NAISIPAN kong magluto ng tanghalian at ipagdala si Ace sa trabaho niya. Hindi naman ako nahirapan pagdating sa pagluluto ng adobo dahil paborito ito ni Ace. Pagkatapos ay agad akong nagbihis at nagpasyang puntahan na siya. Alas-onse pa lang nang makarating ako sa opisina ni Ace, nagpasya akong tumuloy na lang sa loob dahil may susi naman ako. Siguro mali ako sa iniisip na hindi maayos ang problema namin ni Ace, ang problema niya. Wala naman kasing problema na hindi nasosolusyunan. Laking gulat ko nang makita si Ace at Amaya na masayang nagku-kwentuhan sa loob ng opisina ni Ace pagkabukas ko ng pinto, halata rin na tapos na silang kumain dahil sa may mga tira pa sila na nasa lamisita. Hindi ako makakibo. Mas lalo akong nagulat nang makita ang necktie ni Ace na maayos na. Si Amaya ba ang u