Marahan kong iginala ang mga mata ko mula sa labas ng bahay nina Ace nang igarahe niya sa labas ang kanyang sasakyan. Mula sa labas ay isinisigaw na nito ang karangyaan ng buhay nila. Saglit akong tumingin kay Ace at nginitian siya.
“Si Yumi?” tanong ko sa kanya pagkababa namin ng kanyang sasakyan.
“Baka nasa loob na kasama si Frank.” Ang tinutukoy niya ay ang kanyang kaibigan. Marahan naman akong tumango at sinabayan siya sa paglalakad papasok sa kanilang bahay.
Hindi karamihan ang mga bisita niya kagaya nang sinabi niya sa akin. Sa tingin ko ay mga malapit lang na kaibigan at mga kamag-anak nila. Sa kabilang banda ay nakaupo sina Yumi at Frank, may tatlo pa silang kasamang lalaki at isang babae na hindi ko kilala ngunit pamilyar ang mga mukha. Marahil ay sa kaparehong unibersidad namin sila nagaaral.
Nilapitan namin sila ni Ace, sinalubong naman ako ni Yumi ng isang matamis na ngiti at yakap.
“Dito ka sa tabi ko,” tumango ako at agad na umupo sa tabi ni Yumi.
“You must be Heart?” nakangiting tanong ng babae, tumango naman ako at ngumiti, “Amaya,” inilahad niya ang kanang kamay niya na tinanggap ko naman, “Totoo nga na maganda ka,” namula ako sa sinabi niya at ngumiti na lang.
“N-Nice to meet you.” Saad ko.
“She’s my cousin,” si Yumi ang nagsalita. Kaya pala halos magka-mukha silang dalawa. Pero para sa akin ay mas maganda parin si Yumi na halata sa mukha ang pagka-dugong hapon, “malakas ang tama niyan kay Ace, pero huwag kang magalala, tanggap naman niya na ikaw ang gusto ni Ace, kaya nga sinagot niya si Stan eh.” Natatawang dagdag ni Yumi na hindi ko na lang binigyan ng pansin.
“Ayos ka lang ba?” tumingin ako kay Ace na nakaupo sa tabi ko.
“Oo naman.” Nakangiti kong sagot. Tumango naman siya at tumayo.
“Alam ni Mama at Papa na pupunta ka. They actually wants to see you,” medyo kinabahan ako sa narinig pero marahan akong tumango.
“S-Sige. Para ma-kumusta ko rin sila.” Sabay kaming tumayo at nagpa-alam sa mga kasama namin sa mesa. Umakyat kami sa ikalawang palapag at tahimik na naglakad. Hindi ko akalain na ganito pala kalaki ang bahay nina Ace na mula labas hanggang loob ay sumisigaw ng karangyaan.
“Ma, Pa,” bati ni Ace nang makarating kami sa balkonahe. Doon ko nakita ang kanyang mga magulang na nakaupo sa isang magarang upuan at may kausap na sa tingin ko ay mga kaibigan o kamag-anak nila.
“Ace,” nakangiting bati sa kanya ng kanyang ina at hinalikan siya sa pisngi. Tumingin naman siya sa akin at ngumiti, “Heart? How are you sweety?” lumapit siya sa akin at hinalikan din ako sa pisngi.
“Okay lang po T-Tita Lana, kumusta po?” magalang na tanong ko. Hindi ako makapaniwala na ang bata pa rin niya tignan.
“Pretty fine.” Nakangiti niyang sagot at humarap sa mga kausap niya.
“This is Heart, Ace’s…” tumingin siya kay Ace na tila nagtatanong.
“Friend,” nakangiting sagot ni Ace. Sinimangutan naman siya ni Tita Lana, “But soon to be my wife,” biglang napangiti si Tita at Tito tapos ay marahang humalakhak. Namula naman ako sa sinabi niya.
“Hija,” lumapit ako sa Papa ni Ace at ngumiti. Niyakap naman niya ako, “Long time no see.” Tumango na lang ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.
“We’ll just go downstairs Ma. Heart must be hungry,” paalam ni Ace.
“Sure. Feel at home, hija.” Nakangiting tugon ni Tita Lana. Tumango naman ako at nagpasalamat tapos ay bumaba na kami ni Ace.
Akala ko ay babalik na kami sa pwesto ng mga kaibigan namin, pero hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa may kusina.
“Let’s eat first?” anyaya niya. Kumunot naman ang noo ko.
“Paano sina Yumi?”
“Kumain na siguro sila.” Tumango naman ako at ibinaling ang tingin sa mesa na puno ng iba’t ibang putahe.
Kumuha si Ace ng dalawang plato, akala ko ay iaabot niya sa akin ang isa pero siya ang naglagay ng napakaraming pakain dito.
“Paraa kanino ‘yan?” ngumiti siya at marahang humalakhak.
“Sa ‘yo.” Sinimangutan ko siya.
“Ang dami. Hindi ko ‘yan mauubos,” reklamo ko na tinawanan lang niya.
“Just try, baby. Gusto ko tumaba ka, ayokong tinitignan ka ng ibang lalaki.” Natahimik ako sa sinabi niya at tinanggap na lang ang inaabot niyang pagkain.
Bumalik kami sa pwesto ng mga kaibigan namin at nagpasya na doon na lang kumain. Hindi ko pa nakakalahati ang ibinigay ni Ace ay nabusog na ako kaya ipinuwesto ko ang plato sa mesa kung saan may mga nakalapag na alak na iniinom ng mga kaibigan namin.
“Are you okay?” tanong ni Ace sa akin kapagkuwan. Tumango naman ako.
“Hindi ka iinom?” tanong ko, ngumisi siya at umiling. Pansin ko na medyo may tama na ang mga kasama namin sa mesa dahil puro tawanan at kwentong walang kabuluhan na lang nila ang aking naririnig. Maging sa Yumi ay halatang tinamaan na dahil sa pula ng mukha.
“I need to give you something,” napatingin ulit ako kay Ace na nagsalita.
“Ano? Dapat nga ako ang may ibigay sa ‘yo eh. Pasensiya na ha? Bawi na lang ako sa susunod.”
“It’s fine. Come on,” hinila niya ang kamay ko paakyat ulit sa ikalawang palapag. Pumasok kami sa isang silid na sa tingin ko ay pagmamayari niya.
Pagkapasok namin sa silid ay binitawan niya ang kamay ko at naglakad papunta sa kanyang aparador. Marahan naman akong naglakad at iginala ang tingin sa kabuuan ng silid. Malinis ito. Nag-aagawan ang kulay abo at puti na pintura sa pader. Umupo ako sa kama niya tapos ay tinignan siya na parang may hinahanap.
“Gotcha!” ipinakita nito sa akin ang pamilyar na notebook na may disenyong Hello Kitty. Marahan akong natawa at napa-iling. Iniabot niya ito sa akin at umupo sa tabi ko, “Ituloy mo ang kwento natin ha?” mataman ko siyang tinignan bago marahang tumango.
“Paano ka nakakasigurado na ikaw nga ang Hero dito?” nagkibit siya ng balikat at ngumiti.
“Nararamdaman ko lang. What’s the title of it anyway?” saglit akong nagisip.
“Hindi ko pa alam eh. Siguro saka ko na sasabihin sa ‘yo kapag natapos ko na.” Saglit na namayani sa amin ang katahimikan bago niya ito basagin ulit.
“Hey…” tumingin naman ako sa kanya. “I-It’s my birthday, right?” hindi ko alam kung bakit pero biglang bumilis ang t***k ng puso ko sa tanong niya.
“O-Oo.” Ngumisi ito.
“Since you don’t have any present for me, I want to tell you one thing,” hindi ako sumagot. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya, hinihintay ang kanyang susunod na sasabihin, “I’ll court you.” Napasinghap ako sa narinig at nag-iwas ng tingin.
Hindi ito ang unang beses na sinabi niya ito ngunit iba pa rin ang pakiramdam ko. Gusto ko mang pigilan pero bumibilis ang t***k ng puso ko.
“P-Pinagtitripan mo na naman ako eh.” Saad ko na hindi makatingin sa kanya. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at naramdaman ko ang malapad niyang mga kamay na humawak sa mga kamay ko.
“Hindi, Heart. Nagsasabi ako ng totoo. Kaya nga hindi ako nagpapa-alam kasi gusto kong iparamdam mismo sa ‘yo. Naniniwala kasi ako na mas matimbang pa rin ang gawa kaysa sa salita. Hindi pa ba halata?” hindi ako makasagot. Huminga ako ng malalim tapos ay tumingin sa kanya.
I was taken aback when I saw how near his face is to mine. Ilang pulgada lamang ang layo at sa tingin ko ay konting galawan lamang ay magdidikit na ang mga labi namin. I stared at his chocolate brown eyes and I feel like it’s hypnotizing me. Sending shivers down my spine, causing me a lot of emotions, and bringing me into different dimension.
Mas inilapit pa niya ang mukha niya sa akin. Hindi nilubayan ng kanyang mga mata ang pagkakatitig sa aking mga mata. Napalunok ako. Iniisip kung hahalikan ba niya ako pero agad akong napalayo sa kanya nang may kumatok sa kanyang pinto.
“Bro?” nakita kong pumikit siya ng mariin at natawa sa sarili. Tumingin siya sa akin at naiiling na ngumiti.
“Let’s go downstairs?” tumango ako sa paganyaya niya. Pagkabukas niya ng pinto ay bumungad sa amin si Frank na mukhang lasing na.
“Damn you, bro!” singhal ni Ace sa kaibigan tapos ay hinila ang kamay ko, nilampasan namin si Frank na tila nagtataka kung ano ang nagawa na maging ako ay hindi alam.
Ilang sandali lang ay narinig ko ang paghalakahak niya. “I’m sorry, bro! You should’ve informed me first,” saad niya at sinundan kami ni Ace pababa. Hindi ko maintindihan kung anong pinaguusapan nila o kung anong tinutukoy niya.
“Yea right. Whatever.” Sinimangutan ni Ace si Frank. Humalakhak naman ulit ito.
“Itatanong ko lang sana kung iinom kayo. Bibili pa kasi ako.” Depensa ni Frank sa sarili. Tumingin naman sa akin si Ace.
“Nope. Hindi ako iinom at bawal uminom si Heart.” Sagot nito.
“Teka nga, anong bang meron sa inyong dalawa at kanina ko paa napapansin ang mga titigang ‘yan?” si Yumi ang nagtanong. Humalakhak naman si Amaya at ang tatlo pang lalaki.
“Finally got your balls, bro?” tanong ng isang lalaki tapos ay ipinatong ang baba sa braso ni Amaya.
“Finally.” Sagot ni Ace na tila masaya sa nangyayari.