bc

That Fairy and Me

book_age12+
121
FOLLOW
1K
READ
fated
fairy
drama
twisted
sweet
bxg
goblin
office/work place
magical world
first love
like
intro-logo
Blurb

Si Fate, isang fairy, ay nabigyan ng misyong hanapin ang isang lalaki sa mundo ng mga tao at tulungan ito sa kahit anong posibleng paraan.

Zinc Craig, a writer, wala namang mahalaga sa kanya. Paulit-ulit lang ang buhay hanggang sa mabangga niya ang babaeng iyon na naging simula ng koneksyon nila. Natuto siyang magkaroon ng pakialam sa mga tao, lalo na sa fairy na iyon na walang ginawa kundi ang pasakitin ang ulo niya.

Unti-unti nagagawa ni Fate ang misyon niya habang nakatira siya sa puder ni Zinc. Unti-unti, nararamdaman ni Zinc ang pagbabago sa kanya dulot ng isang fairy. Isang fairy. He shouldn't have cared for that woman, but he already did. And now he's falling for her at umaasa siyang ang kwento nila ay tulad lang din ng mga istorya sa libro na nagtatapos sa happily ever after. Posible nga bang pagbigyan ang pag-iibigan nilang dalawa? Or not because remember, this should not be a love story.

chap-preview
Free preview
Kabanata Isa
THIRD PERSON POV "Sir, gusto po talaga ng Books and Pages na ma-publish yung story niyo," sabi ni Pisces kay Zinc. Nakaharap na ito at gustong-gustong kumbinsihin ang boss niya na hayaang i-publish ng Books and Pages Publishing Company ang libro ni Zinc. "Pisces, binastos nila ang pagkatao ko. Tingin mo hahayaan ko pa sa kanila ang gawa ko?" nakakunot na ang mga noo ni Zinc habang nagmamaneho. Pinipilit niyang ipaintindi sa secretary niyang si Pisces ang nangyari at ang kanyang desisyon. "Pero Sir, pumunta na po ng personal sa inyo ang empleyado ng Books and Pages para mag-apologize. Pati na rin yung boss nila, nag-sorry na rin sa inyo. Ano pa bang—" nahinto si Pisces sa pagsasalita dahil tinitigan siya ni Zinc ng matagal. Tama lang para mapansin ito ni Pisces at matakot sa ginawa ng mas nakatataas sa kanya. Wala namang problema sa ginawa ni Zinc na iiwas muna ang tingin sa kalsada dahil gabi na at ang binabagtas nilang daan ay iyong walang masyadong nagagawing sasakyan para hindi traffic. "You're not speaking according to your shoes," mala-awtoridad ang boses ni Zinc dahilan para matigilan sa gilid si Pisces. Ito ang tonong laging iniiwasan ni Pisces mula sa kanyang boss. Alam kasi ni Pisces na kapag nagsalita nang ganito si Zinc, seryoso na ito, may bahid nang galit, at desidido na sa desisyon niya. "P-pasensya na po, Sir," nakatungong paumanhin ni Pisces. Takot din kasi itong mawalan ng trabaho. Kahit sabihin na nating tatlong taon na siyang nagtatrabaho bilang secretary ni Zinc, hindi pa rin maalis sa isipan niya na isa sa mga taong kinatatakutan ang kanyang boss sa opisina nila. At kapag galit na ito—na hindi naman bago, posibleng anumang minuto, mawalan siya ng trabaho. Matagal nang magkasama sa trabaho si Zinc at Pisces, kung may makakakita nga lang sa kanila na hindi nakakakilala sa kung sino talaga sila, hindi malabong isipin na magkapatid na sila. Sa tatlong taon kasi ng pagsunod ni Pisces kay Zinc, alam na nito ang gusto at ayaw niya, ang pwede at ang bawal, at ang tama at ang mali-sa isip ng boss niya. At dahil doon, batid naman ni Pisces na may iilang taong kung magkikita silang magkasama ay aakalain silang may relasyon na dalawa. Pero hindi na iniisip ni Pisces iyon dahil ang totoo niyan, hindi rin naman dahil sa trabaho niya gustong manatili, kundi dahil na rin mismo sa kalagayan ng buhay ni Zinc. Kahit pa madalas ang pagsigaw sa kanya, pagpapalayas sa opisina, at minsan ay binabantaan na nga na tatanggalin sa trabaho, pinili niya pa ring manatili rito. Kasi alam niyang kapag nagresign siya at naghanap siya ng bagong trabaho, sino naman ang papalit sa kanya? Sino ang tatanggap kay Zinc at sa mga ugali nito? Sino ang magmamalasakit dito? Kaya kapag sinisigawan siya ng boss niya, iniisip niya na lang na nagpapasalamat sa loob-loob ang boss niya dahil nananatili pa rin ito. "Ulitin mo pa ulit ang sinabi mo kanina at tatanggalin na kita." "Hindi ko po talaga sinasadya, Sir. Nadala lang po ako kasi—" *beeeep* *buuuug* "f**k!" nagpakawala ng malutong na mura si Zinc at hininto ang sinasakyang kotse. Nasa kalagitnaan kasi ng pagsasalita si Pisces nang biglang may tumawid na babae at hindi sinasadyang nabangga nila ito. Agad na lumabas ang dalawa. Nagkukumahog na nilapitan ni Pisces ang babaeng nakaupo sa lupa. Malapit na malapit ang distansya nito sa sasakyan ni Zinc, patunay na nakabangga nga talaga ang may-ari ng sasakyan. "Are you hurt?" hindi man lang lumalapit si Zinc sa babae. Nakatayo lang ito sa gilid ng sasakyan, kumpara sa posisyon ni Pisces na tila nag-aalala talaga. Ilang segundo ang lumipas ngunit walang sagot na natanggap si Zinc mula sa babae. Tila walang narinig. Bingi yata siya, isip ni Zinc. Nag-aalangan na tumingin si Pisces kay Zinc, siya yata ang nahiya dahil sa tinuran ng babae. Ramdam ni Pisces na hindi nagustuhan ni Zinc ang ginawa ng babae na hindi pagsagot kaya naman siya na lang ang nagtanong. "Nasaktan ka ba, miss? May galos o sugat?" Nag-angat ng tingin ang babae kay Pisces. Ngumiti at sinabing, "a-ayos lang ako." Nang maramdamang tatayo ang babae, inalalayan siya ni Pisces. Ginawa na rin iyong pagkakataon ni Pisces para tignan kung may natamo nga bang sugat ang babaeng nabangga ng boss niya. "Ayos ka lang ba talaga?" tanong ni Pisces matapos makitang medyo nahihirapan pang maglakad ang babae. Dala-dala nito ang telang nagsisilbing balot sa mga gamit nito. Naka-krus lang ang mga bisig ni Zinc habang tinitignan ang babae. Hindi niya masyadong makita ang kabuuang mukha nito dahil natatakpan ito ng mahahabang hibla ng buhok. "Salamat sa pag-aalala, ginoo," ngumiti ang babae at ipinagpatuloy ang kanyang naudlot na paglalakad kani-kanina lamang. Samantala si Zinc at Pisces, nagulat yata sa kanilang dalawang bagay na narinig. Ang una ay ang pagpapasalamat ng babae kahit na nasaktan na ito. Kahit sila ang nakabangga, hindi pa rin makatarungan na magpapasalamat pa sa kanila ang babae. Parang... parang may mali, isip nila. At ang pangalawa ay ang pagtawag kay Pisces na 'ginoo'. Parang naging big deal ang pagtawag ng ganoon dahil hindi na iyon madalas marinig sa mga tao ngayon lalo na't nasa siyudad sila. Nang matauhan si Zinc, bumalik na siya sa loob ng sasakyan. "Halika na, Pisces." Binuhay niya ang makina dahilan para magising si Pisces at magmadali sa pagsakay sa kotse. "Sir, hindi ba natin siya dadalhin sa ospital? Sigurado akong nasaktan siya," bungad ni Pisces. Sigurado rin si Zinc na nasaktan ang babae pero gaya nga nang sinabi ng babae... "She said she was not hurt. Let it be." Isa pa, ayaw ko nang aalalahanin, bulong ni Zinc sa sarili. Nagsimula nang tumakbo ang sasakyan nila pero hindi no'n napigilan ang atensyon ni Pisces sa babae at ang pag-aalala niya rito. "Pisces, stop that," wika ni Zinc. Tinigilan ni Pisces ang ginagawa niyang paglingon sa babae kahit pa umaandar na ang kotse nila. Kunot-noo at lihim na sinilip ni Zinc ang babae sa side mirror. Nakita niya itong nakaupo lang sa gilid ng kalsada, palingon-lingon lang at parang palaboy sa daan. Pero hindi naman siya mukhang palaboy o nanlilimos. Hindi siya madumi, sadyang ang pananamit niya lang talaga ang kakaiba. Ganoon din ang nasa isip ni Pisces, hindi basta-basta ang babae. Ang porma nito ang nakapagpabagabag sa kanilang dalawa. Paano ba naman kasi, mahaba ang palda na suot ng babae na umaabot hanggang sa paa. Ang itsura pa ng palda niya ay halintulad sa itsura ng mga kumot. Tapos, mahaba ang damit nito at halatang malaki sa kanya. May balabal pa siya na nakalagay sa leeg. Nagmukha siyang si Maria Clara kung tutuusin. O kaya'y nanggaling sa nakaraan at napadpad sa kasalukuyan. Natawa na lang si Zinc nang maisip 'yon. Imposible. "Tumawag nga po pala kanina si Sir Dean." Lumingon si Zinc kay Pisces, "si Dean? Bakit? Ano na namang sabi no’n?" "Nagback-out daw yung model na babae na nakuha niya. Pero yung lalaki nandoon pa rin po. Umayaw na raw po eh." "Bakit?" "Masyado raw maliit yung bayad. Gustong lakihan. Tapos nang tinawagan na siya para sabihing pumapayag na yung kompanya sa hiling niya, sabi niya hindi na daw swak yung schedule niya sa magiging schedule kung kailan natin siya kukunan." "Ano?!" "Opo, at sir..." pinigilan ni Pisces na ‘wag kabahan sa sasabihin niya sa boss niya. "Ano?" "Kayo na raw po ang kumuha ng model o tao na papayag. Yung walang sabit daw po." "Ano?! Eh trabaho nga niya na maghanap ah?!" "Oo Sir pero sabi niya, gusto niyo naman raw tumaas yung posisyon niyo sa kompanya, edi ito na raw yung oras para kumilos kayo at magpasikat sa mga nakatataas." Zinc smirked. Napa-iling na lang siya. Palpak na naman kasi kaya sa akin ipinapasa ang trabaho. Mga bwisit. "Sir, may naisip po ako." "Ano?!" "Kung... kunin po kaya natin yung babae kanina. Kasi tingin ko po—" biglang napa-break si Zinc dahilan para huminto ang kotse. "Nag-iisip ka ba? Pupulot ka ng tao na sa kalsada mo lang nakuha?" "Sir, kasi nakokonsensya po talaga ako. Kung kukunin po natin siya, ito na po yung magsisilbing kabayaran natin sa pagkakabangga sa kanya." "Gusto mo bang pumalpak ako? Hindi pwede. Ayoko. Hindi ko itataya ang pangalan ko oras na magkamali 'yon." "Sir, bukas na kikilalanin ni Sir Aian yung model. Siguro by now, sinabi na ni Sir Dean na ikaw ang maghahanap. Wala na po tayong oras para maghagilap pa nang mas pwede sa oras na 'to. Kapag nalaman ni Sir Aian na wala kayong napakita sa kanya..." kahit hindi tinapos ni Pisces ang sasabihin niya, alam na ni Zinc ang susunod dito. Knowing Sir Aian na mas mataas ang hinahawakang posisyon sa kompanya nila, magagalit 'yon. Lalo pa ngayon na may naging away ang dalawa. Posibleng mapag-initan siya. "Sir, kapag nagkaproblema sa pag-shoot sa kanya, edi... ano... pagkatapos, sisantihin niyo ko. O-okay lang 'yon at least may naiharap kayo kay Sir Aian at kay Sir Dean," hindi nawawala ang lukot na noo ni Zinc. Ayaw niya ang sinabi ng assistant niya pero ayaw niya ring mapahiya siya sa harap ni Sir Aian. "Pisces." "Sir..." pagpilit ni Pisces sa boss niya. Nakatingin lang sa harap si Zinc, nakahinto naman ang sasakyan nila kaya nakakapag-isip siya ng maayos. "Promise, Sir. Maghahanda na ako ng resignation letter kung..." Istrikto ang boss ng kompanya nila na si Aian. Magkasing-edad lang sila ni Zinc. At tulad din nito, mataas ang standards niya at mapuna sa mga empleyado. Matagal nang may girian sa pagitan nila, nagkakainitan. At ito namang si Dean, alam niya ang tungkol sa pag-aaway ng dalawa, at dahil gusto niya ring mapatalsik si Zinc sa posisyon kaya gumagawa siya ng paraan para mailagay si Zinc sa panganib at mahantong sa pagkakatanggal sa trabaho. Kung mamalasin sila sa pagpili sa magiging model sa commercial, alam ni Zinc ang magiging kapalit. Isa sa kanila ni Pisces ang aalis sa trabaho. Ganoon ang mangyayari kaya ganoon na lang din ang pag-init ng ulo nito nang marinig na ipinapasa sa kanya ni Dean ang gawain nito. Ang kapalpakan nito. "Sige," nakagawa nang desisyon si Zinc. Pumapayag na siya sa sinabi ni Pisces. Pero panigurado na matatanggal na sa trabaho si Pisces, walang duda iyon. Iniatras ni Zinc ang kotse at ibinalik sa kung saang lugar nila huling nakita ang babaeng nabangga kanina. Matinding sugal ang gagawin niya—nila ni Pisces actually. Hindi naman sa pagmamaliit pero ang kailangan kasi at ang malinaw na standard ni Aian ay dapat yung maganda, maayos manamit, at may experience. Dahil brand ng mamahaling damit ang imo-model at ibinebenta nila at hindi pwedeng malaman ni Aian kung saan lang nila nakilala ang babae dahil paniguradong tatanggihan niya ito. "Ikaw ang bumaba. Kausapin mo," utos ni Zinc. Agad na bumaba si Pisces para kausapin ang babae. Habang nasa labas ang secretary, napasandal na lang siya sa kanyang upuan at minasahe ang ulo. Gabing-gabi na, gusto na niyang umuwi ngunit panibagong problema na naman ang kakaharapin niya. Jusko naman. Matapos ang ilang minuto, narinig niyang bumukas ang pintuan sa likuran niya at nakita niyang pinaupo ni Pisces ang babae. Tapos nagmadaling tinungo ni Pisces ang passenger seat. "Pumayag?" "Opo. Pero kailangan muna nating dalhin siya sa ospital, Sir." Tumango si Zinc. Hindi niya alam ang ginagawa niya, seriously. Dahil kung alam niya, hindi siya papayag, ‘di tulad ngayon. Ilang minuto ang nakalipas nang nakarating sila sa pinakamalapit na Hospital pero malayo pa lang nakita na ni Zinc ang mga ambulansyang nakaparada at maraming isinusugod na sugatan at duguan. "Hala, anong nangyari?" pag-uusisa ni Pisces. "Hindi tayo pwede rito. Marami silang aasikasuhin," sabi ni Zinc at nagsimulang paandarin ang sasakyan. "Eh Sir, saan tayong ospital ngayon? Yung susunod na ospital dito, thirty minutes pa ang byahe." "May nakita ka bang dugo na lumabas sa kanya kanina?" tanong ni Zinc kay Pisces, tinutukoy ang babae. "Wala po." "Kung ganoon, baka sugat na lang ang natamo niya. Pwede namang tayo na lang ang gumamot no’n." *rrriiing* Kinuha ni Pisces ang tumutunog na phone niya sa bulsa at sinagot. "Hello? Ano? May lagnat? Sige sige, nasaan kayo? Okay bye," pagkatago na pagkatago ni Pisces sa phone niya, tumingin siya kay Zinc at nagsalita. "Sir, kailangan po ako ng misis ko. Yung anak ko may lagnat. Isinugod sa ospital. Wala si mama para tulungan siya eh," akmang lalabas na si Pisces sa pintuan nang pigilan siya ni Zinc. "Ano?! Eh teka, sinong mag-aasikaso sa babaeng 'yan?" Nagtitigan ang dalawa. Yung mukha ni Pisces nagmamadali na at nakikiusap siya na si Zinc na lang ang bahala sa babae. "Sir... kailangan ko nang pumunta baka kung anong nangyari sa anak ko," pagmamakaawa ni Pisces. Haaay. Kung minamalas ka nga naman, ani Zinc sa sarili. "S-sige," wala sa sariling sagot ni Zinc sa kanya. Hudyat para magpaalam na siyang umalis at sumakay sa taxi. Ngayon, si Zinc na lang at ang babae. Kinakabahan na siya sa pwedeng mangyari. Malay ba niya kung ano ang intensyon ng babae. Baka masamang-loob pala ito, naghihintay lang ng tamang pagkakataon. Saan ba niya pwedeng dalhin ang babae gayong bawal ito sa bahay nina Pisces? Naalala niya, kapag dinala niya ang babae kina Pisces, kahit alam niyang mabait ang asawa nito, hindi maiiwasan na magseselos pa rin. Kung kay Manang Lita naman, marami ang mga maiingay na bata roon at squatter area pa. So he ended up deciding na sa condo niya na lang dalhin ang babae. Pero tinawagan niya muna si Manang Lita para papuntahin sa condo niya, sandali lang naman daw. Si Manang Lita, maliban kay Pisces, ang isa pang tumutulong sa kanya. Parang katulong niya ito pero pinapapunta niya lang ito kapag kailangang linisin ang bahay, ayusin ang gamit, pumunta sa palengke para ibili ng mga pagkain, at iba pa. Hindi niya na pinatuloy si Manang Lita sa bahay dahil ayaw ng asawa nito, at syempre pang-isang tao lang talaga ang condo niya, isa pa ayaw niya rin ng may kasama, sanay na siyang mag-isa. Tanging ang aso niya lang na si Caramel ang kasama niya, ang kausap niya. Huminto na sila sa harapan ng isang mataas na gusali. Lumabas si Zinc at kinuha ang susi. Naglakad na siya without commanding the girl to go out. Basta bumaba na lang siya. Malayo na ang nalalakad niya nang wala siyang naririnig na yabag mula sa likuran. Tahimik. Kunot-noo siyang napalingon at napatingin siya sa kotse niya. Nandoon ang babae, nakatingin din sa kanya. What the f**k, akala ko sumusunod siya. Inis siyang bumalik sa sasakyan niya. Tumayo siya sa gilid ng pintuan at hinintay ang babaeng buksan ang pinto mula sa loob. Pero nang ma-realize na walang planong gumalaw ang babae, mas lalo pa siyang nainis at nalukot ang mga noo. Hindi niya ba makuha na dapat na siyang lumabas? f**k. Dahil sa inis, siya na mismo ang nagbukas ng pinto para sa babae, "baba," wika niya. Nang bumaba ang babae, natisod pa ito at muntik nang masubsob sa lupa pero ngisi lang ang naging responde ni Zinc doon. Sinarado niya ang pinto at naunang maglakad sa babae, "sumunod ka sa’kin." Tahimik silang naglalakad. Walang paglingong ginawa si Zinc sa babae. Tuloy-tuloy lang ito at walang hinto. Hanggang makarating sila sa palapag kung saan nandoon ang condo ni Zinc. "Lumayo ka muna," wika ni Zinc sa babae nang mag-e-enter na siya ng passcode sa condo niya. Ginawa ng babae ang sinabi ni Zinc at maayos na nabuksan ang condo niya. Pagbukas niya, nakita niya kaagad si Caramel na natutulog. Pinapasok niya ang babae. Nang pinapasok niya ito, laking ginhawa ni Zinc nang hindi umupo ang babae sa anumang upuan sa condo niya. Nanatili lang itong nakatayo, kumpara kanina nakaangat na ang ulo nito pero hindi niya pa rin makita ng buo ang mukha nito dahil natatakpan ng buhok. Hindi man lang mag-ayos. Tsk. Kumuha si Zinc ng bangko at doon pinaupo ang babae. Naupo rin siya sa sofa at humarap dito. "Your name?" tanong ni Zinc. Hindi siya kinibo ng babae. Walang sagot. Tila wala na namang narinig. Bakit ba kapag ako ang nagsasalita, hindi niya ako sinasagot? Bwisit. "Anong pangalan mo?" tinagalog na ni Zinc para maintindihan ng babae. Sana naman sumagot na ito. "F-fate," mahinang sagot ng babae. "Ano?!" "Fate," mas malakas. "Surname?" At muli, wala siyang natanggap na sagot, "apelyido?" "W-wala akong... a-apelyido." "Ano?" nakakunot-noo na naman ito. Naiinis na sa nangyayari. "Saan ka galing? Anong lugar?" "Hindi ko alam, ginoo." "Ano?" "Hindi ko alam kung saan ako nagmula." "Anong sabi mo? Nasaan ang mga magulang mo?" "Wala—" natigil sa pagsasalita ang babae nang tumunog ang doorbell. Tumayo si Zinc para buksan ang pinto. "Manang Lita." "'Kay gabi na, pinatawag mo pa ako. Mabuti na lang at nakahanap kagad ako ng sasakyan papunta rito. Bakit—" nahinto ang pagsasalita ni Manang Lita nang makita niya ang babaeng nakaupo sa bangko. "Sino siya, Zinc?" "Nabangga ko, Manang." "Oh! Nabangga mo? Edi dapat dinala niyo sa ospital! Baka nasaktan siya!" "Pagdating namin sa Hospital may mga sinugod na sugatan at duguan eh kaya tingin ko hindi siya maaasikaso roon." "At kaya kita pinapunta rito para ikaw ang gumamot sa kanya, tapos..." hinila ni Zinc si Manang Lita palayo sa babae. "Balak kasi namin—actually plano ni Pisces na para makabawi sa babaeng 'yan, kukunin namin siyang model sa gagawing commercial para sa produkto namin," dagdag ni Zinc. "Pumayag na ba?" "Manang, kasi... tingin ko... hindi pa sinabi ni Pisces bago siya umalis ang tungkol doon. Nagdududa ako." "Kaya ako ang gusto mong magsabi sa kanya?" "Oo." "And I want you to get some personal information about her." "Okay." "Tapos Manang, pakisabihan niyo na ring kailangan niyang maligo. Ayokong nagpapapasok ng madumi dito sa bahay," tapos pumasok si Zinc sa kwarto para magpalit ng damit. Ginawa na ni Manang Lita ang utos ni Zinc. Nang matapos si Zinc sa pagpapalit, nasa bathroom na ang dalawa. Inasikaso niya muna si Caramel tapos ay humarap sa computer. Nagcheck siya ng email at naisipang i-search ang pangalan ng babae. Kaso... Ano bang inaakala ko? Eh hindi nga siya nagbibigay ng full name niya. Stupid, Zinc. Nang ma-realize na katangahan lang ang ginagawa niya, tumigil na siya at nagluto ng pagkain. Nakaluto na siya, napakain na si Caramel, nakahugas ng mga pinggan, halos maikot na niya ang buong condo niya sa pag-iisip kung sakaling pumalpak sila sa babae at matanggal si Pisces. Sinong ipapalit niya rito? Haaay. Isusugal ko pa yata si Pisces para lang sa babaeng hindi ako sigurado. Hindi na siya nakatagal at pumunta na sa labas ng bathroom, "Manang Lita, ang tagal naman yata? Hindi pa ba tapos?" "Sandali na lang, Zinc!" sigaw ni Manang Lita dahil malakas ang lagaslas ng tubig sa shower sa loob. Zinc sighed. Naupo siya sa sofa niya. Ilang minuto siyang naghintay pero nauwi lang siya sa pagkainis. Hindi nagtagal, hindi na niya nakayanan ang antok at pumasok na siya sa loob ng kwarto. At doon, nakatulog siya. Sinong mag-aakala na magpapatuloy ang isang Zinc Craig ng isang babaeng hindi niya naman kilala? Ni ang kapatid niya nga ay hindi niya pinapapasok kapag nagkikita sila, tapos babae pa?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
188.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.8K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
142.0K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
43.4K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
44.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
180.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook