TUMATAK sa bawat parte ng pagkatao ko ang sinabi ni Lola Lira. Buong araw ay wala akong ibang ginawa kung hindi ang isipin ang bagay na ‘yon. Kaya ko nga bang pakawalan si Ace gayong sobrang mahal ko siya? Nang mapansin kong maggagabi na ay agad akong nagtungo sa banyo at naghilamos. Nakita ko sa salamin ang pamamaga ng mga mata ko, marahil ay sa pagiyak. Hinilamusan ko ang mukha ko para hindi mahalata ni Ace na umiyak ako. Paagkatapos at tumitig pa ulit ako ng ilang sandali sa salamin bago huminga ng malalim at lumabas ng banyo at nagpasyang bumaba sa kusina upang maipagluto na ng hapunan si Ace. Pagkatapos ay umupo ako sa sala at nanuod ng telebisyon habang hinihintay si Ace sa pagdating niya. Nang marinig ko na ang pamilyar na tunog ng sasakyan ay agad akong lumabas para salubungin s