Chapter 4: Amnesia Fionah's POV

1935 Words
Hanggang sa makauwi ako ng bahay nina Lola ay hindi maalis sa isipan ko ang mga sinabi ni Hanziel. Ako? Girlfriend niya? Okay lang kaya siya? Wala akong matandaan na sinagot ko siya. Talagang may saltik na yata si Ziel at kung anu-ano ang sinasabi sa akin. Hindi pa naman ako ulyanin para hindi ko matandaan ang sinasabi niya. Mabuti na lang at nakatakas ako sa kanya bago pa ako gumawa ng eskandalo roon. Hindi ko na kasi nagugustuhan ang mga sinasabi niya lalo na at paulit-ulit na lang kami. "Maniwala ka sa akin, Fionah! Boyfriend mo ako! Malapit na tayong ikasal noon pero nangyari ang---" "Please stop that, Ziel!" kaagad na putol ko sa iba pa niyang sasabihin. Tinaas ko pa ang mga kamay ko para matigil lang siya sa kanyang sinasabi. Naririndi na ako sa kanya. Kanina pa niya ito sinasabi at hindi na ako natutuwa. "Pwede ba! Tigilan mo na nga 'yang mga sinasabi mo. Huwag mo akong pinagloloko dahil hindi naging tayo!" Nakita kong sinamaan ako ng tingin ni Ziel. Pagkatapos ay bigla niyang sinipa ang isang upuan na nakita niya na nasa malapit. Napaatras naman ako dahil baka tamaan ako ng upuan. Siya pa ang may ganang magalit? He keeps on insisting na may relasyon kami! Wala nga akong matandaan dahil kahit kailan hindi ko siya binigyan ng chance makalapit sa akin! Lahat ng mga pinapadala niyang regalo at bulaklak kay Shayne noon ay diretso kong tinatapon sa basaruhan. Kaya paanong naging kami kung diring-diri ako na makalapit sa kanya. Ayokong mahawaan ng AIDS or HIV sa kanya dahil baka may sakit na siyang ganoon dahil iba-iba ang babaeng nakakasama niya. "f**k! What are you saying? Nauntog ba 'yang ulo mo para makalimutan mo ang lahat sa atin? Anong nangyari sa iyo bakit hindi mo maalala ang mga pinagsamahan natin? Nagka-amnesia ka ba Fionah?" sigaw niya. Ilang ulit pa siyang nagmura habang masama ang tingin sa akin. Uminit na nang tuluyan ang ulo ko. "Ziel, pwede ba! Huwag ka ng gumawa ng kwento! Huwag mo akong ihanay sa mga babaeng pinaglaruan mo at dinala mo sa kama mo! Hindi kita type at kahit kailan ay hindi ko magugustuhan! At para sabihin ko sa iyo wala akong amnesia! Naaalala kita kaya paano mo nasabing may amnesia ako? " Nakita kong natigilan siya sa sinabi ko. Napanganga siya at tila gulat na gulat sa sinabi ko. Sinamantala ko naman iyon para makawala ako sa kanya at baka kung ano pa ang gawin niya sa akin. Pagdating ko sa labas ng bar ay nandoon na ang taong hinihintay ko. Kaagad na inakbayan niya ako at dinala sa kanyang kotse habang malawak ang ngiti sa akin. "What are you thinking, Honey?" Kumurap ako nang iwagayway ni Xenon ang kamay niya sa tapat ng mukha ko. Umiling ako sa tanong niya. Yumakap ako sa baywang niya at pagkatapos ay binaon ko ang ulo ko sa dibdib niya "Nothing, hon. Pagod lang ako sa biyahe." I lied. Pero ang totoo ay si Hanziel ang iniisip ko. May amnesia kaya ako? Napaisip ako sa sinabi niya. Alam din ba niya na naaksidente ako one year ago? Ilang ulit kasi niyang pinipilit na may relasyon kami. Naisip ko tuloy na baka nagka-amnesia ako at nakalimutan ko siya. Imposible naman mangyari iyon dahil kung nagka-amnesia ako, makakalimutan ko ang lahat. Wala sana akong naalala hanggang ngayon. Alangan naman selective amnesia ang nangyari sa akin at siya lang ang nakalimutan ko? Halos naman natatandaan ko lahat. Pero nagtataka lang ako kung bakit hindi ko maalala kung paano ako naaksidente. Ito ang tanong sa isip ko na ilang ulit ko ring tinanong sa mga grandparents ko at kay Xenon. Ang tanging sagot lang nila ay hindi na iyon importante. Ang importante nakaligtas ako at buhay ngayon. "What are you doing in the bar? Ang tagal kong nagpaikot-ikot sa labas ng bar at hinahanap ka." Tiningala ko si Xenon. "Nakigamit lang ako ng banyo. Ang tagal mo kasi at sobra na akong naiihi kaya naisipan ko munang makigamit. Mabuti na lang at nakilala ako ng kaibigan mo kaya pinapasok ako ng mga bouncer," nakasimangot na turan ko. Ito ang rason kung bakit nasa loob ako ng bar na 'yon. Ihing-ihi na ako at ang bar ang pinakamalapit na pwede kong puntahan. "I thought you went home and left me there," he chuckled. Pinisil niya ang ilong ko at mabilis na kinintalan ako ng halik sa aking noo. Pinagtawanan pa talaga ako ng lalaking 'to? Kalahating oras niya akong pinaghintay doon at hindi man lang sinabi kung saan siya pupunta. "Sinabi ko kasi sa iyo na isama mo na ako pero ikaw 'tong tumanggi. Saan ka ba kasi galing?" Balak lang kasi naming bumili ng pizza at ilang kutkutin para pasalubong kina Lola. Ngunit ginabi na kami ng uwi tapos bigla pa niya akong iniwan sa tapat ng bar ng kaibigan niya. "M-May pinaasikaso lang sa akin ang Lolo mo, hindi ka naman kailangan doon kaya hindi na kita sinama." Tumawa muli si Xenon. Nainis naman ako. "Hay naku! Alam ko na 'yan kaya huwag mo ng ilihim sa akin. Surprise 'yan para sa twentieth birthday ko, di ba?" At saka ako tumawa ng malakas. Akala niya hindi ko alam? Narinig ko kaya silang nag-uusap kaninang umaga. Patay-malisya na lang sana ako pero dinig ko ang usapan nila. "Mali ka, Fionah. Hindi naman 'yon ang pinaasikaso sa akin ni Lolo. Oo, may pa-surprise sila sa nineteenth birthday mo pero hindi iyon ang inasikaso ko kanina." Natuwa ako sa aking narinig. "Talaga? Eh, ano naman?" excited kong wika. Excited ako na malamang may surprise sa akin sina Lolo at Lola. Simula ng maaksidente ako ay nag-iba na ang pakikitungo nila sa akin. Naging mabait sila at iyon ang labis kong pinagtataka. Tapos biglang dito na kami sa America nakatira. Sabi ni Lola kailangan na rito kami pansamantalang tumira hanggang hindi sila nakakasiguro na magaling na nga ako. Laking pagtataka ko nga na malamang nasa America kami at dito nila ako pinagamot. Fifty percent lang ang pag-asa kong mabuhay ayon sa mga doctor na tumingin sa akin sa Pilipinas. Kaya nagdesisyon kaagad sila na sa America nila ako ipagamot. Blessing in disguise ang pagkakaaksidente ko. Naging mabuti sila sa akin at pinadama nilang importante ako sa kanila at mahal na mahal nila ako. "Secret para masaya!" Si Xenon naman ang tumawa. Lumayo ako sa kanya bigla dahil nainis ako. Pagkatapos ay sinimangutan ko siya ng bongga. "Ang daya mo talaga! Sabihin mo na! Alam mong hindi ako makakatulog kapag hindi ko nalalaman 'yan!" reklamo ko. "Hindi na magiging sikreto kapag sinabi ko sa 'yo. Malalaman mo naman sa linggo kaya itulog mo na lang 'yan mamaya." "Sige na, please." Nag-puppy eyes ako para mapilitan siyang sabihin sa akin kung ano man ang sinasabi niya. "Honey, huwag mo ng isipin 'yon. Basta ihanda mo na lang ang sarili mo sa linggo, okay?" Lumabi ako at saka ako sunud-sunod na tumango. "O-Okay," sumusukong sabi ko. Wala rin naman akong magagawa kahit pilitin ko siya. Kapag sinabi niyang hindi, hindi niya talaga sasabihin. "Anyway, let's go to bed now. Take your medicine and go to sleep after." Humikab siya at tumayo. "Let's go. Tumango muli ako. Tumayo na rin ako at inayos ang nagusot kong damit. Inakbayan naman niya ako bago tahimik kaming umakyat sa pangalawang palapag. Dahan-dahan ang ginawa naming paglalakad para hindi maistorbo ang tulog nina Lolo at Lola. Anong oras na rin kasi at alam ko na mahimbing na ang tulog nila sa ganitong oras. "Good night, honey. Don't forget to take your medicine before you sleep, okay?" bilin muli ni Xenon. Para namang makakalimutan ko. "Opo, paulit-ulit ka naman. Sige na, pasok ka na sa kwarto mo at matutulog na ako." Tinulak ko siya paalis sa katawan ko at tumapat sa pintuan ng kwarto ko. "Kiss ko muna," ungot niya. Napanguso naman ako sa hiling niya. "Please?" Bumuntonghininga ako. Wala akong nagawa kung hindi ang lumapit sa kanya at pinulupot ang mga braso ko sa leeg niya. Mabilis ko siyang kinintalan ng halik sa pisngi niya at mabilis sanang tatalikod. Pero ang lokong lalaking 'to ay mabilis niya akong hinila. Hinarap niya ako sa kanya at mabilis niyang sinakop ang labi ko. I wanted to push him away. But I can't dahil masyadong mahigpit ang kapit niya sa baywang ko. Kahit napilitan lang akong sagutin siya. Hindi naman ako nagsisisi dahil hindi naman siya mahirapan gustuhin. He is a perfect boyfriend. Wala akong maipipintas sa kanya dahil nasa kanya na ang lahat. Hindi naman mahirap mahalin si Xenon lalo na at matagal din kaming naging mag-bestfriend bago naging kami. Pero minsan naiisip ko na sana hindi ko na lang pala siya sinagot. Nagi-guilty kasi ako dahil hanggang ngayon kaibigan pa rin ang turing ko sa kanya. I can't see him as a boyfriend. Big brother pa rin ang turing ko sa kanya. Ang isa pang rason, may sumisingit na eksena isip ko minsan kapag sumasakit ang tahi ko sa aking ulo. Malabo ang mga imahe pero ang nakikita ko ay bulto ng isang lalaki at isang bata na kalung-kalong niya. Gusto kong mag-usisa sa mga grandparents ko at linawin kung ano bang nangyari sa akin kung bakit ako naaksidente. Para kasing may parte sa buhay ko na nakalimutan ko. Tapos madalas pa akong mapatingin sa daliri ko at laging may hinahanap dito. Baka tama si Ziel na may amnesia ako. Pero ang labo kasi ng sinasabi niya. Halos naalala ko naman ang lahat. Iyong sa aksidente lang talaga ang hindi ko maalala. Kapag sinusubukan ko pa naman na magtanong sa kanila ay mabilis naman nilang iniiba ang usapan. Siguro ayaw na nila iyong maalala dahil siguro masakit makita sa kanila ang dinanas ko. Anim na buwan akong nanatili sa ospital dahil anim na buwan akong na-comatose. "Good night, honey. I love you." I just smiled at Xenon when he uttered those words. Tinulak ko ang pinto at pumasok na ako sa loob. Sumandal ako pagkatapos sa pinto at napahawak sa labi ko. Why did I suddenly feel guilty? Everytime he kissed me parang nagi-guilty ako pagkatapos. I don't know. I just felt that way. Parang nagkakasala ako na hindi ko alam. Ganito ang nararamdaman ko kapag hinahalikan ako ni Xenon. Nagpasya akong inumin ang gamot na lagi kong iniinom sa gabi. Naupo ako sa kama ko at kinuha ang botelya ng gamot na nasa taas ng cabinet na malapit sa kama ko. I immediately got two tablets from the bottle and put them in my mouth. I swallowed it and drank water afterwards. Nahiga ako sa kama ko nang maramdaman na umiepekto na ang gamot. Napahawak ako sa ulo ko nang makaramdam ng kirot. Ewan ko ba kung bakit ganito ang nararamdaman ko everytime I take my medicine. Ayoko na nga sanang uminom ng gamot pero laging ito ang bilin nila sa akin para raw tuluyan na akong gumaling. Magaling naman na ako. Naghilom na nga halos ng sugat ko katawan na iniwan ng aksidenteng sinasabi nila. Pilat na nga lang ang nakikita ko sa balat ko partikular sa bandang ulo ko. Nasasalat ko pa kasi ang pilat dito na gawa ng isang malaking sugat. Pumikit ako ng mariin. Nagbilang ako hanggang isang daan. Hanggang sa namalayan ko na lang na nawala na ang kirot sa ulo ko at tuluyan na akong nilamon ng kadiliman. Paggising ko kinabukasan ay nagising ako na hingal na hingal habang walang puknat ang agos ng luha sa aking mga mata. "Z-Zion," tangis ko habang yakap-yakap ng mahigpit ang aking unan. Umiyak ako nang umiyak hanggang sa mahimasmasan ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD