Kabanata 19

1719 Words
"Saan tayo pupunta?" ilang beses nang nagtatanong si Fate kay Zinc ngunit hindi niya naman ito sinasagot. Haaay. Naramdaman ni Fate na sumulyap si Zinc sa kanya kahit nakatutok ang mata niya sa bintana. "Makikipagmeet ako sa publisher na maglilimbag sa huli kong kwento." Nginitian niya si Zinc. "Mabuti naman kung ganun." Binalik ni Fate ang kanyang tingin sa bintana at sa labas ng kotse. "May problema ba? Kamusta ang pagkikita niyo ng kapatid ko? Mukhang matigas ang ulo, ano?" "Hindi naman," pagkatapos sunduin ni Zinc, naalala ni Fate ang pag-uusap nila ni Helix. Hindi mabigat ang pag-uusap nila, sadyang naalala niya lang iyon at naging mabigat ang loob niya dahil nakita niya ang kalooban ni Helix at ang hirap ng sitwasyon nito sa loob ng kulungan. "May problema ba?" nakuha ni Zinc ang atensyon ni Fate. Wala naman. Iyon ang nais na isatinig ni Fate ngunit hindi niya gustong magsinungaling kaya naman... "Pakiramdam ko ay magiging masaya ang pagpunta natin doon." Namasdan niya ang pagkunot nito ng noo. "Ako din." Mabilis na nakapagpark si Zinc ng kotse niya pagpasok nila sa gusali ng kilalang publishing company. "Nandito na tayo. Maghanda ka na." Nilingon ni Fate si Zinc. "Maaari ba akong hindi sumama?" Tumaas ang kilay ni Zinc. "Ano? Bakit?" "Ah... kailangan ko kasing gawin ang... misyon ko..." Huminga ng malalim si Zinc. "Sigurado ka? Patingin ng hour glass." Pinakita ni Fate ang maliit na kwintas niyang may nakasabit na hour glass kay Zinc. Napangiwi si Zinc nang makita ito. Wala na sa kalahati ang nga buhangin na naiiwan sa itaas na bahagi ng hour glass. Ibig sabihin, kailangan na ni Fate na bilisan ang paghahanap niya kay Kin dahil nalalapit na ang oras niya. "Sige. Saan ka ba pupunta?" "Ah... hindi ko alam." Basta ang kailangan ko lang gawin ay bilisan ang paghahanap ko. Napa-face palm si Zinc. "Basta tawagan mo ko... sa isip... kapag naliligaw ka at hindi mo alam kung nasaan ka." Tumango si Fate. "Sige. Huwag kang mag-alala." "Kumain ka naman hindi ba? Ito ang pera. Sigurado naman akong kahit saan ka makapunta ay may makikita kang mabibilhan ng pagkain. Huwag kang mag-alangan na bumili. Bawal kang magutom. Alam mo naman na ang mangyayari kapag nagutom o mauhaw ka hindi ba? Huwag matigas ang ulo." Ngumiti si Fate. "Oo, hindi magiging matigas ang ulo ko. Huwag mo na akong bigyan ng pera, may dala ako." "Saan nanggaling?" "Nang kumain kami ni Aian, bago ako makauwi ay ibinigay niya na ang kabayaran ng pagtatrabaho ko sa opisina ninyo." "Hindi mo man lang sinabi sakin?" "Ah... nakalimutan ko? Basta, kailangan ko ng umalis. Ikaw din. Baka hinihintay ka na nila sa loob." Nagtanguan ang dalawa. Napagdesisyunan nilang hihintayin muna ni Zinc na makaalis si Fate bago ito pumasok sa loob ng gusali. Nang makalabas si Fate mula sa kotse. Ilang segundo lang ang lumipas ay naglaho na ito na parang usok. Natagalan pa bago pumasok si Zinc sa gusali. Si Fate naman ay nakarating sa isang lugar kung saan marami ang kabahayan at ang mga tao. Nasaan ako? Biglaan ang pagbagsak sa gilid ni Fate ng supot na gawa sa tela. Kinuha ito ni Fate at tinignan ang loob, nandoon ang kwintas na pinagsasabitan ng hour glass at ng diyamante. May pirasong papel din doon at kinuha niya. Ito ang lugar na ibinigay sakin ng babae sa bahay-ampunan. Ito ang posibleng lugar kung saan naninirahan si Kin bago pa siya maampon ng isang lalaki at babae. Kaya mo ito, Fate. Dala ang supot na gawa sa tela ay lumapit siya sa tindahan sa kanto. Hindi mapigilan ni Fate ang matuwa sa mga batang nagtatakbuhan sa kalsada, mga naglalaro sila at tila walang problema na dinadala sa mundo. "Binibini, alam niyo ba kung saan ko matatagpuan ang lugar na nakasaad sa papel?" binigay niya ang papel sa matandang babae. Mataman na tinignan ng babae ang nakasulat sa papel. "Sandali... parang pamilyar..." namilog ang mata ni Fate nang marinig iyon mula sa matanda. Tumama siya! Kagabi niya pa pinag-aaralan kung saang lugar siya babagsak kapag ginawa niya ang teleportation at hindi niya inaasahan na napapalapit na siya sa lugar ni Kin! "Sandali ah, itatanong ko sa nanay ko," umalis muna ang babae kaya naghintay siya sa labas ng tindahan nito. Hindi niya sigurado ang saktong araw ng itatagal niya sa mundo ng mga tao. Kagabi niya lang kasi inisip ng mabuti ang lahat. Ang kanyang nalalabing oras, ang paghahanap kay Kin, pati ang pagkikita nila ni Helix ay sumagi din sa isip niya. Nang makita niya ang hour glass at ang buhangin sa loob nito, isa ang ang nasa isip niya-wala siyang dapat sayangin na oras. Kung maaaring araw-araw ay libutin niya ang lahat lugar mahanap lang si Kin ay kanyang gagawin. "Hija, ang sabi ng nanay, diretsuhin mo lang ang kalyeng iyan tapos sa dulo, kumaliwa ka, sa unang kanto na madadaanan mo. Doon ka na magtanong. Basta sigurado ako na doon na doon ang lugar na nandidito sa papel na binigay mo. Maliwanag ba?" Ngumiti si Fate, "maraming salamat po." "Sige." Mabilis na narating ni Fate ang lugar na tinukoy ng matanda. Tumigil siya sa kung saan tumigil din ang matanda sa ibinigay nitong direksyon. "Binibini, alam mo ba kung saan ko mahahanap ang lugar na ito?" binigay niya ang papel sa babaeng may edad na limampu. Nakaupo ang babae sa labas ng isang bahay at binabantayan nito ang naglalarong maliit na bata sa hindi kalayuan. Naglabas siya ng salamin at tinignan pang muli ang nakasulat sa papel. "Ah! Ito yata ang address ng bagong bahay doon sa may kanto!" "Bagong bahay? Saan po iyon?" anang Fate. "Ah. Diretsuhin mo yung daan na ito tapos kapag may makikita kang nagtitinda ng bigas, yung kanto sa tabi noon, pumasok ka. May makikita kang kulay berde at puti na bahay, doon ang eksaktong lugar na hinahanap mo!" nginitian ni Fate ang matanda pagkatapos ay tinungo nito ang direksyon na sinabi niya. Nasa harap niya na ang kulay berde at puting bahay. Mayroon itong dalawang palapag at mukhang bago pa ang pagkakagawa. Huminga muna siya ng malalim bago kumatok sa gate. "Ano iyon?" lumabas ang isang babae. Nakakulay asul itong damit at mukhang nagtatrabaho sa loob ng bahay. "Bakit?" "Ah... dito ba nakatira si Kin? Kin Norwester?" Kumunot ang noo ng babae. "Kin Norwester? Walang ganung pangalan dito. Bakit?" Binigay niya sa babae ang papel na matagal niya nang hawak kanina pa, "ang sabi ay dito daw ang lugar na nakasaad sa papel." "Oo, dito nga ang lugar na hinahanap mo. Pero wala ditong Kin." Nalukot ang noo ni Fate. "P-pero hindi ba't dito ang lugar na iyon? Paanong nangyari na wala dito si Kin?" "Wala dito si-teka... Kin Norwester ba ang hanap mo?" "Oo." "Wala ditong Kin Norwester pero naalala ko..." nag-isip ang babae at matamang tinitignan siya ni Fate, nagdadasal na sana ay mabilis niyang makikita si Kin. "Naalala ko... yung may-ari ng bahay na ito, may anak silang Kin ang pangalan. Pero hindi ko sigurado kung Norwester ang apelido niya." "Ang may-ari ng bahay na ito, may anak silang Kin ang pangalan?" "Oo. Pero dating may-ari. Kasi matagal na din namang nabili ang bahay na ito ng mga amo ko tapos pina-renovate na lang para magmukhang bago." "Talaga? Ah... may impormasyon ka ba kung saan na nakatira ang dating may-ari ng bahay na ito?" "Wala eh... Sandali, titignan ko lang sa loob. Baka merong mga nakatago pa doon." Ngumiti si Fate ng pagkatamis-tamis sa babae. Pumasok ng bahay ang babae habang nasa labas si Fate na naghihintay. Habang naghihintay ay naalala niya na dapat niyang padalhan ng mensahe si Zinc. Zinc? Walang sumagot. Ahm... maayos ako. Huwag kang mag-alala. Pagod ka na ba? Dapat na ba kitang sunduin? Nasaan ka? ikinagulat ni Fate ang pagsagot ni Zin sa kanya. Akala niya kasi ay hindi siya nito naririnig. Ah hindi pa ako pagod. Medyo mahaba lang ang nilakad ko ngunit maayos ako. Tsaka sasabihin ko sayo kapag pauwi na ako... Kinausap lang kita para malaman mo ang sitwasyon ko. Okay. Sige na. Kailangan ko ng umalis. "Miss! Nakakuha na ako ng address!" nilapitan ni Fate ang babae. "Maswerte ka dahil nakakita ako ng lugar kung saan nakatira ang dating may-ari ng bahay na ito. Baka nandyan din ang hinahanap mong tao." "Salamat! Maraming maraming salamat sayo! Pagpalain ka ng Panginoon!" "Hahahahaha. May picture din pala ako nung dating may-ari. Ito oh," kinuha ni Fate ang litrato at saka nagpasalamat at umalis na. Bumalik si Fate sa lugar kung saan sila huling nagkita ni Zinc kanina. Kaso nagkamali siya dahil sa kwarto kung saan nandoon si Zinc kasama ng ilang mga hindi kilalang tao siya nakapagteleport. Nang makita siya ni Zinc ay namilog ang mga mata nito. Nagulat din siya sa nangyari kaya mabilis siyang nagteleport muli at sa pagkakataong ito ay sa labas na ng kwarto siya nakarating. Ikinalat niya muna ang kanyang mga mata sa paligid bago nahanap ang daan pababa. Kaso hindi pa siya tuluyang nakakababa ay may humawak na sa braso niya. "Fate?" Nilingon niya ito at nakita niya si Zinc. "Paano ka nakapunta dito?" "Na—" ngunit bago pa man makasagot ay may lumabas mula sa kwarto kung saan nanggaling si Fate at Zinc kanina. "Mister Craig, hindi pa po tapos ang—" "Tapos na ang meeting. Uuwi na ako," ang lumabas ay si Cattleya, ang pansamantalang sekretarya ni Zinc habang wala si Pisces. "Pero Sir—" "Uuwi na ako," baritonong boses ang pinairal ni Zinc. Dahil dito ay wala ng nagawa si Cattleya para pigilan ang kanyang boss. Nang magbalik ang tingin ni Zinc kay Fate ay naabutan niya itong nakatingin sa babaeng nasa likod niya. "Ah, ito nga pala si Cattleya. Siya yung pumalit kay Pisces habang wala pa siya," tumango si Fate at nilapitan ang babae, kinamayan niya ito. "Masaya akong makilala ka," ngitian din siya ni Cattleya. "Ako din." Naputol ang ngitian nila nang pumagitna si Zinc. "Okay na iyan. Fate, halika na. May pupuntahan pa tayo." Hinarap ni Fate si Zinc at tumango din dito. Nauna na silang bumaba habang naiwan si Cattleya. Tumaas ang kilay nito habang sinusundan ng tingin ang lugar kung saan huling nanggaling ang dalawa. "Ako din. Natutuwa akong makilala ka, Fate. Sigurado akong hindi mo gugustuhing makilala kung sino talaga ako."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD