Kinabukasan
Inirapan muna ni Alexa ang mataas na gate na nasa kanyang harapan bago atubiling nag-door bell. Inunat-unat pa niya ang kanyang mga braso, balikat at kamay habang hinihintay na bumukas ang gate. Kailangan, maging handa ang mga payatot niyang muscles sa anumang eksena sa pakikibaka.
Ilang sandali pa, binuksan ng guard ang gate. Mabilis niyang sinabi ang sadya niya. Kaya lang, agad nalukot ang mukha niya nang sabihin nitong, "Wrong address po siguro kayo. Wala pong nakatirang Tony dito." Iyon lang at pinagsarhan na siya ulit ng gate.
Pakiramdam niya umusok ang bunbunan niya sa sinabi ng guard. Sure na sure siya, binilin ni Tony ang guard. Paanong magkakamali ang home address nito sa opisina? Nakuha niya ang address ni Tony sa secretary nito na si Cherrie. Ka-close nila ito ni Maia at kasama din nilang lumalabas paminsan-minsan sa mga parteh-parteh.
Talipandas talaga! Lihim niyang ngitngit.
Plano siguro talaga nitong takasan ang responsibilidad nito kay Maia. Natigilan siya nang may maisip. Paano kung umalis na ito ng bansa at wala na itong planong bumalik pa? Napangiwi siya. Hindi niya kayang languyin ang Pacific Ocean kung sakali!
Marahas siyang napailing. Hindi siya makakapayag! Muli niyang pinindot ang doorbell. Inulit-ulit pa niya iyon ngunit nanatiling sarado ang gate. Nang sumagad ang inis niya, hindi na siya nagpatumpik-tumpik at kinalampag ang gate.
"Tony! Tony!" sigaw niya habang binabayo ng kamay ang gate. "Alam ko nandiyan kang talipandas ka! Kausapin mo ako! Hindi uubra sa akin yang patago-tago mo! Ano porke't mayaman kayo puwede mo nang takasan ang responsibilidad mo sa kaibigan ko? Aba! Ano ka sinusuwerte? Lumabas ka riyan at ako ang harapin mo!"
Noon lumabas ang dalawang sekyu ng mansiyon at pilit siyang pinapatigil sa pagsigaw. Akma na sana siyang dadamputin ng dalawang sekyu upang ilayo sa lugar ngunit mabilis siyang umilag. Nagkunwari siyang tatakbo pakanan. Nang sumunod ang mga ito, tumakbo naman siya pakaliwa. Para tuloy siyang nakikipaglaro ng patintero. Nang tuluyan siyang makatiempo, madali siyang pumasok sa nakabukas na gate, dumiretso sa portico at nagtuloy sa salas.
Nataranta ang mga maids sa loob ng bahay. Nang maabutan siya ng isa sa mga sekyu, hinablot nito ang isang kamay niya at pinilipit iyon sa likod niya. Ngunit hindi pa rin siya tumigil sa pagsigaw sa pangalan ni Tony.
"What the hell are you screaming for woman?" may bahid ng inis na sambit ng awtorisadong tinig na mula sa kung saan. Napatingala siya sa ikalawang palapag ng bahay. Naroon ang bulto ng isang lalaki, nakahawak sa balustre ng magarang hagdan habang nakatunghay sa kanya.
"Kailangan kong kausapin si Tony!" pasigaw niyang sagot habang pilit na pumapalag sa pagkakahawak ng guard sa kanya.
Nagsimulang maglakad pababa ng grand staircase ang lalaki. Hindi niya alam subalit, tila pamilyar ito sa kanya. Malaki ang pagkakahawig nito kay Tony e. Marahil kapatid o pinsan niya ito. Mayamaya pa, namilog ang mata niya nang mapagsino ang lalaki. Ito ang lalaki na iniwan ng babae sa harapan ng French resto kahapon!
Tingnan mo nga naman! Kumpirmado! Magkakamag-anak talaga ang mga palikero!
"I’m sorry, Miss. But there's no Tony here," anito nang tuluyan na itong makababa sa hagdan at humarap sa kanya. "You're probably mistaken. So, before I press any charges, it's best for you to leave my house."
Wengya, English! Nakalimutan niya, mayaman nga pala ang pamilya ni Tony kaya malamang english spokening ang mga ito.
Pero bukod sa nakaka-nosebleed na accent nito, hindi alam ni Alexa kung bakit pati ang boses nito parang pamilyar sa kanya. Maging ang nakakahipnotismong mga mata nito ay tila nakita na niya.
Imposible!
Malamang kulang siyang talaga sa tulog. Hindi pa kasi siya umuuwi dahil sa ospital siya nagpalipas ng gabi. Kaya sure na sure siyang nagsu-swimming sa toyo ang mga braincells at senses niya kaya kung anu-ano ang kanyang naiisip.
Nakita niya ang marahang pagsenyas ng lalaki sa guard na pakawalan siya. Nang makatayo ng tuwid, agad niyang minasahe ang kanyang braso. Namumula na ang balat niya sa mahigpit na pagkakahawak ng mga sekyu kanina.
Nag-angat siya ng tingin sa lalaki. Bigla siyang na-conscious sa mga titig nito. Dahil aminin man niya o hindi, walang duda, guwapo ang lalaking kaharap niya.
Tumikhim siya at tumuwid ng tayo. Hindi pagha-hunting ng gwapo ang pinunta niya doon, may pinaglalaban siya!
"Gusto ko lang kausapin si Tony. I mean no harm," saad niya, seryoso, nakataas pa ang noo.
"Miss, walang nakatirang Tony dito. Inuulit ko, baka nagkamali ka ng address na pinuntahan."
Inilabas niya sa bulsa niya ang piraso ng papel na pinagsulatan niya ng address ni Tony at inabot sa lalaki. Matapos ang ilang segundo, tumango-tango ito. "Yes this is our address but no one with a name of Tony lives here. ‘Di ba?" Bumaling ito sa mga katulong at sekyu na nakapalibot sa kanila sa salas. Nagsitanguan lamang ang mga ito.
Nakiramdam siya, sinuri nang maiigi ang mukha ng mga tao na naroon na gulat pa ring nakatitig sa kanya. Pinamulahan na siya ng mukha, pinangunahan ng hiya at taranta ang kanyang sistema. Lumunok siya at kumurap, hiniling na lamunin na siya ng lupa. Dahil mukhang truli, epic fail nga ‘ata ang panunugod niya.
"If you don't mind me asking, ano bang ginawa sa ‘yo ng Tony na hinahanap mo Miss?" tanong ng lalaki, humalukipkip ito at hinintay ang sagot niya.
Ibinaling niya sa iba ang tingin, bigla siya kasing nailang. "N-Nagkemerlu s-sila ng BFF ko," mahina niyang sagot, halos siya na lang ang nakakarinig.
"What? I can't hear you," anang lalaki ulit, may bahid ng iristasyon ang tinig.
Tumikhim siya kasabay ng lalong pangangamatis ng kanyang mukha.
"Nagkemerlu sila ng bff ko," mahina at mahinahon niyang sagot.
"What?" pag-uulit nito sa mataas na tinig.
Napaigtad na siya sa gulat. Talagang sinasagad ni pogi ang huwisyo niya at sa mga pagkakataong gano’n umaarangkada talaga ang toyo niya.
"Nagkemerlu sila! Chukchak Chenes! Give-it-to-me! At may sound effect na "ooh yeah ohh yaeh" ganern! Juskohan, ‘di mo pa rin ba ma-gets ha? Matalino naman ang itsura mo!" dire-diretsong sagot niya bago namaywang.
Napamaang si Mr. Pogi. Mayamaya ay ngumiiti. At ang puso ni Alexa lumundag ng bongga with matching kabog-kabog pa. Juskohan! Ano ba nangyayari sa kanya?
"You mean, s*x?" amused na tanong nito sa kanya.
Napatanga siya ng mga 3 seconds. "’Y-yon na nga..." Lumunok muna siya bago nagpatuloy. "Tapos ngayon buntis na ‘yong kaibigan ko at tinakasan ng alagad ng hudas na si Tony!" Nangigigil na naikuyom niya ang kanyang mga kamay.
Marahang natawa si Mr. Pogi, na lalo lamang naging pamilyar ang itsura para sa kanya. Pero wala sa isip niya ang pag-alala kung sino si Mr. Pogi kundi nasa paghahanap kay Tony. Kung wala si Tony doon dapat um-exit na siya, bago pa mawindang nang tuluyan ang buong sistema niya dahil sa pangiti-ngiti ni Mr. Pogi.
"I'm sorry," umpisa niya. "Mukhang wala nga si Tony dito. Aalis na ko. Paseniya na sa abala," mababa ang tinig na paalam niya.
Akma na sana siyang tatalikod nang umingit pabukas ang pinto ng isang silid ng bahay. May pupungas-pungas na bulto na lumabas mula roon.
"What the hell is─," nabitin sa ere ang sasabihin nito nang magtama ang paningin nila ng bagong dating. Muling nag-switch ang braincells niya sa rebolusyon mode. “A-Alexa?” anito, nanlalaki ang mga mata.
Naniningkit ang mga matang bumaling siya kay Mr. Pogi. "Siya si Tony!"
"No! That's my cousin James," naguguluhang sagot nito bago natigilan. Natawa ito pagkatapos na lalo lamang niyang kinainis. "Now I get it, James Anthony," naiiling na sabi nito sabay lingon sa sindak pa ring si Tony/James.
"A-Alexa, anong ginagawa mo rito?" si Tony/James, naguguluhang naglakad palapit sa kanya.
"Nandito ako para pag-usapan ang tungkol sa inyo ni Maia." Nakita niya ang pagtakas ng dugo sa mukha ni Tony/James.
Guilty! Naisip ni Alexa.
"Ang kapal din ng mukha mo ano─"
"Alexa?" tawag sa kanya ni Mr. Pogi.
Marahas niya itong nilingon. "What?"
"Lexie?”
Napakunot-noo siya. Iisang tao lamang ang tumatawag sa kanya niyon si....
"Don't you remember me? It's me Json."
"J-Json?" mahina niyang bulong.
*****
Tahimik na nakaupo si Json sa mahabang sofa habang pinagmamasdan ang katabi niyang si Alexa na humihigop ng kape. Napangiti siya nang lumitaw ang dimples nito habang ibinababa sa coffee table ang tasa ng kape.
It’s been a long time since he'd last seen those cute dimples. Noong grade 8 sila, palagi niya itong pinapangiti para laging lumitaw ang dimples nito. The dimples did make her cute then, but it definitely made her a lot gorgeous now, like a perfect imperfection. She still wear her silky straight black hair long, just like the old times.
Muli siyang napangiti. Who would ever thought that after 10 years they'll meet again in his own house!
Noong araw na umalis sila ng pamilya niya patungong Amerika ay hindi man lamang siya nakapagpaalam dito. Instead, he left her a birthday card with his email on it and a number she can call so that they’d continue to get in touch with each other. Too bad she didn’t try to reach out. He only knew her father’s cellphone number which became unreachable just a few weeks after he and his family left the Philippines.
"Kailangan mong puntahan ang kaibigan ko," sabi ni Alexa mayamaya kay James na nasa pang-isahang sofa sa tapat nila. "Hindi ka man lang ba naaawa sa mag-ina mo? Kahit huwag na si Maia ang isipin mo, ‘yong bata ang importante. Gusto mo bang lumaki na walang kinikilalang ama ang─"
"Hindi ko gusto ang ginagawa ko Alexa, okay? Maniwala ka, mahal ko si Maia pero─" James did not even try to finish what he was saying. His cousin just frustratedly ran his fingers through his hair and hopelessly lowered his head.
"Tony… err… James is engaged," salo niya. Marahas siyang nilingon ni Alexa.
"Ikakasal ka na?" galit na tanong nito kay James. “Tapos niligaw-ligawan mo pa ‘yong kaibigan ko! Tapos ngayon─" nanghihina itong napasandal sa sofa.
"Believe me, Alexa, mahal ko si Maia. Pero hindi ko pwedeng talikuran ang responsibilidad ko sa pamilya ko," sabi ni James na nanatiling nakayuko.
"Anong pinagsasabi mo? Hindi ba't responsibilidad mo rin ang mag-ina mo? Naririnig mo ba ang sarili mo, James?" naiiritang tanong ni Alexa.
"Arranged marriage, iyon ang sinasabi ni James," siya ulit na hindi inaalis ang mga mata kay Alexa. "James had been engaged since college to a daughter of a long-time family friend. Hindi pa sila nagkikita. But our grandmother said that she’ll arrange for them to meet one of these days. Probably next week, next month, we don't exactly know. But one thing we know for sure, ang bawat salitang lumalabas sa bibig ng lola namin ay batas na kailangan naming sundin. Kung hindi─"
"Aalisan niya kayo ng mana?" putol nito sa kanya, sarkastiko. Hindi siya nakaimik. Natawa ito, nang-iinsulto. "No offense meant ha, pero ano ‘yang lola ninyo fanatic ng teleserye? Malalaki na kayo. Bakit hindi kayo magdesisyon ng sarili ninyo! Try niyo!”
Tumikhim siya. "Well technically, Gran is the chairman of Dela Vega Conglomerate. So, she has the last say in everything," paliwanang niya.
Umirap ito bago itinuloy ang pagbuga ng mararahas na hininga. Kung siya rin ang nasa sitwasyon nito, tiyak na magagalit din siya. Minsan, naisip na rin niyang suwayin ang lola niya, lalo na sa pagpipilit nitong pakasalan si Jamie. Kung hindi lamang mahalaga sa kanya ang pagod at sakripisyo ng mga magulang niya upang maitayo ang DLV Dev’t. Corp, matagal na siyang nagpakalayo-layo at namuhay na malayo sa anino ng lola niya. But just like James, he just can’t walk away.
"So, gan'on na lang ‘yon? Papabayaan mo na lang si Maia at ang magiging anak ninyo?" baling nito kay James. Muli itong natawa, sarkastiko. "Bilib din ako sa inyong dalawa. No doubt, magpinsan nga kayo. Parehas kayong manloloko!" galit na sabi nito bago tumayo. Napatayo na rin silang mag-pinsan.
"’Wag namang ganyan, Lexie. ‘Wag mo naman kaming husgahan," siya ulit.
"E anong gusto mo? Mag-thank you pa ako, gano’n? At saka bakit ba ikaw ang sagot ng sagot!” Tinuro nito si James. “Wala bang dila itong si… James…Tony! Wengya! Pati pangalan mo paiba-iba! Bwiset!" singhal nito, marahas pang isinuklay ang kamay sa buhok, pikon na pikon.
"Alexa..." si James na marahang nagbuga ng hininga pagkatapos.
"Naalala mo noong gabing pinakilala ka sa akin ni Maia?" umpisa nito. Marahang tumango si James. "Alam mong ‘di ako boto sa'yo kasi nga mayaman ka, mapera, elitista. But you said you'll prove me wrong. That you'll never hurt my friend, that you are different. Anong nangyari Tony? James? O ano pa mang pangalan meron ka!" Humakbang ito palapit kay James at tiningala ito. "You’re no different. You're also just one of those rich lying bastards I knew." She said it full of hatred and candour.
Sandali pa itong nakipagtitigan kay James bago galit na naglakad palayo. Maya-maya pa, bumalik ito, panay ang ngiwi habang sapo ang tiyan. Kagat-labi itong tumingin sa kanya.
"What's wrong?" nag-aalalang tanong niya.
"Hindi ko na kaya. Naiihi ako. Sa'n ang C. R.?"
Pinigilan niya ang matawa. Sa itsura kasi nito, mula pa nang pumasok ito nang walang paaalam sa bahay niya, ay kayang-kayang nitong manuntok.
"Grace," baling niya sa isa sa mga katulong. "Pakisamahan si Lexie sa CR," agad namang tumalima ang katulong, sumunod din si Alexa. Nakakailang hakbang pa lamang ito nang muli itong bumaling sa kanya.
"Huwag mo na ‘kong tatawaging Lexie," matigas na sabi nito.
Nagsalubong ang kilay niya. "Bakit naman? I used to call you─"
"Basta!" putol nito sa sana’y sasabihin niya bago sumunod sa katulong.
What happened to you, Lexie? he thought. She used to be that sweet and caring girl he knew from grade school. Well, she must be still that girl given the way she fought for the right of her friend Maia. But something in his gut tells him that she has changed at least by the way she treats him. Was it because he didn’t call? Or was it because he left without saying goodbye?
Nasa ganoon siyang pag-iisip nang may dumating na sasakyan. Napalunok siya, mukhang alam na niya kung sino ang bisita. Agad silang nagkatinginan ni James. At bago pa man siya makapagsalita, nagtatakbo si James pabalik sa game room.
*****
Wagas ang pag-irap ni Alexa sa repleksyon niya sa salamin ng CR habang naghuhugas ng kamay matapos niyang pakawalan ang sama ng loob ng pantog niya.
Wengya! Ang ganda na ng eksena kanina e! Um-english na siya e. Nag-drama pa siya. Nangunsensiya. Kaso itong pantog niya talaga walang pakisama. Pahiyang-pahiya siya. Mayamaya pa, natigilan siya nang may maalala.
“Dont you remember me? It's me, Json." Napapairap niyang ginaya ang sinabi ng lalaki sa pinaliit na tinig.
Bigla siyang nakunsume. Mukhang may memory gap na ‘ata siya. Bakit ‘di niya naalala agad ang itsura ng mortal enemy no.1 niya? At tinawag pa niya itong Mr. Pogi! Ang masaklap no'n, totoo kasi ang paglevel up ng kapogian nito! Juskohan talaga!
Muli niyang pinuno ng hangin ang kanyang dibdib. Kailangan na niyang umuwi. Ayaw na niya sa posibilidad na parehas na hangin ang nilalanghap nilang dalawa ni Json. Marahan niyang pinihit pabukas ang pintuan ng CR. Malayo palang ay dinig na niya ang malalakas na boses mula sa salas. Subalit mas nangingibabaw ang boses ng isang matanda.
Atubili siyang naglakad palabas ng pasilyong pinanggalingan niya. Napahinto pa siya nang makita ang isang matandang babae sa gitna ng sala. Pulos puti na ang buhok nito, ngunit sa tindig at aura, halata pa rin ang sopistikasyon.
Agad na lumipad ang tingin nito sa kanya. Kumunot ang noo nito at binigyan siya ng nanunuring tingin, mula ulo hanggang paa at pabalik.
Napalunok siya. Nahiya siyang bigla. Paano naman kasi simpleng blouse, skinny jeans, at sneakers lang ang suot niya. Hindi bagay sa aura ng buong kabahayan.
"And who are you?" tanong nito sa kanya, may bahid ng pagtataray. Agad naman ang paglingon ni Json sa direksyon niya.
Bumuka ang bibig niya subalit walang salitang lumabas.
"Hi luv! There you are!" masiglang bati ni Json sa kanya.
Napakurap siya. Luv? Sinong luv?
Tuluyan nang nag-hang sa kalawakan ang mga braincells niya. Para siyang tanga na nilingon ang kanyang likuran. Pero mukhang confirmed, siya nga ang tinawag ni Json na luv.
Bakit?
Naglakad si pogi palapit sa kanya, kumindat at bumulong ng, "Relax. I'll do the talking," bago siya inakbayan. "Gran, this is Alexa, my girlfriend," kalmadong deklara nito.
Napamulagat siya. Ano daw sabaw? Siya, girlfriend nito? At ito pala si grandmotherearth na fan ng mga teleserye!
Napapantastikuhan niyang tinignan si Json, binalak niya itong kuhanin sa tingin. Subalit lalo pa siya nitong hinigit palapit dito. Pagbabantaan niya sana ito e. Kaya lang, mabilis itong yumuko at humalik sa kanyang pinsgi.
Umurong lahat ng balak niyang pagtataray. Tumirik na rin anng tuluyan ang kanyang lohika. Juskohan! Hindi siya na-inform, nakakatulala pala ang halik ng kanyang kaaway.