Chapter 5: Who's the culprit? Ziel's POV

1623 Words
"Why don't you believe in me? How many times do I have to tell you that I'm telling the truth!" I said disgustedly. I madly looked at Dream and Nico who's still laughing at me. Hindi matapos-tapos ang tawa nila at sobra na akong naaasar sa kanila. "Hindi ba kayo naniniwala sa sinabi ko?" Pareho silang umiling at halatang pinipigilan ang pagsambulat ng kanilang tawa. Napamura ako ng malakas sabay padabog na naupo sa sofa. Napatingin pa sa akin si Nana Maring na kalong si Zion habang pinapatulog. Tinakpan ko ang bibig ko para sa isa pang mura na gusto ko sanang pakawalan ngunit pinigilan ko na lang. I don't want to disturb Zion's sleep. Magwawala siya at mahirap na siyang patahanin kapag ganitong kakatulog niya lang. Kakauwi lang namin galing sa bar na pinuntahan namin noong isang araw. Kagaya kahapon ay bigo na naman akong patunayan sa kanila ang nakita ko. Kaya naman hanggang ngayon ang pinagtatawanan pa rin nila ako. "Lasing ka lang Ziel, nakita mo naman siguro na ilang beses natin na pina-check ang CCTV sa bar na 'yon. Wala tayong nakita na ibang taong papasok ng CR kung hindi ikaw lang," paliwanag ni Dream na sumeryoso bigla ang mukha. Lumingon ito kay Nico na bigla ring sumeryoso. "Alam kong hindi mo pa nakakalimutan ang pinsan ko Ziel," ani Nico sa akin. "But please, don't make a story that is hard to believe. Patay na si Fionah matagal na at alam nating lahat 'yan. Accept the fact that she will never return. She will never come back to us. Please, palayain mo na ang alaala niya. Hangga't hindi mo ginagawa iyan ay hindi matatahimik ang kaluluwa niya," payo ni Nico. Marahas na nagpakawala ako ng malalim na buntonghininga sa aking narinig. Ilang beses kong sinabi sa kanila na nakausap ko si Fionah pero ayaw nila akong paniwalaan. Ginigiit naman nila na lasing lang ako at baka iba ang taong nakausap ko. But that's not true! Kahit gaano pa ako kalasing ay natatandaan ko pa rin ang mga ginagawa ko. Hindi ako nagkakamali ng kwento sa kanila dahil totoong nakausap ko si Fionah. Laking pagtataka ko lang kung bakit ganoon ang lumabas sa CCTV parang in-edit ito at tila may nagbura sa parteng kausap ko si Fionah. Hindi ko mapatunayan ito kina Dream at Nico dahil wala akong ebidensya. Pero totoong nakausap ko si Fionah at hindi ako humahabi lang ng kwento. Hindi ako nananaginip ng gising dahil mulat na mulat ang mga mata ko. "If you don't believe me, then don't. Hindi ko kayo pipilitin na maniwala sa akin dahil alam ko sa sarili ko na nakita ko siya. Buhay si Fionah at bumalik na siya." Tumayo ako at asar na iniwan sila. Mas lalo akong nainis nang marinig ko silang mahinang tumatawa habang mag-wa-walk-out ako sa suite namin. I need evidence to prove to them that she is alive. But how would I do that? Ni hindi na nga ako muling pinapasok ng may-ari ng bar sa bar na 'yon dahil nakakaistorbo lang daw ako sa oras nila. Kung kaya ko lang sanang ipasara iyon ay ginawa ko na. Nagtitimpi lang ako ng galit kahit gustong-gusto ko na basagin ang mga salamin na dingding ng bar. Itinatak ko na lang sa isip ko na hindi ako tagarito sa lugar na ito kaya hindi na ako umulit pa na nangulit sa bar na 'yon. Laglag ang balikat ko na lumabas para manigarilyo sa rooftop ng hotel. I find myself here sitting and thinking about Fionah. Where is she now? What is she doing? At kung okay lang kaya siya? Bakit kasi hinayaan ko siyang makawala sa akin? That's my chance to have her again pero pinalampas ko ang pagkakataon. Pero naisip ko kung paano kung nagha-hallucinate lang ako dahil sa dami ng nainom ko. Kaya lang, hindi. I know what I saw and I know what happened. Ang nakapagtataka lang ay kung bakit hindi niya matandaan ang tungkol sa aming dalawa? Why did she forget our love story? Our relationship, and of course me. Ang aksidente bang kinasangkutan nila ni Xenon ang may gawa niyon sa kanya? Nagka-amnesia ba siya? Pero bakit ang tungkol lang sa nakaraan namin ang nakalimutan niya? I need to know what happened one year ago. Pero saan ako magsisimula? Sino ang nakahanap sa kanya at nag-alaga? Paanong narito siya sa America at hindi niya maalala ang nakaraan sa aming dalawa. Pati ba Zion nakalimutan niya? I don't know the answer. I need to find the truth. But how? Nakabalik kami ng Pilipinas na si Fionah pa rin ang nasa isip ko. Hindi ko na pinagpilitan kina Travis Dream at Dale Nico ang nakita ko. Hinayaan ko na lang na isipin nilang lasing lang ako kaya kung ano-ano nakikita ko. Ipagpilitan ko man na nakita ko si Fionah at buhay ito. Still they won't believe me because I don't have any evidence to show. Nag-isip na lang ako ng paraan kung paano muli magkukrus ang landas naming dalawa. Sana sa muli naming pagkikita ay maalala niya ang aming nakaraan. Hindi na ako masyadong nagluluksa dahil sa pagkamatay niya na inakala namin noon. Nagkaroon ako ng pag-asa na magkasama kaming muli. Kailangan ko lang siya na mahanap at alamin ang totoong nangyari one year ago. Kailangan kong paimbestigahang muli ang tunay na nangyari noon. Kung paanong suot ng bangkay na natagpuan ng mga coast guard and suot ni Fionah nang maaksidente sila ni Xenon. At kung bakit pati ang engagement ring na bigay ko sa kanya ay suot rin ng bangkay. Something fishy happened and I need to know what exactly happened. Pinaghihinalaan ko na una rito ay si Xenon. Himala na buhay siya at walang ano mang gasgas sa katawan. Siya ang kasama ni Fionah nang maaksidente sila. Siya rin ang may masamang intensyon dahil unang-una, ayaw niya sa relasyon namin. Mahal niya si Fionah at alam kong gagawin niya ang lahat maghiwalay lang kami. Siya ang main suspect at dapat mahuli ko siya. Kung pinlano man niya ang lahat ng ito para maagaw sa akin si Fionah ay ito ang dapat kong malaman. I need to solve the puzzle and I need to catch that f*****g culprit. "How's the meeting, Son?" My father asked me as he sat on the coach. Dito kaagad ako sa sala dumiretso nang dumating kami. I'm so tired and I don't have the strength to go to my room. Pinauna ko na lang sa taas si Nana Maring habang bitbit si Zion. I'm glad that Zion is still sleeping. May panahon pa ako para makapagpahinga dahil alam kong paggising niya ay mangungulit na naman siya sa akin. "The meeting went smoothly, Pa. I closed many deals and got the highest recommendation from another company. Ang kumpanya natin ang napili na mag-supply ng mga produkto sa maraming lugar sa America," proud na kwento ko. "That's good to hear, Son. I'm so proud of you." Lumapit si Papa sa akin at kinamayan ako. "Thank you, Pa. I'm just doing my job." "That's great! Anyway, your cousin Xenon arrived last night. Kadarating din niya galing Paris, ayos din ang business meeting na dinaluhan niya roon." "Talaga po? That's good, Pa." walang-gana kong sabi nang marinig ang pangalan ng bwisit kong pinsan. Kakauwi rin pala niya galing ng Paris. Noong isang araw pa siya umalis at mukhang halos sabay din kaming nakabalik ng Pilipinas. Nanatili pa rin siya sa poder ng mga magulang ko kahit ilang beses kong sinisi sa kanya ang pagkamatay ni Fionah. Ang kapal nga ng mukha niyang manatili rito kahit ilang beses ko na siyang pinapalayas. Si Mama lang ang pumipigil sa kanya kahit gusto na niyang umalis. Mabuti na lang at hindi kami masyadong nagkikita rito sa bahay. Pareho kaming busy sa pag-aaral at syempre ang pag-asikaso sa mga negosyo ng pamilya namin. I don't like the idea that my father gave him the authority to handle our business in Paris. Tumutol ako dahil wala siyang karapatan pamahalaan iyon. Pero sino nga naman ako para tumutol kung gusto naman ni Papa na siya ang mamahala roon. Kalaunan, tinanggap ko na lang na sa kanya pinamahalaan ang factory ng mga damit namin doon. "Next month, sa Korea naman ang next meeting na dadaluhan mo. Isama mo ulit sina Dream at Nico." "Yes, Pa." "Siya nga pala Ziel, next week na magsisimula ang klase mo. Sanayin mo na si Zion na si Nana Maring ang mag-asikaso sa kanya. Masasanay siya sa iyo at baka ikaw ang mahirapan." "Ayos lang naman sa akin, Pa." "Okay. Let's celebrate later. I want you to be present at that party, Ziel. Kung ano man ang hidwaan ninyong dalawa ni Xenon ay isantabi niyo muna. Let's celebrate as one family." Tinapik ako ni Papa sa balikat ko bago niya ako iniwan at pumunta ng kusina. Naiwan naman akong nagngangalit ang mga bagang habang nakakuyom ng mahigpit ang aking mga kamao. Celebrate as one family? Fuck! Kahit kailan hindi ko siya itinuturing na miyembro ng pamilya namin. Tinik sa lalamunan ang tingin ko sa kanya. Malaki ang pakiramdam ko na may kinalaman siya sa aksidenteng nangyari sa kanila ni Fionah. Kung ano man ang balak niya ay dapat kong malaman iyon dahil nakita ko na si Fionah. Naisip ko, sino kaya ang kasama ni Fionah sa America? I need to go back there. Kailangan kong matagpuan si Fionah para mapatunayan ko sa mga kaibigan ko na totoo siya at buhay na buhay. Sa ngayon, mag-iisip muna ako ng mga hakbang ko para may makita akong kakaiba sa mga kilos ni Xenon. Siya ang una kong pinaghihinalaan kung bakit pinasuot sa isa ibang bangkay ang mga pag-aari na gamit ni Fionah. Anong motibo ng salarin? Nakaplano kaya ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD