Ilang beses ng nagdo – doorbell si Milla sa harapan ng bahay nila Lucas pero walang nagbubukas sa kanya. Saradong - sarado kasi ang malaking gate at mula doon ay tanaw niya ang malawak na lupain ng kanyang kaibigan. Hindi niya maintindihan kung bakit naisip nito na umalis sa lugar na ito gayong sa tingin niya ay isa itong paraiso sa laki at ganda.
Inis niyang kinuha ang kanyang telepono. Kung bakit naman kasi ngayon pa siya nawalan ng load. Nagpalinga – linga siya kung makakita na tindahan na puwedeng mag – load pero sa malas ay puro bakanteng lote at damuhan ang kanyang nakikita.
Napagilid siya ng makitang may isang bagong kotse ang pumarada sa harap ng gate at bumisina. Kunot – noong tiningnan niya iyon dahil kahit tinted ang salamin, sigurado siyang nakatingin sa kanya ang nagmamaneho noon. Maya – maya ay nagbaba ng salamin ang nagmamaneho at napairap siya ng makilala iyon.
“What are you doing here?” seryosong tanong sa kanya ni Ben.
“I am looking for Lucas. He invited me here,” sagot niya dito at nakasilip sa loob.
“He is not here. Nagpaalam kagabi na may pupuntahan and I don’t know when he will be back,” sagot nito sa kanya.
Alam niyang nagsisinungaling ang lalaki dahil nasabi na niya sa kaibigan na pupunta siya ngayon.
“Whatever you say,” tanging sagot niya dito at malakas na isinigaw ang pangalan ng kaibigan.
Nakita niyang inis na bumaba sa kotse ang lalaki. Napataas ang kilay niya. Guwapo talaga ang kapatid na ito ni Lucas. Ito ang pisikal na example ng tall, dark and handsome na nakikita lang niya madalas sa magazines. Kahit ang mga stage actors na nakakasama niya ay talagang kakabugin ng lalaking ito. Matikas manamit kahit simpleng maong at polo shirt lang ang suot nito, malaki ang katawan na halatang alaga sa gym at ehersisyo. Pero talagang sa ugali, lahat ng kapangitan yata ay sinalo ng lalaking ito.
“Will you stop making a scene?! My brother is not here so please go home!” bulyaw nito sa kanya.
“And don’t yell at me! You are not the one invited me here so you don’t have the right na paalisin ako dito. Lucas invited me here,” at muli at isinigaw niya ang pangalan ng kaibigan.
Laking pasasalamat niya ng makitang dumadating ang kanyang kaibigan na nakasakay sa motorsiklo nito. Huminto ito sa harap nila at binuksan ang gate.
“Miles! I thought you’re not coming,” sabi nito at yumakap sa kanya. Nakita niya ang pagsimangot lalo ng mukha ng kapatid nito.
“Kanina pa ako nandito. Sabi pa nitong si Mr. Perfect, wala ka daw at pinapabalik na ako ng Maynila,” pagsusumbong niya sa kaibigan.
“Wala kasi talaga ako kanina bago umalis si Ben. Come on. I’ll show you inside,” sabi nito at ibinigay ang helmet sa kanya.
Bago sumakay sa motorsiklo ay nginitian pa niya ng ubod tamis ang kapatid ng kaibigan. Kitang – kita niya ang lalong pagsimangot ng mukha nito.
“What a b***h,” inis na bulong ni Ben at muling sumakay sa kanyang kotse.
Malalakas na halakhakan ang narinig ni Ben ng makababa sa kotse at tinungo ang salas. Alam niyang nagmumula iyon sa tila pakawalang kaibigan ng kapatid niya. Pagpasok niya ay naabutan niya itong nakahiga sa sofa at nakadantay pa ang ulo sa hita ng kapatid niya. Tumayo naman ito ng makita siya.
“Hi handsome,” tila nang – aasar na bati nito sa kanya.
“Ben, will you tell your visitor to stop acting like a b***h inside my house,” baling niya sa kapatid.
Nakita niyang napatawa lang ang kapatid sa narinig na sinabi niya.
“Do I act like a b***h, honey?” narinig niyang sabi ni Milla at nakatingin sa kapatid niya.
“Ben, I want you to meet Milla. Milla, this is my older brother, Ben.” Pagpapakilala nito sa kanilang dalawa.
“I know who she is and I want her out of my house,” sabi niya sa kapatid.
“Patience Miles,” narinig niyang sambit ng kapatid niya sa babae.
Nakita niyang napataas lang ang kilay ng babae at tumayo tapos ay lumapit sa kanya. “Whatever you say, your highness.” At tila nakakaloko pa ang tingin sa kanya ng umalis doon at pumasok sa isang guest room.
“Will you tell her to get out of here?! Magda is coming anytime. Ano sa tingin mo ang mangyayari kapag may naabutan siyang parang pakawalang babae dito sa bahay?” inis na inis na siya.
“Ben, relax! Miles is just here for a job. Aalis din siya kapag natapos na ang trabaho niya,” sagot ng kapatid.
“What job? Ano naman ang trabahong makukuha niya dito sa atin?”
Nakita niyang napangiti lang si Lucas at tumayo na.
“Before I forget, kakatawag nga lang pala ni Magda. She’s already in Cavitex. Hindi na daw siya nagpasundo pa sa atin kasi ayaw na daw niya tayong maistorbo. And also, she wants to meet your girlfriend pagdating niya. Good luck,” at iniwan na siya ng kapatid.
Napapikit siya at mahinang napamura. Oo nga pala. Ngayon nga pala darating ang lola niya. Sa dami ng iniisip ay nakalimutan na niya pati ang problema niyang iyon. Napailing siya. Bahala na. Sasabihin na lang niya sa lola niya ang totoo at pagbibigyan na lang niya kung sinuman ang ireto nito sa kanya.
Hindi pa man siya nakakapag ayos para sa pagdating ng kanyang lola ay nakarinig na siya ng malalakas na pagbusina mula sa labas ng bahay. Sigurado siyang si Magda na iyon. Nakita niyang nagmamadaling lumabas ng silid si Lucas at tila hindi siya pansin at dire – diretsong lumabas para salubungin ang kung sino man na dumating.
Hinintay na lang niyang makapasok ang lola at nanatili na lang siya sa sala. Hindi nga siya nagkamali. Maya – maya lamang ay pumapasok na ito kasama ang kanyang kapatid. Napangiti siya. Kahit papalo na sa seventy ang edad ng kanyang lola, mapagkakamalan pa rin itong nasa sixties lang. Groovy na groovy kasi ang itsura nito. Kulay brown red ang buhok nito, naka shades na sunod sa uso. Pati ang pangangatawan nito ay tila hindi tumatanda dahil alam niyang maingat ito. Maingat ito sa pagkain ng bawal at alam niyang alaga sa ehersisyo ang katawan nito.
“How’s my iho?” bati nito sa kanya.
“Magda,” tanging nasabi niya at yumakap ng mahigpit sa lola. Sobrang na – miss din niya ito talaga. Kahit makulit ang lola, mas gugustuhin pa niyang marinig ang ingay nito sa bahay kesa sa katahimikan na lagi niyang kasama.
“Mabuti naman at naabutan ko dito itong kapatid mo. Saang bundok mo nahanap ito?” si Lucas ang tinutukoy nito.
“Magda naman. I am busy selling my art. I want the world to know that I am a good painter. A good artist,” sagot ni Lucas.
“I know you are a good artist. Pero sa panahon ngayon ng digital arts, marami pa ba naman ang interesado sa gawa mo?” sabi pa nito.
“I know makikilala din ako,” ngingiti – ngiti si Lucas.
Napangiti ng mapakla si Ben ng bumaling sa kanya ang lola.
“And where is your girlfriend? I want to meet her. Sabi mo sa akin ipapakilala mo siya. Where is she?” sunod – sunod na tanong nito.
Napahinga ng malalim si Ben.
“A – about that, the truth is –“
“Good morning! You must be Magda. Oh, I am very much excited to meet you. Ben tells me a lot about you,” masayang – masayang bati ni Milla habang mabilis na lumapit sa lugar nila at mabilis na humalik sa pisngi ng gulat na gulat na matanda. Gulat na gulat din si Ben sa inakto nito at tumabi pa ito sa kanya at kumapit sa braso niya.
Hindi niya maialis ang tingin sa babae. Ibang – iba ang Milla na narito ngayon sa Milla na nakilala niya. Babaeng – babae ang itsura nito sa suot na white summer dress na hanggang tuhod at spaghetti strap. Nakalugay ang mahaba nitong buhok at napakabango noon ng dumikit sa kanya kaiba sa amoy araw na babaeng nakilala niya. Napakaganda rin ng mukha nito na wala kahit na anong bahid ng make up. Ito ang babaeng hindi ikakahiya at puwedeng – puwedeng iharap sa kahit na kaninong tao.
“Is she your girlfriend?” paniniguro ni Magda sa kanya.
Hindi siya makasagot. Hindi niya alam kung anong palabas ang nangyayari pero sweet na sweet ang babaeng ito sa pagkakadikit sa kanya.
“Where are your manners, honey? Aren’t you going to introduce me to your grandmother?” malambing na sambit sa kanya ng babae.
Napatingin siya sa gawi ng kapatid at nakita niya ang impit nitong pagtawa. Alam na niya ang trabahong sinasabi nito para sa kaibigan. Iyon ay ang magpanggap na girlfriend niya.
“Magda, this is Milla. She is my g – girlfriend,” sabi niya sa lola.
“Pretty. I bet with your new girlfriend around, nakalimutan mo na ang babeng si Brenda. You should move on without that woman. Wala namang magandang itinuro sa iyo ang babaeng iyon,” narinig niyang sabi ng matanda.
Sa narinig ay kitang – kita ni Milla ang pagtagis ng bagang ni Ben.
“It’s so nice to meet you, Milla. Are you going to stay here?” baling sa kanya ng matanda.
“Yes. Ben wanted me to stay for at least a week. I already filed a vacation with my job so I can stay,” nakangiting sagot niya dito.
“What do you do?” tanong pa ng matanda.
“I am an actress. A stage actress. That’s where Ben and I met,” sagot niya.
“Kailan ka pa naging fan ng stage drama?” baling nito sa apo.
Kitang – kita niya ang kalituhan sa mukha ng binata.
“I know he doesn’t like the crowd. Lucas brought him one time in one of my plays. He introduced us and the rest is history,” siya na talaga ang gumagawa ng kuwento. Bahala na kung paano nila papanindigan ito.
“I want to rest for a while. Pakisabi kay Mirang ipagluto ako ng sopas. Wala akong makain na ganoon sa Amerika,” sabi nito sa kanila at nagpatiuna ng umakyat sa itaas. “Milla, let’s chat later. I want to know you more kung paano mo napalambot ang puso ng apo ko,” sabi pa nito.
“I’m excited to chat with you Magda. See you later,” ngiting – ngiti pa siya.
Nang mawala sa paningin nila ang matanda at si Lucas ay mabilis na naghiwalay ang dalawa.
“What are you doing?” inis na tanong ni Ben sa babae.
“Saving your ass,” tanging sagot niya.
“I don’t need to be saved. Kaya kong gawan ng paraan ang mga problema ko,” inis na sagot nito.
Napatawa siya. “Oh really? Kaya mo? Then why you didn’t tell the truth to your grandmother? Bakit pinabayaan mong maniwala siya sa palabas na ‘to?”
Hindi ito nakakibo sa sinabi niya.
“Yeah, right. Lucas told me you can pay me fifty grand if I act as your girlfriend,” sabi niya dito.
Nanlaki ang mga mata nito sa sinabi niya.
“What? Fifty grand?! I am not crazy to pay a crazy woman like you that money! In the first place I didn’t ask for your help,” sagot nito sa kanya.
Napairap siya.
“Okay fine. I’ll just tell your grandmother the truth then I’ll be gone. Mas marami pa akong magagawa kung hindi na lang ako pumunta dito. I was just doing your brother a favor but since ayaw mo, walang problema,” sabi niya at akmang pupunta na sa silid ng matanda.
“Damn it! Fine! I can only pay thirty thousand. Fifty thousand is too much for a one week service,” sagot nito sa kanya.
“Sorry. I needed the money. I need fifty grand,” nakangiting sabi niya dito.
Napangisi si Ben at napailing.
“Huwag mo naman masyadong ipahalata sa akin na mukha kang pera,” sabi nito sa kanya.
“Honey, sa panahon ngayon wala ng libre. Wala na ring tawad. Ang hirap kayang umarte lalo na nga at sa isang tulad mo. Dapat nga doble pa ang presyo ko,” sagot niya dito.
“You’ll get half of the money later. I’ll give it to you. The other half kapag nakauwi na sa Amerika ang lola ko. But I have a condition to give,” sabi nito sa kanya.
“What condition?”
“Don’t fall in love with me,” serysosong sambit nito sa kanya.
Napahalakhak si Milla sa narinig na sinabi ng lalaki.
“What? Me? Don’t worry brother. I won’t fall in love with you. You are not my type. You are just a job,” sagot niya dito.
“Let’s see,” sabi nito at tinalikuran na siya.
Kapal ng mukha ng isang iyon. Ako? Ma – inlove sa kanya? Excuse me no!
Malakas na ibinalibag ni Ben ang pinto ng sariling silid at tila nanghihinang napaupo sa kama. Hindi niya alam kung hulog ba ng langit si Milla o dagdag sakit sa ulo sa mga problema niya. Pero aaminin niyang magaling umarte ang babae. Convincing ang pag –arte nito sa harap ng lola niya. Hindi madaling mabilog ang ulo ni Magda at siya mismo ang nakakaalam noon. At alam niyang hindi basta – basta madaling magtiwala si Magda lalo na nga pagdating sa babae. Sa nakita kasi nitong naging buhay niya ng maghiwalay sila ni Brenda, tila alam na alam na nito na hindi na siya magmamahal uli.
Brenda was her life then. Halos dito na lang umikot ang mundo niya noon. Ilang beses na siyang sinasabihan noon ng kanyang lola na hindi siya liligaya sa babae pero hindi siya nakinig. Hindi niya alam kung bakit lagi iyon sinasabi sa kanya ni Magda. At isa pa, kitang – kita niya ang pagka – disgusto nito sa babae pero mahal niya si Brenda. Hindi nga niya alam kung paano siya naka – recover sa loob ng dalawang taon mula ng iwan siya nito.