03

1371 Words
03 Contentment Isa raw iyon sa mga sangkap ng kasiyahan. Hindi ko alam kung may mahika o kung ano pero nararamdaman ko lang iyon sa tuwing naririnig ko ang marahang pag-agos ng tubig sa talon ng Tranquillo. Maging ang tunog ng mga tuyong dahon sa tuwing naapakan ay napakasarap pakinggan. Pumikit ako at saka dinamdam ang paghampas ng sariwang hangin na sa parteng ito lang ng Vespertillo makakamit. "Matitignan pa kaya kita ng ganito kapag bulag na 'ko?" nakangiwing sambit ko, umaasang tutugon ang talon na nasa harapan ko. May mga mananaliksik na espanyol ang dumayo dito ilang dekada na ang nakalilipas, pinangalanan nila itong 'Tranquillo' dahil sa pagiging kalmado nito. Ito ang paborito kong lugar sa buong Vespertillo. Kagagaling ko lang sa HQ ng mga kawal. Naghahanda na ang mga baguhang caballero sa pagsama sa'kin sa manghuhula na 'yon. See? This task is for pathetics. I get the point that I lose the simple sparring, so he has to give me an easy-going job. Pero ang bigyan ako ng trabahong ginagawa ng karaniwang manggagawa tapos puro baguhang caballero pa ang ipinasama sa'kin? 'Yon ang 'di ko matanggap. Pwede naman nila akong gawing tagapagtanggol ng mga doktor na sasama sa digmaan. I don't want to deal with those weaklings. "You're leaving later, yet you still had a time to do things like this," napalingon ako sa nagsalita. It's Galdwin. "Did I allow you to go here?" tugon ko habang ang paningin ay nasa talon. "Your sister will do the tricky job. Hindi ka ba naiinsulto?" he asked back, ignoring my question. Iritado ko siyang nilingon. "Why would I?" "It was just a question, your highness. Don't get me wrong." "Well, it doesn't appear as one. Are you insulting me?" He laughed. "You're not obligued to answer me, your highness." I rolled my eyes. "What brings you here then?" "My feet brought me here." "Then, I gotta go. Please excuse me," I tried to sound calm as much as possible. I left him hanging there. It's the first day of October, so I had to start it with positivity. Malapit na rin pala ang taglamig, ang bilis ng panahon. "Mecca, mami-miss kita," my sister said. Nginiwian ko ang repleksyon niya sa salamin at saka ako nagpatuloy sa pagsusuklay ng mahaba kong buhok. "Naglagay na pala ako ng makapal na cloak sa bag mo. Pagkabalik mo kasi dito, taglamig na." Iritado ko siyang tinignan sa salamin. "Pabigat lang 'yon at saka bakit ba nakikielam ka?" "Baka kasi makalimutan mo. Naglagay na rin ako ng gamot doon para sa sugat mo. 'Wag mong kalimutang—" I cut her words. "Kailan ka pa naging pakielamera?" binitawan ko ang suklay at saka siya hinarap. "Lahat na lang napapansin mo. Pwede bang kahit ngayon lang 'wag kang magpakita sa'kin?" "M-Mecca. . ." "Ano pang hinihintay mo?" nakapamaywang na tanong ko. "Labas," itinuro ko ang bukana ng silid habang nakaangat ang kanang kilay ko. "M-Mecca your. . ." "Ano?" "Y-Your right eye. . ." kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Lumapit ako sa pinto at saka siya pinagbuksan nito. "Umalis ka na," ikinumpas ko pa ang kamay ko, pero sadyang nakadikit ang mata niya sa mukha ko na siyang nakakapagtaka. "Y-Your eye, Mecca," I was caught off guard when she suddenly cupped my face. "It's r-red." Nanlalaki ang mga matang iniwas ko sa kaniya ang mukha ko. "W-What are you talking about? Pwede bang umalis ka na?" itinulak ko siya palabas ng pinto. Mabuti na lang ay nag patinaod siya sa pagtulak ko kaya naisara ko ng matiwasay ang pinto. What just happened? Kaagad akong nagtungo sa harap ng salamin at saka pinasadahan ng tingin ang sarili. I was left dumbfounded when I saw my right eye, indeed, it's red! Lumapit akong muli sa pinto at saka dumungaw sa peephole upang tignan kung nandoon pa rin ang kakambal ko. Nang makitang blanko ang hallway ay paspasan kong pinulot ang cloak ko at saka dumaretso sa opisina ni Suzy. "It's normal." Kaagad kong tiningala si Suzy pagkatapos niyang suriin ang mata ko. "Normal? Paano naging normal 'yon?" "In your condition, I mean. Tingin ko ay hindi lang ito ang unang beses na nangyari 'to sa'yo." My brows furrowed. "Imposible, ngayon ko lang nakitang ganito ang mata ko." "Tama, pwedeng ito ang unang beses na nakita mong pula ang mata mo, pero hindi ito ang unang beses na nangyari ito," napahawak ako sa talukap ng mata ko. "Pwedeng nangyari ito habang mag-isa kang nagmumuni-muni sa tranquillo falls o kaya'y kapag nag e-ensayo kang mag-isa sa sports ground. Pwedeng mangyari ito ng hindi mo nakikita." "Kung gano'n. . . anong ibig-sabihin no'n? Mabilis bang mawawala ang paningin ko?" "I told you, it's normal. Walang magbabago sa findings ko," hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niya o mas lalong kakabahan gayong may mga sintomas na nag o-occur nang hindi ko nalalaman. Namana ko ang sakit ko sa empress, our mom. Pwede ko namang manahin ang kalakasan at ganda niya, hindi ko alam kung bakit sa'kin pa napunta ang sakit niya. Pwede namang kay Iwa na lang 'yong sakit, tapos sa'kin 'yong mga positive traits. Minsan ay iniisip ko kung may balat ba ako sa p***t sa sobrang kamalasan ko. Tignan ko nga mamaya. "Oh, your highness," napalingon ako sa nagsalita at napagtantong si Tyrell iyon. Pinag-angatan ko siya ng kilay. "May itatanong lang po ako kay. . ." tumingin siya kay Suzy. Tumango ako at saka ibinaling sa iba ang atensyon. "Doc, 'yong hinihiram kong libro? Pwede ko na bang kunin?" "Sure, nasa table ko," ngisi niya sabay turo sa mesa. "You look like an idiot, hindi mo bagay na maging disente," humalakhak si Suzy. "Shut the hell up," tugon naman ni Ty. "Please, excuse me, your highness," aniya pagkatapos makuha ang libro. Hinarap ko si Suzy. "Do you guys usually treat each other like this?" "Yes, your majesty." "You're face is red. Do you like him?" I teased. She looks dumbfounded. It was supposed to be a joke, but I guess . . . uh-huh. "N-No!" "Uh-huh, dapat ko bang paniwalaan 'yan?" umayos ako ng upo. "Tell me." She heaved a sigh. "Y-Yes, I do like him," ang bilis namang bumigay. I chuckled. "Why don't you tell him?" "That was way more difficult than stitching someone's wound your highness." "Drop the 'your highness' thing. It's uncomfortable," I hissed. "So, what does it feel?" Nagpigil siya ng ngiti. She looks like an idiot, to be honest. I'll promise myself to not be like her. "I know what you were thinking, Mecca," she glared at me. "Hindi mo pa kasi nararanasang magka-crush kaya hindi mo alam ang pakiramdam." "Oh really? Boys are just pain in the ass." Napailing-iling siya sa tinuran ko. "Baka kainin mo ang sinabi mo pagdating ng panahon." "Never," I flashed a naughty smile. Pareho kaming napalingon sa bukana ng silid nang marinig ang paglangitngit ng pinto. "Your highness. . ." Kaagad akong napatayo nang muling makita si Ziro doon. "Maghanda na raw po kayo." Kaagad na bumigat ang dibdib ko. "O-Okay," nang makalabas si Ziro ay muli kong pinakiramdaman ang sarili ko. Gagawin ko ba talaga 'to? "Your highness. . ." may iniabot sa'kin na maliit na garapon si Suzy. "Fenatyl, inumin mo 'yan kapag sumasakit ang ulo mo," bumuntong hininga ako. "You still have three hours left to unwind. Bakit hindi ka muna mag palipas ng oras sa paborito mong lugar?" Umiling ako. "Hindi. . . galing na ako doon." "Oh, okay. . ." "Kakain na muna ako," pagpapaalam ko. Dumaretso ako sa pagkalawaklawak na kusina ng palasyo. Walang tao doon bukod sa mga caballerong nag babantay. Dumaretso ako sa cupboard at saka kumuha ng tinapay. Dumako ang mata ko sa paa ko nang may maramdamang basa doon. "Oh, William, bakit ka nandito?" it's my dog, he licked my foot. Kinarga ko siya at saka pinakain ang natirang tinapay pero idinura niya lang ito. "Bilog na bilog ka na naman. What did you eat, huh?" tumahol ito na tila tumutugon sa sinabi ko. Dinilaan niya ang pisngi ko kaya napahagikhik ako. "Na'ku, kung kasya ka lang sa bag ko ay dadalhin kita." And the hour after, I prepared myself for the long voyage. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD