Chapter Twelve

1062 Words

MARIIN akong pumikit at pagkatapos ay huminga ng malalim nang makita ang negatibong resulta sa pregnancy test kit na binili ko ng pasikreto. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko pero umasa ako agad sa sinabi ni Yumi na baka raw buntis na ako kahit na alam kong biro lamang niya iyon. Hindi naman masamang umasa na magkaroon ng isang bagay na matagal mo nang pinapangarap hindi ba? Masakit nga lang ang resulta kung alam mong wala pa talaga. Binitawan ko ito sa lababo at hinilamos ang mukha ko, nagpasya akong magtungo na sa kusina para maipaghanda na ng agahan si Ace. Habang nagluluto ay hindi ito mawala sa isip ko. Isa sa mga dahilan kung bakit ayokong sabihin sa kanya na sinubukan ko ulit gumamit ng pregnancy test kit ay alam kong magiging dismayado lang siya sa magiging resulta. G

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD