01

1159 Words
Chapter 01 3rd Person's POV "Sabi naman kasi sa iyo hindi natin pwede gamitin bilang antidote ang Ab22. Bakit ba kasi ayaw niyo makinig?" naiinis na sambit ni Elgod kaharap ang mga baguhan na scientist na pinadala sa area niya. "Anong nangyari?" tanong ni Rogue Villiegas matapos makitang nakabusangot si Elgod habang sinisermonan ang mga baguhan na scientist. "Sinubukan nila iyong antidote sa isang laboratory rat. Namatay iyong daga," sagot ni Elgod. Nagbulungan ang mga bagong tauhan na pinadala ng mga Gustavo. Agad na nahusgahan si Elgod dahil doon ngunit sinamaan sila ng tingin ni Rogue. Hindi na nakaimik ang mga ito. "Sila ba ang mga tauhan na pinadala ng mga Gustavo para magbantay sa area na ito?" tanong ni Elgod matapos abutin ang mga envelop. Ilan sa mga scientist na kasama ni Rogue natulala sa binata na ngayon ay tinitingnan sila isa-isa. "Ako si Elgod Villiegas. Kasalukuyang head chief ng area na ito. Kung may mga kailangan o tanong kayo pwede kayo lumapit sa—" "Akin," putol ni Rogue. Natawa si Elgod at tinuro si Rogue na masama ang tingin kay Elgod. "Sa kaniya pala," ani ni Elgod. Nagulat ang ilang mga bagong tauhan dahil doon. Walang sino 'man ang hindi nakakakilala kay Elgod Villiegas sa kanila dahil sa taglay nitong talino at galing sa field ng science. Marami na itong nagawang, gamot at mga sandata. Ito ang asset ng black sector at ng angkan ng mga Villiegas. Napatigil si Elgod at napako ang tingin sa isa sa mga tauhan na kasama ni Rogue. May benda ang mukha nito at nagtama ang mata nilang dalawa. Ngumiti lang si Elgod. Tila natigil ang paghinga ng taong nasa likod ng mga benda dahil doon. Sinundan ni Elgod si Rogue at tinanong kung bakit nagpadala na naman ng mga tauhan ang mga Gustavo sa area niya. Tinanong din nito kung ayos lang ba iyon? Pakiramdam kasi ni Elgod buwan-buwan may nadadagdag sa team niya. "Huwag ako ang tanungin mo. Tanungin mo ang mga kapatid mo," sagot ni Rogue. Nagtaka si Elgod kung paano nasama ang mga kapatid niya doon. Alam niya wala sa pilipinas ang mga kapatid niya. "Ilang metro na lang ang layo ko sa kaniya," bulong ni Cairo habang nakatingin sa likuran ni Elgod na kasalukuyang tumatawa habang kausap si Rogue. — Lahat nagrereklamo dahil napunta sa area na iyon. Hindi daw sila nag-training para mabulok lang sa laboratory. Wala daw doon ang mga laban at nangangalawang ang baril nila. "Kayong mga baguhan manahimik nga kayo!" sigaw ng isa sa mga nasa kabilang table. Cafeteria iyon para sa lahat. Sama-sama kumakain ang mga tauhan na naatasan sa area na iyon at isa lang masasabi ni Cairo— marami talaga sila doon. Naayon lahat sa kagustuhan ni Cairo. Napadala siya kung nasaan si Elgod— ngunit hindi iyon naayon sa mga kasamahan niya sa training. Gusto ng mga ito ng tunay na laban. Naiintindihan iyon ni Cairo since hindi ang mga ito nag-take ng mga pamatay na training ng ilang taon para matengga sa lugar na iyon. "Kung ayaw niyo mabura ang mga pangalan niyo sa list na ito mas mabuting manahimik kayo," ani ng lalaki habang hawak ang isang envelop. Tumawa ang isa sa mga kasamahan ni Cairo sa table. "Ano naman gagawin mo? Buburahin mo pangalan namin diyan? Gawin mo as if mamatay kami kapag nawala kami sa list mo," natatawa na sambit ng lalaki. Napatigil si Cairo matapos sila tingnan ng seryoso ng binata na mukhang kasing edaran lang din nila. "Hindi na ako magtataka kung buong team ng mga baguhan na iyan mawala sa mga susunod na araw," sabat ng isa sa mga lalaking nasa kabilang table na nasa gilid lang ng kinauupuan ni Cairo. "Pwede bang magtanong kung anong nangyayari? Bago kami pumunta dito binalaan kami ng trainor namin about sa area na ito. Hindi lang namin maintindihan kung bakit," ani ni Cairo. Sobrang dami kasi ng tauhan sa area na iyon— sa pagkakaalam niya ay ordinaryong laboratory lang naman iyon at hindi iyon ang field kung saan nagta-take sila ng mga mission. Alam ni Cairo na mabait si Elgod kaya hindi maintindihan ni Cairo kung bakit sila dapat mag-ingat sa mga Villiegas hindi sa mga kalaban. "Dahil nagtanong ka— siguradong mas maayos ang turnilyo mo sa utak kaysa sa mga kasamahan mo," ani ng lalaki matapos ibaba ang hawak niyamg kutsara. "Pinadala kayo dito dahil iyong last team na pumunta dito last 3 days ago nagpakalat ng maling balita like bakla daw ang head chief ng area na ito. Utak nila nasa talampakan," ani ng lalaki. Tumawa ang mga kasamahan nito. "Guess what kinabukasan nakita na lang namin ang katawan nila nasa likod nitong building at mga nakasabit," ani ng lalaki. Nagulat sina Cairo dahil doon. "They're shameless," bulong ng isa sa mga ka-team ni Cairo. "Si head chief ang gumawa?" tanong ni Cairo. Tumawa ang lalaki at tinanong. "Paano magagawa iyon ng head chief natin kung kahit pumatay ng lab rat sa area na ito pinagbabawal niya?" tanong ng lalaki. Alam ni Cairo na hindi magagawa iyon ni Elgod. "May mga kumakalat na balita na iyong lalaking kasama ni head chief ang may gawa at mga kapatid ni head chief na pumunta dito last 3 days," dagdag ng isa pang lalaki na medyo may edad na ang nagsalita. "Wait bakit may benda mukha mo? Napano iyan?" tanong ng matanda. Biglang nailang si Cairo at sinabing naaksidente siya. Hindi magandang tingnan ang mukha niya kaya binendahan niya ito. Lumipas ang dalawang araw. Sa pamamagitan lang ng pakikinig ni Cairo sa mga usapan ng mga taong matagal na si area na iyon nalaman niya na lahat ng pinapadala doon ay mga nasa class A level. Ayon sa binigay na impormasyon sa kanila sa, isla tanging mga nasa class D lang ang pinadadala sa mga laboratory para maging gwardya. Hindi naman kasi kailangan ng maraming tauhan sa laboratory ng black sector lalo na at tago naman ang mga ito. High-tech din at mataas ang level ng security system sa mga laboratory. Ngunit iba sa sitwasyon ng area na iyon dahil nandoon ngayon si Elgod Villiegas. Lumalabas na hindi ang laboratory ang mission nila doon— mission nilang protektahan ang assets ng mga Villiegas at ng black sector. Iyon ay si Elgod Villiegas. "Ikaw." Napatigil si Cairo matapos makita niya si Elgod sa harap niya. Ilang minuto na ba siya nakatitig sa kawalan at hindi niya napansin si Elgod. Pag-atras niya bumangga ang likod niya sa pader. Bantay siya ngayon sa room 243 at hindi niya akalain na nandoon si Elgod. "Wala ngayon si Rogue. Kailangan ko ng kasama papunta sa stocked room. Pwede mo ba ako samahan?" tanong ni Elgod. Napalunok si Cairo at dahan-dahan tumango. "Great tara na!" Yaya ni Elgod. Hindi pinansin ni Cairo ang mapanghusgang mga mata ng kasamahan. Nanatili siyang nakatingin sa gwapong mukha ni Elgod na ngayon ay nakasuot ng lab uniform at may hawak na record book.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD