"Nakers, wag masyadong tingin nang tingin. Baka malusaw ako, ikaw din," natatawang saway ni Alexa kay Json. Natawa naman ang pogi habang minamaniobra ang sasakyan pakanan. Pauwi na sila mula sa opisina at pwedeng sabihin ni Alexa na iyon na siguro ang pinakamasayang araw ng buhay niya. Dahil truli, ang pogi, pinagnanasaan din pala ang kagandahan niya! Sinasabi na nga ba't may patutunguhan din ang kagandahan niya e! Mayamaya pa, tumigil sila sa harap ng isang bagong tayong condo building malapit lamang sa opisina ng dV Devt. Corp. "O, anong gagawin natin dito? Akala ko ba uuwi na tayo?" tanong niya. Tinignan siya nito bago ngumisi. "Ibabahay kita, luv." "Ha? Juskohan! Kakasagot ko pa lang sayo a! Ano 'to, LBC Express!" naeeskandalong sabi niya, pinagkurus pa ang mga braso sa dibdib