Chapter 1: Unang Windang

2169 Words
               "Ano?" nanlalaki ang matang sambit ni Alexa habang nakatingin kay Boss Chief Percy, ang huwarang barangay captain ng lugar nila. Lumipad ang tingin niya sa kaharap na lalaki at babae.             Ang lalaki, si Lyndon Pascual. Ang binata na mukhang kinuyog ng taumbayan ang istura at asal chimpmazee ang pag-uugali. Sa tabi nito ay ang mapang-akit na si Elsa, ang babaeng may tatlong kilong pasan na hinaharap at halos kita na ang kaluluwa kung manamit.             Ang pagsinghot ng katabi niyang babae ang agad na nagpabalik sa nanlalait na braincells niya sa tunay na kaganapan.             "E, paano naman po si Jenna, Boss Chief? Hindi puwedeng walang maibalik sa kanya. Pera niya ‘yon e! Inaangkin lang ng mukhang sinampalukan na lalaking ‘to e!” Tinuro pa niya si Lyndon na tila relax na relax lang at ‘di man lang tinablan ng nerbyos kahit na pina-barangay na niya dahil sa ginawa nito na pagtangay sa pera ni Jenna, ang BFF niya at dating nobya ni Lyndon.             "Ling, ‘yang bunganga mo," saway ng Kuya Rollie niya na head tanod sa kanilang barangay at kasalukuyan din nilang kasama sa tanggapan ni Boss Chief Percy. Napabuga naman siya ng inis na hininga at ‘di na lang pinansin ang pinantawag sa kanya ng nakatatandang kapatid.             "Ang tanging magagawa lang natin sa ngayon ay bigyan na sapat na palugit itong si Lyndon na bayaran ang nakuha niyang pera kay Jenna. Kung hindi siya tutupad sa napagkasunduan natin, maari na natin siyang sampahan ng kaso sa police station," kalmadong paliwanag ni Boss Chief Percy na bahagya pang humalukipkip pa bago nagkunot-noo. Bata pa si Boss Chief Percy para sa isang politiko. Sa tantiya niya, nasa early 30’s lang ito at mas mukhang modelo kaysa sa politiko.             Bumaling siya kay Jenna na nasa kanyang tabi. Matanda ito ng dalawang taon sa kanya pero super BFF  at kapithabay niya. Mahihina ang pagsinghot nito, luging lugi ang itsura. Sino ba naman ang hindi malulugi, sa mukhang paa na nga ito na-in love, masama pa ang ugali. At ang masaklap ipinagpalit ito sa babaeng s**o na tinubuan ng katawan!             Kumibot ang labi niya. Kunsomidong-kunsomido siya.  Pairap siyang bumaling kay Elsa.             "Hoy, ikaw babae! Baka naman tinago mo diyan sa s**o mo ‘yong singkwenta mil? ‘Langya naman kasi e! Ilabas niyo na kasi nang matapos na ‘to!” Inis niyang hinagod ng kamay ang kanyang buhok. “Tatlong araw.Tatlong araw lang, naubos na ninyo ang singkwenta mil! Ano bang laman ng boobs mo? Monster na nangangain ng pera?" inis na inis na sabi niya, pinandiltan pa si Elsa.             Namula ang mukha ni Elsa. Ang akala niya ay napahiya, ‘yon pala, bumwelo lang ito para magtaray!             "Hoy, Alexa na NBSB!" umpisa ni Elsa, nakataas pa ang kilay. Agad na umurong ang dila at confidence level niya, nangalahati agad sa isang birada nito. "Pera ‘yon ni Lyndon. Sa kanya ang kalahati ng shop niyang si Jenna. Magkasosyo nga sila ‘di ba? Dapat lang na makuha niya ‘yong parte niya sa shop. At saka inaano ka ba nitong s**o ko, ha?" bahagya pa nito iyong sinapo at inalog-alog. "Nanahimik sila palibhasa pasas lang yang iyo, pasas na tuyot!"             Napasinghap siya nang malakas. Nanuyo rin ang kanyang lalamunan. Tumirik rin ang kanyang braincells. Napahiya siya nang bongga dahil sa maliwanag pa sa sikat ng araw na paglalarawan ni Elsa sa kanyang pinagkaitang future!             Pigil naman ang pagbungisngis ni Lyndon sa mga sinabi ni Elsa na lalo lamang niyang kina-imbyerna! Kumikibot-kibot ang mga siyang bumaling kay Jenna. Sumisinghot pa rin ito habang nakayuko at nilalaro ang hawak na bimpo, tila walang narinig. Napairap siyang muli. Hindi siya dapat mag-paapi, namayani sa puso ang kagustuhang tulungan ang kaibigan. Tumalim ang tingin niya kay Lyndon.             "Hoy Lyndon, na itsura pa lang panis na, magbigay ka nga ng araw na nagbantay ka sa puwesto ni Jenna.  Sige nga. At kung totoo na magkasosyo kayo ni Jenna magkanong puhunan nag-umpisa ang negosyo ninyo?" naniningkit ang mga matang tanong niya.             "Twenty thousand!" puno ng kumpyansiyang sagot nito.             Bumaling siya kay Jenna, alanganing iling ang sagot nito.             "Ha? Fifteen thousand?" si Lyndon ulit, nakakunot noo.             "Hindi. Lower," sagot ni Jenna. Halos umikot na ang eyeballs ni Lyndon sa pagtataka.             "Ten thousand?"             Umiling ulit si Jenna. "Lower!"             Nanlalaki ang matang napapahimas sa hita nito si Lyndon, kapag kuwan'y napapalakpak.             "Alam ko na! Five thousand!"             Agad na bumusangot si Jenna, isinampay sa balikat ang goodmorning towel na pinampupunas nito ng luha nito, pagkatapos ay naglakad palapit kay Lyndon.             "Tarantado ka! Ang lakas ng loob mong sabihin na kasosyo kita tapos hindi mo alam ang unang naging puhunan ko sa negosyo ko!" singhal ni Jenna, na mukhang alive na alive na at marahas na hinablot ang buhok ng dating nobyo. "Wengya ka! Wengya! Kasosyo? Humiram lang ako ng singkwenta pesos  sa ‘yo noong unang bumili ako ng stocks tapos kasosyo na kita! Tarantado kang talaga! Ibalik ko ‘yong pera kong hayop ka!" galit na galit na sabi ni Jenna na di pa rin tinantanan ang pananabunot at pamamalo kay Lyndon.             Kay Lyndon na mukhang kinuyog ng taumbayan ang mukha.             Kay Lyndon na pinagkaitan ng height at muscles sa katawan.             Kay Lyndon na mukha na ngang ewan, mandurugas pa!             Mabilis na dinaluhan ni Elsa si Lyndon. Sinabunutan din nito si Jenna na agad na napabitaw sa malakawayang si Lyndon. At ‘yon na nga ang umpisa ng wrestling match sa loob ng barangay hall.     Makalipas ang 10 minuto             Punit na manggas ng blouse. Animo’y pugad ng ibon na buhok. Namumulang pisngi at kalmot sa mga braso. Parehas na ganyan ang itsura nina Jenna at Elsa matapos ang kanilang wrestling match sa loob ng barangay hall. Ang nagpatigil sa g**o, ‘di sinasadyang madakma ni Boss Chief Percy ang noo'y patalbo-talbog na hinaharap ni Elsa habang tinatangka nitong paghiwalayin ang nagsasabong na mga babae.             Napatingin si Alexa sa relong pambisig, ala una na ng hapon. Na-miss na niya ang tutorial session nila ni Biboy kaninang alas-onse at nalipasan na rin sila ng gutom, kaya lang, hindi pa rin tapos ang paguusap-usap nina Jenna, Lyndon at Elsa. Sa totoo lang, nakakatirik ng braincells si Lyndon! Sa itsura nito, sinong mag-aakalang pag-aagawan ito ng dalawang babae? Juskohan talaga!             Umikot ang eyeballs niya at muling bumaling kay Boss Chief Percy na pulang-pula pa rin ang mukha dahil sa hindi sinasadyang pandarakma.             "Sir Boss Chief Dakma este Percy, puwede po bang kayo na lang ang magbigay ng palugit kay Lyndon kung kalian niya dapat makumpleto ang singkwenta mil na kinuha niya kay Jenna?" mahinahon niyang suhestyon.             "Three days," si Jenna ang nagsalita. Taas-baba pa rin ang dibdib nito, halata ang pinipigil na inis.             "Anong three days?" sa wakas nagsalita na rin si Lyndon.             "Bayaran mo ‘yong pera kong kinuha mo sa loob ng tatlong araw!"             "Ano? Saan naman ako kukuha ng ipambabayad ko sayo sa loob ng tatlong araw?" ‘di makapaniwalang tutol ni Lyndon.             "Tatlong araw mong inubos ang singkwenta mil na nakadeposito sa joint account natin. Pwes, ibalik mo rin ‘yon sa loob ng tatlong araw!" pinal na sabi Jean.             "Shuta! Nagbibiro ka ba? Singkwenta mil ‘yon! Sa’n ako kukuha ng singkwenta mil sa loob ng tatlong araw?”             "Anong─"             "Hep hep! Shadap na puwede? Ako na magsasabi!" matigas na putol ni Boss Chief Percy sa dalawang dating magkasintahan na nagbabangayan.  "Katapusan ng buwan. Mahigit dalawang linggo rin ‘yon Lyndon," ani Boss Chief bago bumaling kay Lyndon             Panay ang iling ni Lyndon, kumikibot-kibot pa ang labi.  Tumingin ito kay Jenna,  irap lang ang nakuha nito. Sumulyap din ito sa kanya. Agad na umangat hanggang langit ang kilay niya at minulagatan ito.             Nakaka-stress talaga ang itsura ng lalaki. Hanggang ngayon hindi pa rin niya ma-gets kung anong nagustuhan ng kaibigan niya kay Lyndon. Sampung buwan itong magkarelasyon at si Jenna. At sa loob ng sampung buwan na ‘yon, nakakalimang beses na  cool-off na ang mga ito na nauwi na nga sa hiwalayan nitong huli. Mabuti na lang talaga, natauhan din si Jenna.             Tumutol pa nang kaunti si Lyndon subalit sa huli, pumayag din ito sa suhestyon na deadline ni Boss Chief Percy. Mayamaya pa, nagpirmahan na ang dalawang dating magkasintahan sa kasunduan. Pagkatapos niyon, agad din silang umalis sa barangay hall. Naunang umalis ang mukhang paa na si Lyndon at ang nasobrahan sa hinaharap na bagong nobya nito na si Elsa.             Agad na nalukot ang mukha niya nang makitang tinatanaw pa rin ni Jenna ang papalayong traysikel na sinakyan nina Lyndon at Elsa.             "O ano, sundan natin, gusto mo?" walang gana niyang tanong sa kaibigan, tunog insulto.             Bumaling si Jenna sa kanya, nanlalaki ang mga mata bago ngumiti na parang aso at hinawakan ang braso niya, "Pwede?"             Nag-overheat agad ang braincells niya, tuluyang nagshort circuit sa inis dahil juskohan lang naman talaga, nang magsabog ng katangahan si Bro salong-salo lahat ni Jenna!             "Gusto mo punta tayo sa ospital? Ang lala na niyang katangahan mo bes! Lumelevel-up araw-araw! Baka iba na ‘yan? ‘Di mo ba nakita? Nagmove-on na ‘yong tao o? s**o pa lang malulunod ka na. Kahit na pagpatungin mo pa itong future nating dalawa walang-walang panama do’n sa…" Napahawak siya sa s**o niya nang ‘di oras. "Kaya move-on ka na rin, puwede?"             Napahugot ng hininga si Jenna, naghihinanakit na tumitig sa kanya. Bigla siya tuloy nakonsensya. Umarangkada na naman kasi ang pagiging daldalera at taklesa nya. Gusto na nga niyang mag-sorry e, kaso bumira ang parehas niyang loka-loka ng,  "Nagmahal ka na ba? Minahal ka na ba?"             Napahilamos siya sa mukha nang wala sa oras. ‘Eto na naman si Jenna na diehard fan ng mga tagalog movies. Sinabi na nga ba't dapat ay ‘di niya ito hinayaang manood ng sine mag-isa. Alam niyang mag-aampalaya lang ito sa mahaba-habang panahon.  At heto nga, nag-umpisa na.             Walang sabi-sabing tinampal niya ang noo ng kaibigan.              "Aray naman!" mabilis na reklamo nito, sapo ang noo.             "Sus! Makareklamo 'to! Kanina habang nakakipagrambulan ka dun kay let-it-go (Elsa) ‘di ka naman umaaray a!" depensa niya.              "E siyempre, nando’n si Lyndon," nakalabing sagot nito.             Tumikwas ang nguso niya. “Lyndon na naman? Alam mo kung wala ako siguro do’n kanina, baka kinalimutan mo na lang ‘yong kinuhang pera sa ‘yo ng tukmol na ‘yon, ‘no?" aniya, nakamulagat. Hindi ito umimik, nagyuko lang ng ulo. Truli! Guilty ang kaibigan niyang marupok!              "Tara na nga, umuwi na tayo. Lalong lumalakas ‘yang saltik mo ‘pag gutom ka e," inis na sabi niya mayamaya bago sumakay sa traysikel na huminto sa kanilang harapan.             Nang tumigil sa tapat ng bahay ni Jenna ang traysikel, bumaba na rin siya. Ilang hakbang lang naman na ang gate nila mula roon.             "Alexa, puwede ka bang magbantay sa shop ngayon? Half-day lang kasi si Miley ngayon e kasi Sabado. Ako ang tumatao sa shop 'pag weekend ng hapon. Kaso..." Inilahad nito ang braso na may galos na natamo nito sa pagkikipagsabong kay Let-it-go.              Sandali siyang nag-isip. Yaman din lamang na nasira na ang schedule ng raket niya ngayong araw, might as well accept the job. Tutal naman, hindi iyon ang unang pagkakataon na tatao siya sa shop  nito. Umirap siya kunwari, para hindi halatang gusto niya ng raket na sinasabi ng kaibigan.             "Sige na nga! Kung ‘di lang kita kaibigan…" aniya,  hinaluan pa ng pag-ikot ng mga mata para effective.             "Salamat bes! Ikaw na talaga si Wonder BFF! Dali na, sigaw na ng Darna!" nakangiting udyok ng kaibigan.             "Anong darna? Hindi ‘yon ang isisigaw ko no?"             "E ano?" nalukot ang magandang mukha nto.             "Ganda! Da-da-da!" aniya at itinaas pa sa ere ang isang kamay, nakakuyom ang palad. Feel na feel!             "Hoy Ling! ‘Yan ka na naman!" anang Kuya Lui niya na nasa gate na pala ng maliit na bahay na minana nila sa yumaong tiyahan ng nanay niya. "Ganda?” Pumalatak ito at umiling. “Tanghaling tapat, nagtotoyo ka diyan! Pumasok ka na, gutom lang ‘yan!"              Napairap siya nang bongga, kumibot-kibot pa ang mga labi. Panira talaga ng buhay ang mga Kuya niya. Mabuti pa si Renz, ang bunso nila, mataas ang respeto sa kanya. Aba dapat lang! Siya ang nagpapaaral dito e.             Nahihiya siyang muling bumaling kay Jenna. "Kain lang ako tapos larga na ko sa puwesto mo," paalam niya sa kaibigan bago tuluyang pumasok sa gate nila.              Mabilis siyang kumain. Sigurado siya namumuti na ang mata ni Miley kakahintay sa relyebo nito. Nagbihis lang siya ulit ng pantalon at blouse bago patakbong lumabas ng bahay. Nasa gate na siya nang siyang tawagin ng Kuya Lui niya.              “Hoy Ling, may nakakalimutan ka," anito.         Tikwas ang ngusong siyang humarap sa kapatid. Prente itong nakasandal sa hamba ng pinto, tila hinihintay talaga ang kanang gagawin. Wala sa loob niyang tinaas ang kanyang kanang kamay at binigkas ang mga sumusunod: Ako si Alexa Hindi iibig sa mapera Diringgin ko ang payo ng aking mga Kuya Laging itatayo ang mithiin ni Gabriela Hind paaapi sa pakikibaka Laging ipagtatanggol ang karapatan ng kapwa At higit sa lahat, tutularan lagi si Maria Clara               "Ayos! Babye Ling!" anang kuya niya, nagthumbs-up pa bago muling pumasok sa bahay nila. Napairap siya nang wala sa oraas.             Kolehiyo siya nang pinasumpa-sumpa siya ng mga kuya niya nang imbentuhin ng mga ito ang Panata ni Alexa para daw iwas-disgrasya. At mula nga noon, ‘di siya pinapaalis ng bahay nang hindi namamanata. E ang kaso, bente-tres na siya. At hindi niya alam kung kalian siya tatantanan ng mga ito pamamanata!             Lihim siyang napailing. Nasisiguro niyang malakas din ang tagas ng toyo ng mga ito, naipasa lang siguro sa kanya. At siya pa talaga sa kanilang magkakapatid ang tinawag na Ling!          Wengya! Nailing niyang binuksan ang tarangkahan.              Pihado bumubula na ang bibig ni Miley kung hindi dahil sa gutom, malamang sa sagad-sagarang inis sa karelyebo nito. Pero hindi siya dapat magpadala sa stress. Dapat lang niyang kalmahan. Dahil ang stress, nakaka-wrinkles at nakakawala ng freshness.             Nagmadali siyang humugot ng Mentos sa kanyang bulsa upang gaya ng paniniwala nito, stay fresh lang siya sa susunod pang natitirang oras ng hapon.         Nakangiti siyang pumara ng traysikel pagkatapos.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD