Chapter 02
3rd Person's POV
"Cairo Pineda? Ang ganda ng pangalan mo," natutuwa na sambit ni Elgod. Ngumiti lang si Cairo at hindi nagsalita.
Katulad ng inaasahan ni Cairo palakaibigan si Elgod. Hindi pa din ito nagbabago na hindi alam ni Cairo kung dapat niya ba iyon ikatuwa o ikabahala dahil sa idea na ganoon ito sa lahat.
"Ow, nandito na ang stockroom. Hintayin mo ako dito. Tulungan mo lang ako dalhin ito sa lab ko," ani ni Elgod bago pumasok sa loob ng isang silid. Mula sa labas ng glasswall kitang-kita ni Cairo si Elgod na mukhang naghahanap ng mga tube sa isang estante na naglalaman ng iba't ibang kulay ng liquid.
May nakita siyang nagbukas ng pinto sa loob. Napatigil si Cairo matapos makitang kahina-hinala ang lalaki.
Nasa likod ito ni Elgod. Mukhang tauhan ito sa area na iyon ngunit sigurado siya na bawal pumasok sa loob dahil hindi siya pinapasok ni Elgod.
Tumakbo si Cairo papasok at mabilis na sumampa sa steel table na nandoon. Umikot at sinipa ang lalaki na aatake kay Elgod. Nabitawan nito ang hawak na stick na gawa sa bakal.
Tumama ang lalaki sa estante at matutumbahan 'non si Elgod nang hilahin ito ni Cairo. Napasiksik sila sa pinakasulok ng kwarto natalsikan ng mga undefined liquid ang balat ni Cairo at napaso doon si Cairo.
"Cairo!" ani ni Elgod. May mga dumating na nagbabantay na tauhan.
"Tulong! Ang baguhan na iyan! Sinubukan atakihin si head chief!" sigaw ng lalaki. Nagulat si Cairo— napatingin sila kay Cairo at sa hawak nitong manipas at matalas na bagay.
"Teka— hindi iyan totoo," ani ni Elgod. Nagulat sina Elgod at Cairo matapos hilahin ng mga tauhan si Cairo palayo kay Elgod.
"Pasensya na head chief ngunit baguhan lang ang taong ito. Ayaw na namin maulit ang nangyari dati— hayaan niyong imbestigahan namin ito," ani ng mukhang leader ng security and protection team sa area na iyon.
Sumama ang mukha ni Elgod dahil doon at nakita iyon ni Cairo. Tinabig ni Cairo ang kamay at tiningnan ng masama ang mga kasamahan.
"Gusto ko makausap iyong guy na palaging kasama ni head chief. Gusto ko siya umayos ng gulo na ito! Hindi din ako aalis dito hangga't hindi siya dumarating!" bulyaw ni Cairo. Masama ang kutob niya sa nangyayari sa area na iyon.
Mas pinaniwalaan nila ang taong inatake niya kanina kaysa sa head chief. Sumama ang mukha ng head ng security doon at tinutok ang baril sa ulo ni Cairo.
"Sasama ka sa amin o hindi?" tanong ng head security. Wala siyanh emosyon na tiningnan ni Cairo.
"Malinaw ang sinabi ko diba? Hindi ako aalis dito at sasama kung wala ang assistant ni head chief."
—
"Magaling, hinintay mo ako para ayusin ang gusot na ito," sarcastic na sambit ni Rogue. Masyado na siyang maraming trabaho tapos dumagdag pa iyon.
"Hindi kita hinintay para samahan ako dito or what. Sinabi ko iyon para maisipan nilang alisin ang attacker sa location ni head chief," walang buhay na sambit ni Cairo. Napatigil si Rogue dahil doon.
Akala niya another gulo na naman iyon sa pagitan ng security team ng area for promotion. Walang sinabi si Cairo kaya nagtanong si Rogue kung anong nangyari.
"Sinama ako ni head chief sa stock room. Mukhang galing siya sa lab 243 na binabantayan ko— pinaghintay niya ako sa labas tapos nakita ko ang attacker," sagot ni Cairo. Sumama ang mukha ni Rogue at pinatawag sa loob nag sinasabing attacker at ang dalawang team leader.
"Boss! Hindi iyan totoo— lumapit lang ako kay head chief para magtanong. Tapos bigla na lang siya sumulpot kung saan at may hawak na deadly weapon. Nakita niyo finger prints niya doon diba?" depensa ng attacker. Napa-pokerface si Cairo.
"Hindi ako makapaniwalang 2 years ka na dito. Malinaw na bawal sa loob— bakit nandoon ka? Nanggaling kasa back door at bakit ka rin naka-gloves?" tanong ni Cairo. Ngumisi ang lalaki.
"Baguhan ka pa lang. Sinong may sabing bawal? Inutusan ako ng head security na mag-ayos ng mga kahon sa loob ng stockroom at kaya din ako may suot na gloves dahil mga delikadong item ang nandoon," ani ng lalaki. Sumang-ayon ang head security na nasa likod lang din nito.
Inutos nga iyon ng head security. Tama ang kutob ni Cairo may mali doon.
"Bakit iuutos iyon ng head security na wala naman sa field na iyon? Hindi niyo din ba ini-inform si head chief doon kaya nagawa mo maglabas pasok doon?" ani ni Cairo. Sumama ang mukha ng head ng security team.
"Nilalayo mo ang usapan! Dahil ba nahuli ka na—"
"Idiots," putol ng team leader ni Cairo. Nilingon niya ang tatlo lalaki.
"Malinaw pa sa isip namin ang rules sa laboratory na ito. Nandoon din ang rules na hindi kami pwede kumilos ng walang inuutos ang head chief. Bakit kayo nagpapasok sa lugar na iyon ng hindi alam ng head chief?" tanong ng leader ni Cairo. Napatigil ang tatlo doon.
"Tama na ang lokohan. Huli ka na— huwag mo akong gawin na isa't kalahating bobo. Sa parehong area lang din tayo nanggaling— kung ako ang attacker sa tingin mo hahawakan ko ang bagay na iyon gamit lang ang kamay ko?" asar na sambit ni Cairo at tiningnan ng masama ang lalaki.
"Hindi ako pinapasok ni head chief sa loob dahil bawal o masyadong delikado ang mag tube na nasa loob. Pinanitili niya ako sa labas kahit kailangan niya ng tulong para dalhin iyon sa lab. Siya ang kumukuha sa estante kaya hindi ako naniniwala na may permiso kayo ni head chief 'nong pumasok ka doon," ani ni Cairo. Napa-pokerface si Rogue matapos marinig iyon.
"Ipatawag niyo sina Persian at Percyrus dito," utos ni Rogue. Nawalan ng kulay ang mukha ng tatlo matapos marinig iyon.
Hinila palabas ng mga tauhan ni Rogue ang tatlo kasama ang head security team. Tumayo si Cairo at yumuko kasunod ang team leader.
"Ipatawag niyo na lang ako ulit boss kung may kailangan pa kayo sa imbestigasyon," ani ni Cairo habang hawak ang kaliwang braso niya. Nakapamulsahan na tumayo si Rogue.
"Pumunta ka ng clinic sa lab na ito. Nag-text sa akin si Elgod na ipadala ka sa clinic agad," ani ni Rogue. Agad na tumango si Cairo— nagpresinta ang team leader na siya na ang magdadala kay Cairo sa clinic.
Matapos makalabas ni Cairo at ng team leader nito. Bumuga ng hangin si Rogue at sinagot ang tawag ni Elgod.
"Mag-usap tayo, bastard. Papunta na ako diyan sa opisin mo," inis na sambit ni Rogue kay Elgod bago pinatay ang tawag.
Sa isip ni Rogue mas madaling makipag-deal sa kay Elias Villiegas na umaabot sa space ang sungay at umaabot ng edsa ang buntot kaysa kay Elgod na hindi marunong i-identify ang mabuti sa masamang tao.
Madali itong magtiwala kaya madalas ito napapahamak at nati-take advantage.