HINDI pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ni Ace sa akin kahit na nakalipas na ang ilang araw. Lasing siya at alam ko na kahit ganun ang nangyari ay nagsisisi siya dahil ipinaramdam naman niya sa akin iyon. He’s been acting sweeter towards me but then, he didn’t tell me he’s sorry. Hindi ko maman hinihintay na mag-sorry siya, atsaka ayoko na ring ipaalala sa kanya iyon. “God, this is crazy…” bulong niya habang nakaharap sa napakaraming papel na kailangan niyang pirmahan. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya. “Kailangan bang pirmahan ang lahat ng iyan?” tanong ko, sumulyap siya sa akin at ngumiti. “These are actually business proposals and deals, basically, I need to read it all first.” Napa-awang ang bibig ko bago marahang tumngo. “You must be really busy,” saad ko. Ayoko mang sa