Kabanata 18

1807 Words
"Yes! Ito na nga!... Haven't I told you na huwag mo akong mamadaliin?... Yeah! Sabi ko nga!... Bwisit! Papunta na nga ako! Goodbye!" galit na ibinaba ni Zinc ang telepono at hinagis sa sofa. Tumawag kasi ang sekretarya niya at umagang-umaga ay ginising kagad siya nito at sinabing may meeting daw siya sa kliyente niya ng 10 AM. Ang plano pa naman sana niya ay pumasok sa trabaho ng alas dose dahil puyat na puyat talaga siya. Hindi niya pa natapos ang almusal niya at hindi pa naging maayos ang ritwal sa paliligo ay talagang badtrip na badtrip na siya umaga pa lang. "May iba ka pa bang gagawin bukod sa trabaho mo ngayong araw?" "Pupuntahan ko ang kapatid ko." "Si Helix? Bakit?" "Nakulong siya." namilog ang nga mata ni Fate dahil sa narinig. "Nakulong? Bakit?" "May ginawang hindi ko maintindihan tapos nabalitaan ko na lang na... nakulong siya at mukhang hindi na yata makakalabas." Huminga ng malalim si Fate. "Ako na lang ang bibisita sa kanya. Asikasuhin mo na lang ang trabaho mo." "Hindi ka papasok?" diretso ang tingin ni Zinc kay Fate. "Hindi. Baka bukas na lang." "Bakit? Dahil ba dito?" umiling si Fate bilang sagot kay Zinc. "Magkikita kami ni Hail mamaya. May ipapakita daw siya sakin." Nagtapat ang mga kilay ni Zinc. "Talaga? Tungkol ba iyan sa misyon mo?" "Sana." "Sana mapagkakatiwalaan siya." "Pinag... dududahan mo ba si Hail?" tumalikod si Zinc at bubuksan na ang pinto. "Alis na ako. Kapag umalis ka, siguraduhin mong maayos ang bahay. Tawagan mo ako... I mean kausapin mo ko sa... isip... kung may problema kapag nagkita kayo ni Hail-" "Hindi ba't nasa trabaho ka?" "Basta. Kahit nasa trabaho ako, kapag tumawag ka pupuntahan kita. Naiintindihan mo ba? Tsaka mamaya tatawagan din kita kung kamusta ang pakikipagkita mo sa kapatid ko. Sige na, alis na ako." "Mag-iingat ka." bago nagsarado ang pinto ay tumango si Zinc bilang sagot dito. Naglinis muna ng bahay si Fate bago siya nagdesisyong maligo at umalis. Sinabi na sa kanya ni Zinc ang address at kung paano makakarating dito. Wala naman ng problema kung mag-isa lang siyang pupunta, kaya niya namang sumunod sa direksyon. Pagkababa niya ng jeep ay tumambad sa kanya ang mataas ngunit luma na gusali. Pumasok siya sa loob at nagtanong sa front desk. Binanggit niya ang pangalan ng kapatid ni Zinc at inasistahan siya ng iilang lalaki na itim ang damit patungo sa lugar kung saan sila dapat na mag-usap. Pansin niya na habang naglalakad ay may mga ingay siyang naririnig. Mga nag-uusap na tao at hindi niya mawari kung saan ang ingay na nanggagaling. Pagpasok niya kasi ay hindi maitatagong napakatahimik ng gusali. Hindi nga aakalaing kulungan ito at may mga taong makasalanan na nahihimpil sa lugar. Binanggit din ni Zinc kay Fate noon dati bago tuluyang mahusgahan si Helix sa kanyang kaso ay kapag natuloy ang paghahatol ay hindi biro ang magiging kabayaran ng kasalanan ni Helix. Napuntahan na ni Zinc si Helix dati sa kanyang kulungan at sinabi na din sa kanya ng abogado ng kanyang kapatid ang lugar kung saan ikukulong si Helix kapag napatunayan ngang may ginawa ito-at ito ang lugar na kinatatayuan ni Fate ngayon. Tumatak sa isipan ni Fate na isa ito sa mga kulungan sa buong bansa na may mahigpit na seguridad. Kung ibinagsak ka dito ay wala na talagang pag-asa pang makalaya ka sa kaso mo. At dahil doon, nalulungkot si Fate hindi lang para kay Helix ngunit para na rin kay Zinc. Umupo siya sa isa sa mesa doon habang sa hindi kalayuan ay maraming mga lalaking naka-itim ang nakatingin sa kanya. Lumabas ang isang lalaki at sa kanya kaagad ang mga mata ni Helix natuon. Napansin ni Fate ang malaking pagkakapareho ng mukha ni Helix sa kapatid. Pareho sila ng mga mata, tila unang tingin pa lang ay wala ng pakialam sa mundo. Matangos din ang ilong. Ngunit nagkakatalo sila sa labi dahil manipis lang ang kay Helix at parang ginuhit lang ng isang linya. Mas matangkad si Zinc sa kapatid ngunit mas malapad naman ang mga balikat ni Helix. Dahil siguro sa tagal ng pagkakakulong ay humaba na ang buhok nito at ang bigote niya. "Ikaw ba ang pinadala ni Kuya para bisitahin ako dito?" Tumango si Fate habang sinasabi, "oo." Gumuhit ang ngisi ni Helix. "Busy na naman ba sa trabaho?" "May kinailangan kasi siyang gawin sa trabaho niya." "Higit na mas importante kaysa sa akin." "Ginoo, maniwala ka ginusto niyang nakapunta dito. Ngunit may kailangan lang talaga siyang tapusin. Hayaan mo, sasabihin ko sa kanyang pagkatapos ng kanyang gawain sa trabaho ay puntahan ka dito." Tumaas ang kilay ni Helix. "Nagbago na naman ba ang secretary ni Kuya? Paano natanggal si Pisces sa trabaho?" "Ah hindi. Si Pisces pa rin ang secretary ni Zinc. Kaibigan niya lang ako." "Kaibigan? Pero hindi kita kilala. New found friend?" Hindi nakasagot si Fate. Hindi niya naman kasi naintindihan ang huling sinabi nito. "Nagprisinta ako kay Zinc na ako na lang ang bibisita sayo dito." tumango si Helix sa kanya. "Kamusta naman ba siya?" "Maayos naman." "Nagtatanggal pa rin ba ng mga empleyado?" nagulat si Fate sa sinabi ng kaharap pero agad namang ngumiti. "Hindi na. Nagbabago na siya... paunti-unti..." "Nakatira pa rin ba siya sa unit niya? O lumipat na naman?" "Doon pa rin." "Yung Bean in book? Lumalago naman ba?" "Oo. Marami pa ring mga bumibisita at patuloy pa ring tinatangkilik." "Eh tuloy pa rin ba si Kuya sa pagsusulat? The last time I checked, ayaw niya na ah." "Kagabi lang nakita ko siyang sumusulat kaya nagpapatuloy siya." Tinitigan ni Helix si Fate, ineeksamina ang mga impormasyon na binibigay sa kanya ng bagong kilalang babae. "Hindi ka basta kaibigan lang ni Kuya dahil may alam ka sa nangyayari sa kanya. Umamin ka nga, syota ka ni Kuya noh?" Namilog ang mata ni Fate, hindi niya inisip na dadapo ang ideyang iyon sa kausap niya. "Syota?" "Oo. Nobya, kasintahan, jowa, girlfriend." Dug.dug Hindi pwede ito. "Ah... hindi. Magkaibigan lang kami ni Zinc." Tumaas ang kilay ni Helix. Sa kanyang ginawang ito ay naalala ni Fate si Zinc bilang ito ang paboritong ekspresyon ni Zinc kapag magkausap sila. "Talaga? Sa bagay, paano makakahanap ang isang iyon samantalang ganun ang ugali niya." Katahimikan ang nangibabaw sa kanilang dalawa. "Ano bang naging kasalanan mo?" Nag-iwas siya ng tingin sakin. "Iyan ang hindi sinabi ni Kuya sayo." Hindi kasi alam ni Zinc kung ano ang nangyari sayo. Nais sanang sabihin ni Fate ang pangungusap na iyon ngunit hindi niya alam kung ano ang maiisip o maisasagot ni Helix doon. "Hindi mo na kailangang malaman iyon." Natahimik ulit sila. Sinamantala ni Fate ang pagkakataon para basahin si Helix at nalaman niyang... "Wala ka ng pag-asang natitira sa puso mo." pagbibitaw ni Fate. "Ano?" "Hindi ka na naniniwala na makakalabas ka pa dito. Tinanggap mo na ang katotohanan." "Anong sinasabi mo?" "Ngunit sa kabila nito, may maling bagay pa rin na ipinaglalaban mo at hindi mo isusuko." "Baliw ka ba?" Huminga ng malalim si Fate. "Dapat mo ng bitiwan ang maling paniniwala mo dahil hindi ka tuluyang makakalaya. Tinanggap mo ng hindi ka makakalabas dito ngunit hindi mo tinatanggap ang iyong pagkakamali." Kumunot ang noo ni Helix. Bwisit. Pumikit ng mariin ang dalaga at pagdilat, "magtatagal ka dito at mahihirapan kang tanggapin nang tuluyan ang lahat. Pero kailangan. Iyon ang daang pinili mo. Magsisi ka man sa huli ay wala ka ng magagawa. Nahatulan ka na. At idadalangin ko na ang nangyaring ito sayo ang maghatid ng malaking pagbabago sa buhay mo." Tumayo si Fate. "Masaya akong makilala ka, Ginoong Helix." Pagkatapos ay umalis na siya at nagtungo sa lugar kung saan sila magkikita ni Hail. Ganoon pa rin ang itsura ni Hail sa tuwing magkikita sila ni Fate, naka-amerikanang itim at kurbata. "Pasensya ka na, Hail. Hindi ako makahanap ng oras para hanapin si Kin. Hindi ko alam kung saan magsisimula. Hindi ko alam na ganito pala kahirap ang misyon ko." Gumuhit ang ngiti kay Hail. "Ayos lang. Pero ito na ang huling pagkakataon na natutulungan kita. May hawak na ako para mas mapadali ang paghahanap mo kay Kin Norwester." Namilog ang mata ni Fate, "talaga?! Saan? Maaari ko bang makita?" Mula sa kanyang bulsa ay nilabas ni Hail ang isang diyamante, na inabot naman ni Fate. "Sinong gumawa nito?" "Naglakbay ako sa ibang lugar sa bahagi ng mundo. Nakakilala ako ng isang matanda at mabait na mahikero na naniniwala na mayroon talagang mga fairy. Tinulungan niya ako at siya ang gumawa nyan." patuloy pa ring tinitignan ni Fate ang bato. "Sa tuwing hahawakan mo iyan at itatapat sa iyong puso, iilaw iyan ng pula kung ang taong hinahanap mo ay wala sa iyong paligid. Kabaliktaran naman kung kulay asul ang lalabas. Asul din ang kulay na lalabas kung malapit sayo ang taong malapit din sa puso ng hinahanap mo. Ang halinbawa no'n ay pamilya niya." Hindi mapigilan ni Fate ang kasiyahan at niyakap niya si Hail. "Ang kondisyon lamang ay walang dapat makakita na sinumang tao ng kagamitang iyan. Kung mayroon ay magkakaroon ka ng karampatang parusa." "Pero... maaari ba akong gumamit ng kagamitan sa misyon ko? Hindi ba't bawal iyon?" Umiling si Hail. "Nalaman ko na hindi naman bawal. May mga fairy na nagpapagawa ng nga kagamitan para lang mapadali ang misyon nila. Walang perpektong nakagagawa ng misyon nila nang hindi gumagamit ng anumang tulong mula sa iba, Fate." "Eh ang pagtulong sakin, pinahihintulutan din ba nila ang bagay na iyon?" Tumango si Hail. "Oo. Huwag kang mag-alala, ako ang bahala." "Ito na ang huling pagkakataon na matutulungan kita. Huwag kang mag-alala, babantayan pa rin naman kita pagbalik ko sa taas. Dumating na ang oras para tumayo ka na sa sarili mong mga paa." Ngumiti si Fate. Ilang segundo lang ang nakakalipas ay parang usok na madaling naglaho si Hail sa harapn ng dalaga. Paano ito? Hindi ko alam kung paano ako makakauwi. Zinc? Kinagat ni Fate ang ibabang labi niya. Hindi niya maaaring gamitin ang kapangyarihan niya para makauwi sa unit ni Zinc. Pagbalik niya kasi doon ay maaaring manghina siya o mawalan siya ng malay. Alam niya kasi ang pagpunta sa lugar ng pinagkitaan nila ni Hail mula sa lugar kung saan niya nakita si Hail pero mula sa lugar na kinatatayuan niya pauwi ay hindi na. Ah... Zinc? Wala siyang nakuhang sagot mula kay Zinc. Pumikit siya, susubukan kung naririnig siya ni Zinc. Maaari mo ba akong... sunduin dito? Nasaan ka? Namilog ang kanyang nga mata nang marinig ang boses ni Zinc. Narinig siya ni Zinc! Narinig siya! Nasaan ka?! Pag-uulit ni Zinc. Naramdaman ni Fate ang lakas, taas, at galit sa boses ni Zinc kahit sa isip lang sila nag-uusap. Dito sa... Pagkatapos banggitin ni Fate ang lugar kung nasaan siya, isang pahayag lang ang narinig niya sa kanyang isip. Sige. Pupuntahan kita. Huwag kang aalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD