Chapter Five

2206 Words
Madilim pa sa labas ng sumilip si Milla. Tumingin siya sa relo at nakita niyang ala – singko pa lang ng umaga. Bumangon na rin siya. Tamang – tama lang naman iyon para kanyang morning jog. Ilang araw na rin siyang hindi nakakapag – jogging dahil naging busy siya. Halos alas onse na nga siya nakapag – pahinga kagabi dahil sumama pa siya sa pag – iinuman ng mga kaibigan nila Ben. Nag – shower siya at nagbihis ng kanyang running gear. Wala pang tao sa kabahayan ng lumabas siya sa silid. Sa kusina malamang meron dahil naririnig niya ang sagitsit ng mga pinipritiong kung ano sa kawali. Itinatali niya ang kanyang mahabang buhok habang papalabas sa bahay ng maramdaman niya na may yumakap sa kanya mula sa likuran. Susuntukin sana niya kung sino man ang pangahas na iyon pero nakilala niyang si Ben ang gumawa noon. “Nadadalas yata ang pagyakap – yakap mo, ha?” sita niya sa lalaki. Ngumiti ito at nanatiling nakayakap sa kanya. “Magda si watching,” bulong nito sa kanya. “Good morning hon. Are you going to jog?” nilakasan na nito ang boses. Tila ipinapadinig sa kung sino man ang gustong sabihin. Pasimple niyang iginala ang paningin at nakita niya ang matanda na nasa pinto ng silid nito at nagkakape habang nakatingin sa kanila. Nagkuwa siyang walang nakita at ubod tamis na ngumiti sa lalaki. “Want to join me?” malambing na sagot niya sa lalaki. “Kanina pa kita hinihintay,” sabi nito habang sabay na silang palabas ng pinto. Nang makalabas ay agad din silang naghiwalay. Nawala ang mga ngiti sa labi ni Ben at tila nauuna pang maglakad sa kanya. Napapailing siya. This is the same old Ben na unang nakilala niya. A loner. Masungit. Tila pasan ang lahat ng problema sa mundo. “Mauna ka na ha? Dito na ako sa kabila dadaan,” tanging sabi niya dito at nag – iba na ng ruta sa kanyang tatakbuhan. Tingin naman niya ay wala ng pakialam si Ben sa kanya. Nagsaksak lang ito ng earphones sa tenga at tumakbo palayo sa kanya. “Fine,” bulong niya at ganoon din ang ginawa. Naglakad – lakad na lang muna siya. Iginagala ang paningin sa malawak na lupain nila Lucas. Hindi niya maintindihan sa kaibigan kung bakit nagawa nitong ipagpalit ang magarang buhay dito at magtiis na tumira sa masikip nilang apartment sa Maynila. Lucas can live here like a king. Hindi na nito kailangan pang magtrabaho. May mga kasambahay na susunod sa anumang naisin nito. Sabagay, nasabi na naman ni Lucas na ang problema niya ang kanyang kapatid. Hindi sila magkasundo sa maraming bagay. Si Ben kasi ang tipo ng tao na masyadong authoritative. Medyo dominante at tingin niya lahat ng bagay ay napa – plano. Hindi sila ganoon ng kaibigan. They are free spirit and can live and adapt in any world. Iyon ang hindi maintindihan ni Ben. Masyado itong possessive sa kapatid at nais nitong maging businessman din si Lucas na alam niyang hindi talaga nito gusto. Kagabi nga, gusto niyang matawa sa inakto ng lalaki. Kitang – kita kasi niya ang galit sa mga mata nito ng makita silang naghaharutan ng kanyang kaibigan. I don’t share my girlfriend. Naalala pa niyang sambit ng binata. Napangiti siya. Kung totoo lang sana iyon talagang kikiligin siya. Tingin niya kahit masungit si Ben, he can be a loving boyfriend and any woman will be wishing to be loved by him. Saglit siyang napahinto at napaisip. Wait? Am I falling for Ben? Napalunok siya ng maisip iyon at napailing – iling. Trabaho lang ito. Para lang siyang umaarte sa mga play. Hindi siya madadala sa mga nangyayari. Sa lalim ng iniisip ay hindi niya napansin ang isang naka – usling sanga ng puno na naroon sa kanyang dadaanan kaya huli na para umiwas doon, natapilok siya at tuloy – tuloy siyang nadapa sa mabatong lupa. “Damn!” inis na sabi niya at tinangkang tumayo para lang matumba ulit. Tiningnan niya ang kanyang paa at kita niya ang pamamaga noon. She sprained her ankle. Naupo siya at tinanggal ang suot na rubber shoes at medyas. Lalo niyang nakita ang pamamaga noon. “s**t!” at nagpalinga – linga siya. Hindi na niya alam kung nasaan siyang parte sa lugar na iyon. Sinisi pa niya ang kanyang sarili dahil kakaisip ay kung ano tuloy ang nangyari sa kanya at ang malala, naligaw pa yata siya. Wala naman siyang dalang cellphone para matawagan si Lucas at humingi ng tulong. Sinubukan niya uling tumayo pero hindi talaga niya kaya. Hindi niya kayang ilakad ang kanyang paa. Naupo na lang siya sa isang sulok at marahang hinilot – hilot ang namamagang paa. Maghihintay na lang siyang mawala ang sakit at pipilitin na lang niya itong ilakad. “What happened?” narinig niyang tanong ng kung sino. Napaangat siya ng tingin at nakita niyang si Ben iyon. Gusto niyang tawagin ang lahat ng mga santo sa pagdating nito. At least may tutulong na sa kanya. “I slipped and I think I sprained my ankle,” sagot niya dito at napangiwi pa ng hawakan muli ang paa. Nakita niyang tinanggal ni Ben ang suot na earphones at naupo sa tabi niya. “Hindi ka yata nag – iingat,” sabi pa nito at hinawakan ang kanyang paa. Marahan iyong hinilot – hilot tapos ay walang sabi – sabing hinila iyon. Pinigil niya ang sariling mapasigaw sa sakit. “Seriously? Without a warning?!” inis na sabi niya sa lalaki. Ang ginawa nitong paghila sa sprained ankle niya ang tinutukoy nito. Nagkibit lang ito ng balikat at itinuloy ang ginagawang pagmamasahe sa paa niya. Hindi na iyon gaanong masakit pero kita pa rin ang pamamaga. “We should get home. Kailangan ma – cold compress pa ang paa mo,” sabi nito. Pinilit niyang ngumiti sa lalaki. “You go ahead. Pakisabi na lang kay Lucas na puntahan ako dito,” sabi niya dito. Abala siya sa pagmamasahe sa kanyang paa kaya hindi niya napansin ang pagsimangot ng mukha nito. Tapos ay walang sabi – sabing binuhat siya. “Hey! Ibaba mo nga ako!” protesta niya. “Stay still! Hindi ka magaang ha? Mahaba – habang penitensiya ito kaya huwag kang malikot,” sabi nito habang naglalakad bitbit siya. “Then put me down! Si Lucas na lang ang tawagin mo at sa kanya na lang ako magpapatulong,” sabi niya dito. Wala siyang sagot na narinig mula sa lalaki. Dire – diretso lang itong naglalakad hanggang sa makarating sila sa bahay. Naabutan nilang masayang nagku – kuwentuhan ang mga kaibigan ng binata kasama si Lucas at pare – parehong nagulat ng makita sila. “Wow! Ang sweet ha? Is wedding bells already coming?” nakangiting bati ni Greg. “What happened sister in law?” tila nanunudyo pa si Lucas. Inis niyang inirapan ang kaibigan. “She sprained her ankle,” tanging sagot ni Ben at mabilis siyang ipinasok sa loob ng bahay dire – diretso sa kuwarto niya. Marahan siyang ibinaba sa kama at naupo sa paanan niya. Marahan uli nitong hinilot ang paa niya. Napapangiwi pa siya sa sakit pero sa kabilang banda ay bahagya siyang kinikilig. Saglit niyang tinitigan ang lalaki na abala sa paghilot ng paa niya. Hindi niya maintindihan ang tila kuryenteng dumadaloy sa katawan sa bawat paghaplos nito sa kanya. Mabilis niyang iniiba ang tingin ng makitang nakatingin na din ito sa kanya. “T – thank you. I can manage now,” sabi niya dito. Huling – huli niya ang pilyong ngiti sa labi ni Ben ng huminto sa pagmamasahe sa paa niya. “You have some scratches on your legs. Gamutin natin. Sayang naman kung mapepeklatan ang legs mo. I love those you know,” sabi nito sa kanya. Napalunok siya sa narinig na sinabi nito. Na - concious siyang bigla at wala sa loob na sinalat ang mga gasgas sa binti niya. Nakita niyang ngumiti si Ben at lumapit sa kanya. Umupo malapit sa ulunan niya at yumuko para lalong tignan ang kanyang mukha. Oh my god! Is he going to kiss me? Iyon ang tila naglalaro sa utak niya dahil sa itsura ni Ben na titig na titig sa kanya at sa sobrang lapit ng kanilang mga mukha ay talagang tila iyon nga ang gagawin nito. “Is kissing also part of the act? Baka puwedeng bonus ko na ‘yun sa ‘yo. Mahal naman ang talent fee mo, eh.” Sabi nito sa kanya. Nawala lahat ang kung anumang damdamin na nabubuhay sa kanya ng marinig iyon. Tila iyon ang nagpapabalik sa kanya sa realidad na tanging palabas lamang ito. “Y – yes. You can kiss me anytime,” pinilit niyang tumawa. “Sa dami na ng naging kahalikan ko sa stage, sanay na sanay na ako sa ganyan,” sabi pa niya dito. Hindi niya napansin ang pagsimangot ng binata sa narinig na sinabi niya. Umayos siya ng upo at inayos ang buhok. “When do you want to kiss me? Now? Let’s do it!” sabi pa niya at pumikit at itinulis ang mga nguso para halikan ng lalaki. Hindi tuminag si Ben at nakatitig lang sa mukha ng babae. Oo at gusto niyang halikan ang babaeng ito dahil talaga namang nag – aanyaya ang mga labi nito pero pinigil niya ang sarili. Marahan siyang tumayo at iniwan ang babaeng nakapikit at naghihintay na halikan niya. Idinilat ni Milla ang mga mata ng halos ilang minuto na ang lumilipas ay walang humahalik sa kanya. Wala na si Ben. Iniwan na siya. Hindi niya maintindihan ang naramamdaman kung manghihinayang ba siya na hindi natuloy ang halikan nila o magpapasalamat. Pabagsak na naupo si Ben sa upuan sa harap ng kapatid at ni Greg. “How’s Milla? Is she okay?” nag – aalalang tanong ni Lucas sa kanya. “She’ll be fine. Naka – cold compress na ang paa niya. I bet magiging okay na ‘yun hanggang mamayang gabi,” sagot niya dito. Tumango lang si Lucas at itinuon ang pansin sa hawak na cellphone. “Carmelo and Rex went back to Manila?” paniniguro niya habang nagpupunas ng pawis. “Akala ko nga they’re going to stay but Carmelo needs to attend a meeting today with Rex,” sagot ni Greg. “And you? Wala ka bang trabaho?” tanong pa niya. Tinapunan niya ng tingin ang kapatid at nakita niyang pangiti – ngiti ito habang busy sa pakikipag – text. “I’m on vacation, brother. And besides after what happened to Zach and Jack, I think I needed a break,” iiling – iling na sagot pa nito. “Are they good now?” tanong pa ni Ben at tumingin uli kay Lucas. Ganoon pa din busy pa din sa pakikipagtext ang kapatid niya impit pa itong tumatawa. “I think so. Jack decided to go back in Australia with Margot. With Zach, she proposed to Sydney already.” Tatango – tango lang siya tapos ay walang sabi – sabing dinukwang ang kapatid at inagaw ang hawak na telepono. “What the hell Ben?!” inis na sabi nito sa kanya. “Who are you texting?” tila sa sarili lang niya sinasabi iyon at inis na tiningnan ang inbox ng telepono ng kapatid. Iniisip niyang si Milla ang katext nito at baka kung ano – ano ang pinag – uusapan ng dalawa. Nakahinga siya ng maluwag ng makitang walang text si Milla sa inbox ng kapatid niya. “You’re invading my privacy, Ben. Hindi kita nakilalang ganyan,” sabi ni Lucas sa kanya. Nang tumingin siya dito ay wala naman siyang nakitang galit sa mukha nito bagkus at nangingiti pa ito. “I thought you’re just texting someone,” tanging sagot niya at inihagis sa kapatid ang telepono na nasalo naman nito. “Is that jealousy that I smell?” lalo ng napapatawa ang kapatid niya. Napatingin siya kay Greg at nakita niya ang kalituhan sa mukha nito. “Am I missing something?” taka nito habang papalit – palit ng tingin sa kanilang dalawa. Umiling lang siya. “It’s nothing, Greg. My mistake,” tanging sagot niya. “He thinks I am also going to snatch his girlfriend which happens to be my bestfriend,” nakakalokong sagot ng kapatid niya. Tiningnan niya ito ng masama. “Is she that serious, man? Don’t get me wrong but is this girl really the one replacing Brenda in your life?” tanong ni Greg sa kanya. Hindi siya makasagot sa tanong na iyon ng kaibigan. Ano nga ba ang sasabihin niya? Dalawang araw pa lang niyang nakakasama si Milla but she is really that girlfriend material kahit pa nga nagpapanggap lang sila. “I know, they will fall in love with each other,” tila siguradong – sigurado si Lucas sa mga sinasabi. Napapailing si Greg. Tila gulong – gulo sa pinag – uusapan nilang magkapatid. Tumayo si Ben at inis na iniwan ang dalawa. “What happened?” taka pa rin si Greg. Napatawa si Lucas. “You’ll see.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD