Chapter 1: I can't move on. Ziel's POV
Isang taon na nang mawala si Fionah sa buhay ko. Hanggang ngayon ay sariwa pa ang sugat sa puso ko dahil sa pagkamatay niya.
Umasa pa naman ako na buhay siya at nakaligtas siya. But after two months nang i-declare na patay siya. Saka naman natagpuan ang bangkay niya na palutang-lutang sa dagat at naaagnas na.
Halos mawala ako sa katinuan nang makita mismo ng mga mata ko ang bangkay ni Fionah.
Naaagnas na ito at nabubulok na ng sobra. Ang tanging pagkakakilanlan ko sa kanya ay ang suot niyang damit nang umalis siya sa mansyon at ang engagement ring na binigay ko sa kanya.
Ilang ulit akong tumangis dahil sa kalunos-lunos na sinapit niya. I cannot accept it and I don't know if I can move on.
Death anniversary niya ngayon. Nakaupo ako rito sa teresa habang may hawak na kopita ng alak.
Tahimik akong lumuluha habang nakatingin sa madilim na kalangitan.
Dinalaw namin siya sa sementeryo kanina kasama ang aking buong pamilya. Dinalhan namin siya ng mga paborito niyang bulaklak at mga paborito niyang pagkain.
Tahimik lang kami habang minamasdan ang unti-unting pagtunaw ng mga kandila. Pero hindi nakatiis si Papa at nagbukas ng usapan.
"Anong oras ang flight mo bukas sa America, Ziel? Isasama mo ba si Nico at si Dream o ikaw na lang ang bahalang um-attend sa meeting ng mag-isa?" tanong ni Papa sa akin. Napilitan tuloy akong lingunin siya habang hawak ko ang ice cream na kinakain ni Zion.
"Alas-sais po ng umaga. Sasama po sila, Pa," tipid kong sagot kay Papa. Pinunasan ko ang pisngi ni Zion na namantsahan ng ice cream at saka ko ipinagpatuloy ang sinasabi ko. "Gusto po nilang matutunan ang pasikot-sikot sa negosyo ng pamilya natin kaya sasama po sila."
"Ilang araw kayo roon? Isasama mo ba ang anak mo?" Tiningnan ni Papa si Zion at in-extend ang kanyang kamay para lumapit sa kanya ang anak ko.
Tumawa naman si Zion at saka patakbong yumakap kay Papa. Si Mama na kausap ang kapatid kong si Shayne ay lumingon sa amin nang marinig niya na tumawa si Zion.
Kaagad na lumapit si Mama at nakangiting tiningnan ang maglolo.
I sighed. Mapait na napangiti ako habang tinitingnan ang masayang ngiti ni Zion. At pagkatapos ay hinawakan ko ang mga letra ng pangalan niya na nakaukit sa lapida.
Kahit kailan hindi na niya makikita ang masasayang ngiti ng anak namin. Hindi na niya makikitang unti-unti na itong lumalaki at nagiging kamukha niya.
God...how I missed her badly. Kailan ba matatapos ang paghihirap kong ito? Dahil pakiramdam ko kalahati ng katawan ko ay isinama niya sa hukay. Pati ang puso ko ay parang wala ng nararamdaman sa labis na pagdadalamhati na aking nararamdaman.
Ang hirap mag-move on, lalo na kapag sobrang mahal na mahal mo 'yong tao. Ang hirap dahil parang kahapon lang nangyari ang lahat.
Parang kahapon lang ay kasama ko pa siya. Nahahawakan, nayayakap at nahahalikan. Hanggang doon na lang pala ang lahat dahil kahit kailan ay hindi na siya babalik sa akin. Hihintayin na lang siguro niya ako sa langit hanggang sa muling magkasama kami pagdating ng tamang panahon.
"Ziel? Isasama mo ba ang anak mo?"
Kinaway ni Papa ang kamay niya sa harapan ko. Naalimpungatan naman ako saglit sa pagkakatulala ko at bahagyang ipinilig ang aking ulo. Napailing si Papa at malungkot namang napatingin sa akin si Mama.
"Y-Yes, Pa. Alam naman ninyong hindi makatulog si Zion kapag hindi ako ang katabi niya sa higaan. Kailan na nga lang po siya nasanay sa akin dahil lagi niyang hinanap si---" Natigil ako sa aking sinasabi at napatingin sa puntod ni Fionah.
Kaagad na nanginig ang mga labi ko at nagtubig ang gilid ng aking mga mata.
Ang sakit banggitin ng pangalan niya. Kaya nga iniiwasan nila na banggitin ang pangalan niya sa bahay dahil bigla na lang akong nagiging ganito.
Kahit kailan mananatili akong masasaktan sa pagkawala niya. Hindi ko pa rin ito natatanggap at hindi ko pa rin matatanggap habang ako'y nabubuhay.
Kung pwede lang sumunod na sa kanya ay ginawa ko na. Iniisip ko lang talaga si Zion kaya pinipilit kong maging matatag dahil alam kong ayaw niyang pabayaan ko ang anak namin.
"Iiyak mo lang 'yan, baby ko. Hindi naman masamang umiyak minsan. Alam ko naman na nasasaktan ka pa rin hanggang ngayon," malumanay na turan ni Mama. Binitiwan niya si Zion at lumapit sa akin nang makita niyang natahimik ako at natulala na lang sa puntod ni Fionah.
Lumapit siya sa akin at masuyong hinagod ang likod ko. "Lahat naman tayo nagluluksa sa pagkamatay ni Fionah. Pero inaaliw na lang namin ang mga sarili namin para hindi namin siya masyadong maalala. Alam kong napakasakit nito sa iyo, Ziel. Pero alam mo naman na ayaw ni Fionah na makita kang ganyan. Kung saan man siya naroroon alam mong ayaw niya na makita kang malungkot at nasasaktan. Please try to move on. Hindi naman siguro siya magtatampo sa iyo kung unti-unti mo siyang kakalimutan at mamuhay ka ng normal."
I shook my head twice. " No, Ma! I can't make it, Ma. You know I can't do that. Masyado ko siyang mahal para kalimutan ko siya." Napahagulgol ako sa aking palad.
Kaagad naman dumalo sa akin si Mama at umiiyak na rin na niyakap ako.
"I'm sorry to tell that to you, baby. I know how much you love her. Pero nandito pa naman si Zion na iniwan niya para maging alaala sa iyo. Don't forget na ikaw ang tumatayong Mommy at Daddy na niya ngayon. Kailangan ka ng anak ninyo kaya magpakatatag ka."
Alam ko naman iyon pero ang hirap lang talaga ng ganito. Feeling ko hindi talaga ako makakaahon mula sa kalungkutan na 'to.
Sumimsim ako sa hawak kong baso at hinayaan ko lang na bumagsak ang luha sa aking pisngi. Pumikit ako at sinariwa ang masayang alaala naming dalawa na magkasama.
Napahagulgol ako kasabay nang pagbagsak ko ng baso sa lamesitang kaharap ko. Kumalansing ng malakas ang lamesa at pinagpasalamat ko na hindi ito nabasag.
Sana lang ay hindi ito narinig nina Mama dahil alam kong mag-aalala na naman sila at baka puntahan pa ako rito sa aking kwarto.
Marahas na pinunasan ko ang aking mukha. Ilang beses kong kinalma ang aking sarili bago ako nagpasyang tumayo at itulog na lang ang kalungkutang ito. Sa panaginip man lang ay makasama ko siya. Madama ang yakap niya at mahalikan ng paulit-ulit ang labi niya.
Pasuray na naglakad ako papasok sa kwarto namin. Kaagad na hinagilap ko ng tingin si Zion na mahimbing pa rin na natutulog sa ibabaw ng kama.
Maingat akong lumuhod sa harap niya at pinagmasdan ang mukha niyang kuhang-kuha sa Mommy niya.
"I'm sorry, son. I'm sorry for being weak. Hayaan mo last na 'tong pagmumukmok ko at pag-iyak ko. Aayusin ko na ang sarili ko dahil ayaw kong magalit sa akin ang Mommy mo. Gaya nga ng sabi ng Mama Shayna mo, ayaw niyang makita na nagkakaganito ako. I will try, son. I will try to be okay even if I'm still hurting inside. But I won't forget your Mommy, I can't and I won't do it."
Hinalikan ko sa noo si Zion bago ako nagpasya na pumasok sa shower para maligo at para makapagpahinga na rin.
Kinabukasan maaga akong gumising, ginising ko na rin si Zion para makakain pa kami bago kami tuluyang lumarga papuntang airport. Alas-sais ang usapan namin nina Dreame at Nico kaya naging mabilis ang kilos ko.
Saktong alas-sais ay naroon na ako sa airport at nakita kong nag-aabang na sa akin ang dalawang mokong.
"Kamusta, dude? Mukhang napuyat ka na naman kakangawa," tudyo ni Nico sa akin.
Sinamaan ko lang siya ng tingin habang si Dream naman ay sinenyasan niya ito na umayos at baka kung ano pa ang magawa ko sa kaibigan ko.
Tinulak ko ang maleta na dala ko. Nakasakay si Zion sa ibabaw ng maleta at amaze na amaze ito sa pagmamasid sa paligid.
Sinundan ako sa paglalakad ng dalawa kong kaibigan. Ilang oras na lang ay aalis na kami kaya mabuting pumwesto kami malapit sa entrance para hindi na kami makipagsiksikan mamaya sa tao.
"Are you hungry, baby?" I asked Zion na malikot pa rin ang mata sa paligid. Hindi niya pinapansin ang sinabi ko at busy lang sa pagtingin sa paligid. Nang walang anu-ano ay biglang sumigaw ang anak ko.
"Mommy! Mommy!" sigaw niya. Ilang beses niya itong sinisigaw. May tinuturo siya pero hindi ko naman makita kung sino.
Kumunot ang noo ng dalawa kong kaibigan nang lumingon sila sa amin. Tarantang lumapit sila sa akin habang nagtatanong ang mga mata sa akin.
Nagkibit-balikat lang ako habang sinusundan pa rin ng tingin ang direksyon na tinuro ni Zion.
Ano bang nakita niya?
Multo ba ng Mommy niya?
Akala ko titigil na si Zion sa sinabi niya kanina pero muli itong sumigaw at hindi ko na iyon ikinatuwa.
"Mommy!" muling bulalas ni Zion sabay turo sa hanay ng mga taong naglalakad.
Litong sinundan ko ng tingin ang direksyong itinuturo niya.
Kung multo man ang nakikita ng anak ko.
Please, pati sa akin ay magpakita naman siya.
Huwag siyang maging madaya dahil gusto ko rin siyang muling makita kahit sa ganitong paraan man lang.