Prologue
"Mahirap kumapit kung ang kinakapitan mo ay parang gusto ka nang bitawan."
I’m watching Ace as he was looking at his self in front of the mirror while putting his necktie even if I know that he didn’t know how to do it properly. Huminga ako ng malalim at nagpasyang bumaba na upang ihanda na sa hapag kainan ang kanyang agahan. I love Ace. I really do. But I can’t help but to wonder if he still loves me.
“Ace, iniluto ko ang paborito mo, mag-agahan ka muna?” Anyaya ko sa kanya pagkababa niya ng hagdan mula sa aming silid sa ikalawang palapag.
“I’m in a hurry.” Simpleng sagot niya at nagpatuloy sa paglalakad palabas ng bahay. Mataman ko siyang pinagmasdan at hinayaan na lang.
Just like the usual, I felt unwanted.
Nagpasya akong iligpit ang pagkaing nakahanda at sundan siya. I just want to see how important that thing he’s going to do. Nakita kong pumasok si Ace sa loob ng isang mamahaling restaurant. Pagkapasok niya ay nagpasya akong mas lumapit pa upang mas makita siya.
Hinalikan ni Ace sa pisngi ang babaeng sumalubong sa kanya at ngumiti siya rito.
Mapait akong napangiti nang makita kung gaano kasaya si Ace habang kausap si Amaya. Hindi ko gustong masaksihan ito. Hindi ko gustong makita na may ibang nakakapagpasaya sa kanya bukod sa akin ngunit masyadong marumi maglaro ang tadhana.
I can’t give Ace the only thing that he always wanted. Family.
May namuong luha sa mga mata ko kaya bago pa nila ako makita ay umalis na ako sa lugar. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako samanatalang alam ko sa sarili ko na ito ang gusto ko. Gusto ko na maging masaya siya.
Nagpasya akong puntahan si Yumi para may makausap. Hindi ko rin naman kayang manatili sa bahay na mag-isa lalo’t nalulungkot ako. Pagkadating ko sa apartment na tinutuluyan ni Yumi ay agad ko siyang nakita na nagdidilig ng halaman.
“H-Heart?” tawag niya sa pangalan ko nang makita akong matamang nakatitig sa kanya. Ngumiti ako ng mapait at alam kong alam na agad niya na may problema ako. Agad niyang binuksan ang gate at pinapasok ako. “Umupo ka muna, I’ll just get something to drink.” Marahan akong tumango at pinanuod siyang maglakad patungo sa kanyang kusina.
Alam ko na dahil sa kagagawan ko ay unti-unti nang nawawala sa akin si Ace. Pero nangyari na ang hindi dapat na mangyari. Kung sabihan man akong tanga ay wala na akong magagawa. All I want is for him to be happy.
“What happened?” tanong ni Yumi at inilapag ang isang baso ng tubig sa lamisita na nasa harapan ko.
“W-Wala naman,” nakangiti kong sagot kahit na halatang may pinagdadaanan ako. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na nakita ko si Ace na may katagpong ibang babae. Bukod sa hindi iba si Amaya dahil sa kaibigan ko rin siya, ay paano kung tungkol lamang sa trabaho ang pinaguusapan nila?
“Si Ace na naman at si Amaya?” hindi ako nakasagot sa tanong ni Yumi. I can say that she knows me enough to know what’s running on my mind.
“H-Hindi.” Pagtanggi ko kahit na iyon ang totoo.
“Come on, Heart. Sa akin ka pa ba magsisinungaling? Sinabi ko naman kasi sa ‘yo na noong una pa lang ay huwag mo nang gawin ‘yan, kita mo ngayon ikaw ang nasasaktan,” tama siya. Pero ayokong maging makasarili. Ayokong itali si Ace sa isang bagay na alam kong hindi siya magiging masaya.
“Oo nasasaktan ako. Pero ginusto ko ‘to. I can’t give him a happy family he always wanted and he’s always dreaming of having and if one day he’ll ask for an annulment, then so be it.” Napailing si Yumi sa sinagot ko at pagak na tumawa.
“Talaga, Heart? Kung ganoon naman pala bakit hindi na lang ikaw ang humingi ng annulment para hindi na tumagal pa ang pagdurusa mo?” hindi ako nakasagot. Sa totoo lang ay hindi ko alam ang sagot. Alam kong tama siya.
“A-Ayokong isipin niyang ako ang sumuko. Ayokong sa oras na maghiwalay kami ay may maisusumbat siya. Sila.” Marahil ay totoo ang sinabi ko dahil iyon talaga ang nararamdaman ko. Pero sa totoo lang ay hindi ko talaga alam ang sagot.
“Wow, Heart! Ang dapat sa ‘yo pinapatayuan ng monumento sa tabi ni Rizal,” hindi ako sumagot. Ilang sandali na namayani sa amin ang katahimikan bago siya nagpasyang basagin ito, “Ano, masakit?” tanong niya sa akin. Tumango naman ako at binigyan siya ng pagod na ngiti.
“It hurts. It really is. But he deserves to be happy so I’ll just keep this pain to myself.” Napailing na naman si Yumi sa sinabi ko.
“Alam mo, ewan ko na sa ‘yo ha? Why don’t you just talk to him and settle this once and for all? Atsaka akala ko ba hindi itinuloy ni Amaya ang gusto mong mangyari?” huminga ako ng malalim at ipinikit ang mga mata.
“I… I don’t know.”
“Don’t say you don’t know, Heart. Hindi pwedeng hindi mo alam. Magdesisyon ka na ngayon pa lang.” marahan akong tumango at yumakap sa kanya.
“Thank you, Mi.” naramdaman kong niyakap din niya ako at marahang hinaplos ang likod ko na tila pinapagaan ang loob ko.
Pagkatapos kong makipagusap sa kaibigan ko ay nagapasya na akong umuwi at hintayin na lang sa bahay si Ace. Tama si Yumi, kailangang kausapin ko si Ace at linawin na ang lahat. Siya rin naman na hindi na kami nakakapagusap at parang wala na sa kanya ang lahat ay kailangang pagusapan na namin ng maayos kung tatapusin na ba namin ito o hindi pa.
Sa totoo lang ay gusto ko pang kumapit kahit na ang totoo ay hinihintay ko na lang siyang bumitaw. Pero mukhang malabo na ang lahat para sa aming dalawa. Mahirap kumapit kung ang kinakapitan mo ay parang gusto ka nang bitawan.
Kinagabihan ay nagluto ako ng hapunan at hinintay si Ace para makasabay sa pagkain. Alas siyete ng gabi nang dumating siya at agad ko siyang sinalubong.
“Ace, kain na tayo ng hapunan? Nagluto ako ng adobo, paborito mo ‘to hindi ba?” Anyaya ko sa kanya habang inaayos sa hapag kainan ang pagkaing niluto ko. Ganito rin ang niluto ko para sa agahan pero hindi siya kumain kasabay ko kaya naisipan kong magluto ulit nito.
“Kumain na ako.” Simpleng sagot niya at naglakad patungong ikalawang palapag. Huminga ako ng malalim at nagpasyang sundan siya.
“S-Saan ka kumain?” mahinahong tanong ko sa kanya habang hinuhubad niya ang unipormeng suot galing sa trabaho.
“Sa labas.” Simpleng sagot niya at hindi man lang ako tinignan. Ramdam ko ang lamig ng pakikitungo niya sa akin.
“Sinong kasama mo? Si Amaya na naman?” hindi ko gusto pero medyo nairita ako sa ideya kahit na alam ko sa sarili ko na ako ang may kagagawan ng lahat. Sarkastikong tumawa si Ace tapos ay hinarap ako.
“Kinu-kwestiyon mo ba ang pagsama ko kay Amaya?” sarkastikong tanong niya. Huminga ako ng malalim bago marahang umiling.
“Ace, hindi naman sa ganoon-”
“Then what!?” nagulat ako sa pagsigaw niya, “I don’t get you! Akala ko ba gusto mong maging kami ni Amaya? Hindi ako tanga, Heart! Eh ano ngayon ang ikinagagalit mo? Heto na, nagkakamabutihan na kami kung iyon ang gusto mong marinig, ito naman ang gusto mo ‘di ba?”
“A-Ace, hindi ako galit…”
“Bullshit! Bakit hindi mo na lang sabihin kung gusto mo nang makipaghiwalay sa akin, ha!?” may namuong luha sa mga mata ko sa isinigaw niya.
“Kasi Ace ayokong baliin ang pangako ko sa ‘yo kahit na nasasaktan na ako. Ayokong isipin mo na sinusukuan na kita kahit na sobrang sakit na.” mahinang sagot ko sa kanya.
Gusto kong panatilihing kalmante ang boses ko ngunit alam kong bigo ako nang mabasag ito dahil sa luhang tumatakas mula sa aking mga mata.
“Nasasaktan? Ikaw pa ang magsasabi niyan, Heart? Hindi mo alam kung gaano nakakatakot at nakakapagod ang isiping kaya mo ako-”
“Akala mo ba ikaw lang ang nasasaktan? Akala mo ba ikaw lang ang napapagod? Akala mo ba ikaw lang ang natatakot? Ako rin, Ace. Siguro hindi ko pinapahalata pero sobra na akong nasasaktan. Sobra na rin akong napapagod na paniwalain ang sarili ko na mahal mo pa ako at natatakot akong magising na baka isang araw ay hindi ko na rin kayang paniwalaan ang sarili ko!” natahimik siya nang sumigaw na ako.
“Ace, hindi mo alam ang pakiramdam na halos ipamukha sa ‘yong hindi ka dapat maging masaya at dapat ay pakawalan na lang kita nang dahil lang sa isang bagay na hindi mo kayang magawa. Paulit-ulit Ace. Paulit-ulit ipinapamukha sa akin na hindi dapat ako ang asawa mo at ang mas masakit pa, pati sa ‘yo paulit-ulit ko iyong nararamdaman.”
Hindi pa rin siya sumagot, nanatili lang siyang nakatingin sa akin. Halata sa mukha niya ang pagkalito at hindi ko alam kung bakit.
“Pagkagising mo ng umaga hindi mo man lang ako matignan ng maayos na akala mo ay may sakit ako na nakakahawa. Gusto kitang lapitan para ayusin ang kurbata mo pero lagi kang nagmamadali at halatang iniiwasan mo ‘ko. Aaminin ko, kinausap ko si Amaya na makipaglapit sa ‘yo kasi akala ko iyon ang tama, na iyon ang tanging paraan para manatili sa ‘yo ang lahat ng pinaghirapan mo at para magkaroon ka ng isang bagay na matagal mo ng gusto. Sorry Ace, sorry kung naisipan kong gawin ang ginawa ni Lola Belinda kay Lolo Jose,” halata pa rin ang gulat sa mukha niya.
“Minsan gusto kitang lapitan at kausapin pero iniiwasan mo ‘ko. Kapag gabi gusto kitang yakapin at sabihing nasasaktan ako pero tumatalikod ka at ni minsan gusto ko ng isigaw sa pagmumukha mo na sana naman huwag mo ‘kong pagmukhaing walang halaga kasi Ace… nasasaktan ako. Kung nagagalit ka dahil sa ginawa ko, pasensiya na. Iyon na lang kasi ang tanging paraan na alam ko para maging masaya ka. Para hindi mawala sa ‘yo ang lahat ng pinaghirapan mo.”
“Mahal kita Ace kaya hindi bale nang ako ang mabasag at masaktan basta manatili kang buo kasama ang pangarap mo. Pero Ace, napapagod na talaga ako.”
Nang wala akong marinig mula sa kanya ay nagpasya akong lumabas ng silid namin at bumaba para iligpit ang inihandang pagkain habang walang humpay ang mga luha ko sa pagtulo at alam kong wala namang kakain nito, pagkatapos ay nagtungo ako sa kabilang silid para magamit pansamantala.
Nang gabing iyon ay hindi ako makatulog. Hindi ko na alam kung anong iisipin ko. Tama si Lola Lira, kung maghihiwalay kami ni Ace, darating ang araw na malilimutan din namin ang nararamdaman namin para sa isa’t isa. Hindi man mawala ang sakit ay makakasanayan ko naman. Mahal ko si Ace ng sobra at hindi ko kayang maging makasarili kung alam kong hindi naman siya sasaya.
Maybe we really need to end this.