04

1385 Words
  04   “Hi-yah!” hiyaw ko sabay hataw sa kabayo. Kaagad kong pinihit ang tali patalikod sa limousine na sinakyan ko. Kaagad namang sumunod ang nasa sampung caballerong may hila-hilang container ng mga pagkain.   Buong araw ay puro halinghing ng mga kabayo ang naririnig ko, syempre bukod sa natural na tunog ng paligid. Hindi naging excuse ang pag-inom o pagkain para huminto maliban na lang kung may tawag ng kalikasan. Hindi na ako magtataka kung dumating kami doon ng mas maaga pa sa tatlong araw.   “Yulo!”   Paspasan kong hinigit ang tali ng kabayo nang sumigaw ang isa sa mga caballero. Kunot noo ko silang nilingon. “Anong nangyari—“   Nalaglag iyong kawal na si Yulo sa sarili niyang kabayo. Putla ang mukha at lantang gulay ang katawan niya. Humalinghing ng pagkalakas-lakas iyong kabayong sinasakyan niya pagkatapos ay kumaripas ito ng takbo. Sakit sa ulo ‘tong mga baguhang ‘to. “Bantayan niyo ‘yan. Susundan ko lang ‘yong kabayo.”   “Ako na po—“ hindi ko na pinatapos ‘yong caballero na akmang pipigil sa’kin sa halip ay sinundan ko iyong kabayong papasok sa isang gubat.   Kumabig pakaliwa iyong kabayo pagkatapos nitong pumasok sa lugar na may matatayog na halaman. Nalaglag ang mga container na hila-hila nito kaya nagkandaliku-liko ako. “Dammit!” dere-deretso lang ako sa pag-mamaniobra sa kabayo. Matatayog ang mga puno ngunit may mga spaces naman sa pagitan ng mga ito kaya medyo maaliwalas ang paligid. Nag-iingay din ang mga tuyong dahon sa tuwing dinadaanan ang mga ito.   Hindi ko alam kung gaano kabilis ang pagpapatakbo ko no’ng mga oras na iyon. “AH!” na umabot sa puntong hindi ko na napapansin ang mga dinadaanan ko. Masyadong nakapokus ang utak ko sa paghuli sa kumaripas na kabayo. Natalapid si Whistley, my horse, sa isang malaking bato. Bumigay ang kaliwang paa niya kaya mumuntik na akong mahulog dito. Ang tanging sumusuporta sa bigat ko upang hindi ako mahulog ay ang espada kong itinukod ko sa lupa. Bumaba ako kay Whistley at saka itinali siya sa puno sa tabi. “Stay here, Whistley,” Inalis ko ang bato na nasa harap niya at saka nagsimula ng maglakad upang hanapin ‘yong kabayo.   Ang hanggang paa kong cloak ay sumasayad sa lupa na siyang humahagod sa mga dinadaanan kong dahon. Napangiwi ako nang may biglang pumatak sa mukha ko. Nang tumingala ako ay napagtanto kong uulan. Isinuot ko ang hood ko at saka sumilong sa malabong na puno.   Ang malas talaga.   Ilang oras pa akong naglagi doon bago tumila ng tuluyan ang ulan. Magtatakipsilim na ngunit nandito pa rin ako at naghahanap sa pesteng kabayo. Sumipol, pumalakpak, tumawag, lahat na ata ay nagawa ko na upang palapitin sa’kin ang kabayong hindi ko alam kung saan naglalagi.   Napahinto ako nang may maapakan akong matigas na bagay. “Jug?” lalagyan iyon ng tubig, pinulot ko iyon. “Ibig sabihin malapit lang siya dito,” pinulot ko iyong isa pang container at ‘yong isa pa. . . at ‘yong isa pa, hanggang sa marating ko ang hindi kalakihang palaisdaan.   Hinawi ko iyong halaman na tumatakip sa daan patungo doon. Halos mabunutan ako ng tinik nang makita iyong kumaripas na kabayong painom-inom lang ng tubig doon, habang ang karga nito ay nagkanda hulog hulog na. “Nandiyan ka lang pala at talagang. . .” namilog ang bibig ko nang makitang may iilang prutas na nalaglag sa tabi niya mula sa isang basket.   Biglang kumulo ang gastric juice na nasa tiyan ko nang makita kung gaano kahinog ang mga orange na ‘yon. “Saan mo nakuha ang mga ‘to?” tanong ko sa kabayo, umaasang sasagot ito. Napaangat ang kanang kilay ko nang may makitang kapirasong papel sa tabi.   A letter?   Binuksan ko iyon at napagtantong galing iyon sa kapatid kong si Iwa.   “Eating a few won’t take much of your time.      -Iwa,”   Umirap ako sa kawalan at saka inayos na ang mga nahulog na container. Hinila ko na ang kabayo patungo sa pinag-iwanan ko kay Whistley. “Bilisan mong maglakad, dumidilim na,” it took me minutes before I reach the place where I left Whistley.   Pagkatapos kong i-untie si Whistley sa puno ay muli na naman akong naglakad habang hawak-hawak ang dalawang kabayo gamit ang magkabilang kamay.   “Kamahalan!” hiyaw ng caballero mula sa malayo pagkarating ko sa kung saan kami huminto kanina. Tumakbo ito patungo sa’kin at saka kinuha ang dalawang kabayo. Kinuha niya rin ang bitbit kong basket.   “Kumusta siya?” tanong ko sabay tingin kay Yulo.   “Maayos na ho ang lagay niya. Napagod lang siya sa buong araw na tuloy-tuloy na paglalakad.”   Nagpakawala ako ng buntong hininga. “Mas napagod pa siya sa mga kabayo.”   “P-Po?”   “Wala,” umiling ako at saka nagsalin ng tubig sa isang lalagyan. “Mag pahinga muna kayo, pagkatapos ay lalakad tayo ulit.”   Nagsilab ng ng mga putol na sanga ang mga caballero bilang ilaw sa buong gabi naming paglalagi doon. Kung pumayag lang sana ang emperor na i-adopt ang mga makabagong teknolohiya ay hindi kami maghihirap ng ganito. Ngayon ay iniisip ko kung paano kaya mamuhay ang mga Arietesian sa palasyo nila? Maunlad kaya ang pamumuhay nila?   Ang nabasa ko sa libro ay lagi raw natatakluban ng dugo ang lupa ng Arietes. Maraming mababangis na hayop at puro raw p*****n ang ganap. Tapos iyong mga kababaihan ay hinahalay.   “Kamahalan,” napalingon ako nang may tumawag sa akin. Pinag-angatan ko siya ng kilay. “Tingin ko po ay paminsan-minsa’y kailangan din nating magpahinga sa biyahe.”   Umismid ako. “Iyon na nga ang ginagawa natin, ‘di ba?”   “Ang ibig ko pong sabihin ay. . . kapag kakain, iinom, dudumi, magpapahinga, kailangan nating huminto. Tingin ko ay masyadong naka pokus ang isip ninyo sa patutunguhan natin kaya hindi niyo na napapansin ang mga caballerong napapagod sa biyahe.”   Umayos ako ng upo. “Sinasabi mo bang hindi ko kayo iniintindi?”   “Hindi naman po sa gano’n—“   “Pagod ako ngayon dahil hinabol ko ang kumaripas na kabayo, hindi pa ba sapat ‘yon?” yumuko siya, tila pinagsisisihan ang sinabi. “Magpahinga na kayo kung ‘yon ang gusto niyo.”   Kumuha ako ng prutas sa basket at saka ito binalatan. Inalok ko ang mga caballero, ngunit tinanggihan lamang nila ang alok ko. Kasalukuyan silang nakapalibot sa apoy habang masayang nagkukwentuhan. Hindi halatang pagod at gutom mga ‘to dahil nakapaskil ang masayang maskara sa mukha nila.   “Tingin ko ay masyadong naka pokus ang isip ninyo sa patutunguhan natin kaya hindi niyo na napapansin ang mga caballerong napapagod sa biyahe.”   Pumasok muli sa isipan ko ang sinabi ng kawal na ‘yon. Sino siya para sabihin ‘yon? Anong karapatan niya? Parang sinabi niya na rin na pinapabayaan ko sila, na pabaya ako.   How stupid.   Dumako ang mga mata ko kay Whistley na nakatali sa tabi. Then a realization hit me.   Naalala ko ang pagkatilapid niya sa batong nakausli kanina. Masyadong mabilis ang pagpapatakbo ko at ang paghahanap lamang doon sa kabayo ang tanging nasa isipan ko kaya hindi ko napansin ang dinadaanan namin. He ended up falling and it’s my fault.   Bumaba ang tingin ko sa kinakain kong orange.   Tulad na lang ng pakikitungo ko sa kapatid ko. I was very eager to impress my father to the point that I end up hating my sister because of jealousy. Hindi ko na naisip ang mga mabuting ginawa niya para sa’kin. My mind was covered with dark thoughts. Hindi ko inisip kung ano ang mararamdaman niya, laging pangit ang pakikitungo ko dahil may gusto akong patunayan sa emperor. And because of that. . . we ended up having an unhealthy bond.   It was my fault too.   One thing I’ve learned today is that anything we do is somehow affects others so we should think of other’s feelings too. Pwedeng advantage iyon sa sarili mo, pero hindi naman pala maganda ang epekto sa iba.   Sometimes, being selfless is good. Sometimes, being selfish is good too. But, it’s much better if it’s neutral. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD