bc

Fooling in love

book_age0+
834
FOLLOW
4.7K
READ
goodgirl
comedy
sweet
like
intro-logo
Blurb

Ben is the serious and authoritative type.

Milla is a free spirited woman. They met because of a fake engagement.

How can they fall in love?

chap-preview
Free preview
Chapter One
Inis na nilamukos ni Ben ang hawak na sulat matapos na basahin iyon. Pabalibag niyang itinapon iyon sa kalapit na basurahan at pabagsak na naupo sa naroong sofa. Ikinasira lang ng araw niya ang sulat na nabasa. Isinandal niya ang tila mabigat na ulo sa headrest ng sofa at napapikit. Kahit sulat lang ang kanyang nabasa, pakiramdam niya ay boses ng gumawa noon ang naririnig niya. I’ll be coming over three days from now. I expect to see your brother in our house and I also expect you to introduce to me your new girlfriend. Kung wala ka pang maipapakilala sa akin, pakasalan mo na lang ang apo ng amiga ko. Ganoong kasimple lang ang nilalaman ng sulat ng kanyang lola na ilang taon na ring naninirahan sa Amerika. Pero pakiramdam niya, isang napakabigat na kahilingan iyon. Magmula ng pumunta ng Amerika ang kanyang lola Magda limang taon na ang nakakaraan, ganoong katagal na rin niyang hindi nakikita ang kanyang nakababatang kapatid na si Lucas. Mas ninais nito ang mamuhay mag – isa sa Maynila kesa tumulong sa kanya na asikasuhin ang mga naiwang negosyo ng kanilang mga magulang. Magmula pa naman pagkabata ay magkaiba na talaga sila ng kapatid. Bata pa lang ay nais na niyang makatulong na mapaunlad pa ang kanilang kabuhayan. Kahit pa nga kilala na sa Silang, Cavite ang negosyo nilang pag – e - export ng mga bigas at isa sa mga mayayamang angkan ang kanilang pamilya, gusto pa rin niyang palaguin ang kanilang negosyo. Hindi katulad ng kanyang kapatid na mas pinili ang magpinta at magpalaboy – laboy sa Maynila. Para sa kanya, walang pera sa trabahong iyon. Makikilala nga ang galing nito sa pagguhit pero wala namang laman ang bulsa. Nasa third year high school siya noon at grade five sa elementary ang kanyang kapatid ng sabay na mawala ang kanilang mga magulang. Napasama ang mga ito sa lumubog na cruise ship sa Argentina. His parents were celebrating their fifteen years of marriage ng mangyari ang aksidenteng iyon. Magmula noon, ang lola Magda na nila ang naging magulang nilang magkapatid. Maaga siyang namulat sa mga responsibilidad na naiwan ng kanyang mga magulang. He became a man at a young age. Sa edad na disiotso ay pinagtrabaho na siya sa kanilang kompanya ng kanyang lola. Pinaranas nito sa kanya ang lahat ng trabaho doon. Naging kargador siya, pahinante, driver o minsan delivery boy. Gusto ng kanyang lola na maranasan niyang lahat iyon para daw malaman niya kung paano ang maging isang pangkaraniwang empleyado. Okay lang naman iyon sa kanya. Kaya ngayong treinta’y dos na siya, kahit siguro nakapikit ay kaya niyang patakbuhin ang kanilang negosyo. Napakamot siya ng ulo at muling kinuha ang sulat na itinapon sa basurahan para basahin lang uli iyon. Kahit lukot – lukot na ang papel ay iyon pa rin ang nakasulat doon. Walang ipinagbago. Nalukot lang ang papel. Napailing siya at bahagyang natawa. Sa panahon ng computers at emails and texts, talagang makaluma pa rin ang lola niya. Gusto pa rin nito ang sumulat sa kanya para lang sabihin ang mga nais nito. Damn. Sa isip lamang iyon ng muling mabasa ang sulat ng matanda. Alam niyang sinusukol lamang siya ng kanyang lola para mag – asawa kaya gusto nito na may ipakilala na siyang nobya. Pero matapos nilang maghiwalay ng dating nobyang si Brenda dalawang taon na ang nakakaraan ay wala na talaga siyang sineryosong relasyon. Masakit para sa kanya ang nangyari sa kanila ng babae pero wala siyang magagawa kung ayaw na nito sa kanya. Magmula noon ay wala na siyang naging steady girlfriends. Marami siyang mga kilalang babae, one night stands pero hanggang doon na lang iyon. Wala na sa utak niya ang magseryoso pa dahil ayaw na niyang maranasan ang naranasan niya noon. Kaya nga kahit ilang ulit na siyang kinukulit ng kanyang lola tungkol sa kanyang nobya at pag – aasawa, binabalewala lang niya iyon. Sinasabi niyang mayroon siyang nobya kahit wala dahil alam niyang titigil din ang kanyang lola kapag nakalimot na ito at malayo naman ito sa kanya. Kaya nga ngayon siya namomoroblema kung paano ang gagawin kapag dumating ito at wala siyang maiharap na babae. Sigurado siya, kung sino – sino na naman ang ipapareha nito sa kanya and he is sick and tired of that game. Maaga kinabukasan ay bumibiyahe na si Ben pa – Maynila. Ayaw niyang abutan ng trapik at gusto niyang makabalik agad. Marami pa siyang dapat asikasuhin sa kanyang trabaho. Kung hindi lang talaga kailangan niyang makausap ng personal ang kapatid ay hindi niya ito pag – aaksayahan ng panahon na puntahan pa at kausapin. Katwiran niya, natuto itong umalis sa bahay nila, matuto rin itong bumalik. Pasado alas otso pa lang ay ipinaparada na niya sa isang maliit na eskinita sa Baclaran ang Toyota Hi-lux niya. Dito ang alam niyang tinutuluyan ng kapatid. Kahit naman kasi masama ang loob niyang nilayasan siya nito, ipinahanap pa rin niya sa private investigator kung saan ito nakatira at kung maayos ba ang kalagayan nito. Napailing siya ng mapagmasdang maigi ang paligid. Kahit umaga ay crowded na ang lugar na iyon. Dikit – dikit ang mga bahay. May mga nag – iinuman na agad sa mga sari – sari store na sa tingin niya ay kabubukas pa lang. Kinausap niya ang isang binatilyo at tinanong kung kilala nito ang kanyang kapatid. Mabuti na lang at kahit sino sa lugar na iyon ay kilala naman pala si Lucas at itinuro na papaloob pa sa isang makipot na eskinita ang bahay na tinutuluyan nito. Binigyan niya ito ng isang daan para tingnan na rin ang sasakyan niya. Mahirap na at baka pagbalik niya, ubos na ang gulong ng oto niya. Pakiramdam ni Ben ay malaking pagkakamali itong ginagawa niya habang pinapasok niya ang maliit na eskinita na daanan papunta sa apartment na tinutuluyan ni Lucas. Hindi niya alam kung paanong nakakatagal sa ganitong lugar ang kanyang kapatid. Mapanghi ang amoy ng paligid, marumi ang kanal na puno ng basura, may mga ipis at daga pa siyang nakikitang patakbo - takbo sa paligid. Ang mga tao ay parang mga walang pahinga na palakad – lakad. Hindi niya yata kayang tumagal pa dito kahit na ilang sandali pa. Napalunok – lunok siya ng makita ang harapan ng tinutuluyang apartment ni Lucas. Tingin niya, isang malakas na hangin na lang ay bibigay na ang kisame at pundasyon ng bahay dahil sa luma niyon. Sira – sira ang screen ng pinto, bumabagsak na ang mga alulod at ibang kinakalawang na yero. Hindi niya alam kung ano ang nasa isip ng kapatid at nagtitiis na tumira sa bahay na iyon. “Lucas.” Tawag niya. Wala siyang sagot na narinig. Kumatok siya sa pagitan ng mga tawag sa pangalan ng kapatid pero walang sumasagot mula sa loob. Sinubukan niyang pihitin ang door knob at suwerte naman na hindi iyon naka – lock. “Damn it,” mahina niyang sabi at naisip na niyang pumasok sa loob para doon hintayin ang kapatid. Nakita kasi niyang tinitingnan na siya ng ibang mga taong naroon. Mahirap na at baka makursunadahan siya. Bahala na. Iyon ang naisip niya at mabilis na pumasok sa loob ng bahay. Malakas na hinampas ng mga kamay ni Milla ang manibela ng sinasakyang kotse. Gigil na bumaba at sinipa ang pinto ng kanyang 1975 Toyota Corolla ng maisara. Ilang dipa na lang naman kasi siya sa kanyang paparadahan ng huminto ito at umusok. Sigurado siyang bumigay na naman ang makina nito. “Buwisit ka talaga! Ang lapit – lapit mo na bumigay pa!” inis niyang sabi sa kotse na walang tigil ang pag – usok ng makina. “Milla! Sunugin na natin ‘yan!” narinig niyang sigaw ng mga nag – iinuman sa tindahan hindi kalayuan. “Huwag muna! May pakinabang pa ako dito. Puwede ko pa itong ibenta sa junk shop,” sagot niya sa mga ito. Narinig niyang nagtawanan ang mga lalaki at itinaas ang mga hawak na baso ng alak at pinapainom siya. Umiling lang siya at ngumiti sa mga ito. “Pass muna mga ‘tol. Puyat ako, eh. Alam ‘nyo na. Kailangan rumaket para pambayad kay Aling Rose,” sagot niya sa mga ito. Tumango lang naman ang mga ito at hindi na rin siya pinansin. Napahinga siya ng malalim at itinuon muli ang pansin sa bahagya na lang na umuusok na sasakyan. Alam niyang wala na rin naman siyang magagawa na paandarin pa ito kaya kinuha na niya ang mga gamit niya sa loob. Isang back – pack na puno ng mga maruruming damit at isang plastic ng binili niyang goto sa kanto. Panay ang hikab niya habang naglalakad pauwi sa inuupahang apartment. Halos wala siyang tulog ng nagdaang gabi dahil sa mga trabaho na inasikaso niya. Gustong – gusto na niyang maligo dahil dalawang araw na niyang suot ang pantalon at t-shirt niya. Gusto na rin niyang mapahinga at ilapat sa kama ang pagod na katawan. Kusa ng pumipikit ang mga mata ni Milla habang binubuksan niya ang pinto ng kanyang apartment. Pero ng mabuksan ang pinto ay tila tumakas ang lahat ng antok na natitira sa katawan niya ng makitang may estrangherong lalaki ang nakatayo sa harap niya. “Sino ka?!” malakas na tanong niya. Nakita niyang napalunok ang lalaki at tila hindi alam kung ano ang sasabihin. “Siguro magnanakaw ka?!” sabi pa niya dito at mabilis na kinuha ang isang piraso ng kahoy. Talagang ihinahanda niya ang kapirasong kahoy na iyon para sa mga pangyayaring ganito. “N – no! H – hindi ako –“ “Magnanakaw ka!” at walang sabi – sabing pinukpok sa ulo ang lalaki. Nakita ni Milla na nasapo nito ang ulo at may dugong umagos doon pero hindi siya natinag. Buo ang loob niyang ipagtanggol ang sarili. “Rapist ka rin siguro! Ito ang bagay sa iyo!” at malakas niyang tinuhod sa pagitan ng mga hita nito ang lalaki. Napahiga si Ben habang sapo ang pagitan ng mga hita. Pakiramdam niya ay katapusan na ng buhay niya ng mga oras na iyon. Hilong – hilo pa siya mula sa pagkakapukpok ng babae tapos ngayon naman ay hindi na yata siya magkakaanak dahil sa ginawa nito sa kanya. “Sino ka?! Anong ginagawa mo dito? Ipapapulis kita!” narinig pa niyang sabi ng babae. Sino ba ang luka – lukang ito? Bahay ba talaga ito ni Lucas? Kung ano – ano na ang pumapasok sa utak niya dahil nakalog yata iyon ng husto. “I – I am looking for L – Lucas,” mahinang sambit niya na nanatiling nakabaluktot sa sahig. Nakita niyang napakunot ang noo ng babae ng marinig ang sinabi niya. “Lucas? Hinahanap mo si Lucas?” sabi nito. Napaupo na siya ng medyo umayos – ayos ang kanyang pakiramdam. Marahan niyang dinama ang ulo at naramdaman niyang masakit pa rin iyon at alam niyang pumutok iyon. “He is my brother,” mahinang sambit niya habang sapo pa rin ang ulo. Napalunok at napangiwi si Milla sa narinig na sinabi ng lalaki. Nabitiwan niya ang hawak na kahoy. “K - kapatid ka ni Lucas?” paniniguro niya. Nakita niyang tiningnan siya ng masama nito. “Matagal na.” sagot pa nito at dumiretso ng upo. “I – Ikaw si Ben?” sabi pa niya. Napapangiwi pa rin ang lalaki sa sakit na nararamdaman. Tumango lang ito sa kanya. “If you know how to ask nicely, nalaman mo sana na kapatid niya ako bago mo ako minasaker,” inis pa na sabi nito sa kanya. Napakunot ang noo ni Milla. At kasalanan pa niya? “Excuse me! If you know how to knock at hindi basta pumapasok sa bahay ng may bahay ‘di hindi ka sana na – masaker,” asar din na sagot niya dito. “The door is open. Ayokong mag – intay sa labas at baka mapagkamalan akong magnanakaw,” sabi nito. “At sa tingin mo kung maghihintay ka dito sa loob hindi kita pag – iisipan na magnanakaw or rapist?” sarkastikong sagot niya. “Where is Lucas?” tanong nito sa kanya. Tingin niya ay naka – recover na ito sa mga ginawa niya. Nakatayo na rin ito. “Wala siya. May exhibit sa Baguio. Two weeks pa siya doon,” sagot niya dito at hinagisan ng bimpo ang lalaki. “Pahid mo sa ulo mo,” sabi pa niya tapos ay umupo sa isang sulok at kinuha ang plastic ng goto. Inilagay niya iyon sa munting puswelo at nagsimulang kumain. Napapailing si Ben sa nakikitang akto ng babae. Girlfriend ba ito ni Lucas? Saang lupalop ng mundo ba nakuha ng kapatid niya ang babaeng ito? Duming – dumi at pudpod na ang suot nitong sneakers. Ang suot nitong maong ay lumang – luma na dahil sa mga sira doon na alam niyang hindi sinadya kundi dahil talaga sa karupukan at kalumaan. Tingin nga niya ay hindi na rin nalalabhan dahil na din sa dumi. Ang t-shirt naman nito ay luwag na luwag na ang neckline na para bang pinanggigilan na ng labandera . Pero kahit pa hindi appealing ang suot nito ay hindi niya maitatanggi ang magandang mukha ng babae. Naka – pony tail lang ang mahaba nitong buhok. Wala din itong bahid ng kung anong make up sa mukha pero naroroon pa rin ang natural nitong ganda. “Bakit?” narinig niyang tanong nito sa kanya. Noon lang niyang napansin na nakatingin na sa kanya ang babae. Tila nagtataka kung bakit siya nakatitig dito. “Kailan babalik si Lucas?” iyon na lang ang naitanong niya dito. “Bingi ka ba? Two weeks nga daw siya sa Baguio. Bakit hindi mo na lang siya tawagan?” tila inis na sagot nito sa kanya. “He doesn’t answer my calls. Can you just call him? I need to talk to him. Magda is coming home,” ayaw na niyang makipagtalo sa babae. Ang gusto lang niya ay makausap ang kapatid at umalis na sa lugar na iyon. Nakita niyang umirap ang babae at kinuha sa bulsa ang isang cellphone. Tapos ay nagpipindot doon at muli iyon ibinulsa. “Alam na niya. Nai – text ko na. Puwede ka ng umalis,” sabi nito. “Text? Wala ka bang pantawag? You can use my phone,” malapit ng maubos ang pasensiya niya. “Kung ikaw nga na kapatid ayaw niyang sagutin ang tawag mo, ako pa kaya. Umalis ka na. Sasabihin ko na lang sa kanya na pumunta ka dito pag – uwi niya,” tila walang pakialam na sambit nito. Pigil na pigil ni Ben ang kanyang sarili. Kung hindi lang talaga babae ang kanyang kaharap ay kanina pa talaga niya nasaktan ito. Napailing na lang siya habang tinitingnan ang babaeng wiling – wili sa pagkain ng goto. Napapangiwi pa siya sa dahil sa maingay na paraan nito ng paghigop ng sabaw. Napakawalang modo ng babaeng ito. Hindi niya lubos – maisip kung bakit pinatulan ni Lucas ang ganitong klase ng babae. “Please tell him to go home because Magda is coming home in three days,” iyon na lang ang nasabi niya dahil tingin niya hindi naman na siya pansin nito. Dahil nakita niyang matapos nitong kumain ay basta na lang nito inilagay sa isang tabi ang hawak na puswelo at basta na lang nahiga doon at natulog. “Damn,” mahinang mura niya at umalis na doon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Rogue's Daughter

read
1.1M
bc

Tale of a Naughty Nun

read
268.7K
bc

CHAOS

read
37.0K
bc

Theirs

read
239.7K
bc

I'm Dying, Mate

read
1.9M
bc

I'M BACK BITCHES

read
36.4K
bc

The Alpha's Daughter

read
2.6M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook