Chapter 4: Windang Is Life

3805 Words
    "So, Jamie was right. You really broke up," komento ng matanda. Nagtaas ito ng noo, iniba ang direksyon ng tingin bago muling nagsalita. "You know my rule Json and I won't bend. Not now, not ever," matigas na sabi ng matanda bago patamad na sinipat ang mamahaling wristwatch nito. "Anyway, I have a plane to catch. I could not stay long. Expect a phone call from me in a day or two. I have to go," anito at nagsimula nang lumakad palabas ng mansyon. Ngunit bago ito tuluyang lumabas ng pinto, muli itong pumihit sa direksyon niya at nagsalita. "And nice meeting you...person."     Napalunok siya dahil sa insulto.      Person? Naipakilala na naman siya nang maayos ni Json sa tingin niya. Pero mas gusto siyang tawagin ng matanda na  person kaysa sa pangalan niya!     Wengya! Maldita si Lola Tandang Sora!     Hinintay niya ang tunog ng papalayong sasakyan bago niya marahas na tinulak palayo sa kanya.      "Uli-uli wag mo kong isama sa mga kabaliwan mo, ha? Nakaka-imbyerna kayong mag-anak! Pare-parehas kayo! Matapobre, manloloko, at talipandas!" aniya habang dinuduro-duro ang dibdib ni Json. Gusto niyang maiyak pero pinigil niya.      Mahirap siya pero may dignidad siya. Dignidad na pilit inalis ng mga taong nakapalibot sa kanya halos sampung taon na ang nakararaan.     Walang sabi-sabi siyang nagmartsa patungo sa pinto.     "Alexa!" si James na biglang sumulpot mula sa kung saan at hinabol siya. "S-Saang ospital naka-confine si Maia? Hindi niya kasi sinasagot ang mga tawag ko." "Malamang, sinungaling ka e!" napairap na sagot niya.     "Please..." pakiusap nito, hindi natinag sa pagtataray niya.     Napabuga siya ng hininga. Mukhang tinablan na nga ito ng kunsensiya. Mabilis niyang binigay ang impormasyong hinihingi nito at muli ay naglakad palabas ng bahay.      Ayaw na niya doon. Una pa lang naman kasi alam na niyang mali ang pagpunta niya roon. Hindi siya dapat basta-basta sumusugod sa bahay ng may bahay. Pero anong magagawa niya, dalang-dala siya sa mga iyak at hagulgol ng BFF niyang si Maia. Kaya heto siya ngayon, mukhang tinutuhog ng kamalasan.  Una, nagkita ulit sila ni Json, ang mortal enemy no. 1 niya na lalo pa niyang kinainisan ngayon dahil ginagawa siyang makasalanan ng kapogian nito. Pangalawa, isang bonggang insulto mula sa nagmamalditang matanda na tinawag siyang person.     Tumikwas ang nguso niya. Namumuro na ang kamalasan sa kanya ngayong araw. Isang kamalasan pa, bi-bingo na siya!      "Juskelerd..." kinakabahang bulong niya. Tuluyan na siyang napatigil sa paglalakad sa portico ng mansion nang may bigla siyang naalala. Wala sa sarili siyang napahawak sa kanyang leeg bago lumunok nang matanto niyang hindi siya nakapag-text sa Kuya Rollie niya kagabi! Ni hindi rin niya nasabi kung saan siya natulog!     Jusko! Baka tinipon na ng kuya niya ang kalipunan ng mga barangay tanod at baka pinaghahanap na siya saan mang sulok ng Pilipinas!      Madali niyang inilabas ang kanyang cellphone, upang mapamura lamang nang makitang tuluyan nang nasaid ang baterya ng telepono niya!     Nag-aalangan siyang nagpatuloy sa paglalakad.      "Lexie, hatid na kita," habol ni Json sa kanya.      Inirapan niya ito. "Thanks, but no thanks," matigas niyang sagot, habang mabilis na tinatahak ang direksyon ng gate.     "Sige na, for old times sakes. Beside, ‘yong...‘yong eksena kanina..." Hindi nito tinuloy ang gustong sabihin. Ngumiti lang nang alanganin.     Tuluyan na siyang naimbyerna at pinamaywangan ito. "Manhid ka ba talaga or tanga-tangahan lang ang peg mo? ‘Yan ba uso ngayon? In fairness ha, nakakairita.  Hindi mo ba ma-gets? Ayaw kitang kausapin, period! At saka for your information, Mr. de la vega, I'm big enough to take care of myself. Hindi man ako kasingyaman ninyo pero may pera ako pang-taxi pauwi. Nag-taxi ako papunta rito, magta-taxi rin ako pauwi. Makinig kang mabuti sa sasabihin ko, hinding-hinding hindi na ako muli tatanggap ng kahit na ano mula sa iyo,” seryosong pahayag niya bago tuluyang lumabas ng gate.                                                                                                 *****     Inaantok na bumaba ng taxi si Alexa. Pasado alas-dies na nang umaga at talaga namang higang-higa na siya dahil sa upuan lang siya natulog nang nagdaang gabi sa ospital. Didiretso na sana siya sa kanila nang maalala si Jenna.  Pilit niyang ginising ang sarili, at dumiretso sa bahay ng kaibigan. Tutal naman ay    Linggo, mamayang hapon pa ito pupunta sa puwesto nito.     "Pasok ka," ani Jenna nang pagbuksan siya nito ng pinto.     "Hindi na, hindi rin naman ako magtatagal. Ibibigay ko lang ito. Inaantok ako e." Inabot ni Jenna ang sobreng bigay niya─ iyon ang kinita ng puwesto nito nang nagdaang araw. "Pasensya ka na ha, ngayon ko lang naibigay.  Nagka-emergency kasi kagabi," paliwanag niya.     "Naiintindihan ko. Narinig ko nga rin ang nangyari sa mga kuya at nanay mo bes no’ng bumili ako kila Aling Agnes. Kagabi kasi mukmok galore ako. Tapos bumorlogs  ako nang maaga kaya kaninang umaga ko lang nalaman ‘yong nangyari."     Napakurap siya. Anong nangyari?     Biglang kumabog ang dibdib niya sa nerbyos. May masama bang nagyari sa bahay nila habang wala siya?     "A-anong nangyari sa mga k-kuya ko at kay n-nanay?"     Salubong ang kilay na sumagot si Jenna. "Aba'y binugbog daw ng mga kainuman niya si Kuya Lui kagabi. Tapos siyempre umawat si Rollie kasama ang mga friendships niyang tanod. Kaso, hindi umubra. ‘Yon nauwi sa rambol! At nang mabalitaan ni Tita Cion ang nangyari, inatake raw ng alta-presyon at nahirapang huminga. ‘Yon tinakbo silang tatlo sa ospital. Bakit bes, hindi mo ba alam?"     Nawalan ng kulay ang mukha ni Alexa. Kung kanina ay inaantok siya, ngayon ay gising na gising na siya!     Akma na siyang tatalikod nang pigilan siya ni Jenna sa kamay.     "Heto, iyo na ito. Dagdag pang-gastos sa ospital," sabi ni Jenna na pilit na isinisiksik sa palad niya ang isang libong piso. Nag-angat siya ng paningin.     "Hindi ko─"     "Sige na. Hindi naman na kayo iba sa akin," nakangiting sabi nito. Napangiti na rin siya.  Likas namang matulungin si Jenna, mana sa namayapang ina nito. Madali siyang nagpasalamat at inilang hakbang lang ang gate nila.     Nadatnan niya sa salas ang mga pamangkin niya na nanonood ng TV. Unang sumalubong at nagmano sa kanya si Adrian, ang sampung taong gulang na panganay ng kuya niya. Sunod na humalik sa kanya si Karen, apat na taong gulang at bunso ng nakatatandang kapatid.     "Tita, pabili ka naman ng pagkain. Nagugutom na kasi kami," sabi ni Adrian mayamaya.     "Hindi pa kayo kumakain? Sinong kasama ninyo?" tanong ni Alexa sa bata.     Umiling lamang ito.     Nanlumo si Alexa. Mukhang natulog ang mga bata na walang kasamang matanda. Tiyak niya si Paula, ang hipag niya, at si Renz ang nagbabantay sa ospital.     "Sige Adrian, bantayan mong mabuti si Karen. Bibili lang ako ng pagkain sa karinderya," bilin niya.     "Opo, Tita," sagot ng bata na muling itinuon ang mata sa TV.     Matapos kumain ay tinawagan niya si Renz sa cellphone nito. Mangiyak-ngiyak  ito nang makausap niya at pinapapunta siya sa ospital ora mismo. Agad niyang pinutol ang tawag at inihabilin kay Jenna ang mga pamangkin niya. Nag-iwan na rin siya ng kaunting pera para sana sa pagkain ng mga bata ngunit tinanggihan ni Jenna. Idagdag na lamang daw niya iyon sa kakailanganin ng nanay at mga kapatid niya sa ospital.     Nang makarating siya ng ospital, sinalubong siya ng yakap ni Renz at nang naluluha ring si Paula. Hindi na rin niya napigil pa ang sariling maiyak. Parehong nakaratay sa mag-kakaibang kama ang nanay at mga kuya niya. Natutulog ang naka-oxygen mask na nanay niya habang si Kuya Lui, halos hindi maigalaw ang ulo at katawan dahil sa neck brace at benda sa braso nito. Ang  Kuya Rollie naman niya may cast ang isang binti. Puro pasa at sugat ang mukha ng mga kapatid niya. Mukhang totoo nga, nagkipagrebolusyon ang mga ito.     "Kuya, anong nangyari?" pabulong na tanong ni Alexa mayamaya.     "Alexa, p-pasensiya ka na. Napagtripan kasi ako ng grupo ni Boy Todas habang pauwi ako galing sa inuman kagabi e," hirap na paliwanag nito. Si Boy Todas ang lider ng mga siga sa lugar nila. Wala itong sinasanto kahit na sino, babae man o lalaki. Gayun pa man, nagpapasalamat na rin siya dahil buhay ang mga kapatid niya.      "Alexa, ang daming babayaran─" alanganing sabi ni Kuya Rollie bago ngumiwi.     Madali niyang hinawakan ang kamay nito at maramahang pinisil. "Huwag mong iisipin ang mga bayarin, Kuya. Isipin mo ang paggaling ninyo nila nanay."     Tinapunan niya ng tingin ang nanay niya na tulog na tulog pa rin. Saglit siyang nagpaalam sa mga kapatid at hipag at hinanap ang doktor na tumitingin sa nanay niya. Lalo lamang siyang nanlumo sa sinabi ng doktor tungkol sa kalusugan ng kanyang ina.     Ayon sa doctor ay kailangan ng heart by-pass operation ng nanay niya. Pilit niyang inintindi ang eksplanasyon ng doktor kaya lang parang lumilipad ang isip niya. Gulong-g**o siya.     Matapos makausap ang doktor, nanghihina siyang napasandal sa dingding. Iyon na ang puntong napagtanto niya na bumingo na nang tuluyan ang kamalasan sa kanya ng araw na 'yon.     Napahilamos siya sa mukha. Magulo ang isip at pinipiga ang puso niya.  Ayon sa doktor ay kailangan niyang makalikom ng halos isang milyon para sa operasyon ng nanay niya sa lalong madaling panahon.     Saan naman niya kukunin ang ganoong kalaking halaga? Kakarampot lamang ang suweldo niya at halos hindi pa magkasaya para sa kanilang mag-anak.  Kahit pa siguro ilang raket ang tanggapin niya, hindi niyon mapupunuan ang isang milyon na kailangan niyang likumin sa lalong madaling panahon.      Napatingala si Alexa sa kisame at lihim na umusal ng dasal.     Bro please! Padalhan niyo ako ng anghel na tutulong sa ‘kin.                                                                                               *****     Nagbuga ng inis na hininga si Json habang titig na titig pa rin sa telepono na kababa lang niya. Katatawag lang ng lola niya tungkol sa dalawang importanteng bagay. Una, ang pagbisita niya sa isa sa mga beneficiaries ng Helping Hands─ ang foundation ng Lola Carmela niya na tumutulong sa mga batang may sakit. At pangalawa, upang kausapin siya tungkol sa nalalapit niyang pagpapakasal.     Tama! Ikakasal na siya, pero hindi pa siya sigurado kung sino ang bride.      Sinubukan niyang kumbinsihin ang abuela na huwag nang ipilit si Jamie sa kanya dahil sa hindi niya masakyan ang ugali nito. Besides, pinanindigan na rin niya ang pagkakaroon nila ng  relasyon ni Alexa.  Akala pa man din niya ay lusot na siya ng sabihin nito ang "Okay, fine". Ngunit lalong bumigat ang problema niya sa mga sumunod na sinabi nito.     "Marry your girlfriend in two weeks’ time. Or else Jamie will walk down the aisle, at the end of this month, as your bride. Do as you are told and you'll get full control of DLV Devt. Corp., just like what you've always dreamed of."     Napangiti siya sa reward na maari niyang makuha. Upang muli lang napamura nang maalala ang kundisyon ng Lola niya. Ni makipag-usap nga sa kanya ayaw ni Alexa, magpakasal pa kaya? Baka sakalin na siya nitong tuluyan kapag inalok niya ito ng kasal.      Good luck! Pahabol pa ng lola niya sa kanya bago nagpaalam, tila nang-aasar.     He really needed more luck he could get for the next two weeks of his single life.                                                                                               *****     "Hindi ko kailangan ng operasyon, Alexa. Maayos ako," ani Nanay Cion Reyes, ang nanay ni Alexa. Iyon ang ikatlong araw nila sa ospital. Si Alexa ang nakatokang magbantay sa araw na iyon.     "Kita mo na, Alexa. Sino naman kasi ang maniniwala na may sakit ang nanay? Sa lusog niyang iyan," sabad naman ng Kuya Lui niya sa kabilang kama, ngiting-ngiti ito habang sinusubuan ng pagkain ni Paula.     Umirap ang nanay niya. "Ku-u! Kung wala lang akong dextrose, tatampalin ko ‘yang bibig mo, Luisito," iniangat pa nito ang matatabang braso at tinuro ang kuya niya.     "Nay naman..." reklamo ng kuya niya.     "Nay naman," sarkastikong pag-uulit ng nanay niya sa sinabi ng kuya niya. "Kung nagpakatino-tino ka sana, e ‘di wala tayo rito at hindi namumrublema itong kapatid mo. Pati itong si Rollie dinamay mo sa rambol ninyo! Naku-u! Talagang ikaw na Luisito ka!”     Umiwas na lang ng tingin ang kuya niya, hindi na sumagot at nag-concentrate sa pagkain. Sanay na siya sa ganoong eksena. Mahusay lang talagang manermon ang nanay niya pero mabait ito at mahal silang magkakapaitd.      Bumaling sa kanya ang nanay niya. "Maniwala ka Alexa, wala akong sakit." Hinagod nito ang dibdib pagkatapos. Natataranta niya itong inalalayan sa paghiga.     "'Nay, alam ko na po ang kundisyon ninyo. Sinabi po sa akin mismo ng doktor." Napabuntong hininga na si Alexa sa puntong iyon. "Mas mabuti po na sundin na lang po natin ang sinabi ng doktor, Nay."     "Pero saan tayo kukuha ng pera sa operasyon ko, Alexa? Tiyak na─"     "Hindi po problema ang pera, Nay. Basta po ang importante, gumaling kayo. Gagawa po ako ng paraan. Pangako" paniniguro niya.     "Siguruhin mo lang na hindi ka hihingi ng pera sa kanya. Mas gugustuhin ko pang mamatay na lang sampu ng mga kuya mo kaysa humingi ng tulong sa kanya," mahigpit na bilin nito sa kanya.     "Nay naman, nandamay ka pa talaga ng ibang tao sa kamatayan mo. ‘Di ba pwedeng ikaw na lang mauna kung nagamamadali  ka," sabad ni Kuya Lui.     Nagmadaling bumangon sa kama ang nanay niya. Hinablot mula sa side table ang walang laman na bote ng kalahating litrong mineral water at pinag-flying saucer iyon sa direksyon ng kuya niya. Nag-landing iyon sa noo ng kapatid. Panay ang reklamo ng kuya niya habang hinihimas ang noo nito. Lihim siyang napabungisngis.     "Humirit ka pa ng isa, Luisito! Sinasabi ko sa 'yo, ipapatapon na kita sa Pluto!" gigil na sambit ng nanay niya.     "Nay, tama na po. Magpahinga na po kayo. Masama sa inyo ang magalit" awat ng Kuya Rollie niya na napapagitnaan ng dawalang magkaaway na kaanak.     "Nay, pahinga na po kayo," segunda niya.     Matagal bago sumagot si Cion, tinitigan lamang siya. Ginagap nito ang kamay niya. "Salamat,anak." Anito bgao tuluyang nahiga.     Pinilit na lamang niyang ngumiti bilang tugon.                                                                                             *****     Nakapangalumbaba si Alexa habang nakaupo sa isa sa mga bench sa ospital. Isang linggo nang naka-confine sa pagamutan ang nanay at mga kapatid niya. Kanina, sumaglit siya sa opisina upang mag-extend ng leave at kausapin na rin ang boss niya kung maari siyang mag-loan. Maari naman siyang mag-loan, kaya lang, halos singkwenta mil lang ang kaya nilang ibigay sa kanya. Lahat ng kaibigan at malalayong kamag-anak, nilapitan na rin niya, kaya lang,wala talaga.     Isang milyon! Hindi pa kasama ang bayarin ng mga kuya niya. Saang kamay naman Diyos niya kukunin ‘yon sa lalong madaling panahon.     Napayuko na siya ng puntong iyon, at tahimik na umiyak. Mukhang naniniwala na siya sa kasabihang: When it rains, it pours. Subalit hindi lang basta ulan ang nararanasan niya. Delubyo ang humahagupit sa kanya na parang wala na ‘atang katapusan.     Marahan niyang pinahid ng likod ng kamay ang kanyang luhaang pisngi. Hindi iyon ang dapat niyang ginagawa. Kailangang gumawa na siya ng paraan upang makalikom ng pera. Kailangan niyang isamithiin ang pananalig ng Globe, go lang nang go!     Agad siyang tumayo at inayos ang damit. Nasa ganoon siyang ayos nang may tumawag mula sa kanyang likuran. Agad na nalukot ang mukha niya nang malingunan si Json.     "Ayos ka lang ba? Are you crying? Parang namumutla ka, Lex… I mean, Alexa," komento ni Json nang tuluyang makalapit sa kanya.     Napakunot-noo siya. Anong ginagawa nito roon? Sinusundan ba siya nito? Bakit? Lihim niyang sinaway ang sarili. Bakit naman siya susundan ni Json?     "May pasyente ba kayo dito?" muling tanong ni Json.     Lihim niyang ipinilig ang ulo at inayos ang kanyang huwisyo. "Meron… este wala. Sige, mauna na ‘ko. Nagmamadali kasi ako," aniya bago nagsimulang maglakad palayo. Subalit nakakailang hakbang pa lamang siya nang hulihin ni Json ang kamay niya. Natigilan siya at marahas itong nilingon. "Bitawan mo ‘ko, Mr. de la Vega!"     "Mr. de la Vega?" nakakaloko itong ngumiti. "Okay, I’ll let you go if you call me by my first name."     Napabusangot na siya at sinubukang ipiksi ang kamay niyang hawak nito. Kaya lang, lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya. Ayaw niyang magalit sana pero mukhang doon talaga ang tumbok ng eksena.     "Json! Json! Json! O, masaya ka na? Siguro naman ngayon puwede mo nang bitawan ang kamay ko," inis na sabi ni Alexa.     Ngumiti ito, idinisplay ang kapogiang taglay. "That's better,” anito bago pinakawalan ang kamay niya. Walang sabi-sabi niya itong tinalikuran bago nagmamadaling naglakad palayo. Nagulat pa siya ng muli itong magsalita sa tabi niya. Sumunod pala ito sa kanya.     "Can't you slow down? Para kang hinahabol nang isang libong aso sa bilis mong maglakad a."     Hindi niya ito pinansin, inirapan lang niya ito at lalong binilisan ang paglalakad.     "C'mon Alexa, what is it that I did to deserve all this.... this... cold treatment from you? As far as I recall, magkaibigan tayo noon."     Napahinto siya sa paglalakad.     The nerve!     Tama ito, magkaibigan sila noon. A friendship he himself ended ten years ago.     Sandali siyang napapikit at nagmulat din pagkatapos, pinuno ng hangin ang dibdib. Ayaw na niyang maalala pa ang nakaraan. O mas tamang sabihing, hindi na niya aalalahanin pa ang nakaraan. Napagdaanan na niya ang mapapait ng sandaling iyon ng kanyang buhay at ayaw na niya iyong balikan pa.     Inis niyang hinarap ang dating kaibigan.     "Noon. That's the operative word. Hindi na tayo magkaibigan ngayon," aniya, bago ipinagpatuloy ang paglalakad.     "Bakit?" tanong nito, nakasunod pa rin sa kanya.     Ano ito may Amnesia o Alzheimer's? Malapit na naman siyang maimbyerna.     "Anong bakit? Alam nating pareho kung bakit at hindi na puwede." Pumara siya ng jeep nang marating nila ang main road. Kaya lang, punuan lahat nang dumaraang jeep dahil rush hour.     "Hindi kita maintindihan,” hirit ulit nito.     Tuluyan nang umikot ang eyeballs niya. "Ano ba, Json? Ang dami kong iniisip ngayon, wala ako sa mood mag-kuwento!  Gets mo?" pinandilatan niya ito.     "Look, I don't want to upset you, but I can see that I'm doing just that," anito sa mababang tiig. "Gusto lang naman sana kitang makausap. Magkipagkamustahan sa ‘yo. So, can we at least have dinner together for old time's sake?"     Napatitig siya dito. Gusto sana niyang tumanggi kaya lang sigurado siya, malapit nang mag-strike ang mga gastric juices niya dahil almusal pa ang huli niyang kain. Napabuntong-hininga siya bago sumagot.     "Sige, payag na akong mag-dinner tayo. Pero huwag mo akong dadalhin sa mga sosyal na lugar dahil lalayasan talaga kita, hindi ako nagbibiro!" pagbabanta niya. Agad naman itong tumango.  Sinipat niya ang kanyang wrist watch. Mag-aalas-siete pa lamang ng gabi. Mamayang alas-nueve pa ang pasok ni Maricel─ ang call center agent na kaibigan niya. Sasadyain na lamang niya siguro ito sa opisina nito mamaya. But for now, kakain muna siya, kasama si Json.                                                                                               *****     "So tell me, nagkikita pa rin ba kayo ng classmates natin dati?" tanong ni Json kay Alexa na noo'y kumakain ng burger. Dahil na rin sa suhestyon nito, nag-drive thru na lamang sila sa Mcdo at umorder ng burger, fries at softdrinks bago tumuloy sa isang park at doon kumain. Noon lamang niya iyon ginawa. Mukhang enjoyable naman kaya ayos na rin sa kanya.     "Hindi na at wala na akong balak pang makita sila," seryosong sagot nito bago kumagat sa burger nito. Kanina pa niya napapansin na tila galit na galit ito kung nababanggit ang nakaraan. Lalong-lalo na pagdating sa kanya. Hindi niya tuloy mapigilang magtaka.     "Bilisan mo na lang kumain," pag-iiba pa nito sa usapan. "May pupuntahan pa kasi ako. Kailangan kong makausap ‘yong taong uutangan ko─" bigla itong napatigil at natutop ang bibig, alanganing sumulyap  sa kanya.     "Bakit ka mangungutang?" tanong niya.     "W-Wala ‘yon. Erase, erase. Basta bilisan mo na lang kumain," anito bago muling kumagat sa burger nito.     "Huwag mo nang puntahan ‘yong kaibigan mo. Magkano ba ang kailangan─"     "Oh no, mister you wont!" tutol nito na napatayo pa at pinameywangan siya. "Keep your money. Isaksak mo sa baga mo este ang ibig kong sabihin, hindi ko kailangan ng pera mo.”     Hindi na niya napigilan ang magtanong. "Why do I have this feeling that I'm being sentenced without a proper trial? Tell me Alexa, ano bang nagawa ko sa 'yo at galit na galit ka sa akin?"     Umirap ulit ito. “Hindi ko alam kung nananadya kang talaga o may blangko talaga ‘yang memorya mo at wala kang matandaan.”     "Would I ask if I knew?"     Saglit itong natigilan. Muling umupo sa tabi niya at binasa ang mukha niya. Sinalubong niya ang mga mata nito. Ilang sandali rin sila sa ganoong ayaos. Ito na rin ang unang umiwas ng tingin.     Mayamaya pa, tumikhim ito at tumuwid ng upo. "Kalimutan mo na lang ‘yon," sabi nito bago ipinagpatuloy ang pagkain. Ganoon din ang ginawa niya.     "Bakit ka nga pala nasa ospital kanina?" mayamaya ay tanong nito sa kanya.     "I’m visiting a friend,” mabilis niyang sagot.     "'Sus! Kunwari ka pa, girlfriend kamo!” kantyaw nito.     Napangiti siya. "Ten years old pa lang siya."     Napamulagat ito. "Pedophile ka?"     "Shhh... ang lakas ng boses mo. Hindi!" nagmamadaling saway niya rito bago ito kinabig at itinakip ang kamay niya sa bibig nito.     Gulat itong tumingin sa kanya. Those dark brown eyes were incomparable to the blue-eyed blondes he’d dated in the US. Hindi niya alam kung bakit tila ayaw niyang bumitaw sa pagkakalapit nilang iyon. She felt so soft and so warm. So with a great effort, he released her.     She mouthed the word sorry while stooping her head low as if their hiding from an enemy. And he doesn't know why she looked so cute even in such weird situations.     "So ano nga, sinong binibisita mo sa ospital?" untag nito sa kanya mayamaya.     "Oh yeah, binisita ko si Krizia. Isa sa mga beneficiary ng Helping Hands Foundation ng Lola ko. Bagong transplant lang ng liver niya. I dropped by to check on her progress. So far, maayos naman daw ang recuperation ng bata sabi ng doctor,” paliwanag niya. “Ikaw anong ginagawa mo sa ospital?"     Hindi ito agad sumagot. "Naospital ang mga kuya ko."     "I see. So anong─"     "At ang nanay ko."     Napayuko na ito sa sandaling iyon ng kanilang pag-uusap. Nang tanungin niya kung anong nangyari sa pamilya nito, agad naman itong nagkuwento. Tahimik siyang nakinig.     "Wala ka bang alam na raket este pwedeng part-time job?" alanganing tanong nito sa kanya mayamaya.     Sandali siyang natigilan nang may maisip. It seemed like luck is indeed on his side.     "Meron,” umpisa niya. “At malaki ang kita. May advance p*****t pa. Kayang-kayang bayaran ang bill at operasyon ng nanay mo sa ospital, kahit na bukas na bukas din kung gusto mo," seryosong sabi niya.     Nangintab ang mata ni Alexa, umaliwalas din ang mukha.     "Talaga! Anong trabaho ba yan? Ano ang kailangan kong gawin?"      Alanganin siyang ngumiti. "Marry me."     Binato siya nito ng burger sa mukha.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD