INILAPAG ko ang basong may lamang tubig sa mesa tapos ay hinarap si Nanay na kasalukuyang naghahanda ng tanghalian, hindi siya nagtinda kasi sinabi ko na papasyal kaming dalawa ni Ace. “Kailangan niyo po ng tulong, Nay?” tanong ko habang pinapanuod siyang maghiwa ng mga gulay. Tumingin siya sa akin, ngumiti at umiling. “Bisita ka rito kaya samahan mo na lang ang asawa mo doon sa sala, baka kung ano-anong kababalaghan na ang itinuturo ni Boyet do’n.” Tumawa ako sa sinabi ni Nanay. “Hayaan niyo na po, madalang lang makawala sa dami ng trabaho eh, anong oras nga po pala uuwi si Tatay?” tanong ko. “Tumawag kanina, pauwi na raw siya.” Saglit akong natahimik. “Nay, ano po ba ang mga senyales na buntis na ako?” tumingil si Nanay sa paghiwa ng mga gulay tapos ay nakangiting tinignan ako. “De