Kanina pa tahimik na nakaupo ang buong sandatahan este ang buong pamilya ng mga Reyes sa kanilang sala. Kaharap nila ang poging manlulupig na si Json- na lihim na asawa niya. Lunok. Kurap. Dasal. Ulit. Relax si pogi, nakatukod ang dalawang siko sa tuhod nito, pangiti-ngiti pa nga e. Habang siya, halos maubusan na ng oxygen ang buong katawan. Nahihirapan siyang huminga. Hindi na siya magtataka kung mayamaya pa, bubulagta na lang siya sa sobrang tensyon. "Anong pangalan mo?" ang nanay niya na nasa bandang kaliwa niya, nasa kanan naman niya ang kanyang Kuya Lui. Ang kuya Rollie naman niya nasa bandang kaliwa nang nanay. Inokupa nilang apat ang mahabang sofa. Nakatayo naman sa likuran nila sina Renz at Paula, nakatutok din sa poging asawa niya na nasa pang-isahang upuan. Ang mga pama