Blurb
"Hindi ito maari," bulong ko habang sinasabunutan ang sarili ko. Dahan-dahan ako tumingin kay Elgod sa tabi ko na walong saplot.
Palihin akong nagdasal na panaginip lang iyon ngunit hindi dahil 'nong sinubukan ko gumalaw pakiramdam ko mahahati sa dalawa ang katawan ko dahil sa sobrang sakit ng nasa gitnang bahagi ng katawan ko.
Lasing ako kagabi— kami ni Elgod. After 'non wala na akong maalala. Napahawak ako sa mukha ko— para akong binuhusan ng malamig ba tubig matapos walang benda ang mukha ko.
"Na-nakita ba ni Elgod ang mukha ko?" bulong ko. Hindi— nilingon si Elgod. Mahimbing pa din ang tulog nito kaya mabilis akong bumaba sa kama.
Napangiwi ako at muntikan pa ako masubsob sa sahig. Pilit akong tumayo at kinuha ang mga damit ko at pumasok ng bathroom.
Pagkatapos magbihis— nag-isip ako ng pwede ko gawin kung sakali nga na maalala ni Elgod ang nangyari sa amin kagabi.
Napatigil ako matapos maalala ang mga damit na binigay sa akin ni Ren. Agad ako lumabas at tiningnan ang paper bag na nakapatong sa table. Walang gumalaw 'non. Nilabas ko iyon at ginusot-gusot.
Walang may alam na babae ako kahit si Elgod— hindi pa din niya nakikita ang mukha ko sa likod ng mga benda.
Kinalat ko iyon sa sahig. Pagkatapos 'non ay lumapit ako sa kama. Tulog pa din si Elgod— kahit siguro sa susunod na buhay hindi ko ito makakalimutan.
"Ito siguro ang uri ng pagkakamali na kahit kailan hindi ko pagsisihan," bulong ko. Yumuko at hinalikan sa noo si Elgod bago tumungo sa veranda. Sumampa ako sa railing at tumalon pababa.
Nagpapasalamat na lang ako dahil pangalawang palapag lang iyon. Napaingit ako matapos maramdaman ko na naman ang sakit.
"Those idiot," bulong ko. Malinaw na isa ito sa mga trapped nila at nahulog ako. Aalis ako nang may pares ako ng sapatos na nakita hindi sa kalayuan.
Pag-angat ko ng tingin. Hindi ako nakagalaw matapos makita ang pamilyar na lalaki.
"Bakit nasa iyo ang badge ni Cairo? Sino ka at anong ginagawa mo sa room ni Elgod?" tanong ni Rogue Villiegas. Hindi ako nakagalaw. Parang nanghina ang mga tuhod ko at nawalan ng lakas.
Paano ko nakalimutan na anino ni Elgod si Rogue? Ang taong ito— umatras ako.
"Whatever, umalis ka na. Malapit na gumising si Elgod— hanapin mo sina Heartly kapag nakapag-ayos ka na," ani ni Rogue bago tumalikod. Hindj ito nagtanong— dapat ba ako doon makampante o mabahala.
"Hindi mo kailangan mag-alala. Wala akong balak sabihin ito kay Elgod," dagdag ni Rogue at kumaway habang nakatalikod. Naglakad ito hanggang sa mawala sa paningin ko.
Si Elgod— umiling-iling ako. Maaring malaman ng lahat ang tungkol sa akin pero hindi pwede si Elgod. Masyado na akong maraming pinagdaanan at hinarap para makarating dito at makasama siya.