"Everything is fine Json. Nabugbog lang nang kaunti ang hip area ng misis mo, hence the hematoma. I can give pain killers para ma-manage ‘yong sakit. Aside from that wala na akong nakikitang problema," pahayag ni Dr. Pedroza, ang family doctor ng mga dela Vega nitong suriin si Alexa Misis? Nagpanic siya. Nakatingin ang maldita. Kabilin-bilinan pa naman nito na ayaw nitong malaman ng iba na siya ang asawa ni Json. "A e… Doc, hindi po niya ako asawa. Ano lang po ako... ano lang... empleyada," nakangiting pagdadahilan niya. Ngumiti lang ang doktor bago mabilis na inayos ang mga gamit nito. Tumingin siya kay Json. Madilim ang mukha nito, mukhang hindi nagustuhan ang birada niya. "Thanks, Martin," sabi ni Gran sa doktor na agad ding nagpaalam pagkatapos. Mab