"Kumusta ang pag-aaral mo sa Hanzford University, Fionah? Mabilis ka bang nakapag-adjust?" Tumango ako sa Mommy ni Xenon. "Yes, Tita. Nakapag-adjust naman po ako kaagad pero nagbabasa pa rin po ako ng mga past lessons na hindi ko napag-aralan." Ngayon na lang kasi kami nakapagkwentuhan ng ganito katagal dahil lagi naman kami hindi nagpapang-abot kapag pumupunta ako rito. Narito ako sa bahay nila para dalawin si Xenon na may sakit na naman. Nang nakaraan nagkasakit na naman siya ngunit kaagad naman siyang gumaling. Itong week na 'to ay muli na naman siyang tinamaan ng trangkaso at ilang araw na siyang hindi nagpapakita sa akin. Nag-aalala na tuloy ako kung bakit panay siyang nagkakasakit. "Good for you, iha. I know your ability and intelligence. Kaya naman may tiwala sa iyo si Xenon na