Chapter Four

2766 Words
“I told you she’s good,” narinig niyang bati ni Lucas sa kanya ng makita siya nitong nagkakatikot sa garahe. Wala naman si Magda at nagpasama sa palengke kay Mirang. Gusto daw nitong ipagluto sila ngayong hapunan ng mga paborito nilang pagkain. Sa kawalan ng magagawa at sa kagustuhan niyang huwag makita si Milla, mas ninais niyang mag – isang magkatikot ng kotse niya. Hindi niya pinansin ang kapatid at inabala ang sarili sa paglilinis ng makina ng kanyang sasakyan. “Hindi mo ba nagustuhan ang arte niya? She is so convincing. Even Magda didn’t have a hint that she is just acting. You should thank me. Ako ang nakaisip ng idea na ‘yun,” pagmamalaki pa nito sa kanya. Inis niyang kinuha ang basahan at pinunasan ang kamay na napuno ng grasa. “I don’t need her to act as my girlfriend. I can take care of that. Puwede ko naman na sabihin kay Magda ang totoo,” sagot niya dito. “Then why you didn’t tell her? Kung ngayon mo pa sasabihin kay Magda na nagsinungaling ka lang, she will be upset because you lied to her. Alam mo naman ayaw na ayaw niya ang sinungaling. Dapat right then ang there kanina, sinabi mo na ang totoo. Then why did you let Milla acted along the way?” sabi pa nito sa kanya. Napahinga siya ng malalim. “I don’t want to disappoint Magda. And besides, sawang – sawa na ako sa mga inirereto niyang babae sa akin. I don’t want a girlfriend. I am happy just like this. Hindi ko kailangan ang babae,” sagot niya sa kapatid. Nakita niyang sumeryoso ang mukha ni Lucas. “Because until now it is still Brenda?” paniniguro nito at napailing. “Come on, man. Move on. She left you. She left you with your bestfriend. I cannot blame Magda if she doesn’t like her all the time. She knew she is not good for you,” dama niya ang inis sa bawat salita ng kapatid. “It’s not about Brenda. I am just tired with relationships. I am happy just like this. Single. Mas wala akong problema. Ikaw? Kayo ni Milla?” tanong pa niya. Gusto niyang sulitin ang mga ganitong pagkakataon. Bibihira ang ganito na nakakapag – usap sila ng matino ng kapatid niya. Mas madalas, nagtatalo sila sa maliliit na bagay. Napailing at napatawa si Lucas sa narinig na tanong niya. “Milla and I are not a couple. She is my bestfriend and nothing more. She is like a sister to me. Pareho kaming artist kaya kami nagkakasundo,” sagot nito sa kanya. “Pero okay lang sa kanya na kayong dalawa lang sa isang bahay? Nothing is happening between you two?” paniniguro pa niya. “Brother, Milla is different. She is one of the boys. One tough chick I am telling you. But as a girlfriend, sulit ka sa kanya. She can be tough as hell but she is also sweet that you can never imagine,” sabi pa nito. “And she is pretty too,” dugtong pa. Wala siyang kontra sa sinabing iyon ni Lucas. Totoong maganda ang babae kahit na nga parang taga kanto ang ugali nito. Magaling talaga siyang umarte. She can change her mood in an instant. She can be a pain in the ass chick then she can be the sweet and loving girlfriend na ipinakilala niya kay Magda. “Hello boys!” Napangiwi siya ng makitang papalapit sa lugar nila si Milla. Nagpalit na ito ng damit. Naka – short shorts ito at fitted shirt. Hindi man niya aminin, bagay dito ang suot. Kahit sobrang igsi ng short na suot nito, hindi naman ito ang tipong bastusin. Hindi niya napigil ang sarili na hindi pasadahan ng tingin ang makinis at mahahabang biyas ng binti nito. Wala sa loob na nakagat niya ang labi at napalunok. “Kumain ka na?” narinig niyang tanong ng kapatid niya. “Lucas naman. Bakit naman ikaw ang nagtatanong sa akin niyan? Dapat ‘yung boyfriend ko ang concern na nagtatanong sa akin kung kumain na ako,” sagot nito at malagkit na tumingin sa kanya. You’re a tease? Sige. Kaya kong ibigay ang gusto mo. Napangisi ng lihim si Ben ng maisip iyon. “Oh well, I need to do something. Iwan ko muna kayo,” natatawang sambit ni Lucas at mabilis silang iniwan na dalawa. Nilinis niya ng basahan ang kamay at isa – isang iniligpit ang mga gamit sa garahe. “Did you eat already?” narinig niyang tanong ng babae. “Magluluto daw si Magda ng hapunan so I’ll wait for that,” sagot niya dito. Napatango – tango lang ang babae sa narinig na sinabi niya. “I would like to apologize for what happened between us. I am sorry for what I did to you,” alanganin na sambit nito at napatingin sa ulo niya. Napatawa siya at nahawakan ang ulo. Wala nang benda iyon. Papagaling na rin ang sugat. “I’m still fine. I’m still alive,” sagot niya. “So, how are we going to do it? I need to rehearse my act. ‘Yung kanina, impromptu lang ‘yun and I am glad nalusutan natin,” sabi nito sa kanya. Lumapit siya sa babae at tinitigan ito ng mabuti sa mukha. Tapos ay marahang hinawi ang mga buhok na hinahangin sa mukha nito. “Don’t worry honey, just act naturally. Isipin mo lang boyfriend mo ako. For a week that you’re going to stay here, I am your boyfriend and we can do anything a couple should need to do,” sabi niya dito. Napalunok si Milla sa ginawing iyon ng binata. For the first time, hindi masungit na Ben ang kaharap niya. Ibang – iba ito sa mga nakaraan na paghaharap nila ng lalaki. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit tila nanginginig ang tuhod niya at tinatambol ang dibdib niya. Pakiramdam niya ay para siyang matutunaw sa paraan ng pagkakatingin nito sa kanya. “But please remember what I told you before,” sabi nito. “W – what is it?” gusto niyang pagalitan ang sarili. Bakit siya nag – stammer? She is in control at hindi ang lalaking ito. “Don’t fall in love with me,” nakatitig nitong sabi sa kanya. Doon na siya parang natauhan. This is still the same Ben na nakilala niya. Ang walang modong kapatid ni Lucas. “You are just a job. I’ll be your girlfriend for a week. You can display me anywhere. Kahit ipakilala mo ako sa lahat ng mga kaibigan mo. But definitely, I won’t fall in love with you,” sagot niya at napangiti. “Hindi ko alam kung bakit ganyan katindi ang feeling mo na mai – inlove ako sa iyo. You are not my type. Sa sungit mong ‘yan? I don’t know if you can find a girl na magiging girlfriend mo na hindi mo dapat bayaran,” sabi pa niya. Napangiti lang ang lalaki at hinawakan ang kamay niya at dinala sa mga labi nito. Gusto niyang kumontra sa ginawa nito pero alam niyang kasama ito sa palabas nila. “You two are really a perfect couple. I am really happy Ben that you found this girl. She is really perfect for you,” narinig nilang sambit ni Magda mula sa kanilang likuran. Naramdaman niyang yumapos sa beywang niya ang binata mula sa likuran niya. “She is really perfect for me, Magda. I love her so much.” Halos mapapikit si Milla sa sinabing iyon ng lalaki. Sa tenga ba naman niya iyon itinapat at ramdam na ramdam niya ang mainit nitong hininga sa tenga niya. Hindi niya maintindihan ang kuryenteng dumaloy sa katawan niya. Nakita niyang napangiti lalo ang matanda sa pagkakatingin sa kanilang dalawa. “I really think bago ako bumalik ng Amerika eh, sa simbahan ang tuloy ‘nyong dalawa,” sabi pa nito. “You ask Milla. If she will say yes,” sagot ni Ben na nanatiling nakayakap sa kanya. “I know she will say yes,” sabi pa ng matanda at iniwan na sila. Matagal ng wala ang matanda pero nanatiling nakayakap si Ben sa dalaga. “You can let go of me now,” sabi ni Milla. “Sorry,” tatawa – tawang sabi ng binata at inalis ang pagkakayap sa kanya. “I’ll be inside. Katok ka na lang sa room ko kung ipapatawag tayo ng lola mo,” sabi niya at iniwan na ang lalaki. Inis na inis si Milla sa sarili sa inakto. Ano ang nangyayari sa kanya? Wala pa ngang bente kuwatro oras silang nagpapanggap na mag – kasintahan ni Ben ay parang napa – praning na siya. Why is he telling me that I should not fall in love with him? Is he that kind of guy na kahit na sinong babae magkakagusto sa kanya? Sa arogante niyang iyon? Ibinagsak niya ang katawan sa kama. Naisip niya malamang ‘yung ibang mga naging babae ni Ben ay ganoon. Baka isang araw pa lang nakikilala ang lalaki ay talagang head over heels in love na sa lalaki. Sa pisikal na anyo naman talaga ay walang itulak – kabigin si Ben. Sa height nitong 6’2’, para itong tore kapag napadikit sa kanya. At ang katawan nito, napapikit siya ng maisip ang itsura nito kanina habang nag – aayos ng sasakyan. Tanging maong na pantalon at fitted shirt ang suot nito pero talagang kitang – kita ang malapad nitong katawan. Sigurado siyang walang taba sa katawan si Ben dahil damang – dama niya kanina ang mga abs nito ng yumakap sa kanya. Hindi rin ito mabaho kahit na nga pinawisan ito sa ginagawa kanina. At ang guwapo nitong mukha. Talagang kakabugin nito ang mga artistang nakakasama niya sa play. What is the problem? Gusto mo nang mag – back out? Tingin mo ba mai – inlove ka kay Ben? Iyon ang tila tudyo ng isip niya. Napapikit siya at inis na itinabon ang unan sa mukha. Hindi niya alam ang nangyayari sa kanyang sarili. Sanay na sanay na siya sa ganitong palabas. Sa stage nga kung umarte siya sa harap ng maraming tao ay parang balewala lang pero bakit ganito? Sasandali pa lang silang umaarte ni Ben ay napakatindi na ng epekto sa kanya. Ben is just a job so get over it! Isang linggo lang ito and then I can have my money. End of story! Tingin niya ay para siyang luka – lukang nakikipagtalo sa kanyang sarili. Napakunot ang noo niya mula sa pagkakahiga ng marinig ang tila mga nagkakaingay sa sala. Tumayo siya at marahang binuksan ang pinto at sumilip mula doon. Sa salas ay nakita niya ang ilang mga kalalakihan na sa tingin niya ay mga kaibigan o kababata ni Ben at Lucas. Nakikita kasi niya ang magkapatid na tila masayang – masaya ng makita ang tatlong lalaki na dumating. “Lucas my man! Welcome back! Kung hindi pa tumawag sa amin si Magda hindi ko malalaman na nakabalik ka na,” narinig niyang sabi ng isa. Nakita niyang napakamot ng ulo ang kanyang kaibigan. Doon na niya isinara ang pinto at muling bumalik sa pagkakahiga sa kama. Hindi naman pala siya masyadong mahihirapan sa pagpapanggap bilang girlfriend ni Ben. Sigurado siyang magiging busy ito sa pag – eentertain ng mga bisitang dumating and she can rest for the whole night. Napabangon siya ng marinig ang mararahan katok sa pinto ng silid. Tumayo siya at tinungo iyon. Nakita niyang si Ben ang naroon at nakangiti sa kanya. Ang mga ngiting iyon! Pakiramdam niya ay nangalog ang tuhod niya. “Some of my friends came over and they want to meet my girlfriend,” sabi nito sa kanya. Kunwa ay sumilip siya sa sala at napangiti. “So my act for tonight is the trophy girlfriend,” sabi niya at marahang sinuklay ng mga kamay ang mahabang buhok bago sumunod sa lalaki sa sala. Naramdaman niyang hinawakan nito ang kanyang mga kamay at marahang pinisil. “With your beauty and your wit, I am sure my friends will be envy at me,” nakangiti pang sabi nito at iginiya siya papunta sa sala. Nakita niyang pare – parehong nakatingin sa kanya ang tatlong lalaki na dumating. Tila hindi makapaniwala sa nakikita. Si Lucas ay ngi – ngiti lang at nagkunwang abala sa pagti – text sa cellphone nito. “I want you all to meet my girlfriend. Her name is Milla,” nakangiting pakilala ni Ben sa kanya. Ngumiti siya ng ubod tamis sa mga ito. “It’s so nice to meet you all,” sabi niya sa mga ito. “This is Rex, Carmelo and Greg,” sabi ni Ben. Isa – isang ipinakilala siya. Pare – parehong mga guwapo din ang mga kaibigan nila Ben. Nakita niyang napapangiti at napapailing ang lalaking Greg ang pangalan habang nakatingin sa kanila. “I can’t believe it. Ben has already a girlfriend? Kaya ng tawagan ako ni Magda and sabihin na may girlfriend ka, dali – dali talaga akong sumama. I needed to see it to believe it,” sabi nito. Hindi maintindihan ni Milla kung ano ang nangyari kay Ben at ganito ang reaksiyon ng kahit na sinong makakita sa kanya. Naramdaman niyang hinapit siya palapit ni Ben. Napatingin siya sa gawi ni Lucas at nakita niyang tatawa – tawa ito. Gusto niyang batukan ang kaibigan. “She’s off limits, Greg.” Narinig niyang sambit ni Ben sa kaibigan. “Hey, I am not like Jude. I respect you and I honor our bro code,” narinig niyang sagot nito. “Hon, who is Jude?” malambing niyang tanong. Kitang – kita ni Milla ang pag – iba ng timpla ni Ben ng marinig ang pangalan na iyon. Ramdam din niya na parang nagka – tensiyon sa paligid. “An old friend,” tanging sagot nito at bumaling sa mga kaibigan. “I’m sure you are all tired. Magda cooked some foods. Tara doon tayo sa kusina,” sabi nito at nagpatiuna na doon. Sumunod naman ang mga kaibigan nito at naiwan sila doon ng kaibigan. Tumabi siya dito. “Sino si Jude? Mukhang bad trip ang kuya mo doon,” tanong niya dito. “Bestfriend ni Ben. Sinulot ‘yung girlfriend niyang si Brenda,” tanging sagot nito. Napatango – tango lang siya. “Is he really head over heels with that Brenda girl? Parang matindi ang pagiging heart broken ng kapatid mo,” sabi pa niya. “He is crazy with her. Tingin ko hanggang ngayon he is still hoping that one day Brenda will come back,” napapailing – iling na sagot pa nito. Hindi siya umimik. Kawawa naman pala ang susunod na magiging girlfriend ni Ben naisip niya. Hindi niya napansin na nakatingin sa kanya si Lucas at napapangiti. Napakunot noo lang siya ng mapansin iyon. “What?” taka niya. “You like Ben?” tudyo nito sa kanya. Alam niyang namumula ang kanyang mukha sa pagba – blush dahil dama niya ang pag – iinit noon. “Of course not! I am just acting so I need to know the details,” sansala niya. Napatango – tango lang si Lucas at tumayo. “Don’t worry, boto naman ako na maging sister in - law ka,” tatawa – tawang sabi nito. Inis niyang sinabunutan si Lucas at hinampas sa braso. Napatigil lang sila sa paghaharutan ng makita si Ben na nakatayo sa harap nila na seryoso ang mukha. “I don’t share my girlfriend, Lucas. She is off limits from now on. She is mine for a week,” sabi nito sa kapatid. Gusto niyang magprotesta. Pakiramdam niya ay isa siyang bagay na inarkila o binili nito at kailangang wala itong kahati sa kanya. Pero naisip niya, hindi nga ba at parang ganoon na nga ang pangyayari? Bayad siya kaya kailangan niyang sundin ang mga gusto nito. Nakita niyang ngumiti ang kanyang kaibigan. “Sorry, bro. My bad. Let’s just eat,” tanging sabi ng kaibigan at umalis na doon upang tunguhin ang kusina. Nang tumingin sa kanya si Ben ay nakangiti na ito. “They are all waiting for you, hon.” Umikot ang mata niya at sumunod na lang dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD