Marahan kong binuksan ang pintuan ng study room. Pinatawag raw ako nina Papa at Mama, may mahalaga raw silang sasabihin sa akin. Ito ang sinabi ng katulong na kumatok sa kwarto ko. Wala akong maalala na dapat naming pag-usapan. All I know is sermon ito at dapat ko ng ihanda ang tainga ko. Nang umuwi ako galing sa school kanina ay dumiretso ako ng kwarto ko at kaagad inagaw ang pag-aasikaso ko sa anak ko kay Manang. We played and played until he got tired. Zion seems so very happy seeing me finally home. Napaka-clingy niya at lahat ng lakad ko ay nakasunod siya. My child misses me so much. Dalawang araw na kaming hindi nakakapag-bonding ng ganito at dahil iyon sa kanyang ina. Maging ang matulog na katabi siya sa kama ko ay naisantabi ko rin dahil mas inuna ko ang makasama ang kanyang i