak pero parang natuyo ang mata ko. Naghahalakhakan silang lahat. Nakakatakot. Unti-unting lumapit sa’kin si Yulo,  I can smell his stinking breath. Pinadausdos niya ang palad niya sa hita ko papataas ngunit iniwas ko ito na siyang nagpatigil sa kaniya. “Mabilis lang ‘to, kamahalan,” nanlilisik ang mga matang tinignan ko siya. Kung hawak ko lang sana ang espada ko ngayon ay patay na ang mga ‘to. Espada. . . espada. . . sandali. . .   My dagger!   Dahan-dahan kong inilusot ang palad ko sa hita ko habang pinapatakan niya ng halik ang leeg ko, nakakasuklam pero kailangan kong tiisin. Hinila ko ang dagger ko sa leg strap ko at saka siya sinaksak sa tiyan. “AH!” sinipa ko ang sikmura niya at saka ako tumayo habang nakaturo sa kanila ang kutsilyo.   “Subukan niyong lumapit!” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD