Chapter Two

2273 Words
“Lucas!” yumakap pa si Milla sa lalaki ng makita itong nakatayo sa pinto ng apartment nila. Bitbit nito ang isang malaking travelling bag at kipit – kipit ang ilang mga canvass. Tuloy – tuloy itong pumasok at ng mabitiwan ang mga dala ay basta ibinagsak sa kutson na naroon ang katawan. “Akala ko ba next week ka pa darating? Saka anong nangyari sa exhibit mo? Walang bumili?” sunod – sunod na tanong na niya dito ng maisara ang pinto. “Naunahan na ako ni Joshua. Alam mo naman iyon ayaw papatalo,” sagot nito sa kanya na nanatiling nakapikit ang mga mata. Tingin niya ay pagod at problemado ang kanyang kaibigan. Huminga siya ng malalim at tumabi dito. Lucas has been his bestfriend since college. Nagkakilala sila sa isang play na sinalihan niya noon. Siya ang leading actress at ang grupo naman ng binata ang gumagawa ng stage props para sa kanila. Guwapo si Lucas pero kataka – takang wala talaga siyang nararamdamang kakaiba para dito. Sinubukan nila noon na maging mag – on pero iisang linggo pa lang ay hindi talaga nag – work out ang ganoon uri ng relasyon para sa kanila. Siguro nga, talagang hanggang platonic friendship lang ang relasyon nila. Masaya lang silang magkasama na dalawa dahil pareho silang nagdadamayan sa mga problema nila sa buhay. Kaya ng makatapos sa kolehiyo ay nagpasya silang iwanan ang kani – kanilang mga pamilya at mag – share na lang sa apartment. She pursued her career as a stage actress at si Lucas naman ay ang pagpipinta. Alam nila ang sikreto ng bawat isa. Kaya nga siguro sila nagkakasundo dahil pareho silang may tinatakasan sa kani – kanilang pamilya. “Huwag mo ng isipin ‘yun. Magkakaroon ka rin ng break maniwala ka sa akin. Hindi pa lang siguro dumadating ang time mo,” gusto niyang palakasin ang loob nito. Napahinga ng malalim ang binata. “Okay lang naman. Ganoon talaga, eh.” Malungkot na sagot nito. “Wala akong kinita, Miles. Hindi ako makakabigay ng share para sa renta natin ngayong buwan,” sabi pa nito sa kanya. Tanging ang kaibigan lang niyang ito ang tumatawag sa kanya ng ganoon. “Ano ka ba? Okay lang. May extra money pa naman ako dito. Nasungkit ko kasi ang role ni Maria Clara,” at natawa pa siya ng sabihin iyon. Napatawa din ang kaibigan niya at tumingin sa kanya. “Parang hindi bagay sa iyo,” sabi pa nito. “Tingnan ko lang kapag hindi na – inlove si Crisostomo Ibarra kapag nakaharap na niya ako,” natatawa ding sabi niya at bumangon. “Nga pala, na – receive mo ba ang text ko sa iyo kanina?” Umiling lang ito. “Dead batt ako kanina. Bakit?” “Nagpunta dito ang impakto mong kapatid. Hinahanap ka,” napa - irap pa siya ng sabihin iyon. Napabalikwas ng bangon ang lalaki sa narinig na sinabi niya. “Si Ben? Nagpunta dito?” paniniguro nito. Tila hindi makapaniwala sa sinabi niya. “Oo nga. Kailangan mo daw umuwi dahil darating si Magda,” asar pa ring sabi niya. “Wait. Something happened isn’t it?” napansin kasi ng lalaki ang pagkainis niya. “Your arrogant brother came here without a warning. I thought he was a rapist or something. I need to protect myself. Pinukpok ko siya nito,” at ipinakita niya ang kapiraso ng kahoy na ginamit niya. “You did what?!” at napahalakhak ng malakas ang kaibigan niya. “Hindi ko naman siya kilala, eh. Pagbukas ko nitong bahay nandito siya sa loob. So I thought, magnanakaw or rapist siya,” paliwanag pa niya. “Oh my god. I can imagine Ben’s face,” hindi na halos makahinga si Lucas sa kakatawa. “Ang yabang kasi ng buwisit na iyon. Akala mo kung sino. Siya na ang trespassing, siya pa ang may ganang magalit,” sabi pa niya. “Grabe,” nasabi nito sa pagitan ng pagtawa. “Ikaw lang ang taong nakagawa ng ganoon sa kanya. Alam mo bang kahit ako, hindi ko kayang gawin iyon sa kanya. I know what Ben can do. He is a black belter in taekwondo,” sabi pa nito. Napa – irap siya. “Black belter my ass. Kaya pala hindi na siya nakapalag ng hatawin ko siya nito sa ulo,” may pagmamayabang na sagot niya. “Wait, did he tell you kung kelan dadating si Magda?” tanong ng kaibigan. “In two days daw. Sino ba iyon? Syota mo?” “Sira! She is my grandmother,” sagot nito at naiiling habang nangingiti. “Bakit naman para kang sira ulong ngingiti – ngiti diyan? Saka bakit Magda lang ang tawag mo eh, lola mo pala ‘yun” tanong ni Milla. “Sigurado kasi ako na nanginginig na ang puwit ni Ben sa paghahanap ng syota niyang maipapakilala kay Magda,” sagot ng kaibigan niya. “Sa ugali naman kasi ng kapatid mo, sigurado akong mahirap makakita ng syo – syotain ‘yun,” komento niya. Napangisi si Lucas at tumitig sa kanya. “What?” taka niya “You need money, right?” “Oo naman. Mauubos na rin itong pera ko. Matagal pa ulit bago ako mabayaran sa play. Saka two months behind na tayo sa renta dito. Siguradong mag – iingay na si Aling Rose,” sagot niya sa kaibigan. “You want a job?” “Siyempre. Ano bang trabaho iyon? balik tanong niya sa kaibigan. “Sumama ka sa akin sa Cavite. Pretend that you’re my brother’s fiancée,” sabi nito sa kanya. “Wh – oh man! Stop it! That is crazy! I can be a girlfriend of anyone but not with your brother. Your brother is a psychopath. May topak! No. No. I am sorry, Lucas. I already have a job,” umiiling pa siya habang sinasabi iyon. Napapangiti si Lucas sa nakikitang reaksiyon niya. “Kailan ka pa mababayaran sa play mo? Two weeks? Three? Malas – malasin ka pa, abutin pa ng ilang buwan dahil sa delay sa production company. Miles you’re just going to pretend for one week and I know he can pay you fifty grand,” sabi nito sa kanya. Hindi siya nakakibo. Malaking pera na iyon at talagang magagamit niya iyon sa pangangailangan nilang magkaibigan. “No. I am sorry, Lucas. Even if you are my bestfriend my answer is still no,” matigas na sagot niya. Napakibit – balikat na lang ang kaibigan. “Bahala ka. Do you know someone? Even if we have misunderstandings, he is still my brother and hindi ko kayang makitang mahirapan siya sa dami ng nirereto ni Magda sa kanya,” sabi nito. “Bakit kasi wala ba siyang girlfriend? In fairness naman, your brother is handsome so I am sure marami namang babae iyon,” sagot niya. “Eversince he broke up with Brenda, wala ng naging girlfriend ang kapatid kong iyon. I don’t know. Maybe he is inlove with that woman,” sabi nito at bumangon sa pagkakahiga tapos ay kinuha ang backpack at nagsuksok ng ilang piraso ng damit. “Saan ka pupunta?” taka niya. “Uuwi na muna ako sa Cavite hangga’t wala pa si Magda. I’ll be back in a week. If you want you can come,” sabi pa nito. “Bahala na. I have a meeting sa production nitong play and I need to practice my lines,” sagot niya dito. “See you in a week,” at humalik sa pisngi niya ang kaibigan tapos ay dire – diretso na itong umalis. Napahinga siya ng malalim at naupo sa sahig. Naisip niya, malaki – laki ang perang iyon kung totoo nga ang sinasabi ng kanyang kaibigan. Pero ng maisip niya ang pagmumukha ng kapatid nito ay napangiwi siya. Hindi bale na lang. Sigurado naman na magkakapera pa ako. Mabilis na napatayo si Ben sa kinauupuan ng marinig sa mga kasambahay niya na dumating daw si Lucas. Dali – dali siyang lumabas sa kanyang silid at nakita nga niyang naroon sa sala ang kapatid na may bitbit na isang backpack at ilang mga canvass. Napailing siya sa nakitang itsura nito. Duming – dumi ang pantalon na suot at kupas na kupas ang t-shirt. Maging ang sapatos ay ganoon din. Naka pony tail lang ang mahaba nitong buhok at tingin niya ay mukha na itong ermitanyo sa haba ng balbas at bigote sa mukha nito. Napahinga siya ng malalim. Walang ipinagkaiba sa babaeng nakita niya sa apartment nito. “May plano ka bang maligo bago dumating si Magda?” bungad niya dito. Nakita niyang ngumiti ang kapatid at lumapit sa kanya. “I miss you too brother!” bati nito at yumakap ng mahigpit sa kanya. Gumanti din naman siya ng yakap dito. Hindi man niya aminin, totoong na – miss niya ang kapatid. “Look at yourself. You look like a hermit! Magda will be furious is she sees you like that!” sabi niya dito. “Relax bro! Kararating ko pa lang sinisermunan mo na ako. Hindi mo ba ako tatanungin kung nagugutom man lang ako? Eight hours akong nasa biyahe from Baguio then dumiretso na ako dito and all I wanted to do is to sleep,” sabi nito sa kanya at napatingin sa ulo niyang may plaster. “What happened to your head?” tanong nito pero hindi nakaligtas sa kanya ang pag-ngiti nito. Sigurado siyang alam na nito ang nangyari sa kanya ng pumunta siya sa apartment nito. “There is some crazy woman who hit me,” inis na sagot niya. “A woman? A woman did that to you?!” tila hindi ito makapaniwala at kitang – kita niya ang pagpipigil nitong tumawa. “Your crazy girlfriend did this to me. Satisfied?” inis na inis na siya. “Milla? Oh no brother. She is not my girlfriend,” sabi nito at binitbit na ang mga gamit para tunguhin ang sarili nitong silid. “Hindi mo pa girlfriend ang babaeng iyon pero doon na nakatira sa apartment mo? What are you two? f*****g friends?” Nakita niyang huminto si Lucas at sumeryoso ang mukha ng humarap sa kanya. “Milla is my bestfriend and she is like a sister to me. So please respect her. If she did something bad to you I apologize for that. Maybe she has reasons why she did that but please, don’t say bad things to my bestfriend,” sabi nito at tinalikuran na siya. Bestfriend. May mag-bestfriend bang sa iisang bahay lang nakatira? At babae at lalaki pa? Gusto iyong isatinig ni Ben pero sinarili na lang niya. Kakalimutan na lang niya ang nangyari. At least natapos na ang isang problema niya. Umuwi na si Lucas. Sigurado siyang kahit papaano ay matutuwa si Magda kapag naabutan na magkasama silang magkapatid. Pabalibag na ibinato ni Milla ang dalang bag ng makarating sa kanyang apartment. Hindi niya alam kung talaga bang ipinanganak siyang malas kaya lahat na yata ng kamalasan ay sunod – sunod na dumadating sa buhay niya. Nasira ang kotse niya noong isang araw lang tapos ngayon naman, walang nangyari sa production meeting niya. Cancelled ang show na sana ay pagbibidahan niya bilang si Maria Clara. Hindi daw kinaya ang budget dahil mauubos lang sa artistang gaganap bilang Crisostomo Ibarra. Gustong – gusto niyang sapukin ang no – name na artista ng makaharap niya kanina. Dahil lang sa taong iyon, ang inaasahan niyang kita sana ay naging bato pa. Sigurado siyang mag – iingay na naman si Aling Rose sa paniningil sa kanya para sa renta sa apartment. Napahinga siya ng malalim napatingin sa litrato nilang magkaibigan na nakapatong sa ibabaw ng t.v. Isang araw pa lang nawawala si Lucas pero nami – miss na niya ito. Naisip niyang paano kung hindi na ito bumalik at magpasyang bumalik na sa pamilya nito. Mag – iisa na naman siya. Nagkibit siya ng balikat. Ayos lang. Sanay na naman siyang mag – isa. Mas gugustuhin pa niyang mag – isa keysa bumalik pa sa sarili niyang pamilya. May sari – sarili na kasing pamilya ang kanyang mga magulang. Nasa college na siya ng maghiwalay ang mga ito. Pinapipili siya kung kanino siya sasama pero mas minabuti na lang niyang mag – isa. Ayaw na niya ng magulo. Magmula ng lumaki siya nabuhay siya sa parang aso’t – pusang relasyon ng magulang niya. Sinabi niyang sustentuhan na lang ng mga ito ang pag – aaral niya at pagkatapos noon ay tapos na ang responsibilidad sa kanya. Nang makatapos siya ng kolehiyo, maraming tulong ang gustong ibigay ng kanyang ama pero mas ginusto niyang tumayo sa sariling paa. Ang nanay niya kasi ay nasa Amerika na at sumama sa napangasawa nitong Amerikano. Ang ama naman niya ay nakapangasawa na rin at bumuo ng sarili nitong pamilya. Nagkamot siya ng ulo. Kailangan niyang makagawa ng paraan para kumita. Oo nga at marami siyang mga auditions para sa ibang play pero matagal pa iyon. Naisip niya ang offer ni Lucas. Malaking pera ang sinasabi nito pero napangiwi ng maisip ang simangot na mukha ng kapatid ni Lucas ayaw na niya. It’s just at an act. Malinaw na fifty thousand agad iyon. Sanay ka na naman umarte. Sa stage nga, nakikipaghalikan ka pa sa hindi mo kakilala. Iyon ang tila tudyo ng isip niya. Napapailing, inalis niya lahat ang mga gamit sa kanyang bag at pinalitan iyon ng mga malilinis na damit na puwede niyang isuot at magamit sa trabaho. Bahala na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD