Kabanata 14

1511 Words
Nakarating na sina Fate at Zinc sa condo unit. Sumalampak kaagad sa sofa si Zinc habang si Fate naman ay nakatayo at pinapanood si Zinc. Nang maramdaman ni Zinc na pinanonood siya ni Fate ay umayos ito ng upo. "Umupo ka nga." Tumayo si Zinc at nagluto ng makakain nila. Ang sofa na kanina ay inuupuan niya ay pinwestuhan na ni Fate. "Ano, sasama ka ba sa kanya?" "Kami lang bang dalawa?" "Oo. Hindi ako sasama, marami akong gagawin sa trabaho sa araw na 'yon." "Ah, sige. Sasama ako," tumayo si Fate at pumasok sa banyo. "Sasama ka, kahit wala ako?" hindi makapaniwalang tanong ni Zinc. "Oo naman. Mabait si Aian. Makakapalagayan ko siya ng loob, malinaw ang bagay na iyon." Tumaas ang kilay ni Zinc sa narinig niya. "Sige, sasabihin ko kay Aian na pumapayag ka." Lumabas si Fate sa banyo at sinisipat ang mga magazine na nasa ilalim ng center table. "Babalik ka pa ba sa trabaho mo mamaya?" "Hindi na. Bakit?" "Wala lang. Naisip ko kasi na baka kung babalik ka ay babalik din ako sa Bean in book." "Tss." "Pumunta ka lang ba sa Bean in book para sabihin sakin ang bagay na 'yon?" Mabilis na tinaasan ni Zinc ng kilay si Fate. "Duh. Hindi noh. Nabalitaan ko kasi yung nangyari sayo at sa babaeng customer. Binalita sakin kanina ng manager kaya pumunta ako sa Bean in book." Nalaman niya. "Papaalisin mo na ba ako sa trabaho?" Hindi napigilan ni Zinc na lingunin si Fate, "ano, bakit?" "Kasi gumawa ako ng hindi maganda sa Bean in book. Baka... paalisin mo na ako sa trabaho." "Huwag ka ngang paranoid! Ipinaliwanag na sakin ng manager ang nangyari. Kung may nagkasala, hindi ikaw 'yon! Maliban na lang doon sa pagkakadulas mo. Talagang magagalit ang customer no'n lalo na dahil sa harapan ka pa niya nadapa. Lampa talaga." Nais pa sanang depensahan ni Fate ang sarili niya laban kay Zinc ngunit naisip niyang wala namang magbabago kung sasabihin pa niya ang totoo. Nangyari na ang nangyari. Tapos na. Kung nadulas man ako, iyon ay hindi dahil sa kapabayaan ko o kahinaan. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ngunit alam ko at nararamdaman ko na may ibang pwersa ang kumokontrol sa paligid ko kaya ganun. "Kumain na tayo," anang Zinc. Naghain si Zinc ng sinigang at kanin. Habang kumakain ay hindi mapakali si Zinc dahil wala pa sa hapag si Fate at tila may hinahanap sa ref. "Ano bang ginagawa mo?" "Sandali, may-ayun!" naglapag si Fate ng ketchup at toyo sa mesa. Tapos naglagay siya ng sabaw sa kanin niya at pagkatapos ay akmang maglalagay ng ketchup sa ibabaw ng sinabawang kanin nang pigilan siya ni Zinc. "Wait lang, maglalagay ka ng ketchup at toyo sa kanin na pinaliguan mo na ng sabaw? Baliw ka ba?!" "Bakit? Noong huling beses na ginawa ko ito ay naging masarap naman. Anong problema at bawal kong lagyan ang pagkain ko ngayon?" "Tss. 'Wag! Hindi mo magugustuhan ang lasa kapag ginawa mo 'yan!" "Ginoong Zinc—" "Tss. Hindi nga pwede! Tsaka... tsaka may nabalitaan din ako na kapag pinagsabay mo ang dalawa o kaya madalas mong sinasabay sa pagkain mo ang isa man sa mga 'yan ay magkakasakit ka!" parang biglang video na mabilis na nagplay ang kwinento ni Hail kay Fate kaya natigilan ito. Yung nabalitaang fairy na naging tao at dahil hindi kinaya ng katawan kaya naman ito ay namatay. "Talaga?" "Oo. Kaya kung ako sayo ay huwag na," pagsisinungaling ni Zinc. "Sige," tapos si Zinc na ang naglayo ng ketchup at toyo kay Fate para hindi na niya ito magalaw. Tsaka mahal ang ketchup at toyo kaya kung isasabay niya lang sa pagkain ay huwag na. Baka mabilis na maubos ang mga iyon at panibagong gastos na naman kapag bumili ako. Tahimik ang paligid at ni isa man sa kanilang dalawa ay hindi nagsasalita. Kapag tumitingin si Zinc kay Fate upang tignan ang ginagawa nito ay laging kunot ang noo. Tumayo si Fate at nilagay ang pinagkainan sa lababo. Tapos binuksan ang TV at pinako ang mata doon. "Hoy, hindi ka pwedeng magbukas ng TV. Sayang sa pera 'yan!" pinatay ni Fate ang TV at umupo sa sofa. Ano kayang maaaring gawin? "Bawal ba talagang bumalik sa trabaho?" Naghugas si Zinc habang si Fate ay walang magawa. "Bakit ba gusto mong bumalik?" "Wala kasi akong magawa. Naisip kong sayang naman ang oras ko dito sa mundo niyo kung wala akong ginagawa kaya maigi siguro kung babalik ako doon." "Wala kang magawa? Oh, halika rito at ikaw ang maghugas!" "Sige," tumayo si Fate at tumabi kay Zinc. Hahawak na sana siya ng plato nang pigilan siya ni Zinc. "Anong gagawin mo?" "Maghuhugas gaya ng sinabi mo." "Hindi! Doon ka!" "Anong gagawin ko?" Huminga ng malalim si Zinc at bumaling kay Fate. "Maligo ka! May pupuntahan tayo!" "Saan?" "Hindi ba't sinabi mong ayaw mong sayangin ang oras mo dito sa mundo namin? Kaya may pupuntahan tayo." "Sige," mabilis na naligo at nag-ayos si Fate. Simpleng blue long sleeve at skaters. Matapos ang paghuhugas ni Zinc ay nag-ayos din siya. "Nasaan tayo?" Hindi pinansin ni Zinc ang tanong ni Fate. Hanggang sa makita niyang papasok ang kotse sa malaking gate. Awtomatikong nagbukas ang gate at tumambad sa kanila ang napakalawak na halamanan. Tila isang paraiso na namumukadkad sa ganda. Hindi nagtagal ay bumaba si Zinc kaya naman sumunod si Fate. "Nasa Secret Garden tayo." "Secret Garden," muling sambit ni Fate sa pangalan ng lugar. Natuwa pa siya nang may lumapit sa kanyang paru-paro at nakikipaglaro sa kanya. Hindi lang sila ang tao sa lugar. Mayroon din ditong magkasintahan, pamilya, magkakaibigan, at may mga nag-iisa din naman. "Dito ako pumupunta kapag gusto ko ng tahimik na lugar," malawak ang lugar. Kahit saan mo ituon ang iyong paningin ay nangingibabaw pa rin ang kulay luntian na kapaligiran. Marami ang mga halaman, uri ng bulaklak, puno, at sa di kalayuan ay may hagdan na pwede mong akyatin papunta sa itaas na bahagi ng malaking hardin. "Gusto ko dito." Ako rin, ani Zinc. "Nagpupunta dito ang mga tao kapag gusto nila ng natural na lugar, at gusto din nilang maalala ang itsura ng mundo bago pa ito humantong sa kasalukuyang mundo ngayon. Nakakatuwa na mayroon pang mga lugar na ganito ngayon. Pero nakakalungkot din na bibihira na lang ang ganito," nais mang pansinin ni Fate ang bagong tono ng boses ni Zinc na kanyang narinig ay ayaw na muna nitong sirain ang ganda ng eksena. "Ano iyon?" tinuro ng babae ang maliit na sapa sa di kalayuan. "Maliit na tulay. Bakit?" "Talaga? Halika, gusto kong puntahan 'yon!" bago pa maka-react si Zinc ay nahila na siya ni Fate. "Ang saya!" hindi mapigilan ni Fate ang emosyon habang tumatakbo papalapit sa munting tulay. Dahil sa bilis ng takbo ay nabitiwan niya ang kamay ni Zinc at parang batang umiikot-ikot at nakataas pa ang kamay dahil sa tuwa. At ang naiwang si Zinc ay nakakrus lang ang mga braso habang pinapanood ang ginagawa ng babae. Hindi ako makapaniwala na ibinahagi ko sa kanya ang isa sa mga espesyal na lugar sa puso ko. Damn. Pinanood ni Zinc si Fate habang nakangiti itong naglalakad sa maliit na tulay. Kailan nga ba ang huling punta ko dito? Noong nakaraang taon pa yata. Hindi na rin kasi niya halos matandaan ang detalye ng pagpunta niya sa nasabing lugar dahil marami siyang ginagawa at iniisip. Marami na rin ang nagbago at mas dumami ang mga taong bumibisita dito. Ma-picturan nga. Kinuha ni Zinc ang cellphone na nasa bulsa at kinuhanan ng litrato ang paligid. Para kahit nasa bahay ako at hindi ko magawang makapunta dito ay magiging mapayapa ang kalooban ko dahil sa mga halaman at bulaklak. "Ginoong Zinc, dito!" winagayway ni Fate ang kanyang kaliwang kamay. Noong una ay hindi naunawaan ni Zinc ang sinabi ni Fate ngunit sa huli ay nabatid niyang gusto nitong kumuha siya ng litrato niya kasama ang lugar. Ginawa pa akong photographer. Tss. "Okay na!" inis na tinago ni Zinc ang cellphone at naglakad din papunta kay Fate. "Paano mo nalaman ang lugar na ito?" nasa gitna sila ng tulay, ang pinakamataas na bahagi. Pareho silang nakatingin sa maliit na sapa sa ibaba. "Basta. Paborito ko na ito dati pa." Ito na siguro ang perpektong lugar na napuntahan ko sa mundo niyo. Salamat, Ginoong Zinc. Nagulat si Zinc nang may magsalita sa isipan niya. Boses iyon ni Fate kaya napatingin siya dito, na kasalukuyang nakatingin din sa kanya at nakangiti pa. "I-ikaw y-yung..." Fate chuckled. Bumaba ito ng tulay at iniwan si Zinc na gulat pa rin. "Bakit parang nagugulat ka pa rin sa ginawa ko, Ginoo?" nilakasan ni Fate ang boses niya upang marinig siya ni Zinc na nasa itaas. Kasabay ng pahayag na iyon ay ang tawa ng babae. "Ang mga tao talaga," bulong niya. Nakakalimutan mo yatang isa akong fairy, Ginoong Zinc. Kahit na dumaan sa isipan ni Zinc ang huling sinabi ni Fate at sinabayan pa niya ito ng tawa ay hindi maikakailang sa isip ni Zinc, hindi biro iyon. Hindi magiging biro iyon kailanman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD