"I-I'm sorry, Ziel. I didn't mean to slapped you," nag-aalangan na hingi ko ng paumanhin kay Hanziel. "Bakit kasi bigla ka na lang nangyayakap?" medyo inis na sita ko. Inayos ko ang nagulo kong damit at tumikhim naman pagkatapos.
Grabe ang kaba na nadama ko nang bigla na lang may yumakap sa akin. Akala ko isang maniac na foreigner na o kaya naman ay mga matatandang parokyano na mahilig sa mga teenager.
Uso pa naman dito ang mga ganyan dahil liberated ang mga tao rito sa America. Akala nila lahat ng babae na makikita nila sa loob ng club ay mga easy-to-get.
Kaya hayun uminit ang ulo ko at bigla siyang nasampal ng malakas sa mukha.
Pagtingin ko nang malapitan sa mukha niya ay si Hanziel Ford Kim lang pala. Ang lalaking naalala kong hahabol-habol sa akin noon sa HU.
Hindi ako nakapasok ng isang taon doon dahil sa aksidenteng aking kinasangkutan. Hindi ko maalala kung paano ako naaksidente pero pinagpapasalamat ko na hindi ako namatay sa aksidente.
Naalala ko pa naman kung paano ako suyuin ni Ziel noon. Ginamit pa niya ang kanyang kapatid para maging tulay sa amin.
Kamusta na kaya si Shayne? Nami-miss ko na siya. Siya lang ang naging tunay na kaibigan ko sa HU. Pati si Nico na pinsan ko ay nami-miss ko na rin. Wala na akong balita sa kanya simula ng dalhin ako nina Lolo at Lola rito sa America. Miss na miss ko naman na silang lahat dahil matagal na nawalan ako ng komunikasyon sa kanila.
"F-Fionah? Is that really you?" garalgal ang boses na tanong sa akin ni Hanziel. Lumapit pa siya sa akin habang sapo ang mukhang sinampal ko. Na-guilty ako bigla sa ginawa kong pananampal.
Kita ko kasi ang marka ng palad ko sa mukha niya. Medyo nakaramdam ako ng kaba sa nakikita kong reaksyon ng mukha niya. Gusto kong lumayo kaagad sa kanya dahil natatakot ako na baka kung anong gawin niya sa akin.
Kilala pa naman siya sa HU na demonyong-halimaw sa pag-uugali. Pasimuno kasi siya sa mga pang-bu-bully at madalas niyang pahirapan ang mga bagong transfer na estudyante sa HU. Siya ang batas doon dahil halos kalahati ng school ay pag-aari niya.
Tapos kilala rin siyang dakilang playboy at mahilig magpaluha ng babae. Papalit-palit ang nobya niya bawat linggo at buti na lang hindi ako kasali sa nabiktima niya.
Pag-aaral kasi ang nasa isip ko dahil gusto kong mapabuti ang buhay ko. Love is set aside because I'm not ready for that. Makakapaghintay ang love sa tamang panahon.
"O-Oo naman. Sino pa ba sa akala mo? Bigla ka ngang nanyayakap diyan tapos tatanungin mo kung ako talaga 'to?" mataray na bulyaw ko sa kanya.
Gumilid ako sa may gilid niya at sinubukan kong dumaan sa gilid niya. Pero hinarangan niya ang daraanan ko at hindi ko alam kung paano ko magagawa na makaalis kung ganitong walang masyadong espasyo rito sa pwesto namin.
Nasukol niya ako rito sa sulok at walang makakapansin dito sa banda namin dahil madilim.
Busy pa naman ang bawat tao rito sa loob ng club dahil nag-iinuman halos. Ang iba naman ay nagsasayaw at ang iba ay naglalampungan sa isang sulok.
"God! You're alive! Tama ako! Buhay ka nga, Fionah," narinig kong bulalas niya at pagkatapos ay bigla na naman siyang yumakap sa katawan ko.
Nagtaka naman ako sa aking narinig at inis na tinulak siya. Sa malas, 'di ko magawa.
"Ziel, ano ba?! Ano ba ang pinagsasabi mo? Bakit ka ba nangyayakap?" sita ko sa kanya. Sinubukan ko ulit siyang itulak ngunit hindi ko magawa dahil sobrang higpit ng yakap niya.
"f**k! Fionah! I really miss you! Please don't leave me again, baby. Mas humigpit ang yakap niya sa akin at naramdaman ko na lang na basa na ang balikat ko.
Anong klaseng reaksyon ba ang nakikita ko sa kanya? Umiiyak ba siya? Tapos kung makatingin siya sa akin kanina ay parang nakakita siya ng multo.
"Ziel, ano ba? What are you saying? Please set me free, hindi na ako makahinga!"
Ano ba kasi ang nangyayari sa kanya at ganito ang mga pinagsasabi niya sa akin. Tapos ang higpit ng yakap niya na parang ayaw akong pakawalan.
Hindi pa ba niya nakakalimutan ang pagkagusto niya sa akin? Isang taon na kaming hindi nagkita at malamang marami na siyang naging girlfriend. Alangan naman hanggang ngayon ay manunuyo pa rin siya sa akin?
Dahil ba hindi niya nakuha ang virginity ko?
Ang labo naman kung ito ang rason niya. Umiiyak nga siya habang mahigpit na yakap ako.
Pero parang may kirot akong nararamdaman sa puso ko. Parang gusto ko siyang yakapin din ng mahigpit at sabihing ayos lang ang lahat.
"Baby, uwi na tayo. Please, kung panaginip lang ito pakisampal mo ulit ako para mapatunayan ko na buhay ka nga at muling ibinalik sa akin."
Nag-isang linya ang kilay ko sa sinabi niya. Ano ba ang pinagsasabi niya? Naka-drugs ba siya?
"What are you talking about, Ziel? Are you taking drugs? Naka-drugs ka ba?" hindi ko napigilang mag-usisa. Inalis ko ang pagkakayakap niya sa akin ngunit hindi ko talaga magawa.
Pakiramdam ko ayaw niya akong bitiwan. Na parang ayaw niya ako pakawalan. Na gaya ng sinabi niya na isa itong panaginip lang para sa kanya. At bigla akong maglaho kapag nagising siya.
Huwag niyang sabihin na maghahabol pa rin siya sa akin. Ilang beses ko na siyang binasted at ilang beses ko na ring sinabi na never ko siyang magugustuhan.
Kaya lang napaisip ako sa mga sinasabi niya.
May nangyari ba na hindi ko alam?
Why is he crying while hugging me tight?
I'm puzzled.
"Fionah, what happened to you? Did you forget everything about me?" tanong ni Ziel sa akin nang bitiwan niya ako at ni-level ang paningin sa mukha.
My forehead creased. "W-What are you talking about? Pwede ba, Ziel bitiwan mo na ako. I need to go home now. My grandma will nag at me kapag hindi pa ako nakabalik ng bahay."
He ignored what I said. "Ginu-good time mo ba ako Fionah? Hindi mo na ba ako mahal? Ayaw mo na ba sa akin?"
"What?" nanlalaki ang mga matang bulalas ko. Nalilito na ako sa mga sinasabi niya. Siya mahal ko? Lelong niya!
"Ziel, tigilan mo na 'to. Kung ano mang drugs iyang tine-take mo, please huwag ako ang pagtripan mo. Bumenta na iyan at please pakipunasan 'yang luha mo. Baka isipin ng mga tao na magnobyo tayo at pinapaiyak kita rito."
"f**k!" malutong na pagmumura ni Ziel. Marahas na pinunasan niya ang mga luha niya at galit na hinarap akong muli. Napaatras naman ako at tinulak siya sa kanyang dibdib.
"What's your problem, Fionah?! Ginagawa mo ba ito para pahirapan ako? What did I do to you para kalimutan mo ang pinagsamahan natin!" puno ng hinanakit na bulyaw niya sa akin. Kuminang ang mukha niya tanda na pumatak muli ang mga luha niya.
Napakagat-labi na lang ako at pilit kong in-analized ang sinabi niya. Ano ba ang pinagsamahan ang sinasabi niya? Hindi kami malapit sa HU noon dahil panay ang iwas ko sa kanya. Kaya h'wag niyang banggitin na malapit ako sa kanya.
Malala na 'tong si Ziel. Napasobra yata sa pag-take ng drugs! Kung ano-ano na sinasabi na. Tapos mukhang lasing pa siya dahil naaamoy ko ang alak sa kanyang dibdib.
"Wala akong problema, Ziel. Ikaw ang may malaking problema sa utak. Ako ang naguguluhan sa iyo! Bigla ka na lang mangyayakap tapos kung ano-ano sinusumbat mo sa akin! Ano ba ang nais mong palabasin? Na nagkaroon tayo ng relasyon noon?"
Napanganga si Hanziel sa sinabi ko. Parang may sinabi ako na hindi niya na-gets.
Natahimik siya at ilang beses na sinipat ng tingin ang katawan ko. Nagtataka man ay hinayaan ko na lang siya.
Inalis ko ang atensyon ko sa kanya. Nagpalinga-linga na ako sa paligid at hinanap ang taong kasama ko. Baka narito na siya at hindi niya alam na narito ako sa loob ng bar.
Sabi niya hindi siya matatagalan sa pupuntahan niya pero naghintay na ako ng mga treinta minutos ay wala pa rin ang kasama ko.
"Sino kasama mo, Fionah? Dito ka na ba sa America nakatira? " Nilingon ko si Ziel na mukhang nahimasmasan sa kung anong in-take niya. Parang okay na siya ngayon na kausap.
"Why do you care, Ziel? Kailangan bang malaman mo ang lahat sa akin?"
"Of course! I'm your boyfriend Fionah! I'm your future---f**k! s**t! What happened to you? Wala ka bang natatandaan sa ating dalawa?"
Boyfriend? Natatandaan sa aming dalawa?
Napanganga na lang ako sa sinabi ni Hanziel.
Ako?
Girlfriend niya?
Ni sa pangarap ay hindi ko maisip na nagkaroon kami ng relasyon. Tapos boyfriend ko pala siya na hindi ako na-informed?