Chapter 2: Ikalawang Windang

2918 Words
    "P180 po talaga, Ma'am. Fixed price," ngiting-aso na sabi ni Alexa sa kuripot na customer na kanina pa tumatawad sa binebenta niyang sabon na pampa-flawless ng fez.        Mula sa tunay na presyo niyong one hundred eighty pesos, bumagsak agad ang tawad ng customer sa otsenta pesos! Wagas kung makatawad ang babae. ‘Di pa nito hiningi! Nakakaloka din talaga minsan ang mga pipol ng sangkalupaearth!        Muling nagsalita ang babae na mukhang pinampalitada ang isang kahon ng BB Cream sa mukha nito dahil sa puti niyon. Sa tantiya niya, kahit limang tube pa ng BB Cream ang ubusin nito, ‘di niyon matatakpan ang overly pimple populated na mukha nito.         Umirap ito. “Ayaw mo naman sa tawad ko. E wala namang tatak ‘yang tinda mo pero ang mahal, baka galisin pa ko diyan!" anito, pagkatapos ay inismiran siya sabay talikod.         Naku-u! Kung hindi nga lang ba kailangan niyang kumita ngayon, kanina pa nakatikim sa kanya si Miss Palitada! Nanggigigil siyang nagkamot ng ulo. Sinadya rin niyang lukutin ang ilong upang pigilin ang pagbuka ng kanyang bunganga Delikado kasi minsan 'pag bumukas ang bunganga niya tuwing naiinis siya.  Malamang sa malamang, malulusaw sa kahihiyan si Ateng Kuripot/Palitada, kaya dapat tikom lang ang mga labi niya. Sales lady siya ngayon, dapat niyang isamithiin ang "Customers are always right."         Muli siyang umupo sa stool at iginala ang paningin sa paligid. Maraming tao ang dumaraan sa kanyang harapan. Bukod sa katabi ng mall ang commercial complex kung saan nakapuwesto ang tindahan ng mga pampaganda ni Jenna, weekend pa kasi kaya dagsa ang mga tao.          Weekend.         Napabuntong-hininga na naman siya at inilabas ang cellphone niya. Madali niyang hinalungkat ang kanyang reminders. Halos dalawang linggo na lang, magbabayad na naman si Renz ng tuition fee sa school. Kaya siya raket ng raket, para sa pag-aaral ng bunso nilang si Renz. Third year college na ito sa kursong Business Administration sa isang pampublikong unibersidad sa Maynila          Gaya niya, hindi pinagdamutan ng talino ang kapatid niya. Kaya kahit na hirap na hirap siyang pagkasyahin ang suweldo niya bilang isang loan officer sa isang banko, ay okay lang sa kanya. Basta ba makatapos ng pag-aaral si Renz. Hindi rin naman kasi niya maiaasa lamang sa nanay niya ang pagpapaaral rito dahil bukod sa paextra-extrang pananahi nito, hindi rin kasya ang kakarampot na pensiyon nito mula sa benipisyo ng kanyang namayapang ama.         Tatlong taon nang namayapa ang tatay nila. At dahil maagang nag-asawa at nagkapamilya ang Kuya Lui niya at paextra-extra lang, pati ang Kuya Rollie niya na sa honorarium lang sa barangay umaasa, siya na ang tumayong breadwinner ng pamilya.          Pero ayos lang sa kanya iyon. Masaya naman siyang pagsilbihan ang pamilya niya. Kanino pa ba aasa ang mga ito kundi sa kanya? Sabi nga ng mga kapitbahay nila ay maswerte raw ang mapapangasawa niya dahil bukod sa maganda siya, masipag pa..         Pasimple siyang napangiti sa isiping iyon. Hinawi pa niya ang buhok at pa-cute iyong inipit sa likod ng kanyang tenga.          Feel na feel niya talaga 'pag pinupuri siya, lalo na kapag totoo. Pa'no naman kasi sa bahay nila puro pang-aasar at biro ang natatamasa niya sa mga nagtotoyong mga kuya niya dahil nga nag-iisa siyang babae. Kung makabakod ang mga ito, daig pa ang Great Wall of China! Kaya hanggang ngayon, NBSB pa rin sya.         Wala sa sarili siyang napatingin sa langit. Dagli niyang hiniling na sana, sa haba ng paghihintay niya sa the one, ang ibigay ni Bro sa kanya ay ‘yong to-the-highest-level na mala-Adonis na. ‘Yong tipong titig pa lang lusaw ka na; ‘yong hininga puwedeng gawing oxygen; at lalo na ang ‘yong katawan, kapag tinitigan mo, maghahanap ka agad ng isang kalderong kanin!         Biglang nag-init ang kanyang pisngi sa naisip. Lumevel-up ang pagiging ilusyonada niya.  Wala sa sariling napangiti─ naglalaro sa kinikilig at naiihi.         Ang pagtunog ng cellphone niya ang pumutol sa kanyang pag-iilusyon. Madali niyang tinignan iyon. Nag-text ang Kuya Rollie niya.         "Wag kang magpapagabi, Ling. Kung gagabihin, tumawag ka. Ako susundo sa ‘yo."          Mas istrikto si Kuya Rollie kaysa kay Kuya Lui. Kung si Kuya Lui puwede niyang biru-biruin, si Kuya Rollie hindi. Kung siya, idol niya si Gabriela, ang Kuya Rollie niya, matindi ang pananalig kay Bonifacio. Kaya nga ito nagtanod e. Nagmabilis siyang tumipa ng reply sa kapatid. Mahirap na, baka masabon siya nito pag-uwi kapag deadma siya sa text message nito.         Matuling lumipas ang mga oras, isang minuto na lang magsasara na siya ng puwesto. Latag na ang dilim, alas-siete na rin naman na kasi ng gabi. Mabilis siyang nagligpit ng mga display. Pagkatapos i-lock ang mga eskaparate, lumabas na siya ng commercial complex.          Halos ‘di na niya mahintay umuwi. Nagwewelga na kasi ang alaga niya sa tiyan. Hindi na rin kasi siya nagmeryennda. Gutom-gutoman ang drama niya talaga kapag ganitong gipit siya at  maraming paparating na gastos sa bahay. Kaya malimit sa hindi, inuuwi niya sa bahay pati ang gutom niya.          Ano kayang ulam sa bahay nila?          Nasa ganoon siyang pag-iisip nang makuha ang atensyon niya ng isang pares na nasa isang French restaurant sa tapat ng commercial complex. Naunang lumakad ang babae palabas ng kainan, habang takbo-lakad naman ang ginawa ng lalaki na sumunod dito. Tiyak niya may tampuhan ang mga ito.         Buti nga sa’iyo! Lihim na sabi ni Alexa para sa lalaki. Kahit kailan talaga wala nang idinulot na maganda ang mga lalaki sa buhay ng mga babae lalo na ‘pag palikero!         Kahit na NBSB siya, may kaunting kaalaman naman siya sa mga lalaki dahil kay Maia─ ang isa pa niyang BFF. Nakilala niya ito nang lumipat siya sa pampublikong paaralan noong grade 8 siya. May kaya ang pamilya nito dahil sa bukod sa nag-iisang anak, may matatag na trabaho ang mga magulang nito bilang government employees. Ngunit kahit na papalit-palit ang nobyo ng kaibigan at palpak ang taste nito sa mga lalaki, love pa rin niya ang BFF niyang ‘yon. Para na kasi silang magkapatid. Sabi pa nga nito minsan,  "You're like the sister I never had."         Napangiti siya sa naalala. Matagal na rin silang hindi nakakapag-bonding ng kaibigan dahil tulad niya, busy din ito sa trabaho. Nagtatrabaho ito bilang accountant sa DLV Construction, isa sa matatag na construction company sa bansa. ‘Di bale, mamaya, ite-text niya ito upang kumustahin.         Muli ay tiningnan niya ang may LQ na pares na nasa sidewalk na, malapit sa exit ng resto. Naabutan ng lalaki ang babae at hinawakan ng una ang kamay ng huli. Sandaling nagkatitigan ang mga ito, nagkasagutan, bago ipiniksi ng babae ang kamay nitong hawak ng lalaki bago tuluyang nagwalk-out. Naiwan ang lalaki na nanlulumo bago humarap sa direksyon niya.         Nalukot ang mukha niya. Para kasing nakita na niya ito pero hindi niya matandaan kung kailan at saan. Oh well, papel, sabi nga ni Maia, pare-parehas ang tabas ng mukha ng mga lalaking manloloko. At dahil sa nasaksihan niya, confirmed, isa ang lalaking ‘yon sa tinutukoy ng kaibigan niya.         Nanatiling nakatitig ang lalaki sa kanya. At dahil mukhang wala itong balak tumigil, binelatan na niya ito. Mukhang gusto pa ‘ata siyang gawing biktima ng pambobola nito. No way, highway! Itsura nito!         Ilang sandali pang nanatili ang lalaki sa sidewalk bago pumihit patalikod at tuluyan na ring naglakad patungo sa parking area. Susundan pa sana niya ng tingin ang papalayong bulto ng lalaki kaya lang nag-ring ang  cellphone niya.         "Hello, Tita Vicky. Bakit po kayo─" nabitin ang sana'y sasabihin niya nang histerikal na umiyak ang ina ni Maia sa kabilang linya. Tigagal siya sa ibinalita nito.         Dali-dali siyang pumara ng taxi. ‘Di na niya alintana kung mapapamahal siya ng pasahe at mababawasan ang ipon niya. Basta ang importante mapuntahan niya si Maia, ngayon din!                                                                                            *****         Pagod na inilatag ni Json ang katawan sa couch sa game room ng bahay ng mga magulang niya or technically bahay na niya. Just four years ago before his 20th birthday, namatay sa isang plane crash ang mga magulang niya. Leaving him their entire estate including their mansion, except full control of DLV Dev't Corporation, ang negosyong itinatag ng kanyang namayapang ama.         Kung ordinaryong araw lang ‘yon, didiretso na siyang matulog sa kuwarto niya sa ikatlong palapag ng bahay. Ngunit gusto niyang makapag-isip nang mabuti tungkol sa relasyon nila ni Jamie.         Jamie is his girlfriend. Or should he say ex-girlfriend now?         He frustratedly sighed.         Kani-kanina lang, for the nth time, nakipag-break si Jamie sa kanya. Ang tanging kaibahan lang niyon sa mga nauna nilang break-up, Jamie did it in public. Sa harapan ng restaurant, for Pete's sake!         Muli ay mariin niyang ipinikit ang mga mata. He just can't see the logic why his grandmother keeps on insisting him to marry the brat. At siya naman itong tanga na sunod lamang nang sunod sa gusto ng lola niya.         Hindi sa hindi niya gusto si Jamie. Mabait naman ito at galing sa mabuting pamilya. Bukod pa sa classmate niya ito ng ilang taon bago sila nag-migrate sa US ng mga magulang niya mahigit 10 taon na ang nakararaan, magkaibigang-matalik din ang mga lolo nila.          And for the past six months of their on and off relationship, masasabi niyang espesyal ito sa kanya. Kaya lang may mga issues ito na hindi niya talaga kayang sabayan. Gaya na lamang kanina, habang kumakain sila sa isang French restaurant, hindi sinasadya ng waiter na matapunan ng gapatak na sauce ang mamahalin nitong minaudiére. She was so outraged that she wanted the poor waiter fired from his job. Of course, he just can't sit around and let his girlfriend do what she pleases.         Kinausap niya ito nang mahinahon at sinabing ibibili na lamang ito ng bagong purse. Pero ayaw nitong makinig. Ang gusto nito ay paalisin pa rin sa trabaho ang kawawang waiter. In the end, she didn't have her way. Kaya iniwan siya nito at hinayaan siyang parang tangang aso na maghahabul-habol rito hanggang sa labas ng restaurant.         Damn! He must've looked stupid!         Tiyak na nakarating na sa lola niya ang balita at kabisado na niya ang mangyayari bukas.         Napailing siya.         Ayaw na niyang makipagbalikan pa kay Jamie. Aside from frogs and spiders, he dreaded people who regard others like trash just because they don’t have a nice car to drive or a mansion to live in. He did not grow up in that kind of thinking. His parents instilled to him the importance of giving respect even to those people who don’t belong in their circle because just like what his old man says, “Respect begets respect.”         But Jamie… Muli siyang napabuntong hininga. Inis siyang tumayo mula sa couch at tinungo ang bar. Nagsalin ng premum drink sa baso at naglagay ng ice mula sa cooler.         He'd made up his mind. Tapos na ang anumang relasyon na mayroon sila ni Jamie. He has had enough!      He’d talk to his grandmother and…         Agad na naputol ang pag-iisip niya nang bumukas ang pinto ng game room at iniluwa niyon ang bulto ng pinsan niyang si James, ang Vice President ng DLV Construction at sister company ng DLV Dev't Corp kung saan siya ang CEO. Tatlong taon ang tanda nito sa kanya at tulad niya, binata rin at lapitin ng mga babae. Ang kaibahan lang nila, once committed he doesn't play. While James, always play but never commits.         "What brings you here?” aniya nang tumabi ito sa kanya sa bar. Hindi ito sumagot. Tahimik lang na nagsalin ng inumin sa baso, naglakad patungo sa couch at binuksan ang LED TV. Nagsimula itong magchannel-surf.         "Dito muna ako kahit ngayong gabi lang. Kahit dito lang ako sa couch matulog, okay lang," sagot nito habang panay pa rin ang pindot nito sa remote.         Mukhang alam na niya ang linyang iyon ng pinsan niya. May problema na naman ito sa babae kaya gusto nitong matulog sa bahay niya. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na siyang na-eeskandalo dahil sa kakagawan ng palikero niyang pinsan.  Ang address kasi niya ang binibigay nito sa mga babaeng naghahabol dito.         Sometimes he just don’t get men who maintained one of more relationships at a time. Women are already too much handle, why make life more complicated? Some say it’s for fun, some say it’s nature. He had three girlfriends in the past. Jamie was the fourth. But he can proudly say that he had been faithful to his past girlfriends. Siguro dahil lang talaga sa mga individual differences kaya hindi naging successful ang mga naging relasyon niya.         "Aalis din ako bukas nang maaga," dugtong pa nito, hindi inaalis ang mata sa TV.         Nagbuga lang siya ulit ng hininga bago tumayo. "Stay as long as long as you'd like. Sa taas ko na lang uubusin ‘to," aniya na ang tinutukoy ay ang bitbit na baso ng alak bago tuluyang lumabas ng silid.                                                                                       *****         "M-Maia," mahinang tawag ni Alexa sa kaibigan. Dahan-dahang bumaling sa kanya si Maia na kasulukayang nakahiga sa kama. Malamlam ang mga mata nito at may suero sa isang kamay. Malungkot din ang aura nito. Malayong-malayo sa masiyahing babae na mahilig mag-parteh-parteh. Naglakad siya palapit dito at ginagap ang kamay nito.         Ayon kay Tita Vicky, biglang sumakit ang tiyan nito at dinugo. Nang makarating sila sa ospital ay doon na lamang nila nalaman na nagdadalang-tao pala ito at kamuntik nang makunan dahil sa stress. Mabuti na lamang at agad itong naitakbo sa pagamutan kung hindi…         "Si Mama?" mahinang tanong nito.         "Nasa labas."         "Buti na lang, wala na si Papa. Baka… baka…” Nanginig ang mga labi nito. “I'm... I'm pregnant, Alexa.” Humagulgol na si Maia. Agad naman niya itong inalo.         "W-Wag ka nang umiyak.” Maingat niyang pinunasan ang luha nito sa pisngi. “Blessing ang mga babies, ‘di ba? Dapat tayong mag-celebrate. Mag-parteh-parteh, ganern!" aniya sa pinasayang tinig.         Humikbi ito. "Ayaw ni... ni…Tony s-sa bata. Hindi niya matanggap ang bata," garalgal ang tinig na kuwento nito.         Agad niyang naramdam ang biglang pag-akyat ng dugo sa ulo niya. Kusang kumuyom ang kanyang mga kamay. Agad siyang nanggigil na masampolan ng kamao niya si Tony na mukhang hobby ang mag-donate lang ng semilya!         Ngayon siya naniniwala na talagang nagkalat ang manloloko sa sangkalupaearth! Ang masama pa, biktima ang dalawang kaibigan niya plus ‘yong babae kanina sa harap ng restaurant.         Lihim siyang napairap.  Ano bang meron sa araw na iyon at lagi siyang saksi sa mga panlolokong dala ng mga alipores ni Adan? ‘Di na niya tuloy napigilan ang maglitanya.         "E nakaka-gago naman pala talaga yang boyfriend mo na ‘yan e! Matapos kayong magchukchak-chenes ganern ganern, iiwan ka na lang sa ere! Naku-u! Masasakal ko ‘yan pag nakita ko yan sinasabi ko sa─" nabitin sa ere ang sanay sasabihin niya nang makita ang muling pagluha ni Maia. Agad na nilukob ng awa ang dibdib niya. "Kalimutan mo na lang siya. Hindi siya karapat-dapat sa inyo ng baby mo," aniya sa mahinahong tinig. Hindi sumagot si Maia, tahimik lang na humikbi.         Kung nasa harapan lang niya si Tony ng mga oras na iyon, tatadtarin niya ito ng pinung-pino at gagawing patuka sa manok! Ang walangya, hayahay sa buhay habang itong kaibigan niya parang pinagsakluban ng langit at lupa! Naiimbyerna siyang tunay!         Bigla tuloy niyang naisip kung sa kanya nangyari iyon. Naku-u! Tiyak na mamaga ang singit niya sa kakakurot ng nanay niya. Baka magpasiklab rin ng rebolusyon ang  mga kuya niya! Juskohan! Baka si Renz makisama rin sa pag-aaklas! Lihim siyang napasinghap Tama rin pala ‘yong panata niya, dapat laging tularan si Maria Clara.         Muli ay napatingin siya sa kaibigan, marahan nitong hinahaplos ang tiyan nito. If only she could do something...         Napatuwid siya ng upo. Inokupa ng isang ideya ang kalahatan ng matitinong braincells niya. Tama. Hindi niya puwedeng hayaan na basta na lamang tumakas si Tony sa responsibilidad nito sa kaibigan niya. Naningkit ang kanyang mga mata at in-imagine niyang nakadikit sa dartboard ang mukha ni Tony at inaasinta niya iyon ng dart. Sa oras na makita niya ito, titiradurin niya talaga ang noo ng isa pang talipandas na alipores ni Adan na 'yon e.         Hindi niya tatantanan si Tony. Ha-huntingin niya ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD