Iginala ko ang mga mata ko sa kabuuan ng lugar kung saan ako dinala ni Ace. It’s actually a vacant lot where all you can see are grasses and trees. The cold thin refreshing air embraced my whole body, sending shivers down my spine.
“Ano bang ginagawa natin dito?” tanong ko sa kanya habang pinapanuod siyang ilatag ang kumot sa damuhan na nasa ilalim ng puno ng mangga.
“Chilling,” simpleng sagot niya at agad na humiga sa kumot na inilatag niya sa damuhan. Ngumiti siya sa akin at tinapik ang pwesto sa tabi niya.
“Sa inyo ‘to?” tanong ko at umupo sa tabi niya.
“Sa ating dalawa,” nagulat ako sa sinabi niya, agad na kumunot ang noo ko at matamang tumitig sa gwapo niyang mukha, “I bought this months ago thinking that it’s a perfect place to build a family with,” nakangiting dagdag niya, “Ilang buwan na lang matatapos na tayo sa pagaaral kaya binili ko ito gamit ang ipon ko. Ipinangalan ko sa ating dalawa.” Nakangiting saad pa niya.
“Ace, hindi mo naman dapat na gawin pa ito.” Tugon ko, marahan naman siyang tumango.
“Alam ko, pero gusto ko,” sagot niya at umupo, “Will you be my girlfriend?” tanong niya, I was taken aback at his sudden question.
Matagal na ring nanliligaw sa akin si Ace at sa totoo lang ay ito ang hinihintay kong tanong niya para maging opisyal na kami. Ngumiti ako sa kanya at marahang tumango. Malawak na ngiti naman ang pinakawalan niya at agad akong niyakap.
“Finally! After months of pursuing you,” tama ang sinabi niya. Halos ilang buwan na rin magsimula nang manligaw siya at sinabi niya sa aking mahal niya ako.
Marahil ay mabilis lumipas ang araw, at iyon ang nararamdaman ko kapag kasama ko siya. Parang kaming dalawa lang ang tao sa mundo.
“I-Ipapa-alam ba natin agad kina Nanay at Tatay?” tanong ko, tumango naman siya at ngumiti.
“Kahit kina Mama at Papa, doon din naman ang punta ng lahat bakit patatagalin pa, hindi ba?” tumango na lang ako. Mahal ko si Ace iyon ang totoo.
Nagsimula akong makaramdam ng kakaiba para sa kanya noong mga bata pa kami, iyon din ang dahilan kung bakit isinulat ko ang kwento nina Spade at Diamond na hanggang ngayon ay wala pang title. Tama si Ace, sa kwentong iyon ay siya si Spade at ako naman si Diamond.
Noong una, akala ko ay simpleng pagkakagusto lang ang nararamdaman ko sa kanya na normal lang sa isang bata, lumipat sila ng bahay at unti-unti itong nawala, iyon ang akala ko.
Kahit na hindi na kami magkapit-bahay kagaya ng dati ay madalas pa rin kaming nagkakasalubong dahil iisang paaralan lang ang pinapasukan namin noong high school, iisang unibersidad ang pinapasukan ngayong college, at ang nararamdaman na akala ko ay nawala na noon ay bumalik na naman nang lagi ko ulit siyang nakakasama.
“Nasimulan mo na ba ang kwento natin?” nakangiting tanong niya, ipinulupot niya ang kanang kamay sa bewang ko at ipinatong ang baba sa balikat ko. Umiling naman ako at ngumiti.
“Hindi pa,” sagot ko, “hindi ko kasi alam kung paano ko uumpisahan.” Dagdag ko. Ngumiti naman siya at marahang tumango.
“Maganda naman ang nasimulan mo, dagdagan mo na lang kapag kasal na tayo,”
Sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano ko talaga uumpisahan, marahil ay tama siya. Pwede akong makakuha ng ideya na mailalagay sa nobelang iyon kapag tumagal pa ang relasyon namin.
“Ano nga pala ang meron kina Yumi at Frank?” tanong ko sa kanya. Alam ko na alam niya kung anong meron sa pagitan nina Yumi at Frank dahil matalik na kaibigan niya ito.
Sinubukan kong tanungin si Yumi tungkol dito pero ang sinabi niya ay wala. Iba ang kanyang kasagutan sa kung anong napapansin ko.
“Well, Frank told me that he wants to court Yumi.”
“Mabait naman ba yang kaibigan mo na ‘yan? Baka paiyakin lang si Yumi ha?” marahan namang humalakhak si Ace at umiling.
“Frank might be a kind of a jerk sometimes but he never played someone’s heart. Matagal ko na siyang kilala at alam kong hindi niya liligawan kung hindi niya talaga gusto.” Tumango-tango ako sa sinabi niya.
“Mabuti naman,”
“Can we just not talk about them? Let’s talk about us.”
“Ano namang tungkol sa atin eh mukhang preparado mo na ang lahat? Sinabi mo na nga na pakakasalan mo ako samantalang hindi pa ako pumapayag,” humalakhak na naman siya na nagibigay ng kakaibang kiliti sa kaliwang pisngi ko.
“Ayaw mo ba?” kahit hindi ako nakatingin sa mukha niya ay ramdam ko ang kanyang malapad na ngiti.
“Gusto,”
“Good.”
“Uwi na tayo? Baka hanapin ako ni Nanay at Tatay,” anyaya ko sa kanya nang mapansing papalubog na ang araw.
“Sige, basta sa inyo ako kakain ng dinner ha? Para masabi na rin natin kina Tito at Tita na tayo na.”
“Hindi mo pa nga ako nililigawan nababasa ko na sa utak nila na iniisip nilang tayo.” Tumawa siya at tumayo, inilahad ang kanang kamay upang suportahan ako sa pagtayo.
“Hindi ba nga matagal na akong nagpaalam kay Tito Arnold na liligawan kita?” naalala ko ang kwentuhan nila ni Tatay noong unang beses itong sumabay ng hapunan sa amin. Na bago pa lamang sila umalis at lumipat ng bahay ay nagpaalam na siya kay Tatay na manliligaw siya sa akin.
“Halika na nga.” Agad naman naming nilisan ang lugar at umuwi na sa bahay.
“What date is it today?” tinignan ko siya na puno ng kuryosidad bago sinagot ang kanyang tanong.
“April sixteen, bakit?” ngumiti na naman siya.
“It’ll be our anniversary.” Saad niya na hindi inaalis ang ngiti sa kanyang labi.
Hindi ko alam kung kailan ba titigil ang lalaking ito sa kakangiti. Hindi naman sa ayaw ko siyang nakikitang nakangiti pero pakiramdam ko ay mas gusto ko na lang siyang titigan ng maghapon at magdamag kapag nakangiti siya.
Ace is really something. He has this effect on me that I couldn’t comprehend, something that’s giving me life inside.
“Araw-araw ang date niyo ha?” panunukso ni Boyet nang makapasok na kami sa loob ng bahay.
“Buti naman at nandito na kayo, kakain na.” si Nanay ang nagsalita, nasa kusina siya at kasalukuyang inihahanda ang mga pagkain. Agad naman kaming lumapit ni Ace, nagmano siya kina Nanay at Tatay tapos ay umupo sa tabi ko.
“Saan ba kayo galing?” si Tatay naman ang nagtanong.
“Ipinakita ko lang po iyong lote na binili ko para sa amin ni Heart.” Parehong natigilan sina Nanay at Tatay tapos ay nagtinginan. Hinawakan naman ni Ace ang kaliwang kamay ko.
“May balak na kayong bumuo ng pamilya?” tanong ni Tatay. Kinabahan naman ako sa tono ng boses niya na tila hindi nasisiyahan sa sariling tanong at natatakot sa magiging sagot.
“Hindi po, Tito. Hindi naman po kami nagmamadali, pero kung ayos lang po sana sa inyo ay kasalan na agad pagkatapos namin sa kolehiyo.” Napahinga ng malalim si Tatay at ngumiti.
“Mabuti pa nga. Pinakaba niyo ako, akala ko naman ay bubuo na kayo agad ng pamilya.” Nakahinga rin ako ng maluwag sa sinabi ni Tatay.
“P-Payag ho kayo?” hindi makapaniwalang tanong ni Ace kay Tatay. Marahan naman itong humalakhak.
“Saan pa ba pupunta ang relasyon niyo? Matagal-tagal na rin naman kayo, itong Nanay niyo nga kung hindi lang ako pinikot aba’y hanggang ngayon kaliwaan pa rin ang mga babae ko.” Biro ni Tatay, tumawa naman si Ace nang kurutin ni Nanay ang tagiliran ni Tatay.
“Anong sinasabi mo Arnold, hindi ka na nahiya sa mga bata.” Reklamo naman ni Nanay.
“Biro lang mahal.” Natuwa ako sa nasaksihan.
Ganito rin kaya ang kalalabasan ng relasyon namin ni Ace pagkalipas ng ilang taon?
“K-Kanina lang po naging kami.” Pag-amin naman ni Ace.
“’Di bale, matagal ka namang nanligaw.” Saad ni Tatay.
Buong hapunan ay nagkwentuhan lang sila ng kung ano-anong bagay. Hindi ko alam kung may mas isasaya pa ang araw na ito.
“Sa amin ka na lang magdinner bukas? Para masabi ko na rin kina Mama na tayo na.” saad ni Ace. Kasalukuyan kaming nasa labas ng bahay namin dahil nagpaalam na siya na aalis na. Tumango naman ako at ngumiti.
“Sige,”
“Susunduin kita ng maaga ha? Date muna tayo tapos tuloy na tayo sa amin.” Nakangiting saad niya, tumango na lang ako at ngumiti. Nagulat ako nang bigla niya akong hilain palapit sa kanya at nang paglapatin niya ng mabilis ang aming mga labi.
Sunod-sunod na pagkurap ang ginawa ko at tumitig sa nakangisi niyang mukha.
“See you tomorrow?” hindi ko alam ang isasagot ko kaya tumango na lang ako, “I love you po.” Nakangiti pa rin siya, “H-Hey, I’m waiting for an answer.” Nakasimangot na dagdag pa niya. Saka ko lang napansin na tulala pa rin pala ako.
“W-Wala ka namang tanong.”
“Hindi lang naman tanong ang sinasagot ‘di ba?” parang batang saad niya, “minsan hindi mo na kailangan ng tanong para sumagot dahil sapat na ang nararamdaman,” nakangiting dagdag niya, “I love you” ulit niya, ngumiti ako.
“Thank you.” Mas lalo siyang sumimangot sa naging sagot ko kaya agad ko siyang niyakap, “I love you rin po.” Naramdaman ko ang kamay niya na yumakap sa akin ng mahigpit bago siya nagpa-alam at umalis na.