bc

Marrying My Enemy

book_age12+
8.7K
FOLLOW
54.2K
READ
billionaire
contract marriage
escape while being pregnant
goodgirl
CEO
comedy
lighthearted
childhood crush
enimies to lovers
first love
like
intro-logo
Blurb

Siya si Alexandria Reyes.

Ang babaeng walang pahinga. Dakilang raketera ng century. Kung saan puwedeng kumita, nando'n din ang lola ninyo. Sales lady, tutor, driver, delivery girl etcetera, name it, she does it!

Numero unong faney ni Gabriela Silang. Magsindami ng toyo ni Sisa. Tagapagtaguyod ng mga babaeng inapi, iniwan, at niloko ng mga talipandas na alipores ni Adan.

Kaya lang, maitaguyod pa kaya niya ang kanyang mga pinaglalaban kung pikit-mata siyang nagpakasal kay Json Marcus de la Vega- ang mortal enemy no. 1 niya?

Sundan ang mga nakawiwindang na kaganapan sa buhay nina Alexa at Json sa kwentong ito.

chap-preview
Free preview
PROLOUGE
  10 years ago             Tahimik na kinuha ng labintatlong taong gulang na si Alexa ang card na nakapatong sa kanyang desk. Isang bear na may hawak na maraming bulaklak ang nakaguhit sa pabalat niyon. Napangiti siya nang mabasa ang mensahe sa loob niyon.   Happy Birthday, Lexie!- Json                Sinulyapan niya ang bakanteng upuan sa tabi niya. Wala pa doon si Json, ang seatmate at bestfriend niya. Inilibot niya ang paningin sa classroom ngunit wala rin ito doon.               "Hindi kaya papasok si Json?" tanong niya kay Jamie na nakaupo sa harapan niya. Masungit ito at mayabang, palibhasa'y anak ng principal ng school na kanyang pinapasukan.             "Hindi na papasok 'yon. Pupunta na sa States ang family niya. Nandito siya kanina kasama ang Mommy at Daddy niya. Kinausap nila si Mommy sa office. Nilagay niya yang card sa desk mo bago sila umalis," tila naiinis na sagot nito, umikot pa ang mga mata. Kung sa ibang pagkakataon sana ay tatanungin niya kung bakit ito naiinis sa kanya kaya lang nabigla siya sa ipinaalam nitong balita.             Maninirahan na sa States si JSon at hindi man lamang niya nagawang magpaalam o di kaya'y magpasalamat sa kabutihan nito sa kanya. Mabait mapagpakumbaba si Json. Hindi gaya ng ibang mayayaman na classmates niya na lagi siyang nilalait. Kung hindi nga lamang dahil sa scholarship ay hindi siya makakapasok sa eskwelahang iyon kung saan nagta-trabaho ang tatay niyang si Mr. Teofilo Reyes, bilang janitor. Maliban kay Sophie, ang kaibigan niya mula noong elementary subalit hindi na niya ngayon kaklase, si Json lamang ang matatawag niyang tunay na kaibigan sa section nila. Pero aalis din pala ito at iiwan siya.              Malungkot siyang nagbuga ng hininga. Heto at birthday na birthday niya pero isang masamang balita ang sumalubong sa kanya. Mukhang napansin ni Jamie ang panghihinayang niya at muli siyang binalingan.             "We even said our goodbyes to Json. At dahil late ka na naman, hindi mo naabutan," inis na pinaikot pa nito ang mga mata.             "A-ano kasi nasiraan ‘yong... ‘yong… sinakyan kong tricycle," alanganin niyang sagot.             "Tricycle?" Umirap ito. "No doubt, you're really poor," anito sabay talikod sa kanya.             Nakagat na lamang ni Alexa ang kanyang bibig upang huwag maiyak. Kung naroon lang si Json, ipagtatanggol siya nito sa panghahamak ni Jamie. Pero wala na si Json at nag-iisa na lamang siya.             Bumaba ang tingin niya sa birthday card na iniwan ng kaibigan para sa kanya. Pinilit niyang ngumiti, dahil alam niyang magagalit si Json kung nakikita siya nitong malungkot sa araw ng birthday niya. Nahiling niya na sana, pahihintulutan ng Diyos na muli silang magkita balang araw.        

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

He's Cold Hearted

read
162.5K
bc

Unexpected Romance

read
40.5K
bc

The ex-girlfriend

read
141.2K
bc

The Billionaire's Obsession

read
3.1K
bc

Love Donor

read
87.6K
bc

Broken Angel

read
4.7K
bc

Married to a Hot Magnate

read
358.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook