Magkahawak kamay naming tinahak ni Ace ang daan patungo sa loob ng kanilang bahay. Inimbitahan kami ng mga magulang niya na sumabay sa kanila ng hapunan dahil ayon sa kanila ay matagal-tagal na rin nila kaming hindi nakakasama. Pagkapasok namin sa loob ay sinalubong nila agad kami ng yakap. “How have you been?” nakangiting tanong ni Tita Lana sa akin. “Okay lang po, Ma. Kayo po kumusta?” tanong ko naman, tumango siya at ngumiti. “Ayos lang kami dito, halina kayo’t naka-handa na ang pagkain sa kusina, masama paghintayin ang pagkain,” nakangiting saad niya. Nauna silang naglakad ni Tito Oscar papuntang kusina, samantalang naka-sunod naman kami ni Ace na naka-akbay naman ngayon sa akin. Pagkadating namin sa kusina ay natagpuan namin doon na nakaupo ang dalawang matang Fuentebella, ang lo