Chapter Four

1572 Words
Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang nangyari noong kaarawan ni Ace. Ang mga tinging ibinibigay niya sa akin at ang muntikan na niyang paghalik kung hindi lamang dumating ang kanyang kaibigan na si Frank. Ilang araw na ang lumipas pero pakiramdam ko ay sariwa pa rin ang lahat. Magmula noon ay lagi na akong sinasamahan ni Ace. Hinahatid pauwi at gusto niya ay lagi akong kasama kahit saan man siya magpunta. May parte sa akin na masaya dahil sa ginagawa niya pero may parte na kinakabahan dahil hindi ko alam kung totoo ba ang lahat ng ipinapakita niya sa akin o hindi. Hindi ko maintindihan kung may gusto ba talaga siya sa akin o nagbibiro lang siya. Kasalukuyan akong nasa loob ng silid aralan at pinagmamasdan ang notebook na ibinalik sa akin ni Ace. Sa totoo lang ay gusto kong ituloy ang kwento pero hindi ko alam kung saan sisimulan at kung paano. Huminga ako ng malalim at ibinalik ito sa loob ng aking bag. “Huy,” tumingin ako kay Yumi na kinalabit ako. Ngumuso siya, tinuturo ang pintuan sa labas. Nakita kong nakatayo doon si Ace, nakasilip at nakangiti sa akin. Kumaway siya na parang bata kaya natawa ako. Sinenyasan niya ako na lumapit na agad ko namang ginawa. Nabigla ako ng inabutan niya ako ng isang pulang rosas at tsokolate, “I miss you po,” nakangiting saad niya. Kumunot naman ang noo ko at marahang humalakhak. “Buong hapon naman tayong magkasama kahapon ah? Tapos nagkita rin tayo kaninang umaga.” Nagkamot naman siya ng ulo at ngumiti. “Kulang pa eh,” sagot niya, “Kain tayo sa labas mamaya ha? Pagkatapos ng klase mo puntahan mo ‘ko sa gymnasium, maglalaro lang kami.” “Tapos na ang klase namin. Hinihintay lang namin ni Yumi si Amaya,” sagot ko naman. Ngumiti siya at tumingin kay Yumi. Sinenyasan niya ito, nakita kong sumimangot si Yumi at tamad na lumapit, binuhat pa niya ang bag ko tapos ay inabot sa akin. “Sige na, sumama ka na at ako na ang maghihintay kay Amaya.” Humalakhak si Ace sa sinabi nito. “Thank you, Yumi. Bawi ako sa ‘yo next time, treat kita.” May ngiting sumilay sa mga labi ni Yumi at agad na tumango. “Sabi mo ‘yan ha?” humalik si Yumi sa pisngi ko tapos ay kumaway kay Ace. “Matagal ba ang laro niyo?” tanong ko habang naglalakad kami papunta sa gymnasiu, tumango naman siya. “Pero hindi na ako sasali. Mas gusto kitang makasama kaysa maglaro. Atsaka kung hihintayin mo pa ako baka titigan ka lang nila doon.” Namula na naman ako. “Ang dami mong alam,” puna ko sa kanya na tinawanan lang niya. “Isa lang kaya.” Sagot niya ng natatawa. “Ano? Magyabang?” biro ko. “Hindi ah. Ang mahalin ka.” Tingin ko ay mas lalo akong namula sa sinabi niya. Pagkadating namin sa gymnasium ay sinalubong siya ng mga kaibigan niya. Nangunguna dito si Frank at ang dalawang lalaki na kasama rin namin noong kaarawan niya na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kilala. “Game?” nakangising tanong ni Frank kay Ace, umiling naman si Ace. “Pass na muna ako. May lakad kami ng Kapitan ko.” Nakangiti niyang sagot tapos ay tumingin sa akin. Humiyaw naman ang mga kaibigan niya tapos ay pabiro siyang sinuntok. “Sige lang. Humayo kayo’t magpakarami!” Sigaw ni Frank kaya humalakhak na naman ang mga kasama niya, maging siya. Samantalang ako naman ay halos itago ko na ang mukha ko sa likod niya dahil sa pamumula ng magkabilang pisngi ko. Hinawakan ni Ace ang kanang kamay ko gamit ang kanyang kaliwang kamay habang naka-sabit sa kanang braso niya ang kanyang bag. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit hinahayaan ko siyang hawakan ang kamay ko kahit kailan niya gusto at mas lalong hindi ko alam kung ano ba talaga ang meron sa pagitan naming dalawa. Isa lang ang alam ko. Masaya ako kapag kasama ko siya at aaminin ko na hindi ko mapigilan na hindi mahulog sa kanya dahil sa ugaling ipinapakita niya sa akin. “Sino iyong tatlong lalaking kasama natin no’ng birthday mo?” tanong ko habang tinatahak namin ng magkahawak kamay ang daan patungo sa kanyang sasakyan. “Iyong maliit na medyo mataba ay si Jace, iyong matangkad naman na payat ay si Jerome, tapos iyong kulay dilaw ang buhok ay si Stan.” Sagot niya. “Ang cute pala ni Stan no? ‘Di ba siya ‘yong malaki rin ang katawan tapos may dimples? Mukha siyang koryano.” Tumingin sa akin si Ace at sumimangot. “Mukha kaya siyang bading. Mas malaki naman ang katawan ko sa kanya, may dimples din ako, wala lang kulay ang buhok ko kasi pangit tignan, parang jejemon ‘tsaka hindi lang singkit ang mga mata ko, pero maganda naman ang kulay.” Natawa ako sa mahabang sinabi niya. “Wala naman akong sinasabi ah? Ang sabi ko lang cute siya.” Depensa ko sa sarili. Mas lalo naman siyang sumimangot. Hinarap niya ako pagkarating namin sa harap ng kotse niya. “Ano ba talaga ako sa ‘yo?” tanong niya. Napawi ang mga ngiti ko nang makita ang kaseryosohan ng kanyang mukha. “I-Ikaw, ano ba talaga ako sa ‘yo?” balik tanong ko sa kanya. Mahigpit niyang hinawakan ang mga kamay ko tapos ay marahang pinisil. Nagulat ako nang marahan niyang idinampi ang mga labi niya sa noo ko at binigyan ako ng isang matamis na ngiti. “Mahal kita. Simula noong mga bata pa tayo hanggang ngayon. Lahat ng ginagawa ko para sa ‘yo, binago ko ang sarili ko at nagpakabarumbado kasi akala ko badboy ang gusto mo, nag-aral ulit ako at nagsikap kasi sinabi mo na hindi talaga iyon ang gusto mo, at kahit na lumipat kami, lagi pa rin kitang tinitignan mula sa malayo. Mula noon hanggang ngayon. Hindi pa ba halata? Mahal kita, Heart. Mahal na mahal. Hindi ko alam kung paano kita paniniwalain gamit ang salita kaya ipinaparamdam ko na lang.” Saglit na namayani sa amin ang katahimikan. Nagulat ako nang iangat niya ang mga kamay ko, dinampian ng marahang halik tapos ay itinapat sa kanyang malapad na dibdib. “Hindi mo pa rin ba nararamdaman?” mahina ngunit puno ng emosyon na tanong niya. Nararamdaman ko ang mabilis na t***k ng puso niya. “N-Nararamdaman.” Ngumiti naman siya at agad akong niyakap ng mahigpit. “Eh ako, ano ba ako sa ‘yo?” tanong niya habang yakap yakap ako. “M-Mahalaga.” Hindi ko alam kung bakit ito ang lumabas sa bibig ko. Humiwalay siya ng yakap sa akin tapos ay tumango, malawak ang ngiti na kanyang pinakawalan. “I don’t want you complimenting other guys,” saad niya at marahang hinaplos ang aking mukha. Hindi naman ako makasagot, “Can you promise me that, baby?” Huminga ako ng malalim at tumango. Agad naman niya akong niyakap at hinalikan ulit sa noo. “Good. Now let’s go.” Pinagbuksan niya ako ng pinto, agad naman akong pumasok sa loob ng kanyang sasakyan tapos ay pinanuod ko siyang lumipat sa kabila upang makasakay na rin. Ipinatong ko sa harapan ang rosas na ibinigay niya sa akin tapos ay binigyan siya ng isang matamis na ngiti. “Saan tayo pupunta?” tanong ko. “Kahit saan mo gusto.” “Paano ‘yan, gusto ko sa Paris?” nakangisi kong sagot. Marahan naman siyang humalakhak at tumango. “Sige, pero pagkatapos na ng kasal natin,” tumingin siya sa akin habang nagmamaneho, “Doon ang honeymoon natin.” Namula ako sa sinabi niya at dinaan na lang ito sa pagtawa. “Joke lang.” marahan na naman siyang humalakhak. Hindi ko alam kung bakit pero para sa akin ay napaka-perpekto ng kanyang pagtawa. Lalaking lalaki at nakaka-tuwang pakinggan. “Saang restaurant mo gusto?” tanong niya sa akin habang ang mga mata ay hindi nililisan ang daan. “Fast food Chain na lang. Parang gusto ko ng fries atsaka coffee float, eh.” Tumango siya at ngumiti sa akin. “Wala pa man naglilihi ka na?” hinampas ko ang braso niya at tinawanan siya. “Adik ka. Kapag ba may gusto akong kainin ibig sabihin buntis na agad?” marahan naman siyang humalakhak. “Eventually, doon din naman ang punta natin. Pero siyempre gusto ko pagkatapos nating mag-aral at ikasal. Matutuwa panigurado sina Mama at Papa.” Namula ako sa sinabi nito at umiling. “Parang sigurado ka na, na ako talaga ang pakakasalan mo ha?” Tumango ulit siya. “Never been this sure in my entire existence, baby.” Ngumuso ako. Nag-isip ng kung ano pang itatanong para lang may mapagusapan kami. “Paano kung baog pala ako?” natatawang tanong ko. “What kind of question is that?” natatawang tanong niya habang nakasimangot. “Paano nga? Kunwari lang naman,” humalakhak siya at umiling. “Ayos lang. Basta ikaw pa rin ang gusto kong makasama habang buhay,” nakangiti niyang sagot. Napangiti naman ako at marahang tumango. “Basta gusto ko apat na anak,” saad ko na ikinatuwa naman niya. “I like that idea.” It’s really a wonderful feeling knowing that the person you love is thinking the future life with you.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD