03

1108 Words
Chapter 03 3rd POV "Siguro head chief kailangan mo makinig kay boss Rogue," ani ni Cairo. Hindi siya makapaniwala na pumunta mag-isa si Elgod sa clinic para i-check siya. "Like iyong hindi na ako magtitiwala sa iba?" tanong ni Elgod at umupo sa gilid ng kama. Nag-pokerface si Cairo— hindi iyon bigdeal sa ibang tao pero iba usapan sa sitwasyon ni Elgod na segu-segundo napapahamak. Maraming handang umatake sa likos niya anytime. "Hindi ko iyon magagawa. Paano ko malalaman kung sino ang totoo o hindi sa mga taong nasa paligid ko kung hindi ko sila muna pagkakatiwalaan," ani ni Elgod. Tiningnan siya ni Cairo. "Mawalang galang na chief pero sa totoo lang isa ako sa mga taong curious sa laman ng utak mo. Tipong gusto ko buksan ang utak mo at lagyan ng mga salitang ang tanga mo. Masyado kang matalino pero wala kang self awareness," gigil na sambit ni Cairo. Tumawa si Elgod at sinabi niyang gusto niya si Cairo. Naitikom ni Cairo ang bibig. Napatigil si Elgod at nakita niya ang shocked sa mga mata ni Cairo. Hindi niya kita ang mukha ni Cairo tanging mata, ilong at labi lang kita niya pero basa niya naman ang tingin sa kaniya ni Cairo. "Hindi ako bakla okay?" ani ni Elgod na tumatawa na para bang nabasa ng binata ang iniisip ni Cairo. Hindi niya alam kung dapat ba siya makampante dahil hindi bakla si Elgod o mabahala dahil imposible na magkagusto sa kaniya si Elgod dahil lalaki ang identity niya kahit pa babae talaga siya. "Oy huwag ka malungkot. Hindi naman iyon bigdeal— hindi mo kailangan ma-guilty," ani ni Elgod. Kinagat ni Cairo ang labi paraw maiwasan makapagsalita ulit at lantaran sabihin na si Elgod ang pinaka- naive at idiot na kilala niya. Tinitigan lang ni Cairo si Elgod na nakatingin sa kaniya at nakangiti. Sa isip ni Cairo kahit pa lalaki o babae hindi malayong magkainteres kay Elgod. Naniniwala siyang iyong mga kumakalat na balita na muntikan ng ma-rape si Elgod ay totoo. Sa tingin at kilos nito paanong hindi ito mami-misunderstand. Sa babae o lalaki mabait ito at open. Naiintindihan na ni Cairo kung bakit hands up ang lahat ng mga Villiegas kay Elgod. Protective ang mga ito at masyadong nag-aalala ang uncle nito na si Rogue. Hindi siya makapaniwalang nagagawa pa ni Elgod ngumiti sa kaniya sa kabila ng na-experience nito sa last team before sila. Mali iyon kung magpapatuloy si Elgod maaring may mas malala pa ang mangyayari chance na niya iyon para ibalik lahat ng senses ni Elgod. Nag-aalala siya dito— maaring hindi siya kilala ni Elgod pero siya kilalang-kilala niya si Elgod. "Kung ipagpapatuloy mo ang ginagawa mo. Hindi lang ikaw ang mapapahamak. Paano mo nagawang sabihin sa akin lahat ng schedule mo kanina at pumunta ka dito mag-isa. Walang bantay nag clinic na ito at wala din ang nurse. Paano kung ako nag tunay na attacker? Nasa pinto ka pa lang pinasabog ko na iyang ulo mo," ani ni Cairo. Napatigil si Elgod dahil doon. Tinitigan siya ni Cairo sa mata at sinabi isa-isa ang maaring mangyari sa kaniya na parang bata. Nasabihan pa siya ni Cairo na walang utak dahil hindi 'man lang nito napansin na may iba pang tao sa stock room. Masyado itong kampante. — Natakpan ni Cairo ang bibig matapos pumasok sa isip niya isa-isa ang sinabi niya kay Elgod. "Hindi niya naman siguro ako isusumbong sa mga kapatid niya diba? Mabuti sana kung siya ang pupugot sa ulo ko ayos lang eh," ani ni Cairo. Napakamot sa ulo si Cairo at sinabunutan ang sarili. "Hindi ko maiwasan mag-over think. Bakit ngumiti ka lang at hindi nagsalita," ani ni Cairo na may pag-aalala. Naisip niya na baka napasobra siya at nasaktan niya si Elgod. Sa opisina ni Elgod. Napatanga si Rogue sa pamangkin matapos itanong sa kaniya ni Elgod kung totoo ba may ubo ang utak niya. "I think kailangan ko na kontakin sina ate Jeon. Mukhang pagod ka na talaga sabihin ko na iuwi ka muna nila," ani ni Rogue at kinuha ang phone niya. Nagtaka doon si Elgod. Hindi niya maintindihan iyon. "Pero sabi iyon ni Cairo. Wala daw akong sense of awareness at hindi ako nag-iingat," ani ni Elgod. Napatigil si Rogue at lumingon kay Elgod. Iyon ang unang pagkakataon na tinandaan ni Elgod ang sinasabi ng isang tao o nakinig ito. Ilang beses niya iyon sinabi kay Elgod ngunit parang balewala lang lahat dito. "Dapat ba ako magpasalamat kay Cairo na naging aware ka na wala kang self awareness at sinabi niya utak mo talaga may ubo?" tanong ni Rogue. Sumimangot si Elgod at sumandal sa swivel chair. "Nakipagdebatep pa kasi siya sa akin kanina tapos minura ako. Hindi ko akalain na may ganoon na tao," ani ni Elgod na hawak ang baba. Napa-pokerface si Rogue. Namura niya na din si Elgod. Hindi lang siya pati ang mga kapatid nito ngunit iyong mga salita lang ni Cairo ang tumatak sa isip nito. Bigla siyang na-curious kung anong ginawa ni Cairo. Umiling si Rogue— naisip ng binata na maaring dahil lang ibang tao si Cairo at iyon ang unang beses na nakatikim si Cairo ng salita sa underlings niya o sa ibang tao. Sino ba naman kayang magsalita ng pabalang kay Elgod Villiegas o bastusin ito. Kung may magtangka 'man ay siguradong may balak na itong mag-suicide o wala na itong pakialam sa buhay niya. Napa-pokerface si Rogue. Kailangan niyang imbestigahan si Cairo para sa future. Tiningnan ni Rogue si Elgod na mukhang hindi pa din naka-move on sa mga sinabi ni Cairo sa kaniya. — Sa silid ni Cairo— tinanggal ni Cairo ang benda sa kaniyang mukha habang nakatingin sa maliit na salamin na nakapatong sa maliit na lamesa. Nakita niya ang malaking hiwa sa mukha niya mula sa kanan hanggang sa kaliwa. Nalungkot si Cairo matapos makita ang mukha niya. Tiningnan niya ang mga palad na puno ng hiwa at kalyo. Nakagat ni Cairo ang gilid ng labi matapos pumasok sa isip niya. 'Anong pangalan mo? Ako si Elgod,' pakilala ni Elgod na may ngiti sa labi at nilingon si Cairo. Malinaw sa mga ala-ala ni Cairo ang gwapong mukha ni Elgod. Napatakip ng bibig si Cairo at napasubsob sa unan na nasa mga hita niya. Namumula ang dalawang tenga hanggang sa batok. Bahagyang ginilid ni Cairo ang ulo at tumingin sa kabilang bahagi ng kwarto habang yakap ang unan. "Ako si Cara— Cara Pineda, Elgod. Ako iyong batang lalaki na kalaro mo dati. Iyong batang lagi mong hinihintay sa malaking puno," bulong ni Cairo na puno ng lungkot ang mukha. "Nandito na ako, Elgod."

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD