Chapter 2: No one can take her place. Ziel's POV

1466 Words
Inalis ko sa isip ko ang naging reaksyon ni Zion kanina. Mahirap umasa lalo na at alam ko naman na hindi na maaari pang bumalik si Fionah. Siguro nagpakita sa kanya ang multo ng Mommy niya kaya tawag ito nang tawag sa Mommy niya. Marahil binabantayan ni Fionah ang anak namin kaya nakikita siya nito. Awang-awa ako sa anak namin dahil alam ko kung gaano niya ka-miss si Fionah. Pero naiinggit ako at the same time dahil sa kanya lang nagpapakita ang pinakamamahal ko. Ilang beses kong hiniling na sana kahit minsan magpakita naman siya sa akin. Magiging masaya ako kahit makita ko siyang muli kahit sa ganitong paraan. "I'm so nervous, dude. I think I can't make it," Dream said as we made our way to the meeting hall. He keeps on saying this, kanina pa nga actually at medyo naririndi na kami ni Nico. Maging ako man ay sobra na ang aking kaba sa dibdib. Nahahawa na ako sa kanya dahil hindi siya mapakali. This is not my first time attending this kind of meeting. Hindi talaga ako masanay-sanay dahil malalaking tao ang nakakaharap ko. Pakiramdam ko tuloy nahuhuli ako sa kanila. But later on, mapapanatag din ang loob ko lalo na kapag nasa harapan na ako at nagsasalita. My father trained me well. Lahat ng tinuro niya sa akin ay nilalagay ko lahat sa isip ko. He is satisfied with the result because I always ended up closing a deal. Kaya naman malaki ang tiwala niya sa akin na ako ang um-attend ng business meeting na 'to dahil alam niyang magiging successful ito. "Just relax yourself, Travis Dream. Breathe in, breathe out," payo naman ni Nico sa kaibigan namin. Sanay na rin si Nico sa ganito dahil siya na ang namamahala sa ilang negosyo ni Tito Nicholo at Tita Dolly. Katulad ko, hinasa rin siya ng maaga ng Daddy niya. Si Dream lang itong ngayon lang nagkainteres sa kanilang negosyo. Sinunod kasi niya ang yapak ng kanyang inang si Tita Fierah na pumasok bilang modelo. Bored na raw siya sa kanyang ginagawa at gusto naman niyang pamahalaan ang mga negosyo ng ama niyang si Tito Travis. Siya lang din magmamana ng mga ito sa bandang huli kaya dapat lang na alam niya ang pasikot-sikot ng mga ito. "Let's go, dude. Dapat maaga itong matapos bago pa magwala si Zion sa yaya niya. You know my kid, ako lang ang gusto niyang kasama kapag wala siya sa mansyon," ani ko sa kanila. Nang mamatay si Fionah saka pa lamang napalapit sa akin si Zion. Kahit ako naman kasi ang halos nag-aasikaso sa kanya ay mas malapit pa rin siya sa kanyang ina. "Alright, let's go!" Nico said. Nauna na siyang naglakad papasok ng meeting hall at sumunod naman kami ni Dream. "Yeah, goodluck to us!" bulalas naman ni Dream na mukhang nawala na ang kaba sa kanyang dibdib. Masasanay din siya at baka i-enjoy na lang niya ang ganitong mga meeting. Naging mabilis lang naman ang meeting. Hindi ito umabot ng two hours dahil nagkasundo naman kami sa isang layunin. We all smiled because the meeting was successful. Bukas ay uuwi rin kami at hindi ko na naman mapigilang malungkot. Maaalala ko na naman si Fionah pag-uwi ko ng mansion at hindi ko alam kung magagawa ko ba ang sinasabi ni Mama. Ang hirap, ang hirap kayang kalimutan siya at magpanggap na masaya ako. Pasukan na naman pala next month at balik eskwela na naman ako. Isang taon na lang at ga-gradweyt na rin ako sa college. Sana sabay kaming ga-graduate ni Fionah. Nakakapanghinayang na mag-isa akong aakyat sa stage habang nakasabit sa leeg ko ang maraming medalya. "Successful ang meeting, Ziel. Hindi ba tayo mag-ce-celebrate?" Si Nico ang nagtanong sa akin. Narito sila sa suite namin ni Zion at kinukulit ang anak ko. Nakakandong si Zion sa kanya at nanonood sa cellphone ni Nico. "Gusto niyo ba uminom?" "Oo sana, pero gising pa naman si Zion," wika naman ni Dream. Siya itong mahilig talaga sa pag-inom ng alak. Pumapasok nga siyang lasing minsan lalo na kapag nag-aaway sila ni Shayne. Natatawa na lang ako sa kanya at sa kapatid ko. Bakit kasi pinapahirapan pa nila ang sarili nila. Kitang-kita naman na mahal na mahal nila ang isa't isa. "Patulugin ko muna siya syempre. Kaya kayong dalawa bumalik na muna kayo sa room ninyo at patutulugin ko na si Zion," pagtataboy ko sa kanila. "Sigurado ka, Hanziel? Baka mapabayaan mo si Zion?" hindi pa rin kumbinsidong tanong ni Dream. Tumango ako at nilingon si Nana Maring na nag-aayos ng mga gamit ni Zion sa ibabaw ng kama. Nandito naman si Nana Maring. Hindi niya pababayaan ang anak ko. Bibilinan ko na lang siya na katabi niya matulog si Zion hangga't hindi ako nakakauwi. Para hindi maalimpungatan si Zion at hanapin ako. Sanay ang anak ko na may katabi matulog. Magigising siya kapag wala siyang naramdamang init na nakadikit sa kanya. Gusto kong uminom. Medyo magpapakalasing lang ako ng kaunti. Kagabi, uminom ako pero iyong sakto lang. Kahit gusto ko sanang magpakalunod sa alak dahil death anniversary ni Fionah. 'Di ko ginawa dahil naisip ko na ayaw din niya makita na ganoon ang ginagawa ko. Pero kasi, gusto kong makalimot kahit saglit. Ang hirap lang dahil hindi ko siya gustong kalimutan. Tatanda ako at mamatay na siya lang ang mamahalin ko. Walang hihigit sa kanya dahil hindi ko kayang magmahal pa ng iba. Timing lang kasi ang meeting na 'to kaya hindi ko nagawa kagabi ang lunurin ang sarili ko sa alak. Babawi ako ngayong gabi kaya sana makisama si Zion. "Daanan na lang ninyo ako mamaya rito. Mga six tayo lalabas para maaga rin tayo makauwi mamaya," bilin ko sa dalawa pagkatapos na maihatid ko sila sa labas ng pinto ng suite ko. "Sure, dude. Hanap tayo ng chikas mamaya. Maraming magagandang foreigner dito at parang gusto ko tumikim." Si Nico na malawak ang ngiti. Nagkatinginan kami ni Dream at sabay na napailing. "Pass ako riyan," sagot ko. "Ako rin," ani naman ni Dream. Natawa lang si Nico habang napapalatak. "Ang ki-killjoy niyong dalawa. Isang beses lang naman, hindi niyo pa ako pagbigyan." Ngumuso si Dream at saka nagsalita, "Mas lalong lalayuan ako ni Shayne kapag umabot sa kaalaman niya ito," katwiran niya. Tumingin pa siya sa gawi ko at tipid na ngumiti. Tama siya, magsusumbong ako sa kapatid ko kapag sinunod niya ang gusto ni Nico. Kahit matalik ko siyang kaibigan hindi ibig sabihin na hahayaan ko na lang na ganoon ang gawin niya. Alam ko naman na mahal na mahal niya ang kapatid ko at alam kong hindi niya magagawang tumikim ng iba lalo na at nililigawan na niya ang kapatid ko. "Ikaw, Ziel? Wala namang magagalit sa iyo kaya samahan mo na ako." I shook my head. "Sorry, pero pass ako riyan. You know how much I love your cousin. Hindi ako titingin sa iba kahit wala na siya rito. Walang makakahigit sa kanya rito sa puso ko alam niyo 'yan." Natahimik ang dalawa sa sinabi ko. Sinamantala ko naman iyon para makapagpaalam na sa dalawa. "See you later." And after that isinara ko na ang pinto at muling pumasok sa loob para asikasuhin ang anak kong si Zion. Alas otso na kami nakalabas. Hindi ko kaagad napatulog si Zion kaya late na kami lumabas. Anyway, the night is still young and we have hours to celebrate and get drunk. Bahala na lang talaga muna ang lahat ngayon dahil gusto kong maglasing. "One more!" bahagyang sigaw ko sa bartender dahil hindi kami magkaintindihan. Masyadong malakas ang music sa dance floor at talagang malulunod ang sigaw ng kung sino man. Kaagad na sinalinan ng bar tender ang aking baso at mabilis ko naman itong tinungga. Umikot ang paningin ko nang ilapag ko ang baso sa taas ng lamesa. Hindi ko na bilang kung ilang shot ang ginawa ko pero alam kong lasing na ako dahil dalawa na ang tingin ko kay Dreame na nakasimangot habang sumisimsim ng alak. Napatingin ako sa tinitingnan niya kung saan sa dance floor lang naman. Ang daming nagsasayaw na foreigner sa gitna. Napailing ako nang makita ko si Nico na papalit-palit ng kasayaw habang nagsasayaw. Iniwan niya kami rito ni Dream dahil gusto niyang makabingwit ng foreigner. Mukhang nag-e-enjoy ang loko at natupad ang gusto niyang mangyari ngayong gabi. Tumayo ako nang makaramdam ako ng tawag ng kalikasan. Sumenyas ako kay Dream nang mapatingin siya sa akin. Kaagad na tinungo ko ang daan papuntang comfort room nang makapagpaalam ako sa kanya. Pero bigla akong natigilan nang may makita akong pamilyar na bulto ng katawan sa malayo na kilalang-kilala ko. Kaagad na humakbang ako palapit sa kanya at sabik na niyakap siya. Pero isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ko habang nanlilisik ang kanyang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD