Chapter Six

2418 Words
Marahang iginalaw – galaw ni Milla ang kanyang paa at wala na siyang nararamdaman na sakit doon. Tama nga si Ben. Hindi magtatagal ang sakit noon. Napangiti siya. Magaling maghilot ang lalaki. Alam na alam kung anong first aid ang dapat na gawin. Lalong lumapad ang ngiti niya ng maalala na binuhat siya ng lalaki pauwi sa bahay. Pakiramdam niya ay isa siyang prinsesa na buhat ng kanyang prinsipe. Literal na si Ben ang naging knight in shining armour niya. Saka naalala niya, ang bango – bango nito kahit na nga tagaktak ito sa pawis dahil sa mahabang pagtakbo. And ang lakas ng stamina nito. Sa bigat niyang one twenty pounds, nakaya siyang buhatin ng binata hanggang sa bahay. Hindi biro ang layo noon. Naputol lang ang pagmumuni – muni niya ng marinig na may kumakatok sa pinto. “Pasok,” sabi niya. Nanatili siyang nakaupo sa kama. Nakangiting imahe ni Magda ang nakita niya. Agad siyang umayos ng upo. “Hi Magda,” bati niya sa matanda. “Are you okay now? Ben told me what happened. Can you walk now?” damang – dama niya ang pag – aalala sa boses nito. Naupo ito sa couch na naroon sa silid. “Y – yes. I am fine now. Ben took care of me,” sagot niya dito. Lalo ng lumapad ang ngiti ng matanda sa narinig na sagot niya. “You know, I really like you. I really like you to be my grandson’s wife,” sabi pa nito. Napangiti siya. Kung totoo nga lang sana ang mga pangyayari aba, talagang gusto niyang maging asawa si Ben. Saglit na nanlaki ang mata niya sa naisip na iyon. Kung wala nga lang si Magda sa harap niya ay baka para siyang luka – lukang nagsisisigaw sa naisip na iyon. No. No. What the hell am I thinking? Masyado na akong nagiging attached sa role ko. All of this is just an act. So wake up, Romilla! Iyon ang nagpabalik sa kanya sa realidad. “I haven’t seen my grandson looked so happy. I see a different Ben everytime you are around him. He really loves you a lot,” sabi pa nito. Napangiti siya ng pilit. “I don’t know with Ben. Sometimes, even if we are together, I can still think he is not over with Brenda,” pinanindigan na niya ang pag – arte. Gusto niyang malaman ang tungkol sa babaeng iyon kaya kukuha siya ng impormasyon. Nakita niyang umasim ang mukha ng matanda. “From the start, I really don’t like that woman. Alam kong wala siyang magandang idudulot sa buhay ng apo ko. She was in a relationship when she decided to have a relationship with Ben. From then, I know she will just give my Ben a heart ache. And it happened. She ran away with Ben’s bestfriend,” naiiling na lahad nito. “Jude?” paniniguro niya. Nakita niya ang paglatay ng kalungkutan sa mukha ng matanda. “They were bestfriends since they were young. They were like brothers. I know that kid. He was such a sweet boy. I saw what happened to Ben. He was really devastated with what happened. He really loved Brenda so much and it pains me more because I know he is not happy. Until now, he is still drawn to Brenda and there you came,” napangiti ito sa pagkakatingin sa kanya tapos ay lumapit ang matanda at naupo sa kama niya. “Please love Ben. He needs it. He needed someone who will show him that it is okay to fall in love again,” sabi pa nito sa kanya. Wala siyang masabi sa narinig na sinabi nito. Ngayon niya naintindihan kung bakit mayroong trust issues ang binata na kahit ang kapatid nito ay kaya nitong pagselosan. Pareho silang napatingin ng matanda sa pinto ng marinig na may kumatok doon at nakita nila ang pagsungaw ng ulo ni Ben ng buksan ang pinto. Tila nagulat pa ito ng makita ang matanda sa loob kaya tuloy – tuloy na pumasok. “I was just checking on her if she is already okay,” sabi ng matanda at tumayo na. “Where are you going Magda?” takang tanong ni Ben ng makitang papunta sa pinto ang matanda para lumabas. Kumumpas lang ito ng kamay. “I’ll leave you two love birds alone,” nakangiting sabi nito at tuloy – tuloy na lumabas. Napapailing lang si Ben ng makaalis ang lola nito. “Why are you here?” tanong niya. “I am just going to check on my girlfriend. Is it wrong?” balik tanong nito sa kanya. “I can move my feet. Thank you,” sabi niya dito. Lumapit ang lalaki sa kanya at naupo sa tabi niya. Hindi niya maintindihan ang kaba na dumadagundong sa dibdib niya.. “Kaya mo ng lumakad?” paniniguro nito. Umusod siya at dumulo sa kama para tangkain na tumayo. Nagawa naman niya. Medyo may sakit pa ng subukan niyang itapak ang paa kaya tuloy – tuloy din siyang natumba. Pero imbes na sa kama siya bumagsak, sa kandungan siya ni Ben nagtuloy. “Damn it! I’m sorry!” hiyang – hiya siya at dali – daling umalis doon. “It’s okay. Don’t stress yourself,” sabi nito sa kanya at inalalayan siyang makaupo sa kama. “Why are you here?” tanong niyang muli dito. Alam niyang may kailangan ang lalaki sa kanya. Nakita niyang bahagya itong napangiti at napakamot sa ulo. “I know you are not well but I’ll just want to ask if you can come with me tonight?” alanganing tanong nito. “Where?” “I have an invitation to a party of my business associate sa Sofitel. I don’t wanna go but Magda insisted me on bringing you kaya gusto kitang isama,” sabi nito sa kanya. Pinakiramdaman niya ang kanyang paa. Maayos na rin naman ang pakiramdam noon at tingin niya kaya na niyang maglakad. “Pero kung hindi mo pa kaya, okay lang. I’ll just go by myself,” sabi nito. “I’ll go with you,” sabi niya dito. Nakita niya ang pagliwanag ng mukha ng binata. Alam niyang hindi ito umaarte. Talagang tingin niya ay masaya ito sa nalaman na makakasama siya. Sumenyas ito sa kanya ng sandali tapos ay lumabas. Pagbalik ay may bitbit na itong isang paper bag. “I bought you a dress that you can wear. I hope you like it,” sabi nito sa kanya. Kinuha niya ang paper bag. “We’ll be leaving at six. See you later,” sabi nito at tuluyan ng lumabas. Napahinga ng malalim si Milla at binuksan ang paper bag. Isang black spaghetti strap dress iyon na hanggang tuhod. Elegante ang pagkakagawa. Saglit siyang napatingin sa pintong dinaanan ng binata. He really knows what to pick kahit pa sabihing lalaki ito. Alam nito ang babagay sa babae at alam nitong magugustuhan ito ng babae. Tahimik na nagkakape sa garahe si Lucas habang naglilinis ng kanyang mga paint brushes. Kailangan niyang gumawa ng mga bagong obra. Kahit naman hindi nabenta ang ilan niyang mga paintings alam niyang balang araw, makikilala din siya. Hindi siya nawawalan ng pag – asa. “Gusto mo ibili na lang kita ng mga bagong ganyan kesa nagtitiyaga kang linisin ang mga iyan,” narinig niyang sabi ng kung sino mula sa kanyang likuran. Muntik na niyang maibuga ang iniinom na kape sa pagkagulat. “You scared me Magda!” sabi niya sa lola. Naupo ito sa harapan niya. “Are you sure its going to work? Those two will fall in love?” paniniguro ng matanda. Napahinga ng malalim si Lucas at inihinto ang ginagawa. “I know this is a long shot but I know those two, they hate each other but deep down inside, I know there is something going on between them,” paliwanag niya sa lola. “Pumayag na ako sa plano mong ganito pero sa tingin mo mapapatawad ba tayo ni Ben kapag nalaman niya ang totoo? That we set this whole thing up? He and Milla?” dama niya ang pag – aalala sa boses ng matanda. “Magda, I love Ben. I also love Milla. She is my bestfriend. I know those two are meant for each other. Nakahanap si Ben ng katapat kay Milla. Ben is so stubborn then so is she. After this week, believe me, those two will be inseperable,” sabi pa niya. “What if Brenda comes back? I don’t want to see your brother hurt again,” sabi pa nito. “It’s up to him. There’s nothing we can do if he chose Brenda again,” malungkot na pahayag ni Lucas at itinuon ang muli ang pansin sa ginagawa. “And how about you? What are your plans in your life? Habambuhay ka na lang maghihintay ng break mo na maging sikat na painter? Paano kung hindi dumating ang panahon na iyon?” sunod – sunod na tanong ng matanda. “Bakit ako naman? Bakit napunta sa akin? ‘Di ba si Ben and Milla ang project natin?” nagkakamot sa ulo na angal ni Lucas. “Bakit? Si Ben lang ba ang apo ko? I know someone that can help you with your art. His name is Tim. Sikat siyang curator and art enthusiast sa California. Nandito siya ngayon to promote his latest artist. Have you heard of Gia Alonzo?” tanong pa nito. Nag – isip siya. Pamilyar sa kanya ang pangalan na iyon. Bagong artist ito na sumisikat sa art world. She is using pen and ink as a medium at nakita na niya ang mga gawa ng babae at kahit siya ay humanga sa istilo nito. “She is good. I’ve attended one of her exhibits. Magaling,” sabi niya. “She is just like you. But look at her now, with the help of Tim, sikat na sikat na siya.” Napakunot ang noo niya. “And how did you know about all of these?” Ngumiti lang ang matanda. “I know things. You know apo, kanino ka ba nagmana sa galing mong magpinta? It runs in our family. The difference is that you pursued it. Sinunod mo ang gusto mo and that’s what I like about you,” sabi pa nito. “Kahit pa nga walang pera sa propesyon na ito?” sabi pa niya. Iyon kasi ang lagi niyang naririnig kay Ben kapag nag – aaway silang dalawa. “Lucas, your brother loves you so much kaya gusto niyang maging maayos ka. He thinks there is no money in your profession and he wants you to help him with the family business. But have you seen Ben’s work? Pareho lang kayong magaling magpinta ng kapatid mo,” sabi pa nito. Napakunot ang noo niya. Hindi makapaniwala sa sinasabi ng lola. “Ben can paint?” gusto niyang makasiguro. Lumaki at lumaki siya na kontra ito sa mga ginagawa niya. “He haven’t showed it to you?” gulat na taka ng matanda. Umiling lang siya. “Ayaw ni Ben sa trabaho ko. He thinks painting is just a waste of time. Hindi daw ako aasenso dito. But dito ako masaya. I can express all my frustrations, happiness with my works,” sagot niya sa matanda.. Nagkibit lang ng balikat ang matanda. “Hayaan mo. Maiintindihan din niya ang gusto mo,” sabi nito at tumayo na. “I’ll talk to Tim about your works,” sabi lang nito at iniwan na siya. Napasandal siya sa kinauupuan. Minsan naman kasi talagang naiisip din niya na may punto si Ben. Ilang taon na rin kasi siyang striving artist. Aminado talaga siyang bibihira sa mga kagaya niyang pintor ang talagang sumisikat. Hirap na hirap siyang i-market ang kanyang mga gawa dahil napakarami ng nakakagawa ng tulad ng mga ginagawa niya. Pero ayaw niyang sumuko. Talagang papatunayan niya kay Ben na kaya niyang panindigan ang gusto niya. “Are you okay?” Napatingin si Milla kay Ben na nakatingin sa kalsada at abala sa pagmamaneho. “Yah,” sagot niya at tumango – tango. Napalunok siya at muling sinulyapan ang lalaki habang ang atensiyon nito ay nasa pagmamaneho. Guwapong – guwapo ang binata sa suot nitong amerikana. Tila ba dignified na dignified ang itsura nito. Tila ito isang karakter sa mga kuwento na lumabas mula sa libro. ‘Yun bang tipong pang pocket – book lang ang itsura. Tall, dark and devilishly handsome. Agad niyang ibinaling ang tingin ng mapansin na titingin ito sa kanya. “Did you like the dress? I don’t know what is your type kaya I asked the help of the sales attendant in Rustan’s. She told me that its their newest collection,” sabi pa nito sa kanya. Wala siyang masabi sa damit. Sa tabas pa lang at tela ay talagang mamahalin na iyon. At kahit na sinong makakita, talaga namang bumagay ito sa kanya. Kahit naman hindi siya kasing tangkad na mga modelo ay hindi pa rin naman siya papatalo sa hugis ng katawan at ganda ng mukha niya. “And it really suits you. You’re really pretty. I am sure everyone is going to envy me,” napapangiti pang sabi nito sa kanya. “And I am the trophy girlfriend again,” nangingiti rin na sagot niya. Naramdaman niyang hinuli nito ang kamay niya. Napalunok siya dahil hindi niya maintindihan ang tila kuryenteng dumaloy sa katawan niya. “We still have three days to perfect our relationship so we better act properly. Don’t worry. If I am satisfied with your job, I might give you a bonus,” sagot nito sa kanya. Hindi niya alam kung dahil ba sa lakas ng aircon o dahil sa narinig na sinabi ng binata kaya tila para siyang nanlamig. Ngumiti si Ben at pinisil – pisil pa ang kamay niya. “Don’t worry, I’ll be the loving boyfriend for the rest of the week,” sabi pa nito at itinuon na ang atensiyon sa pagmamaneho. Hindi siya kumibo. Ganoon na lang din ang ginawa niya. Pero hindi niya maintindihan sa kanyang sarili kung matutuwa ba o malulungkot dahil nalalapit na ang paghihiwalay nilang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD